Share

CHAPTER 13

THE ONE-YEAR CONTRACT

CHAPTER THIRTEEN

APPLE'S POV

Napahawak ako sa aking labi saka kinagat ito.

T-Totoo na ba iyon?

.

.

.

H-Hindi! 'Yung kanina guni-guni ko lang yata kaya ito, g-guni-guni ko lang din!

Napapikit ako ng mariin saka nagsimulang sampalin ang sarili. Hindi pa ako nakuntento kaya ginawa ko rin ito sa kabilang pisngi. Gusto ko nang magising kung nananaginip man lang ako. At kung totoo nga ito, hala! 

Hindi pwedeng maging totoo ito!

"Hindi nga kasi! Guni-guni mo nga lang kasi, okay? Hindi iyon totoo. Nananaginip ka lang ng gising habang nakatulala sa hangin. Nagsusumidhi lang ang iyong damdamin, kahit halik—urgh! Hindi! Hindi iyon totoo!"

Isang malakas na sampal ang siyang tuluyang nakapagpagising sa aking diwa.

"Apple! Gumising ka nga! As in gising! Hindi iyang nakamulat nga ang mga mata mo pero wala ka naman sa sarili—aish! Malamang nasa kotse ka kaya wala ka sa sarili!"

Isa pa talagang, sampal sa sarili! Huhuhu! Sumasakit na ang magkabilang pisngi ko dahil sa kakasampal. Tiningnan ko ang aking mga kamay, at parehas silang masama ang tingin sa'kin.

"At kayo? Hindi ko naman kayo inaano pero panay ang sampal n'yo sa pisngi ko? Bwiset din kayo e! Bwise—"

Umayos ako ng upo nang bumukas na ang pinto sa may drayber. Sa unahan lang nakapokus ang mga mata ko dahil ayoko s'yang lingunin. Hindi ako gumagalaw hanggang sa mai-start na n'ya ang kotse, at s'ya rin naman ay nanatiling tahimik.

Teka, b-baka iba na maman ang kasama ko?!

"D-Drav?" kinakabahang tanong ko. Ayoko namang lumingon kasi sa tuwing naiisip ko 'yung nangyari kanina na—aish! Guni-guni nga lang! Pero ang hirap kasing ano, a-alam n'yo 'yun? Gusto mo nang kalimutan kaso ang hirap tapos kapag naaalala mo pa ay bumibilis pa ang tibok ng puso mo?

Urgh! Nakakainis!

"Draaavvv!"

"Fuck! Lower your voice, damn it!" galit na galit na namang sigaw n'ya, na ikinalingon ko sa kan'ya.

"At—"

"Subukan mong magsalita! Iuuntog na kita sa bintana!"

Mukhang mataas na naman ang blood pressure n'ya. Kanina lang ay ayos ang ulo nito pero ngayon? Ano na namang nangyari?! Napaka-ano nito! A-Ano na ngang tawag doon? Woody? Napaka-woody? Basta 'yung paiba-iba ng ugali!

Walang ano-ano'y bigla n'yang itinabi ang kotse, at nang huminto na iyon ay humarap s'ya sa'kin. Para s'yang timang—este, timang na nga e. Ang ibig kong sabihin ay, nagmukha s'yang mas timang nang napahilamos pa s'ya sa kaniyang mukha bago nagsalita. Parang gulong gulo s'ya sa sarili n'ya na ewan!

"Ipaaalala mo nga ang ginawa ko kanina. May, ginawa ba talaga akong...kakaiba?" kunot-noong tanong n'ya.

"S-Saan ko ba sisimulan? M-Mula sa hospital?"

"N-No. D-Dito sa kotse."

"Mula nung kunin mo ako mula kay Kairo?"

"Hindi, n-ngayon-ngayon lang."

"Nung umalis na tayo mula doon sa may building?"

"Hindi, b-bago iyon."

"Ah, nung dumating na tayo doon?"

"No—darn it! Alam kong alam mo na kung anong tinutukoy ko!"

"H-Huwag mo na ngang itanong! Guni-guni mo lang iyon okay?! Tapos guni-guni ko lang din! Walang nangyaring kakaiba. Wala kang ginawang kakaiba. Kaya paandarin mo na ulit itong kotse! Bilis!"

"A-At sino ka para utus-utusan ako?! Baka nakakalimutan mong ako ang boss mo?!"

"Nagugutom na ako, okay?! Kaya umuwi na tayo nang makapagluto na ako at makakain na tayo pareho! Bilisan mo na! Ngayon na! Ngayon nnnnaa!"

