The Nanny And The Billionaire's Agreement

The Nanny And The Billionaire's Agreement

last updateLast Updated : 2025-07-08
By:  JUSTONEDIAZOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
62views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

He only wanted someone to care for his kids. He never expected it would be her. After losing his wife in a tragic accident, Thanos Arguelles, the cold and elusive CEO of Arguelles Group, is left to raise his two young children alone. With his world built around power and perfection, he refuses to let anyone in. Until a stubborn, sunshine-filled woman turns everything upside down. Callista Imperial is nothing like the nannies he expected. Madaldal, maingay, at lahat ng katangian na ayaw ni Thanos sa isang babae ay meron si Callista. She wasn't supposed to stay long. She wasn't supposed to touch his life. But day by day, she becomes impossible to ignore. What started as a professional arrangement begins to blur. And the more he tries to push her away, the more drawn he becomes to the woman who brings chaos into his perfectly controlled world. She’s off-limits. He’s her boss. But the tension between them is undeniable. Can they resist the pull, or will one stolen moment destroy everything?

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Gano’n pa ba talaga kadami ang kailangan kong tiisin?” bulong ko habang umiiyak mag-isa sa loob ng airport bathroom.

Tumutulo lang ang luha ko, hindi ko na napigilan. Sa loob lang ng isang linggo, sobrang nagbago ang takbo ng buhay ko. Hindi ko na nga alam kung ako pa ba ‘yung taong kilala ko nung nakaraang linggo.

Gano’n na ba talaga kabigat ang lahat?

Lamali akong ampon, at noon pa man, isa lang talaga ang pangarap ko... ang magkaroon ng sarili kong pamilya. Pero ngayon, parang pati ‘yon, imposible na rin. Akala ko noon, wala nang mas hihirap pa sa pinagdadaanan ko, pero nagkamali ako. Lahat ng ‘to ay kasalanan ko rin naman. Sarili kong mga desisyon ang nagdala sa’kin dito. Kaya ngayon, kailangan kong harapin lahat ng consequences.

Alam kong kailangan kong bumangon ulit. Kailangan kong lumaban. Kailangan kong magsimula ulit kahit wala na akong matibay na pundasyon. Simula ngayon, gusto ko na lang ng bagong simula. Bagong lugar. Bagong ako.

Tumunog ang cellphone ko. Tumigil ako sa pag-iyak at kinuha ito mula sa bulsa. Nang makita ko kung sino ang tumatawag, gusto ko na lang ibato ang sarili ko sa pader.

Siya na naman? Bakit ba hindi siya tumigil? Bakit parang multo siya sa buhay ko na kahit saan ako magpunta, sinusundan pa rin ako?

Napabuntong-hininga ako. Kung may isang bagay akong mas gusto pa kaysa katahimikan, ‘yon ay kalayaan mula sa taong ‘to.

Si Will. Akala ko dati ay siya na. Akala ko, siya na yung lalaking makakasama ko habambuhay. Pero ang totoo, isa pala siyang demonyo. Sadista. Masaya siya kapag nasasaktan ako. Blinock ko na siya, palit ng number, lumipat ng siyudad. Pero kahit anong gawin ko, nakakahanap pa rin siya ng paraan para bumalik sa buhay ko.

Parang wala nang katapusan ang bangungot ko. Parati na lang akong may kaba. Takot. Paranoia.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Napapikit ako. Napahawak sa dibdib.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero sa unang pagkakataon, gusto ko siyang sagutin. Gusto ko siyang murahin. Gusto kong isigaw lahat ng sakit na iniwan niya sa akin.

Pinindot ko ang green button. Nilapit ko ang phone sa tenga ko habang nanlalamig ang kamay ko.

Pero bago pa ako makapagsalita, sumabog na agad ang boses niya. “Anong kapal ng mukha mo para i-ignore ako ng ganito?!”

Galit. Puno ng puot. Nanlamig ang batok ko pero pinilit kong huwag magpakita ng takot. Hindi na katulad dati.

“Nasaan ka?! Nasaan ka ngayon, Callista?!”

Huminga ako nang malalim. “Wala ka nang karapatang malaman. Kahit saan gusto ko, pwede akong magpunta,” sagot ko ng diretso.

"Kinakaya mo na akong sigawan ngayon?!"

Hindi na ako magpapatalo sa kanya. Sobra na siya. “Hindi ko na palalampasin ang kabastusan mo. Shut up, you disgusting bastard. Huwag mo na akong tawagan ulit.”

“Callista," sabi niya, halatang pinipigilan ang galit, pero may halong desperasyon.

“Tumahimik ka Will,” putol ko. “At huwag mong kalimutan... alam ko lahat ng baho mo. Kapag sinubukan mo ulit akong sirain, ako na mismo ang pupunta sa pulis.”

Tumigil ako saglit, tapos dinagdagan ko pa, malamig ang tono, “Pati ‘yung halos na-droga mo at tinangkang gahasain ‘yung menor de edad. Lahat, alam ko.”

“Callista, huwag—”

“Subukan mong tawagin pa ako, at sisiguraduhin kong ikaw ang mawalan ng buhay,” sagot ko. Napangiti ako ng konti. “Now fuck off. At huwag mong kalimutang binalaan kita.”

“Callista!” sigaw niya, pero binaba ko na ang tawag. Napabuntong-hininga ako. Parang nawala ang bigat sa dibdib ko.

