Share

Chapter 3

Author: JUSTONEDIAZ
last update Huling Na-update: 2025-07-08 14:55:46

“You can’t leave,” sabi niya habang hinila ako palabas ng airport. Mabilis ang tibok ng puso ko habang lalo pang humigpit ang hawak niya sa braso ko. Pilit akong kumakawala.

“What the fuck?” singhal ko, pilit binubunot ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. “Let me go.” Halo-halong takot at gulo ang nararamdaman ko habang mabilis ding nag-iisip kung paano ako makakatakas.

“Hindi mo ako pwede pigilan umalis!" sigaw ko uli habang tinutulak siya palayo, pero para akong bumangga sa pader. Hindi siya natinag. Dun ko narealize na wala akong ligtas at nakakulong ako sa pagkapit niya.

“Come with me,” utos niya habang hinihila niya ako papalabas ng airport.

“What do you want?” tanong ko, halos mapaatras nang igiya niya ako papasok sa isang mamahaling kotse. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang sumasara ang pinto. Lalo akong ninerbyos.

Sa rearview mirror, nagkatinginan kami. Yung tingin niya ay sobrang lamig, parang sinusukat ako. Alam kong kung ano man ang pakay niya, hindi ‘yon simpleng usapan lang.

“Ano ba kasing kailangan mo?” tanong ko, nanginginig ang boses ko habang nakatitig sa kanya.

Ngumisi siya sa akin, pero hindi ‘yon ngiti ng mabait. May kilabot akong naramdaman sa spine ko.

Diyos ko, ang creepy nito.

Napabuntong-hininga ako, sabay sinubukan kong buksan ang pinto. Pero locked na lahat. Sinilip ko ang paligid, pero tinted ang bintana. Walang lusot. Parang lalong lumubog ang puso ko sa takot.

“Stay still,” utos niya sabay lapit sa’kin. Napaatras ako hanggang dumikit na ‘ko sa upuan. Nanginginig na ang kamay ko.

Bakit siya lumalapit? Anong balak niya?

Gusto kong dumulas palayo pero wala na akong space. Napapikit ako, handang-handa sa kung anuman ang gawin niya.

"Galit pa yata siya sa sinabi ko sa airport..." naisip ko habang naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko.

Napadilat ako. Nakita kong ine-extend niya lang pala ang seatbelt. Binuckle niya ako.

Huminga ako nang malalim.

Relief...

“Are you hoping for something else?” tanong niya, sabay sinamaan ako ng tingin.

Umiling ako nang mabilis, klarong hindi ko iniisip ang iniisip niya. Unti-unting nabawasan ang tensyon habang inayos niya ang seatbelt.

“No,” sagot ko, paulit-ulit na iling para klaro sa kanya. "At ano naman ang aasahan ko?"

“Good,” bulong niya sabay umandar na ang kotse.

Ramdam ko pa rin ang titig niya, kahit hindi na kami nag-uusap. Gusto ko tuloy itanong kung ano bang iniisip niya.

“Where are you taking me?” tanong ko habang pinapanood ang mga tanawin sa bintana.

“Stop the car!” sigaw ko sa driver, pero hindi siya nagreact. “For God’s sake, may flight ako!” sabay harap ko sa lalaki. Galit na galit na ako. Gusto ko na siyang sapakin.

Pero imbes na suntukin ay hinila ko ang kuwelyo niya. “Stop the car! Now na! Kailangan kong mahabol ‘yung plane!”

Hinawakan niya ang kamay ko at mahinang tinanggal mula sa kuwelyo niya.

“Walang babae o lalaki pa ang gumawa niyan sa akin,” aniya habang inaayos ang polo niya. “Pinapatawad kita this time. But don’t ever do that again. Behave.”

“Behave my foot!” sigaw ko pabalik, galit na galit na talaga. “Pakawalan mo ako or I’ll call the police!”

“Call them. I don’t care,” sagot niya habang tumingin sa wristwatch. “At ‘yung flight mo, nasa ere na.”

What?!

Hindi ko alam kung totoo ‘yung sinabi niya, pero baka nga. Ramdam ko ‘yung sakit sa dibdib ko. Parang gumuho lahat.

All my dreams, all my hopes for a new life… wala na.

Naluluha na lang ako. Hindi ko na napansin na basa na pala ang pisngi ko. Kinapa ko ‘yung luha ko. Hindi ako umiiyak kahit gaano kahirap. Pero ngayon ay parang hindi na tumitigil.

Nilingon ko ‘yung bintana, ayokong makita niya akong umiiyak. Ayokong magmukhang mahina sa harap ng isang estranghero.

May naramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Isang panyo ang iniabot niya sa kamay ko.

“Here,” sabi niya, sabay buntong-hininga. "Punasan mo ang luha."

Huminga ako nang malalim, sabay lingon sa lalaking sumira ng flight ko at ng tanging pag-asa ko.

“I don’t need your pity,” sabi ko, galit at frustrasyon sa boses ko. “Ano bang gusto mo? Una, kinidnap mo ako sa airport, tapos ngayon inaabutan mo pa ‘ko ng panyo?”

