공유

Chapter 5

작가: iamsimple
last update 최신 업데이트: 2023-01-02 03:44:31

Zeph Pov

Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha ni Alpha Hunter na ngayon ay nakatitig din sa akin. Tunay ngang napaka-guwapo niya at ang isang katulad ni Hillary lamang na anak ng isang beta ang nababagay sa kanya. Maganda kasi si Hillary, matalino at anak ng pangalawa sa alpha na may pinakamataas na rank sa isang pack. Ang kaso ang panget ng ugali niya kaya hindi rin pala siya nararapat na maging luna ni Alpha Hunter. Medyo napangiwi ako sa huling mga sakita na naisip ko patungkol kay Hillary. Kung nababasa lamang niya ang aking isip ay natitiyak ko na kinalbo na niya ako ngayon. Pasalamat ako na walang sinuman ang may kakayahan na basahin ang nilalaman ng aking isipan. Bagama't hindi ko kaya ang mind reader na isa sa mga common abilities ng taong-lobo na may malakas na kapangyarihan ay hindi rin naman nila nababasa kung ano ang iniisip ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ngunit ipinagpapasalamat ko na walang nakakabasa sa aking isip lalo na sina Hillary at Sir Keiver. Dahil kung nagkataong nababasa nila ang iniisip ko ay siguradong palaging bugbog ang aabutin ko sa kanilang dalawa. Madalas kasi minu-murder ko sa aking isipan silang dalawa lalo na si Hillary. 

"Bakit mo tinititigan si Hunter ng ganyan, Zeph? May pagnanasa ka ba sa kanya?" galit na sita sa akin ni Hillary na siyang nagpabalik sa aking isip sa sitwasyon ko ngayon. 

"Ha?" parang tangang sagot ko sa kanya. Mula sa mukha niya ay lumipad ang tingin ko sa mukha ni Alpha Hunter na nananatiling nakatingin pa rin sa akin. Ngunit wala pang dalawang segundo ay iniiwas ko ang aking paningin sa kanya at ibinaling kay Hillary na hindi ma-drawing ang pagmumukha.

"Ang sabi ko bakit mo tinititigan si Alpha Hunter? May gusto ka ba sa kanya?" nandidilat ang mga matang tanong ulit sa akin ni Hillary.

"Tinitigan ko ba siya?" tanong ko ngunit para sa aking sarili lamang. Medyo naging lutang ang isip ko kaya hindi ko yata namalayang nakatitig na pala ako ng matagal kay Alpha Hunter. "Nakatitig ka rin sa kanya, Hillary. Ibig bang sabihin ay may gusto ka rin sa kanya?" pa-inosenteng tanong ko naman sa kanya.

"How dare you talk back to me, Zeph!" galit na singhal niya sa akin na tila napahiya kay Alpha Hunter dahil sa sinabi ko. Ano ba ang ikakahiya niya gayong halos lahat ng mga tao ay alam na may gusto siya sa aming alpha?

"Interesting," sambit ni Alpha Hunter. Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya o si Hillary. Pero sa akin kasi siya nakatingin nang sinabi niya ang katagang iyon kaya baka ako nga ang kinausap niya.

"I'm sorry, Alpha Hunter. Hindi ko alam na sa'yo pala ang panyo na ito," paumanhin ko sa kanya. 

"Naibalik mo na ang panyo ni Alpha Hunter kaya tumayo ka na diyan at umalis, Zeph. At sa susunod ay huwag ka nang mamumulot ng panyo na hindi sa'yo," mariin ang boses na utos sa akin ni Sir Keiver.

"Kung alam ko lang na ang alpha namin ang nagpahiram sa akin ng panyo kanina ay hindi ko na sana tinanggap pa," mahina ang boses na kausap ko sa aking sarili at tanging ako lamang ang nakarinig. Ngunit nang muli akong mapatingin sa mukha ni Alpha Hunter ay nakita kong nakakunot ang noo niya na tila ba may hindi ito nagustuhan. Kinabahan ako na baka narinig niya ang sinabi ko kaya mabilis kong inalis sa kanya ang aking mga mata pagkatapos ay pabigla akong tumayo para umalis na.  Nakalimutan ko na pinatikim pala ako ng lashes ni Sir Keiver at pagtayo ko ay biglang naramdaman ko ang matinding kirot sa aking likuran kaya hindi sinasadyang bumuway ang aking pagkakatayo. Akala ko ay matutumba ako ngunit hindi nangyari dahil mabilis akong naagapan ni Alpha Hunter. Maliksing naipalibot niya sa aking baywang ang isa niyang braso at automatic namang pumalibot ang isa kong braso sa kanyang leeg kaya hindi ako natumba. Napaangat ako ng tingin sa mukha niya dahil nag-alala ako na baka magalit siya sa ginawa ko. Nang makita kong nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo ay bigla akong napabitaw sa kanya. Ngunit sa pagkakataong ito ay siniguro ko na hindi na ako matutumba sa pagkakatayo. 