"Oo na! Huwag ka nang sumigaw! Tangina talaga."

Nalasap ko ang tagumpay nang muli na niyang paandarin ang kotse. Tsss.

"Aabante na rin pala. Dami pang sinabi," bulong ko sa aking sarili.

"W-Wala talaga akong ginawa, hindi ba?"

"Oo nga sabi! Hindi mo ako hinalikan kaya wala kang ginawa! Ang kulit!"

Nang maproseso na ng aking utak ang sinabi ko ay naiinis kong iniuntog ang sariling ulo sa bintana.

"B-Basta wala kang ginawa," nahihiyang saad ko saka tumungo.

***

"Hmm, saaraapp!" tuwang-tuwang sambit ko matapos kumagat ng fried chicken ng Jollibee. 

Nandito na kami sa bahay ni Drav. Ayaw n'yang sumabay sa akin kaya nauna na akong kumain. Pagkatapos kumain ay magsasanay na akong gumamit ng saklay. 

Nagpumilit na ako kanina na bilihan n'ya ako ng saklay. Babayaran ko rin naman, 'yung naging gastos n'ya sa ospital dahil sa'kin, saka itong kinakain ko ngayon. Mag-aambag din ako para sa tubig at kuryente dito sa bahay. 

Saka 'yung mga nabasag ko kagabi, babayaran ko rin iyon. Tantsa ko mga nasa, ten thousand? O kaya five thousand lang? Basta tyatyagaan ko nalang ng tinda ng ice candy d'yan sa mga kapitbahay. Lalakihan ko na rin ng balot para pwede nang gawing sampung piso kada piraso. Tapos dadamihan ko na ng gawa. Tutal may ref naman s'ya rito. Magpapagaling lang ako ng tuluyan at pagkatapos ay gagawa na ako.

"D-Drav! Hindi ka pa ba talaga kakain?!" sigaw ko sabay kagat ulit sa fried chicken. 

Sinilip ko s'ya mula rito sa aking kinauupuan. Medyo kita naman kasi ang sala mula rito, at nakita ko s'ya roon na pauli-uling naglalakad. Parang ang lalim na naman masyado ng iniisip. Hays. Kainin ko na kaya itong fried chicken n'ya? Ubusin ko na kaya lahat ng pagkain na nandito sa harapan ko? Hmm. Kaso, kawawa naman. Baka nagugutom na rin 'yon, pero bakit nga ayaw pang kumain?!

Takutin ko na rin kaya? 

"Drav! Kumain ka na rito! Kundi ako nang kakain nitong hotdog at itlog mo!" sigaw ko ulit habang nakatingin na sa hotdog at itlog na pinirito n'ya kanina pagdating namin.

"Shut up! Enough with that dirty talks, stupid!"

Dirty? Madumi yon di'ba? Saka talk? Tokotokotok? Tokotokotoktok? Charot. Ang talk ay kapag may kumakatok.

Talk talk talk.

"Drav! Seryoso nga kasi ako rito! Alam mo bang masamang pinaghihintay ang pagkain?!" pangungumbinsi ko pa sa kan'ya, pero talagang wala pa rin. Ano na naman ba kasing katimangan ang iniisip nito?

*DRAVOUR'S POV

D-Did I really...kissed her? As much as possible I don't wanna believe that I did that but, I'm not that fucking stupid like her. I know na hindi lang guni-guni iyon. I know that, that was real and, I-I don't know if I'm gonna hate it or what.

I don't initiate kisses. Mga babae pa ang humahalik sa akin, and that really pisses me off! And now I'm really frustrated because of a kiss...

...that I initiated! 

Where is the real me? The snobber, silent, harsh, heartless, conscienceless, the real me na walang pakialam sa nararamdaman ng iba? Bakit hindi ko nakikita ang sarili kong iyon kay Apple? 

Dravour, hindi ba't ito na ang huling pagkakataong ibinigay mo sa sarili mo para kumilatis ng babaeng ihaharap sa mama mo? You even hoped that this last one would finally work! And, if ever, IF EVER, that this one works, what are you so afraid of? Bakit ka hindi mapakali? Bakit ka nag-aalala?

Why are you so afraid to fall?

Maybe because, the previous ones left you upon seeing the worst version of you? Because they were so scared of you? Na hindi rin malabong mangyari sa ngayong nandito si Apple?