“Look, I’m sorry,” sagot niya, kita ang bigat sa mukha niya. “Pero hindi kita pwedeng basta-basta pakawalan.”

“Hindi mo ko pwedeng pakawalan… bakit? Dahil kinausap ko mga anak mo? Dahil mas gusto nila ako kaysa sa’yo?”

Nanlaki ang mata niya. Hindi ko masabi kung guilt ba galit ang nasa loob ng tingin niya.

“Makinig ka muna. I’ll explain everything,” sabi niya, tinitigan ako.

“Fine. Wala rin naman akong magagawa,” sabi ko, sabay buntong-hininga at cross ng arms ko. “Go ahead.”

Tahimik sa loob ng sasakyan. Huminga siya nang malalim, tapos nagsimulang magsalita.

“So… both kids na nakilala mo sa airport, they’re mine,” sabi niya. Tumango lang ako.

“But wait… nasaan sila ngayon?” tanong ko. Hindi ko sila nakita na sumabay sa sasakyan namin.

“They’re fine. Nasa likod natin, sa ibang sasakyan,” sabay turo niya sa kotse na sumusunod sa amin.

“Great parenting,” bulong ko sa sarili. Ni hindi man lang sanakay ang mga anak niya dito sa sasakyan niya.

“Look… judge me all you want, pero ang totoo, I need your help to keep my kids with me.”

“How?” tanong ko, curious. Kahit papaano, parang may awa akong naramdaman sa kanya. Siguro may hindi ako alam.

“Nakita ko kasi kung paano sila umasta nang kasama ka. Hindi ko sila nakita na gano’n kasaya simula nung…”

“Simula nung namatay ‘yung wife mo,” dugtong ko sa kanya nang nakuha ko agad ‘yung gusto niyang sabihin.

Napabuka ‘yung bibig niya. “How do you know?”

“Azriel told me,” sagot ko, sabay tango.

“That’s strange,” bulong niya, medyo napaisip. “What else did she tell you?”

Hmm… dapat ko ba sabihin ‘to?

“She told me she hates you. Kaya ayaw niyang sumama sa’yo. Hindi mo raw sila mahal.”

Tahimik siya saglit. Tapos napabuntong-hininga siya.

“Alam mo, dati ako ang hero niya,” aniya, may lungkot sa ngiti niya.

“Then change yourself if you really care. ‘Yung asal mo sa airport, ‘yun na ‘yung proof kung gaano mo sila ka-little pinapahalagahan.”

Nakita kong tinamaan siya. Kita sa mukha niya ‘yung sakit.

“I love my kids,” sabat niya, masakit ang boses. "I love them so much. Higit pa sa buhay ko. And I can do everything for them."

“Then show them. Don’t act like an asshole.”

Tahimik uli. Nakita kong nag-iisip siya. Parang may internal battle.

“You’re right,” sabi niya, sabay hawak sa kamay ko. “That’s why I need you.”

“First of all, I don’t let strangers touch me,” sabi ko, sabay bunot ng kamay ko. “And second, bakit mo inisip na tutulungan kita after what you did to me?”

Cross arms ako, tinitigan siya.

“You’ll…” bulong niya, sabay dukot ng checkbook mula sa bag niya.

“Inaabutan niya ako ng blank check. ‘Enter the amount you need,’ sabi niya, ‘and I will pay you. But you need to work for me.’”

What the hell? Bibiliin niya ako?

“I’m sorry to disappoint you,” sabi ko habang pinupunit ‘yung check. “Pero I don’t need your money. At ayoko magtrabaho sa’yo.”

Namula siya sa inis habang pinapanood akong sirain ‘yung tseke.

“Don’t work for me. But work for my kids,” aniya, calm lang ang boses. "Sila ang magiging boss mo. Ako lang ang magpapasahod sayo."

“What do you mean?” tanong ko, gulat na gulat. Ang weird. Hindi siya galit kahit dinidiskartehan ko siya.

“I need you to take care of my kids,” sagot niya, saka tumigil ng konti. "They like you. Sayo lang sila naging ganito. So please, work for them. Be their live-in nanny."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Nanny And The Billionaire's Agreement    Chapter 5

    Hindi ko alam kung ilang minuto, segundo, o oras na ang lumipas mula nang mawalan ako ng malay. Pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. Umiigting na ang sakit ng ulo ko, at parang may kumakalat na hapdi sa buong katawan ko. Ang dilim sa paligid ko, parang sinasakal ako, lalo pang pinapahirap bumangon mula sa pagkakahimlay.May naririnig din akong mga boses sa paligid.“She seems to be sleep-deprived, Mr. Arguelles... and possibly malnourished. Other than that, there’s nothing seriously wrong with her,” one voice said, as if they were assessing me from a distance.“May kailangan ba akong asikasuhin?” tanong ng isa, pero hindi ko makilala kung sino ang nagsalita.“Wala naman masyado. Pakainin lang siya ng maayos. Fruits, vegetables, and hayaan mong makatulog siya nang sapat. Okay na siya nun,” sagot ng isa, may halong pag-aalalang nakakagaan ng loob.Habang nagpapatuloy ang pag-uusap nila, unti-unting naglaho na naman ang malay ko. Dinala ako ng antok pabalik sa lalim ng tulog, t