"Sorry ulit, Alpha Hunter. Instinct lamang ang nangyari kaya napakapit ako sa'yo," mabilis kong paliwanag sa kanya.

"Really interesting," sambit ni Alpha Hunter. Hindi ko alam kung sino ba ang tinutukoy niyang interesting. Pero bakit naman sa akin siya nakatingin?

"Pumasok ka na sa kuwarto mo, Zeph," malakaa ang boses na utos sa akin ni Sir Keiver. Walang kibo na naglakad ako palayo sa kanila matapos kong tapunan ng huling tingin si Alpha Hunter.

Paika-ikang naglakad ako papunta sa kuwarto ko. Hindi ko napigilan ang mapaungol ng bahagya nang maupo ako sa bedside ng aking higaan.

Unexpected ang pagdating ni Alpha Hunter ngunit nagpapasalamat pa rin ako na dumating siya dahil hindi na itinuloy ni Sir Keiver ang paglatigo sa akin. Kung hindi siya dumating ay baka gumagapang na naman ako ngayon papasok sa kuwarto ko dahil hindi ko kayang tumayo dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. 

"How dare you para ipahiya ako, Zeph!" galit na sabi ni Hillary na biglang sumunod sa akin sa loob ng aking silid. Bago pa ako makapagsalita ay nakalapit na siya sa akin at binigyan ako ng isang malakas na sampal. "Subukan mo pa akong ipahiya sa harapan ni Alpha Hunter ay tinitiyak ko sa'yo na hindi lamang iyan ang matitikman mo," banta niya sa akin bago lumabas sa maliit at masikip kong kuwarto.

Napahawak na lamang ako sa aking pisngi na nasampal ni Hillary. Bigla iyong nangapal at humapdi. Pagtingin ko sa aking palad ay may dugo kaya dali-dali akong nagtungo sa harapan ng lumang aparador na may salamin. Maliban sa mahapdi ang pisngi ko dahil sa malakas na sampal ni Hillary ay may sugat din pala ang mukha ko. Isang maliit na  scratch na natitiyak kong galing sa kanyang suot na singsing. May singsing kasi ang isang daliri ni Hillary kaya iyon ang humiwa sa pisngi. Malungkot na napatitig na lamang ako sa repleksiyon ko sa salamin. Kailan kaya ako makakaalis sa pagiging alipin sa bahay na ito? Kailan ba ako makakaligtas sa sitwasyon kong ito? Forever na lang ba akong ganito? Isang mahina at inaaping taong-lobo?

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Omega's Destiny    Chapter 24

    Zeph PovDahan-dahan akong umaatras habang dahan-dahan din namang naglalakad palapit sa akin si Hillary. Obvious sa mukha niya na may hindi magandang binabalak siyang gawin sa akin. "Lubayan niyo na ako, Hillary. Isa lang naman akong alipin kaya bakit ayaw niyo akong tigilan? Marami kayong alipin kaya hindi ako kawalan kahit na umalis man ako sa bahay ninyo, kaya please, hayaan niyo na ako sa gusto kong gawin," pakiusap ko kay Hillary. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan nila akong bumalik sa bahay nila gayong marami naman silang mga alipin. Ano ba ang mapapala nila sa akin?"At ano ang gusto mong gawin, Zeph? Ang akitin si Alpha Hunter para makaalis ka na sa pagiging alipin mo? Para sabihin ko sa'yo, kahit ikaw ang maging luna niya ay hindi na mawawala ang pagiging alipin mo dahil nakatatak na iyan sa katauhan mo magmula nang isinilang ka sa mundong ito," nang-iinsulto ang tono ng boses na sabi niya sa akin. Ngunit kung inaaka niya na masasaktan ako sa mga sinabi niya

  • The Omega's Destiny    Chapter 23

    Keiver Pov"Ano ang sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Hillary?" galit na tanong ko sa anak ko nang umuwi siya sa bahay dahil may mahalagang sasabihin daw siya sa akin. "Hindi na raw babalik pa rito si Zeph, Dad. Wala na raw siyang utang na loob sa'yo dahil nabayaran na raw niya iyon matagal na," pag-uulit ni Hillary sa sinabi niya sa akin pagdating niya agad. "Ang lakas ng loob niyang umalis dito sa atin. Kapag nakita ko siyang mag-isa lamang ay papatayin ko siya," nakakuyom ang kamao na dagdag pa nito."Sabihin mo sa kanya na gusto ko siyang makausap ngayon din! At kapag hindi siya sumunod ay mananagot siya sa akin," pigil ang galit na utos ko kay Hillary. Hindi maaaring umalis sa bahay ko si Zeph. Siya ang tunay na babaeng timutukoy sa prophecy kaya kailangan ko siyang bantayan palagi. Dapat pala ay pinatay ko na lamang siya matapos mailipat ni Urusula ang moon-shaped tattoo mula sa kanyang katawan papunta sa anak ko."Pero sinabi ko nansa kanya iyan, Dad. At matigas talaga a

