Parang bigla akong natulala sa kinatatayuan ko nang makita ko ‘yung lalaking biglang humarang sa harap ko. Galit na galit ang tingin niya habang yakap-yakap si Jaxx, at ramdam na ramdam ko ang halo ng desperasyon at poot sa boses niya.
So ito ang Daddy nina Azriel at Jaxx?
Napatingin ako kina Jaxx at Azriel. Pareho silang nahihirapan sa hawak nito, at kita sa mga mata nila ang takot. Ang dating inosente nilang mga mukha, punong-puno ngayon ng tensyon at kaba.
“Leave me alone…” umiiyak na sabi ni Azriel habang pilit na kumakawala. Nanginginig ang boses niya sa takot.
Pero lalong hinigpitan ng lalaki ang hawak niya. Hindi siya nakikinig. Parang wala siyang naririnig kundi sariling galit niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, adrenaline sa katawan ko, habang pilit kong iniisip kung paano ko matutulungan ‘tong mga batang ‘to. Kailangan kong gumawa ng paraan.
“Shut up, Azriel! At bakit kayo pumunta rito sa airport, ha?” pasigaw niyang tanong kay Azriel.
Nagsimula nang tumingin ang mga tao sa paligid. Pero wala siyang pakialam kahit marami nang nakatingin. At ang mas masakit, kahit bata ang kaharap niya, hindi niya ito iginalang.
Hindi na nakakapagtaka kung bakit lumayas si Azriel at isinama pa si Jaxx dahil ganito pala ang tatay nila.
Nanonood lang ako habang umiiyak si Azriel, pilit na pumipiglas. Si Jaxx naman ay nagsimula na ring umiyak, ginagaya ang kapatid niya. Lalo lang naging magulo ang lahat. Lalo siyang nagalit.
Hindi ko na kinaya. Kailangan ko nang kumilos.
“Hindi mo ba nakikitang ayaw nga nilang mapalapit sa’yo?” sigaw ko rin sa wakas. "Galit sila sayo kaya sila lumayas."
“At ikaw naman, sino ka para pagsabihan ako kung paano ko dapat tratuhin ang mga anak ko?” galit niyang sagot.
Huminga ako nang malalim, pilit kinakalma ang sarili kahit gusto ko na rin siyang sigawan.
“Wala. Hindi ako kung sino. Pero kahit ako, alam kong mali ang ginagawa mo sa kanila,” sagot ko, kalmado pero matatag. "You're being too much. Hindi dahil tatay ka nila ay pwede mo na gawin ang lahat ng gusto mo. Hindi sa lahat ng oras ay ikaw dapat ang masunod. Kailangan mo rin hingin ang opinyon ng mga anak mo."
Nakita kong sumeryoso ang mukha niya. Nakakuyom ang mga kamao, pero ngumiti siya. Hindi mabait na ngiti, galit pa rin.
“Sige nga. Turuan mo ako. Paano ko dapat tratuhin ang mga anak ko? Kasi parang alam na alam mo ang lahat.”
Ngumiti rin ako, pero seryoso ang tono ko. “Kausapin mo sila nang maayos. Hindi ‘yung puro sigaw. Love ang kailangan nila, hindi takot. Sa ganyang asal mo, hindi malayong kamuhian ka nila.”
“Kamuhian…” ulit niya nang mahina.
At sa hindi ko inaasahan, binitawan niya si Azriel at umatras nang konti.
Pagkabitaw niya, agad tumakbo si Azriel papunta sa akin. Yumakap siya sa mga binti ko at nagtago sa likod ko, parang natatakot na makita pa siya nito.
“Azriel…” tawag ko sa kanya, gulat sa bilis ng galaw niya.
“Ayokong umuwi,” umiiyak niyang sabi, habang yakap ang hita ko at nakasubsob ang mukha sa legs ko. "Ayaw ko sa bahay. Hindi kami uuwi doon."
Napatingin ako sa lalaki. Kanina lang galit na galit siya. Ngayon, parang nalito. Nakita kong nagbago ang expression niya mula sa galit, napalitan ng guilt at confusion.
Tinitigan lang niya kami habang kinakausap ko si Azriel. Si Jaxx naman, kumakaway sa akin, gustong bumalik sa yakap ko. Lalo akong nagulat nang hinayaan siya ng lalaki na lumapit sa akin.
Pagkakuha ko kay Jaxx agad siyang sumandal sa balikat ko at tumigil sa pag-iyak.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak.
Bakit sobrang attached sa akin ang mga batang ‘to? Wala pa ngang isang oras kaming magkakakilala.