  • The Nanny And The Billionaire's Agreement    Chapter 4

    Tahimik lang ako ng ilang minuto matapos kong marinig ‘yung sinabi niya.“Are you crazy or what?” hindi ko napigilang itanong. Halo-halo ang naramdaman ko. Shock, kaba, at disbelief sa request niya. The thought na magiging responsable ako para sa anak ng ibang tao, at live-in pa? Nakaka-overwhelm. Nakakatakot.Umiling siya. “I’m just stating the facts. Gusto ko ikaw ang mag-alaga sa mga anak ko. And for that, I can pay any amount you wish.”Napabuntong-hininga ako, pilit inaayos ang isip ko. “For the last time, I don’t care about money. You are a piece of shit. At ayokong magtrabaho para sa’yo.”Ngumiti lang siya, parang natutuwa pa sa sagot ko. “Why don’t you care about money? Are you that rich?”Napatawa ako nang mahina. Rich? Ako? Good joke. “I’m anything but rich.”“Then you’re a fool to let go of such a great deal,” sabi niya, hindi inaalis ang titig sa akin.“Maybe...” sagot ko, medyo may lungkot sa tono ko. “But for me, self-respect is far more important than any amount.” Hindi

  • The Nanny And The Billionaire's Agreement    Chapter 3

    “You can’t leave,” sabi niya habang hinila ako palabas ng airport. Mabilis ang tibok ng puso ko habang lalo pang humigpit ang hawak niya sa braso ko. Pilit akong kumakawala.“What the fuck?” singhal ko, pilit binubunot ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. “Let me go.” Halo-halong takot at gulo ang nararamdaman ko habang mabilis ding nag-iisip kung paano ako makakatakas.“Hindi mo ako pwede pigilan umalis!" sigaw ko uli habang tinutulak siya palayo, pero para akong bumangga sa pader. Hindi siya natinag. Dun ko narealize na wala akong ligtas at nakakulong ako sa pagkapit niya.“Come with me,” utos niya habang hinihila niya ako papalabas ng airport.“What do you want?” tanong ko, halos mapaatras nang igiya niya ako papasok sa isang mamahaling kotse. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang sumasara ang pinto. Lalo akong ninerbyos.Sa rearview mirror, nagkatinginan kami. Yung tingin niya ay sobrang lamig, parang sinusukat ako. Alam kong kung ano man ang pakay niya, hindi ‘yon simplen

  • The Nanny And The Billionaire's Agreement    Chapter 2

    Parang bigla akong natulala sa kinatatayuan ko nang makita ko ‘yung lalaking biglang humarang sa harap ko. Galit na galit ang tingin niya habang yakap-yakap si Jaxx, at ramdam na ramdam ko ang halo ng desperasyon at poot sa boses niya.So ito ang Daddy nina Azriel at Jaxx?Napatingin ako kina Jaxx at Azriel. Pareho silang nahihirapan sa hawak nito, at kita sa mga mata nila ang takot. Ang dating inosente nilang mga mukha, punong-puno ngayon ng tensyon at kaba.“Leave me alone…” umiiyak na sabi ni Azriel habang pilit na kumakawala. Nanginginig ang boses niya sa takot.Pero lalong hinigpitan ng lalaki ang hawak niya. Hindi siya nakikinig. Parang wala siyang naririnig kundi sariling galit niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, adrenaline sa katawan ko, habang pilit kong iniisip kung paano ko matutulungan ‘tong mga batang ‘to. Kailangan kong gumawa ng paraan.“Shut up, Azriel! At bakit kayo pumunta rito sa airport, ha?” pasigaw niyang tanong kay Azriel.Nagsimula nang tumingin ang

  • The Nanny And The Billionaire's Agreement    Chapter 1

    “Gano’n pa ba talaga kadami ang kailangan kong tiisin?” bulong ko habang umiiyak mag-isa sa loob ng airport bathroom.Tumutulo lang ang luha ko, hindi ko na napigilan. Sa loob lang ng isang linggo, sobrang nagbago ang takbo ng buhay ko. Hindi ko na nga alam kung ako pa ba ‘yung taong kilala ko nung nakaraang linggo.Gano’n na ba talaga kabigat ang lahat?Lamali akong ampon, at noon pa man, isa lang talaga ang pangarap ko... ang magkaroon ng sarili kong pamilya. Pero ngayon, parang pati ‘yon, imposible na rin. Akala ko noon, wala nang mas hihirap pa sa pinagdadaanan ko, pero nagkamali ako. Lahat ng ‘to ay kasalanan ko rin naman. Sarili kong mga desisyon ang nagdala sa’kin dito. Kaya ngayon, kailangan kong harapin lahat ng consequences.Alam kong kailangan kong bumangon ulit. Kailangan kong lumaban. Kailangan kong magsimula ulit kahit wala na akong matibay na pundasyon. Simula ngayon, gusto ko na lang ng bagong simula. Bagong lugar. Bagong ako.Tumunog ang cellphone ko. Tumigil ako sa p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status