Share

Chapter 2

     DAMON Monteverde, the handsome businessman and famous owner and CEO Billionaire President of the Sapphire J-well, a famous Jewellry Company in the whole of Asia. He's a half Filipino-half American, and he has a good look, kaya hindi kataka-takang lapitin siya ng mga babae.

Dahil si Damon lang naman ang nag-iisang anak ng kaniyang mga magulang ay sa kaniya ipinamana ng mga ito ang Sapphire J-well, na dating mina-manage ng kaniyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito.

Pero sa kabila ng karangyaan at tagumpay niyang nakamit sa buhay ay may lungkot naman siyang nararamdaman sa puso. Matagal nang pangarap ni Damon ang magkaroon ng anak, ngunit hanggang sa mamatay ang kaniyang asawa dahil sa sakit na Cancer ay hindi siya nito nabigyan ng anak, dahil na rin sa may problema ito sa matris.

Hindi sana nararamdaman ng lalaki ang lungkot kung nagkaroon man lang sana siya ng kahit isang anak, na siyang magmamana ng lahat ng ari-arian at yamang mayroon siya.

"Akala ko talaga, nakalimutan na kita Kath. But hell, nang makita ulit kita na-realize kong hindi pa talaga ako nakakapag move on sa iyo," marahan niyang hinaplos ang picture ng babaeng sinisinta na halos ilang taun na niyang iniingatan.

Pagkatapos ay nagsindi siya ng yosi at humithit saka ibinuga ang usok. Muli niyang pinagmasdan ang maganda at maamong mukha ng babae sa picture.

Matapos niyang humithit ng sigarilyo ay itinapon na niya iyon sa ashtray, saka dinampot ang susi ng kaniyang Porsche car.

Nagmamadaling lumabas ng Office niya si Damon at tinungo ang parking lot. It's already five o'clock in the evening, balak nanaman niyang puntahan si Kathleen sa pinagta-trabahuan nito.

Sumakay siya sa Porsche Car niya at agad nagmaneho papunta sa Pharmacy kung saan nagta-trabaho ang babae. Ngunit pagdating doon ay hindi niya nakita si Kathleen, at ang dalawang ka-trabaho lang nito ang naroon.

"Yes sir, ano ang bibilhin mo?" Nagpapa-cute naman sa kaniya ang isang Pharmacist.

"Hindi ako bibili. Gusto ko lang itanong, nasaan si Kathleen Ovindo?"

Nangamot naman ang dalawang babaeng Pharmacist. "Ah, si Kathleen ba. Sir, day off niya ngayon,"

He felt disappointed. "Can I get her address?" Disperado talaga siyang makausap si Kathleen.

Nagkatinginan naman ang dalawang Pharmacist saka muling bumaling sa kaniya. "Sorry sir, pero kabilin-bilinan ni Kath na huwag naming sasabihin kahit kanino kung saan siya nakatira,"

Nakaramdam siya ng inis dahil kahit anong pamimilit niya sa mga ito ay hindi talaga ibinibigay ang address ng babae o kahit ang cellphone number man lang nito. Kaya walang nagawa si Damon kundi ang umalis nalang roon at magtungo muli sa bar. Tinawagan niya si George para ayain ang pinsan na mag-inom ulit, kasu tumanggi na si George sa pagkakataung ito dahil may importante pa daw itong tatapusin.

Kaya naman mag-isa nalang siyang pumasok sa bar at om-order ng tequilla saka nagsimula nang uminom.

"Hey, pogi. Gusto mo bang samahan kita?" A woman approached him but he ignored her.

"Pst! Pogi," pangungulit parin ng babae.

"Leave me alone, please. I want to be alone," matigas niyang sabi sa babae at tinalikuran niya ito. Sumimangot naman ang babae at padabog na umalis nalang.

Nagpatuloy lang si Damon sa pag-inom, hanggang sa nakaubos siya ng halos apat na bote ng tequilla. Halos araw-araw nalang niyang pinupuntahan at sinusuyo si Kathleen pero binabalewala parin siya ng babae. Pero hindi siya susuko, wala siyang gusto na 'di nakukuha, masyado siyang mayaman at makapangyarihan kaya kahit anong gawin ni Kathleen palayo mula sa kaniya, sisiguraduhin niyang sa kamay parin niya babagsak ang babae.

Makalipas ang halos tatlong oras ay susuray-suray nang naglalakad si Damon papalabas ng bar. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pants para tawagan ang driver niyang sunduin nalang siya dahil hindi na niya kayang magmaneho pa.

Ngunit ang mga namumungay niyang mata dahil sa kalasingan ay biglang nanlaki nang may humablot ng cellphone niya sabay takbo palayo.