  • The Omega's Destiny    Chapter 22

    Zeph PovParang walang nangyari na lumabas ako sa aking silid. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng mga latay sa aking likuran kaya natitiyak kung magaling na ako. Ngunit hindi mawawala sa aking isip kung gaano kasakit sa pakiramdam habang nilalatigo ako. Alam ko na walang choice sina Sami at Ruyi kundi ang gawin ang kanilang tungkulin bilang executioner. At saka tama naman ang sinabi ni Alpha Hunter sa akin. Naramdaman ko rin na tila pinipigilan ng dalawa ang kanilang lakas habang nilalatigo ako. Sa lakas nilang dalawa ay baka nagkapira-piraso na ang laman ko sa tuwing tatamaan ng latigo kung hindi nila pinigilan ang kanilang lakas. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyon. Hindi naman ako close sa kanilang dalawa at tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakausap ko sa kanilang magkakaibigan."Saan ka pupunta. Zeph? Kailangan nating mag-usap," kausap ni Hillary sa akin nang makasalubong ko siya."Ano ang kailangan mo?" malamig ang boses na tanong ko sa kanya. Hindi ko na kailangang m

  • The Omega's Destiny    Chapter 21

    Zeph PovWala akong choice kundi kausapin si Alpha Hunter at aminin sa kanya na kusa akong nagboluntaryo na umakyat sa puno at siyang pumitas sa prutas ng amanpulo. Kapag hindi ko ito ginawa ay natitiyak ko napapatayin ako ni Sir Keiver. Dahil para kay Hillary ay gagawin ni Sir Keiver ang lahat mapasaya lamang ang anak niya at masunod ang kung ano mang gusto nito."Nagsasabi ka ba ng totoo, Zeph? Alam mo naman kung ano ang magiging parusa mo kapag magsinungaling ka iyong alpha," kausap sa akin ni Alpha Hunter. Nasa harapan nila ako at tila kriminal na ini-imbestigahan."N-Nagsasabi po ako ng totoo," mahinang sagot ko habang nakatungo ang aking ulo. Natatakot ako na baka ipagkanulo ako ng aking mga mata kapag sinalubong ko ang tingin ni Alpha Hunter. Magsinungaling man kasi ako ay malalaman niya pa rin kapag tiningnan niya ako sa mga mata. Hindi kasi kayang itago ng aking mga mata ang katotoohanan. "Narinig mo naman ang sinabi ng aking alipin, Alpha Hunter. Nagboluntaryo siya kaya hi

  • The Omega's Destiny    Chapter 20

    Beta Keiver PovKasalukuyan akong naghahapunan nang biglang dumating ang anak ko na umiiyak. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at nilapitan si Hillary para alamin kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak at kung bakit umuwi siya sa bahay gayong hindi pa naman tapos ang contest sa pagpili ng magiging luna ni Alpha Hunter."Ano ang nangyari, Hillary? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay bigla siyang yumakap sa akin at umiyak sa aking dibdib. Hinayaan ko munang palipasin ang bigat ng kanyang dibdib. Sasabihin din naman niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiyak kapag kalmado na siya. Nang humupa na ang nararamdaman ni Hillary ay kusa siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin."Tinanggal ako ni Alpha Hunter sa mga candidate, Dad. Hindi raw kasi ako nakapasa sa kanyang pagsubok," pagsusumbong niya sa akin. "Buwisit kasi ang Zeph na iyon! Dahil sa kanya ay hindi tuloy ako nakapasa." galit na sumbong pa niya sa akin.Nakaramdam ako ng galit nang

  • The Omega's Destiny    Chapter 19

    Hunter PovMaingat na inilapag ko sa ibabaw ng kama ang walang malay na si Zeph. Nawalan siya ng malay hindi dahil sa takot sa kanyang pagkakahulog mula sa mataas na puno kundi dahil sa tuklaw ng ahas na Venomous. Ang ahas na iyon ang bantay sa prutas ng amanpulo. Naiiba ang ahas na ito dahil masyadong mahaba at mabilis itong kumilos. Nakita ni Zeph ang mahabang dila ng ahas ngunit natitiyak ko na hindi niya nakita at naramdaman na tinuklaw siya nito. Isa pa iyon sa katangian ng ahas na Venomous. Sa sobrang bilis ng galaw nito ay hindi nararamdaman ng tao na nakagat na pala ito ng ahas. Masyadong makamandag ang ahas na ito. Ngunit mabuti na lamang na ang juice ng prutas na amanpulo ay antidote sa kagat ng Venomous. Sa mga puno ng amanpulo lamang nakatira ang mga Venomous at naglalabas ang kanilang katawan ng kamandang na sinisipsip naman ng puno na napupunta naman sa bunga. Kaya mapanganib din ang prutas na ito at nakamamatay sa kapag nakain ng kahit na sino. Ngunit nagsisilbi naman

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status