Share

CHAPTER 14

THE ONE-YEAR CONTRACT

CHAPTER 14

APPLE'S POV

"Tik-tak-tik-tak-tik-tak-tik-tok-tuk-tak-tek-tik-tok-tuk."

"Alelelele heyyuu! Aleleleleheyuu!"

"I don't wannnaa, talk about ittt, how you brrokkeee my heart? Uh! Ang sakit! Huhu! Nalimutan ko kasunod. Ano na ngang kasunod doon?"

"Drav."

"Drraaaavvv!"

"Ddrrraavvv!"

Hays. Hindi na ako magtataka kung bukas ay paos na ako. Simula kasi ng lumabas ako ng banyo kanina, hindi na n'ya ako pinansin. Bakit hindi na n'ya ako pinapansin? Tsk. Ayaw n'ya ba sa papansin?

Hindi naman ako papansin, hindi ba? Psshh. Bahala ka na nga jan.

Kinuha ko nalang ang dalawang saklay at sinubukan kong tumayo gamit iyon. Haysh. Nakakangalay palang gumamit ng saklay. Pero kailangan ko nang masanay. Alangan namang nakaupo lang ako palagi sa wheelchair. E pa'no pala kung abutan na naman ako ng tawag ng kalikasan tulad ng nangyari kanina? Tapos wala akong ibang kasama rito? Paano na ang buhay ko?

Saka, kailangan ko ring gampanan ang tungkulin ko rito sa bahay.

Pero bakit hindi talaga s'ya namamansin?! May problema ba ito?

Uh, siguro nga meron itong problema? Tutok na tutok lang kasi s'ya sa TV habang nanonood ng mga nagmomodel-model na hindi ko maintindihan kung para saan. English kasi. Kaya tinatamad din akong manood.

Tila tinawag ako ng pinto kaya tumingin ako doon. Hhmmm. Uwi na kaya ako?

"Drav, uuwi na muna ako. Balik ako pagkatapos ng sampung bukas," paalam ko, pero hindi n'ya ako nilingon. Hmp. Bahala ka man dyan.

Papansinin mo rin ako. Akala mo ha? Hindi ako papansin, pero papansinin mo ako.

Gamit ang saklay, dahan-dahan akong nagtungo palapit ng pinto. Ang hirap gumamit ng saklay huhu! Nang tumapat na ako sa pinto ay nilingon ko pa s'ya. Nakatutok pa rin s'ya sa TV.

"Lalabas na ako! Babyyee!" sigaw ko, pero hindi n'ya pa rin ako nililingon. Inismiran ko ang tenga n'ya bago hinawakan ang doorknob at pinihit iyon. Nang mabuksan ko na ang pinto ay nagsimula na akong lumabas. Kakalabas ko palang ng pinto ay may humawak na sa buhok ko.

"Oh?! Anong hinahawak-hawak mo sa buhok ko?! Wala ka namang pakialam na kung uuwi na ako hindi ba? Bitawan mo na ang buhok ko! Bilis!"

Biglang sumulpot ang wheelchair sa gilid ko saka binitawan ang aking buhok at sinarahan ang pinto, dahilan para mapaikot ako paharap doon.

S-Seryoso s'ya? Sinarahan n'ya ang pinto e nandito ako sa labas?! Kakatok sana ako kaso pinigilan ko ang sarili ko. Ayaw mo nito? Ibig sabihin pinapayagan ka na n'yang umuwi? Hindi ba gusto mo nang umuwi?

Saglit akong napasandal sa pinto.

Pero, kasi, ano iyon? Ganun-ganun lang?! Kanina naman kasigawan ko pa s'ya tapos ngayon hahayaan na n'ya akong umalis ng walang kasama? Este, kasama ko naman ang wheelchair ko saka saklay, pero, hindi e! Babayaran ko pa nga ang mga utang ko sa kan'ya e!

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto, pero sa halip na sa sahig ako bumagsak, sa braso ata ako lumagapak? Errr, hindi naman lumagapak.

Napalingon ako sa kan'ya. Nakasalo ang isang braso n'ya sa likod ko. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin bago nagpumilit na tumayo. Pero sa halip na hayaan ako, binuhat na naman n'ya ako kaya nabitawan ko na ang saklay.

"Hhooyyy! Uuwi na nga ako eehh! Hindi ka ba nakakaunawa ng Tagalog? Uuwi na ako! I! To, house! M-My house? My nipa hut? I to my house! Not you house!"

Inupo n'ya ako sa sofa at kumuha ng, scotch tape?!

"At anong-hhhmmppp!"

Tinapalan n'ya ng scotch tape ang bibig ko, tapos ipinwesto ang dalawang kamay ko sa likod ko at tinalian ng...ano ngang tawag dito? Necktie? Parang necktie?

"Hhmmpp! Hmpp hhmmppp! Hhmpp!"

Pagkatali n'ya roon ay inihiga n'ya ako, pinagdikit ang dalawang paa ko at tinalian din ng necktie. Para tuloy akong uod dito! Ano na naman bang trip nito?!

"Hhmppp! Hhhmmpp! Hhhmmppp!"

Translation:

Hhmmppp! Hhmmpppp! Hhmmppp!