I couldn’t help but wonder... what happened to these kids? Bakit parang mas may tiwala pa sila sa akin kaysa sa sariling ama nila?
“Azriel, let's go home,” tawag ng ama niya, pero ngayon, mas malambing ang tono niya. "Huwag na matigas ang ulo."
Umiling lang si Azriel, ayaw pa rin.
Napabuntong-hininga ang lalaki. “Anong gusto mong gawin ko para lang umuwi ka?” tanong niya, hinihintay ang sagot ng anak.
Tahimik lang si Azriel. Niyakap pa rin ako habang tumitingin sa akin at saka sa tatay niya.
Napailing ako, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay ko. Ang gusto ko lang naman, bagong simula. Hindi isang lalaking may dalawang anak na sabay sabay na kumakapit sa akin.
Pero biglang sumabog sa airport ang announcement.
“Shit,” bulong ko.
Final call na raw ng flight ko. Kailangan ko nang umalis. Kung hindi ay mawawala ang chance ko na makapagsimula ulit.
Huminga ako nang malalim at tumingin kay Azriel. Pero bago pa ako makapagsalita, nagulat ako sa sinabi niya.
“I’ll go… if she comes with us,” sabi niya, sabay turo sa akin. "Make Callista come with us, Dad, and we'll be good."
“What? No!” napasigaw ako sa gulat. Napailing ako, pilit pinapakalma ang sarili. “Azriel, I can’t come with you,” sagot ko, iniabot si Jaxx sa kanya at lumuhod sa harap niya.
“Sorry, may flight kasi akong kailangang habulin,” sabi ko habang hinahalikan sila ni Jaxx sa noo.
Tumingin si Azriel sa akin, halatang disappointed pero parang naiintindihan din niya. Hindi siya nagsalita, pero nakita ko sa mata niyang parang may gusto pa siyang sabihin.
“Sorry,” ulit ko, at niyakap silang dalawa sa huling pagkakataon bago ako tumalikod.
Pero bakit ganito kasakit?
Isang oras lang kami magkakasama, pero bakit parang mabigat sa dibdib ang pag-alis?
I picked up my bag, trying to hold it together.
Maybe it’s because I always wanted a family of my own. Maybe seeing these two so broken reminded me of my own childhood. How lonely and painful it was. But these kids… they’re not like me. They have a father. Maybe he’s not perfect, but maybe he’s just scared. Maybe he was just worried after finding them alone in an airport.
Pero hindi sila katulad ko. May tatay pa sila. Siguro naman, nag-panic lang ang lalaking ito. Natakot lang makita nawala ang mga anak niya. Baka hindi naman siya masamang tao.
Tumalikod na ako, pero bago ako tuluyang makalakad, lumingon ako ulit sa kanila. Nakatingin pa rin sila sa akin. Malungkot.
Gusto ko silang tulungan… pero hindi ko kaya. Estranghero lang naman ako sa kanila.
Bago pa ako makalayo, may humawak sa braso ko at pinigilan akong umalis.
“You can’t leave,” sabi ng lalaki, sabay hila sa akin paalis ng airport.
Napatingin ako sa kanya, gulat at tuliro. "T-Teka! Hoy! Anong I can't leave?!"
Ano na naman ito? Bakit ganito lagi ang nangyayari sa buhay ko?
Ang gusto ko lang naman… kapayapaan. But instead, all I keep getting… are problems.