Sa wakas… natutunan ko na ring ipaglaban ang sarili ko.

Pakiramdam ko ay ito na ang simula ng bagong yugto sa buhay ko.

Ngumiti ako nang marahan at nagsimulang maglakad papunta sa check-in counter. Pero bago pa ako makalakad nang tuluyan, may biglang humawak sa laylayan ng damit ko.

“Ay…” Napatingin ako sa baba. Laking gulat ko nang makitang may batang lalaki. Mag-isa lang.

Sino naman ang batang ito? At bakit siya nag-iisa?

Napalinga ako sa paligid, nagbabakasakaling may hinahanap siya o may naghahanap sa kanya. Wala.

Lumuhod ako sa harap niya, kabado. “Sino ka? At anong ginagawa mo rito mag-isa?” tanong ko habang dahan-dahang binubuhat siya.

Hindi ko nga alam bakit kinakausap ko pa siya, mukha pa siyang sanggol.

“His name is Jaxx,” may sumagot mula sa likod ko. Napalingon ako agad.

“And I’m Azriel,” sabi ng batang babae.

Tumingin ako sa kanya. “Okay… so, anong ginagawa niyo rito nang kayong dalawa lang, Azriel? Nasaan ang mga magulang niyo?”

Tumingin ulit ako sa paligid pero parehong mukhang walang kasama ang dalawang bata.

“We're alone,” sagot ni Azriel habang kinukuha si Jaxx sa braso ko. "And you are?"

Nagkibit-balikat ako. "I'm Callista," tugon ko. Pero bago pa ako makapagtanong ulit, biglang umiyak si Jaxx nang malakas at hysterical.

Nataranta si Azriel at sinubukang patahanin ang kapatid. “Jaxx, bakit ka umiiyak?”

“Mommy…” iyak ni Jaxx habang pilit akong inaabot.

Bigla akong natigilan.

Mommy? Ako? Bakit ako ang tinatawag niya?

Wala akong nasabi. Napaamang ako at hindi ko alam kung anong gagawin.

And before I could react, a random old woman walked by and scolded me. “Anong klaseng ina ang kayang balewalain ang anak na gustong magpa-karga?” tanong ng isang matandang babae, halatang nagagalit.

Napalingon ako. “Pasensya na po. Pero hindi ko po siya anak,” sagot ko, may kaba.

Pero lalo lang kumapit si Jaxx sa damit ko. Parang takot na takot. Napalinga ulit ako, umaasang may ibang tao na lalapit.

“Please…” pakiusap ni Azriel habang umiiyak na rin si Jaxx. Halatang desperado siya.

“Sige… ako na muna ang kakarga sa kanya,” sabi ko habang inaalalayan si Jaxx. Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.

Gutom ba siya?

“Azriel, may dala ka bang gatas? Baka gutom si Jaxx?"

Tumango siya at kinuha ang bote mula sa bag. Kinuha ko ito at lumapit sa bench. Dahan-dahan ko siyang pinainom.

Tahimik na si Jaxx habang dumedede. Siguro, comfort lang talaga ang kailangan niya.

“Thank you,” mahina pero taos-pusong sabi ni Azriel habang umupo sa tabi ko, marahang hinahagod ang likod ni Jaxx.

Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya. “You’re welcome. Pero pwede mo ba akong kwentuhan kung bakit kayo nandito? Nasaan na ang parents niyo?”

“Mom died in a car accident,” she said softly, avoiding my gaze.

Parang may humigpit sa dibdib ko. “I’m sorry to hear that… pero may Daddy pa kayo, ‘di ba?”

Tumango siya. “Meron. Pero ayoko sa kanya. Masama siya.”

Tahimik ako saglit. The heaviness in her voice shook me.

“Azriel...” bulong ko habang pinupunasan ang luha niya. “Don’t cry. Makikita ka ni Jaxx, baka gumaya siya sayo."

“Galit ako kay Daddy. Ayokong umuwi sa kanya,” bulong niya habang humilig sa dibdib ko.

Hindi ko alam anong gagawin. May dalawang batang yumayakap sa’kin, naghahanap ng kakampi.

“Yan ba ang dahilan kung bakit kayo nasa airport?” tanong ko habang hinihimas ang buhok niya.

Tumango siya. “Gusto ko kay Grandpa. Ayoko kay Daddy.”

“Pero hindi ka puwedeng lumipad mag-isa. Alam ba ng Daddy mo na nandito kayo?”

Umiling siya. “Hindi niya kami mahal. Gusto niya kaming paghiwalayin ni Jaxx."

“Azriel… mahal ng mga magulang ang anak nila.”

“Hindi kami mahal ni Daddy. Kaya gusto niya kaming ipamigay. Ayokong mapunta si Jaxx sa iba,” iyak niya habang niyayakap ang kapatid.

“Baka puwede natin siyang kausapin. Sabihin mo na ayaw mong mahiwalay kay Jaxx. O kaya… pwede nating tawagan siya ngayon.”

Bubukas na sana ang bibig niya para sumagot, pero biglang may dalawang braso ang dumagit sa kanya at bigla ring hinila si Jaxx mula sa kandungan ko.

"Sino ka?!" singhal ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon, at pinanlakihan siya ng mga mata.

“Ako dapat ang magtanong sayo niyan!” sigaw ng lalaki habang yakap si Jaxx at hawak sa braso si Azriel. Nakatingin siya sa’kin ng masama. “How dare you brainwash my kids against me?”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status