"Fvck!" He cursed. Hahabulin niya sana ang snatcher pero nahihilo na siya at napasuka nalang siya. Saka dahan-dahang bumagsak sa semento.

Samantala, naglalakad naman si Camille para magtungo sa Ice cream shop. Request nanaman kasi ni Joana na pasalubungan niya ito ng ice cream. Ngunit napahinto si Camille nang makita niya ang lalaking nakahandusay sa gilid ng kalsada. Kahit madilim ay naaaninag niya ang lalaki dahil may light post naman na nagbibigay ng ilaw sa kalsada.

"Kathleen,"

Lalagpasan nalang sana ni Camille ang lalaki, ngunit natigilan siya nang marinig ang pangalang paulit-ulit nitong binabanggit. Dahil do'n ay tinitigan niya ang lalaki, at napasinghap siya nang makilala kung sino iyon.

"Diyos ko naman, ano naman ba ang nangyari sa lalaking ito at ginawa nang kama ang kalsada," tuluyan na siyang lumapit sa lalaki at mahinang tinampal ang pisngi nito. "D-Damon. Hey, wala ka kaya sa bahay mo. Bakit diyan ka natutulog?" Pero hindi natinag ang lalaki at nakapikit parin ito habang panay ang pagtawag sa pangalang Kathleen.

Camille took a deep breath. "Ano ba ang problema nito at nagpakalasing. Hayst!" Pinasadahan niya ng tingin si Damon. Napansin niyang may pagkakahawig talaga si Joana sa lalaki. Mula sa pointed nose nito, mamula-mulang labi at ang makinis at maputi nitong balat. Maging ang asul nitong mga mata at kulay mais na buhok ay nakuha lahat ng kanilang anak.

Kung si Damon ay guwapo, ang anak niya ay napakaganda.

Naipilig ni Camille ang ulo at iwinaksi sa utak ang mga naiisip. Muli niyang ginising si Damon pero sa sobrang kalasingan nito ay nakatulog na talaga ito sa gilid ng kalsada.

Muli ay bumuga siya ng hangin. Pagkatapos ay agad niyang pinara ang papadaang taxi. "Kuya, tulungan mo 'kong buhatin 'to,"

Agad namang bumaba ang taxi driver at pinagtulungan nilang alalayan si Damon hanggang sa maisakay nila sa taxi.

"Saan po kayo, ma'am?" Tanong ng taxi driver nang nakasakay na sa backseat sina Camille at Damon na nakahilig ang ulo sa balikat ng babae.

Napaisip naman si Camille, saka sinulyapan si Damon na bagamat nakapikit at natutulog ay panay parin ang tawag sa pangalan ni Kathleen. Naisip niyang hindi maaaring dalahin si Damon sa bahay nila. Bukod sa magtataka ang ina at anak niya ay hindi pa siya handang magkita ang mag-ama. Pero hindi rin naman niya alam kung saan nakatira ang lalaki. Alam ko na.

"Kuya, ibaba mo nalang kami sa malapit na Hotel," tugon niya at tumango naman ang taxi driver.

Hanggang sa makapag-check in at makarating sina Camille sa room ay panay parin ang pagtawag ni Damon sa pangalan ni Kathleen. Pabalya namang ibinagsak ni Camille ang lalaki sa malambot na kama.

"Woah! Ang bigat mo naman," reklamo niya saka inayos ang nagusot niyang uniform. Pagkatapos ay hindi niya napigilan ang sariling pagmasdan si Damon. Na bagamat miserable ang hitsura ay hindi naman nababawasan ang kaguwapuhan.

Nagulat naman si Camille nang biglang magmulat ng mga mata si Damon. Napaigtad siya at napaatras sa sobrang pagkapahiya.

"Kathleen," nakangiting sabi ni Damon, sa mga mata  nito ay si Kathleen ang nakikita niyang babae na nakatitig sa kaniya. Bumangon ang lalaki at bigla nalang hinila sa kamay si Camille. Dahilan kaya napaupo sa kama ang babae.

"I love you," anas ni Damon at bigla nalang dinampi ang kaniyang labi sa labi ni Camille.

Dahil do'n ay nanlaki ang mga mata ni Camille, kasabay no'n ang pagragasa ng libo-libong boltahe ng kuryente sa buo niyang katawan.

Dahil sa pagkabigla niya ay malakas niyang tinulak si Damon. Bumagsak naman ito at agad napatihaya ng higa sa kama at madaling nakatulog muli.