"Tsss. Much better," sabi n'ya nang matapos na n'ya akong talian. Wwaaaaa! Ano ito?! E-Eto na ba iyon? Ipapakatay na n'ya talaga ako? Naghihintay na lang s'ya sa mga taong kakatay sa'kin tapos tinalian na n'ya ako para mamaya ay gigilitan na lang nila ako ng leeg?

Wwaaaa!

Umupo s'ya sa may paahan ko at nagpatuloy sa panonood ng TV. Huh! Anong akala mo sa akin, tanga?! Kung hindi ako makakalakad...

...makakagapang naman ako!

Itinagilid ko na ang aking sarili para sana gumulong pababa ng sahig pero bago pa man ako mahulog, hinawakan na n'ya ang bewang ko para mapigilan ako. Sunod n'yang hinawakan ang magkabilang hita ko at hinila iyon palapit sa kan'ya. Ang resulta, nakakandong ang halos kalahati ng katawan ko sa kan'ya. Dinaganan n'ya pa ng unan ang hita ko, saka ipinatong doon ang braso n'ya.

Aaahhh! Paano ako makakawala?! Para s'yang bata!

Kinuha ko ang maliit na unan sa gilid ko at ibinato sa kan'ya.

"Hhmpp! Hhmmpp hmmpp hhhmmppp!"

Magpupumiglas sana ako pero sinamaan na naman n'ya ako ng tingin.

Urgh! Nangangalay na ako! Ganito ba talaga ang ginagawa n'ya sa mga pumeperma sa kontrata n'ya?! O dahil teddy bear ang nilagay ko doon sa halip na puso kaya doble ang pahirap sa akin?!

"Drav-dang!"

Narinig kong may kumalampag sa may pinto. Parang may nadapa. Saka yung boses, parang boses ni Hiro?

Bigla na lang s'yang sumulpot sa aming harapan na iika-ika.

"Drav, check this ou-Apple?" kunot-noong saad n'ya nang makita n'ya ang lagay ko.

"Hhmpp! Hhmmpp hmp hhmmpp hmmpp!"

Translation:

Hhmpp! Hhmmpp hmp-

Letse ka utak! Ayusin mo translation! Isa pa!

Translation:

Hiro! Tulungan mo aakkoo! Nangangalay na aakkoo! Hindi na lang basta timang ito! Aswang ito! Aswang!

"Drav? What the hell are you doing to her? Seriously?!"

"What's the matter, Hiro? Got some news?"

"Hhmpp! Hhmpp-"

Muli n'ya akong tiningnan, at puno iyon ng pagbabanta.

"Mananahimik ka o itatapon kita sa labas?" aniya na ikinasama ko ng tingin sa kan'ya. Kung nakakatunaw lang sana ang masamang tingin e!

"Damn. Drav, you need to check this out."

Mabilis na kinuha ni Hiro ang remote at nilipat ng channel ang TV. Tumambad sa amin ang isang balita.

"He's in a big trouble if ever these video and pictures are not manipulated."

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang ipakita sa gilid ng nagsasalita ang isang video.

V-Video nung...nasa kotse kami ni Dravour tapos...n-nung nagwrewrestling kami sa k-kotse...

S-Sa video naman ako lang ang kita. Hindi kita ang mukha ni Drav dahil nasa tagong parte s'ya ng kotse. 'Yung 'yung, 'yung habang hawak ko 'yung ano n'ya, tapos tumingin ako sa may bintana, tapos huminto roon ang video. Sa kabilang gilid naman mga litrato. Litrato ni Drav habang karga ako at walang malay, tapos nung, ano iyan? Nakikipag-usap s'ya sa doctor? Kasama n'ya sina Hiro at Kio. Nakanganga pa s'ya sa unang litrato tapos ako ang ganda habang tulog.

"Kalat na kalat na ang tungkol d'yan sa social media, Drav. At batid kong alam mong hindi maganda ito."

Tumunog ang cellphone ni Drav, kaya kinuha n'ya iyon mula sa bagong lamesa na nakapwesto dito sa sala. Tiningnan n'ya lang ito. Bakit hindi n'ya ba iyon sinasagot?

"Drav, what are you planning to do? You need to clear things out!"

Hindi ko masyadong nauunawaan ang mga nangyayari, pero mukhang hindi yata maganda. Hindi mapakali si Hiro e. Saka 'yung mga pictures at videos. Hindi naman iyon lalabas sa balita kung hindi iyon importante, hindi ba?

Bigla ring dumating si Kio, at tulad ni Hiro kanina, humahangos din s'ya. Kasunod niyon ang halos sabay-sabay na pagtunog ng mga cellphone. Pati telepono ni Drav ay tumunog na rin.

"Drav. May mga media sa labas," ani Kio.

Napatingin ulit ako sa TV. Nandoon pa rin ang nakahintong clip sa video at ang mga litrato. Nagsasalita rin ang lalaki sa TV. Hindi ko maintindihan ang iba n'yang sinasabi pero ang sinabi n'ya sa Tagalog ang nagpagising at nagpakaba sa akin.

"Kapag hindi agad ito nalinaw sa publiko, maaaring makaapekto ito sa modelong si Dravour."

"Tama ka, partner. At ayaw nating lahat na mangyari iyon."

T-Teka. Makaapekto?

G-Gumawa ba ako ng bagay na...ikapapahamak ni Dravour?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status