เข้าสู่ระบบNasa mahabang hallway na ako habang hinahanap ang restroom. Halos lahat ng tao ay nasa loob ng ballroom kaya medyo tahimik na ang bahaging iyon ng gusali.
“Bakit naman kasi napakahaba ng hallway dito?” bulong ko sa sarili. Nang makita ko ang karatula ng restroom, napangiti ako. Sa wakas! Akala ko kung saan na ako dadalhin ng paglalakad ko. Mabilis akong naglakad patungo sa entrance nito. Ngunit bago pa ako tuluyang makarating, may isang lalaking biglang lumabas mula sa kabilang hallway. Hindi ko siya napansin. At bago pa ako nakaiwas— BANG! “I’m so—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may malamig na likidong biglang tumapon sa dibdib ko. “Shit! Ang lamig!” Hindi na ako napatingin sa kaharap ko dahil abala ako sa pag punas ng aking dibdib at napaatras ako habang nakatingin sa basang bahagi ng gown ko. “Damn!” narinig kong mura ng lalaki. Napakunot ang noo ko. Hindi man lang ba siya marunong humingi ng paumanhin? “Are you blind?” dagdag pa niya. Unti-unti akong napatingala mula sa damit ko patungo sa lalaking nasa harapan ko. At doon ako natigilan. Tj David! Sa lahat ba naman ng taong makakasalubong ko, bakit siya pa? Mas lalo siyang kahanga-hanga sa personal. Mas malinaw ang kulay ng mga mata niya, mas kapansin-pansin ang matangos niyang ilong, at mas lalo pang litaw ang kagwapuhan niya sa malapitan. Pero sandali! Bakit ako nakatitig sa kanya? “Hey, Miss!” Napakurap ako nang marinig ang malakas niyang boses. “What are you staring at?” Agad akong natauhan. Napatingin ako sa kanya nang masama. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Mula sa makapal kong salamin hanggang sa simpleng gown na suot ko. Hindi ko nagustuhan ang tingin niya. “Are you normal?” Nag shoshot kaba ng horror movie? Napakurap ako ng marinig ang mga Sinabi nya. Na para bang may kung anong biglang tumunog sa taenga ko. Ano raw? Tinatanong ako kong Normal ba ako? Ako pa talaga tinatanong ng tarantadong ito. Pakiramdam ko tuloy, sinaniban ako ni dracula sa sobrang galit. Kulang na lang ay maglabas ako ng pangil at kagatin siya sa leeg!. "Excuse me! anong tingin mo sa akin? Gusto mong hilain ko yang dila mo, at nang lumabas yang gilagid mo? Singhal ko habang nakataas ang isang kamay ko. Tiningnan niya ako mula ulo hangang paa na para bang may kakaiba siyang nakita. "What my multo ba sa likod ko?" tanong ko. "mas malala pa sa multo". Saang dimension kaba galing at hindi mo alam ang salitang fashion. Diyos ko, bigyan mo ako ng mataas na pasenya sa mga oras nato. Dahil kung hindi, baka hindi ko na mapigilang sakalin ang lalaking ito." "Alam mo Mr. perfect? Kung may paligsahan sa kapal ng mukha, sigurado akong ikaw na ang champion. Hindi na kailangan pang sumali sa elimination round!. Bahagya siyang napangisi. 