Napatulala naman si Camille at napahawak siya sa labi niya. Hanggang ngayon ay ramdam niya parin ang lambot ng labi ng lalaki. Ang puso niya ay napakabilis ng pagtibok na para bang nangangarerang kabayo, ngunit sa kabila no'n ay nakaramdam siya ng kirot sa kaibuturan ng kaniyang puso. Para bang muling bumalik ang nakaraan, na dapat ay nalimutan na niya ngunit heto at muling binabalik nang presensya ni Damon.

Sandali pang pinakatitigan ni Camille ang nahihimbing nang lalaki, bago niya muling dinampot ang kaniyang bag at nagpasiyang umalis roon. Ngunit hindi na namalayan ni Camille na nahulog pala mula sa leeg niya ang suot na kuwintas na may pendant na heart, at sa loob no'n ay may picture nila ng anak.

DAMON woke up with a massive headache, the next morning. Nang bumangon siya ay mas lalong tumindi ang pananakit ng ulo niya kung kaya napasapo siya sa ulo at tuluyang umalis sa kama.

Ngunit umawang ang kaniyang labi nang mapagtanto niyang narito siya sa 'di pamilyar na silid. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kuwartong kinaroroonan niya. Pagkatapos ay napapikit siya at pilit inalala ang nangyari.

Natatandaan niya ay muli siyang naglasing kagabi sa bar, at biglang may humablot ng cellphone niya. "Fvck it! My phone!"

Bigla ay may naapakan naman siya kaya dinampot niya iyon. Kulay gold na kuwintas na may pendant na puso. Binuksan niya ang pusong iyon, at umawang ang labi niya nang makita ang dalawang picture na nakalagay doon.

Sa kabila ay ang picture ng ex-girlfriend niyang si Camille. Habang sa kabila naman ay isang batang babae na may asul ding mga mata katulad niya.

"Excuse me, puwede ko bang malaman kung sino ang kasama kong nagpunta dito kagabi?" Tanong ni Damon sa receptionist nang makababa siya. Gusto niyang makumpirma kung si Camille nga ba ang babaeng kasama niya kagabi.

"Babae ho, sir. Maganda, maputi, at mahaba ang buhok. Hindi ko ho alam ang pangalan dahil Damon Monteverde lang ang sinabi niya no'ng mag-check in siya ng kuwarto," tugon ng receptionist na halatang nagpapa-cute pa sa kaniya.

Tumango nalang si Damon at muling napasulyap sa hawak niyang kuwintas na sigurado siyang pag-aari ni Camille. Ngunit isang bagay ang ipinagtataka niya, sino ang batang babae sa picture na narito sa kuwintas? Anak ba ito ng ex-girlfriend niya?

Dahil sa sobrang pagka-bored ni Camille at nandito lang siya sa Manager's Office ay naisipan niyang i-search ang pangalang Damon Monteverde sa g****e. Mula sa isang article na binasa niya ay napag-alaman niyang bigtime na talaga ang lalaki, at isa na sa mga pinakamayamang tao sa mundo na nagmamay-ari ng maraming negosyo sa loob at labas ng bansa, at isa sa tanyag nitong kumpanya ay ang Sapphire J-well.

"Ma'am Camille, may naghahanap sa iyo sa labas," tawag ng waitress.

Mula sa screen ng cellphone ay nag-angat siya ng tingin dito at agad nangunot ang kaniyang noo. "Who?"

Bigla naman itong ngumiti na para bang kinikilig. "Guwapo ma'am. Hulaan mo kung sino,"

Napabuga naman ng hangin si Camille at hindi napigilang taasan ng kilay ang waitress. "Hindi ako manghuhula, kaya sabihin mo na kung sino ang naghahanap sa akin,"

"Si ma'am, hindi na mabiro, masyadong mainit ang ulo. Si mr. Damon Monteverde, ma'am. 'Yong bilyonaryong may-ari ng Sapphire J-well,"

Camille's lips parted saka muling nag-angat ng tingin sa waitress. Bahagyang nangunot pa ang kaniyang noo, wala siyang ideya kung ano ang sadya ng lalaki at kung bakit siya nito hinahanap. Ngunit ayaw nang makaharap ni Camille si Damon, lalo't hindi mawala sa isip niya ang nangyari kagabi.

"Sabihin mo wala ako," utos niya sa waitress saka muling ibinalik ang tingin niya sa screen ng cellphone niya at nag-browse nalang siya sa F******k account niya.

Nakagat naman ng waitress ang ibabang labi. "Eh ma'am, nasabi ko nang nandito ka sa office mo, eh."

"Shit!" She couldn't help but to curse, saka napilitan nalang na tumayo.