Hindi ko alam kung ilang minuto, segundo, o oras na ang lumipas mula nang mawalan ako ng malay. Pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. Umiigting na ang sakit ng ulo ko, at parang may kumakalat na hapdi sa buong katawan ko. Ang dilim sa paligid ko, parang sinasakal ako, lalo pang pinapahirap bumangon mula sa pagkakahimlay.May naririnig din akong mga boses sa paligid.“She seems to be sleep-deprived, Mr. Arguelles... and possibly malnourished. Other than that, there’s nothing seriously wrong with her,” one voice said, as if they were assessing me from a distance.“May kailangan ba akong asikasuhin?” tanong ng isa, pero hindi ko makilala kung sino ang nagsalita.“Wala naman masyado. Pakainin lang siya ng maayos. Fruits, vegetables, and hayaan mong makatulog siya nang sapat. Okay na siya nun,” sagot ng isa, may halong pag-aalalang nakakagaan ng loob.Habang nagpapatuloy ang pag-uusap nila, unti-unting naglaho na naman ang malay ko. Dinala ako ng antok pabalik sa lalim ng tulog, t
Tahimik lang ako ng ilang minuto matapos kong marinig ‘yung sinabi niya.“Are you crazy or what?” hindi ko napigilang itanong. Halo-halo ang naramdaman ko. Shock, kaba, at disbelief sa request niya. The thought na magiging responsable ako para sa anak ng ibang tao, at live-in pa? Nakaka-overwhelm. Nakakatakot.Umiling siya. “I’m just stating the facts. Gusto ko ikaw ang mag-alaga sa mga anak ko. And for that, I can pay any amount you wish.”Napabuntong-hininga ako, pilit inaayos ang isip ko. “For the last time, I don’t care about money. You are a piece of shit. At ayokong magtrabaho para sa’yo.”Ngumiti lang siya, parang natutuwa pa sa sagot ko. “Why don’t you care about money? Are you that rich?”Napatawa ako nang mahina. Rich? Ako? Good joke. “I’m anything but rich.”“Then you’re a fool to let go of such a great deal,” sabi niya, hindi inaalis ang titig sa akin.“Maybe...” sagot ko, medyo may lungkot sa tono ko. “But for me, self-respect is far more important than any amount.” Hindi
“You can’t leave,” sabi niya habang hinila ako palabas ng airport. Mabilis ang tibok ng puso ko habang lalo pang humigpit ang hawak niya sa braso ko. Pilit akong kumakawala.“What the fuck?” singhal ko, pilit binubunot ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. “Let me go.” Halo-halong takot at gulo ang nararamdaman ko habang mabilis ding nag-iisip kung paano ako makakatakas.“Hindi mo ako pwede pigilan umalis!" sigaw ko uli habang tinutulak siya palayo, pero para akong bumangga sa pader. Hindi siya natinag. Dun ko narealize na wala akong ligtas at nakakulong ako sa pagkapit niya.“Come with me,” utos niya habang hinihila niya ako papalabas ng airport.“What do you want?” tanong ko, halos mapaatras nang igiya niya ako papasok sa isang mamahaling kotse. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang sumasara ang pinto. Lalo akong ninerbyos.Sa rearview mirror, nagkatinginan kami. Yung tingin niya ay sobrang lamig, parang sinusukat ako. Alam kong kung ano man ang pakay niya, hindi ‘yon simplen
Parang bigla akong natulala sa kinatatayuan ko nang makita ko ‘yung lalaking biglang humarang sa harap ko. Galit na galit ang tingin niya habang yakap-yakap si Jaxx, at ramdam na ramdam ko ang halo ng desperasyon at poot sa boses niya.So ito ang Daddy nina Azriel at Jaxx?Napatingin ako kina Jaxx at Azriel. Pareho silang nahihirapan sa hawak nito, at kita sa mga mata nila ang takot. Ang dating inosente nilang mga mukha, punong-puno ngayon ng tensyon at kaba.“Leave me alone…” umiiyak na sabi ni Azriel habang pilit na kumakawala. Nanginginig ang boses niya sa takot.Pero lalong hinigpitan ng lalaki ang hawak niya. Hindi siya nakikinig. Parang wala siyang naririnig kundi sariling galit niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, adrenaline sa katawan ko, habang pilit kong iniisip kung paano ko matutulungan ‘tong mga batang ‘to. Kailangan kong gumawa ng paraan.“Shut up, Azriel! At bakit kayo pumunta rito sa airport, ha?” pasigaw niyang tanong kay Azriel.Nagsimula nang tumingin ang
“Gano’n pa ba talaga kadami ang kailangan kong tiisin?” bulong ko habang umiiyak mag-isa sa loob ng airport bathroom.Tumutulo lang ang luha ko, hindi ko na napigilan. Sa loob lang ng isang linggo, sobrang nagbago ang takbo ng buhay ko. Hindi ko na nga alam kung ako pa ba ‘yung taong kilala ko nung nakaraang linggo.Gano’n na ba talaga kabigat ang lahat?Lamali akong ampon, at noon pa man, isa lang talaga ang pangarap ko... ang magkaroon ng sarili kong pamilya. Pero ngayon, parang pati ‘yon, imposible na rin. Akala ko noon, wala nang mas hihirap pa sa pinagdadaanan ko, pero nagkamali ako. Lahat ng ‘to ay kasalanan ko rin naman. Sarili kong mga desisyon ang nagdala sa’kin dito. Kaya ngayon, kailangan kong harapin lahat ng consequences.Alam kong kailangan kong bumangon ulit. Kailangan kong lumaban. Kailangan kong magsimula ulit kahit wala na akong matibay na pundasyon. Simula ngayon, gusto ko na lang ng bagong simula. Bagong lugar. Bagong ako.Tumunog ang cellphone ko. Tumigil ako sa p