'At least, ako may mukha. Ikaw? " At bakit anong akala mo sa akin wlang mukha? tarantado!" "Mukahang tao ba yan? sarcastic na saan nito. Napahawak ako sa dibdib ko. Grabi! para akong inataki sa puso sa sobrang inis. "Lord ,biyan N'yo ako ng mahabang pasensya. Kung hindi ,baka mamaya may madagdag na naman sa mga kasong hahawakan ko--at siya ang magiging akusado!" Hindi pa ako nakakasagot nang biglang kumislap ang sunod-sunod na mga kamera sa aming harapan. “Shit!” Mabilis akong hinila ni Tj palapit sa kaniya. Ipinulupot niya ang isang braso sa baywang ko at bahagyang yumuko upang matakpan ang mukha namin mula sa mga paparazzi. “Don’t move,” bulong niya sa aking tainga. Napahinto ako sa paghinga. Diyos ko! Ano ba itong nangyayari? Halos wala nang pagitan ang aming mga katawan. Ramdam ko ang init ng kaniyang dibdib at ang bango ng kaniyang pabango. Ang isang kamay niya ay nasa baywang ko habang ang isa naman ay nakaharang upang hindi kami makunan nang maayos ng mga litrato. Tj…” mahina kong tawag. “Just cooperate. Ayokong magkaroon na naman ng kung anu-anong balita bukas.” Tumango ako, kahit hindi ko alam kung nakita niya iyon. Ang problema, hindi lang ang mga camera ang dahilan kung bakit hindi ako makagalaw. Para akong biglang nawalan ng lakas sa tuhod. Ramdam ko ang kakaibang kaba na unti-unting kumakalat sa buong katawan ko. Nang bahagya akong gumalaw, lalo niya akong nailapit sa kaniya. “Can you please stop moving?” bulong niya. Napapikit ako sandali Paano ba naman kasi ako hindi gagalaw? Halos magdikit na ang mga mukha namin! “Ikaw nga ang masyadong malapit!” pabulong kong sagot. Bahagya siyang napangisi. “At gusto mo bang makita nila ang mukha natin?” Napatingin ako sa mga camera sa paligid. Agad akong natahimik. Maya-maya, humupa rin ang mga kislap ng kamera. Dahan-dahang lumayo si Tj at binitiwan ang pagkakahawak sa baywang ko. “You’re welcome, Ms. Nerd.” Napatingin ako sa kaniya. “Who asked for your help?” “Your body language.” “Excuse me?” "Don't flatter yourself, Mr. David. Hindi lahat ng babaeng nakatingin sa iyo ay nangangarap na maging girlfriend mo! " bahagya siyang natawa. "Really? "Yes dahil kong hindi kalang sikat kanina pa sana kita sinakal at pinatay! swerte mo lang dahil ayawkong pag pantasyang ng media! Nawala ang mga ngiti sa labi niya. Tiningnan niya ako ng ilang segundo bago umiling. "Interesting" "What interesting?" Hindi na siya nag abalang sumagot, tumalikod na siya at nag lakad na para bang walang nangyari. Napakayabang!Maingay ang paligid ng isang sikat na hotel sa Maynila. Halos lahat ng entertainment reporters ay nagkumpulan sa entrance nito. May mga camera, mikropono, at mga taong sabik na makakuha ng pinakabagong balita.Hindi iyon tungkol sa isang bagong pelikula.Hindi rin tungkol sa bagong relasyon ng isang artista.Kundi tungkol sa isang kontrobersiyang yumanig sa buong industriya.TJ DAVID, INAKUSAHAN NG RAPE!Iyon ang laman ng mga balita sa telebisyon at social media kinabukasan.Hindi makapaniwala ang publiko sa kanilang nabasa. Si Terrence John David, ang isa sa pinakasikat at pinakagwapong aktor sa bansa, ay nahaharap ngayon sa isang mabigat na paratang.Samantala, sa loob ng isang marangyang silid, galit na galit na ibinato ni Tj ang hawak niyang cellphone sa sofa.“What the hell is this?”Halos hindi siya makapaniwala sa mga larawang kumakalat sa internet. Nandoon ang pangalan niya, kasama ang pangalan ni Cindy Montimayor.“How could she do this to me?”Napahawak siya sa kaniyang ulo.