Wala siyang nagawa kundi ang lumabas at harapin ang lalaki. Nakita niya agad si Damon na nakapuwesto sa dulo, doon sa walang gaanong tao katabi ng glasswall.

Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. "Excuse me, sir. What can I do for you, sir?" Kaswal niyang sabi dito sabay ngiti.

Agad namang tumayo si Damon at kaswal din siyang hinarap. "Good morning. I came here because I want to personally thank you for helping me lastnight," he smile sweetly.

Umawang naman ang labi ni Camille. "Huh?" Nagkunwari siyang walang alam doon. Ngunit iniabot sa kaniya ni Damon ang kuwintas niya na 'di niya namalayang nahulog pala kagabi.

"It is yours, right? Naiwan mo 'yan sa kuwarto ng hotel kung saan mo ako iniwan kagabi,"

Mabilis niyang hinablot ang kuwintas sa lalaki. "Thanks,"

"Ahm, I saw the picture of you and a little girl on the pendant of your necklace. Hindi ko akalaing may anak ka na pala," he uttered.

Nanlamig bigla ang buong katawan ni Camille at nakaawang ang labing tumingin siya sa lalaki. Mahina siyang tumikhim at wala na ring nagawa kundi ang mapatango. "Y-Yeah,"

"How old she is?"

Nag-iwas siya ng tingin dito. "She's a six years old. Anyway, kung wala ka nang importante pang sasabihin aalis na ako. May kailangan pa kasi akong gawin,"

"Just wait, Camille," hinuli ni Damon ang pulsuhan niya, kung kaya nakaramdam siya ng bolta-boltaheng kuryente at hindi niya gusto ang pakiramdam sa tuwing magdidikit ang balat nila nito. Agad niyang binawi ang kamay sa lalaki, at pinilit manatiling kaswal sa harap nito.

"Ako ba ang ama niya? Is she my child?" Diretsong nakatitig sa mga mata niya si Damon. 

Kumalabog ang kaniyang d****b saka alanganing tumawa. "Bakit mo naman naisip 'yan?"

"Nararamdaman ko. So, ano? Ako nga ang ama?" Rumaragasa ang saya sa puso ni Damon. Hindi nito inaalis ang tingin sa babae.

Napailing naman si Camille. "Walang patutunguhan ang usapang 'to," sa muli niyang tangkang pagtalikod ay muling hinawakan ni Damon ang kaniyang kamay na mabilis rin niyang binawi muli.

"Bakit hindi mo masagot ang tanong ko? So ako nga? Ako nga ang ama?"

"Shut up, Damon!" Hindi niya napigilan ang bahagyang magtaas ng boses. Ngunit pinakalma niya ang sarili dahil ayaw niyang makaagaw ng pansin sa mga tao sa paligid. "Fine. Oo, ikaw nga ang ama. Pero hanggang do'n lang 'yon at wala kang karapatan sa anak ko,"

Nakaramdam naman ng ibayong saya sa kaniyang puso si Damon. Matagal na niyang pinapangarap ang magkaroon ng anak, ngunit hindi iyon naibigay sa kaniya ng namayapang asawa. Kaya ngayong natuklasan niyang may anak siya sa dating nobya ay hindi siya makakapayag na hindi niya makilala ang kaniyang anak. "Seriously, Camille. She is my child, so automatically I have a rights of her. Gustuhin mo man o hindi, gusto kong makita at makilala ang anak ko,"

Ibayong inis ang naramdaman ni Camille. Mariin niyang naikuyom ang kamao. Gusto niyang sampalin ng paulit-ulit si Damon, gusto niya itong sumbatan, ngunit tinimpi niya ang sarili para lang huwag nilang makuha ang atensyon ng mga tao sa paligid. "At sa tingin mo naman hahayaan kong mangyari 'yon. Hindi ko hahayaang makapasok ka sa buhay ng anak ko. Yes, ikaw ang ama niya pero hanggang do'n lang ang papel mo sa buhay ng anak ko, at hindi ako makakapayag na guluhin mo pa kami,"

He smirked. "Huwag mo akong susubukan, Camille. I am a rich and powerful, at lahat ng gusto ko ay madali ko lang makukuha. Kaya kung ayaw mong may pagsisihan sa bandang huli, hayaan mo akong makita at makilala ang anak ko," tinapunan nito ng nagbabantang tingin ang babae bago tumalikod at dire-diretsong umalis.

Naiwan naman si Camille na nagngingitngit ang kaniyang kalooban. "Buwisit!"

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
wow nice story
goodnovel comment avatar
Jean Cjay Pingcas Pasculado
nice sana lebre
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status