Maya-maya, napagpasyahan naming umalis na sa aming mesa at lumabas muna upang makalanghap ng sariwang hangin. Medyo nakakasakal na rin kasi ang ingay sa loob ng ballroom, at kailangan ko munang magpahinga sa kakangiti at pakikipagplastikan sa mga taong halos hindi ko naman kilala. Paglabas namin, sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin. Medyo tahimik na rin sa bahaging iyon ng hotel, maliban sa ilang bisitang nagkukumpulan malapit sa parking area. Habang naglalakad kami, abala si Ja sa pagkukuwento tungkol sa isang babaeng nakita niya kanina sa loob. “Friend, nakita mo ba 'yung gown niya? Grabe! Parang kurtina sa sala namin!” Napatawa ako. “Ja, baka marinig ka.” “Eh, totoo naman! Hindi talaga nauubusan ng komento ang babaeng ito. Minsan nga, iniisip ko kung may nakatago ba siyang microphone sa bibig dahil hindi nauubos ang mga sinasabi niya. Pero bigla siyang natigilan. “Friend, look!” Napatingin ako sa direksyon ng itinuturo niya. At halos mapatigil ako sa paglalaka
Pagbalik ko sa ballroom, nakita ko agad si Ja na nakaupo sa aming mesa. Abala siya sa pagtingin sa cellphone habang hawak ang kanyang kopita.“Ano bang nangyari sa’yo? Bakit ang tagal mo sa restroom?” tanong niya nang mapansin ako.Umupo ako sa tabi niya at agad na inayos ang basang bahagi ng aking gown.Nang mapansin niya ang mantsa sa dibdib ko, muntik na niyang maibuga ang iniinom.“DIANNE! Ano ’yan?! Huwag mong sabihing naligo ka sa alak!”Napapikit ako at napahawak sa noo.“Naku, Ja. Huwag ka na ngang magtanong. Pakiramdam ko, pati ugat ko sa leeg ay sasabog na sa inis.”Lalo siyang napakunot-noo.“Bakit? Anong nangyari? May nang-away ba sa’yo? Sabihin mo lang at—”“Nakabangga ko si Tj David sa hallway.”Natigilan siya.Dahan-dahan niyang ibinaba ang kopita at napatingin sa akin na para bang may narinig siyang pinakamalaking rebelasyon sa gabing iyon.“Wait. What?”“Si Tj David,” ulit ko. “Huwag kang magpanggap na bingi.”“As in Terrence John David? Ang Tj David na pinagkakaguluh
Nasa mahabang hallway na ako habang hinahanap ang restroom. Halos lahat ng tao ay nasa loob ng ballroom kaya medyo tahimik na ang bahaging iyon ng gusali. “Bakit naman kasi napakahaba ng hallway dito?” bulong ko sa sarili. Nang makita ko ang karatula ng restroom, napangiti ako. Sa wakas! Akala ko kung saan na ako dadalhin ng paglalakad ko. Mabilis akong naglakad patungo sa entrance nito. Ngunit bago pa ako tuluyang makarating, may isang lalaking biglang lumabas mula sa kabilang hallway. Hindi ko siya napansin. At bago pa ako nakaiwas— BANG! “I’m so—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may malamig na likidong biglang tumapon sa dibdib ko. “Shit! Ang lamig!” Hindi na ako napatingin sa kaharap ko dahil abala ako sa pag punas ng aking dibdib at napaatras ako habang nakatingin sa basang bahagi ng gown ko. “Damn!” narinig kong mura ng lalaki. Napakunot ang noo ko. Hindi man lang ba siya marunong humingi ng paumanhin? “Are you blind?” dagdag pa niya. Unti-unti ak
Ilang minuto pa ang lumipas, unti-unti nang napuno ng hiyawan at tilian ang buong lugar. Halos hindi na magkarinigan ang mga tao dahil sa ingay ng mga babaeng sabik na sabik makita ang kanilang mga iniidolong artista. Nagsimula na ang fashion show. Isa-isang lumabas ang mga kilalang personalidad sa entablado. Bawat isa ay naglalakad nang may kumpiyansa habang sunod-sunod ang pagkuha ng mga litrato ng mga photographer.Hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganitong pagtitipon. Mas gusto ko pa ngang manatili sa bahay at magbasa ng libro kaysa makipagsiksikan sa maraming tao. Pero dahil sa imbitasyon ni Andy, wala akong nagawa kundi pagbigyan siya. Habang abala ang lahat sa panonood, hindi ko maiwasang mapatingin sa entablado nang biglang mas lalong lumakas ang hiyawan. May isang lalaking lumabas. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling, pero agad nitong nakuha ang atensyon ng lahat. Matangkad, matikas, at may tindig na para bang isang mandirigmang bumaba mula sa langit. Maging a
Hi, Andy! Nakangiting bati ko sa babaeng naghihintay sa may entrance ng grand ballroom. She was wearing an elegant black gown, carrying a small designer handbag. Despite the controversies she had gone through, hindi pa rin nawawala ang natural niyang ganda. “Attorney Dianne Celestine!” She greeted me with a warm smile before giving me a hug “Congratulations! Finally, everything is over,” masayang bati niya. “Well, that’s part of my job, Andy. I’m glad everything worked out.” Si Andy Velasco ay isa sa pinakasikat na personalidad sa industriya ng show business. Isa siyang kilalang modelo sa mundo ng fashion at award-winning actress sa larangan ng pag-arte. But everything almost fell apart when she became involved in a scandal. A private video of her with Congressman Jeffrey Perez, a married politician, spread like wildfire across social media. The controversy immediately caught the attention of the public. Her career was suddenly put at risk, especially when the congress