Damn! But why can't you show her your dark side? Why are you so afraid na matakot s'ya sa'yo? Are you getting insane, Drav? Shit! I'm fuckin' nervous with these thoughts that I have.

"Drav! Ano na?! Ubos na ang fried chicken ko! Kapag naubos ko itong lahat huwag kang mag-aastang dragon d'yan na bigla na lang mambubuga ng apoy ha?! Ilang beses na kitang tinawag pero hindi ka lumalapit!"

I take a glance at her. May hawak s'yang french fries sa magkabilang kamay at sabay iyong isinubo sa bibig n'ya. 

She's not excempted. Don't give her such special treatments. She's also under your test. She's not special—

Uh, special child, I guess?

"Tsk. Ubos na ang hotdog at itlog mo. Fries na lang ang nandito. Iyo na ito. Naaawa na talaga ako sa'yo."

I let out a deep sigh. She's not different from the other girls that you'd used to live with. I mean, she's different in many ways but, what I meant was, she's uh, tsk! 

What the hell is happening to me?!

Fuck. This is it. From now on, I'll start to ignore her. I'll act the way that I used to be. I'll let her meet the real me, since I'm fond of doing that to see if people will stay and will accept me.

"Drav! Draaavvv! Kamag-anak ng GRAB rider! Bahala kaaa! Ubos nnnaaa!"

I act as if I don't hear anything. I start walking towards the stairs. Pahakbang na sana ako pataas nang biglang may kumalabog sa kusina. I rush to the kitchen to see what's going on, and I saw her lying on the floor. 

"A-Aray, balakang ko huhu," d***g n'ya habang nakadapa pa rin sa sahig. Tsk

Anong katangahan na naman ba ang ginawa nito?

Napalingon ako sa wheelchair n'ya. Medyo malayo ito mula sa kan'ya. Tsss. Now I get it.

Agad akong naupo at inalalayan s'ya. Inabot ko ang wheelchair at hinila palapit sa amin, at dahan-dahan s'yang inalalayan nang makaupo s'ya muli sa wheelchair n'ya.

"Ano na naman bang ginawa mo? Masakit ba ang paa mo?"

Tiningnan ko rin ang benda sa ulo n'ya. Baka kasi may dugo o kung ano.

"Ang ulo mo, masakit?"

"Tsk. Hindi masakit. Pero tiyan ko masakit."

Lumingon ako sa lamesa, at nakita ko kung gaano kakalat. There are traces of ketchup at the table. Wala na rin ang isang fried chicken, itlog, at hotdog. Ang natira na lamang ay ang fried chicken at kanin na para sa'kin, at french fries.

"Ah, thank you po Lord," she murmured as she burps out loud.

"Akala ko ba french fries nalang ang meron?"

"Sinabi ko lang iyon para pumunta ka rito at kumain na rin. Paano kasi! Hindi ka namamansin! Hindi ako sanay ng hindi tayo nagsisigawan e."

Wait, w-what am I doing here? I told to myself a while ago that I'll ignore her, right?

Tsk. Nevermind. Let's just have a rewind.

From now on, I'll ignore her. I'll show her the real me. And this is the official start for that.

Without saying anything, I walked away from her. As expected, she called me multiple times but I didn't care at all. 

"Draavv! Urgh! Patulong! Waaaa!" she shouts again, pero nagpatuloy lang ako sa pag-akyat sa hagdan.

"Draaavv! Lalabas nnnaa! Huhuhu! Draavv! Aray huhuhu! Aaahhh!"

Natigilan ako sa paghakbang. Urgh! No, Drav! You'll ignore her! 

You'll ignore her!

You'll ign—

"Draaavvv!"

FINE! YOU'LL START TO FULLY IGNORE HER AFTER THIS! GODDAMN IT!

My steps are heavy as I make my way back to the kitchen. Naabutan ko s'yang hirap na hirap sa pagpapaandar ng wheelchair. She's heading to the sink.

"What do you want now, Apple?!"

"Itulak mo itong wheelchair! Huhu bilis!"

Lumapit ako at pumuwesto sa likuran n'ya saka nagsimulang itulak ang wheelchair palapit sa lababo.

"There. Problem solved," I said then turn my back from her to leave. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng kusina ay sumigaw na naman s'ya.

"B-Bakit dito sa lababo?! Hindi dito! Hoy! Bumalik ka!"

"What?! Saan ka ba pupunta?!"

"Sa ban—"

Parehas kaming natahimik. D-Did I heard her...

She... 

She farts?

"Lalabas na nga kase! Itulak mo ako papasok ng banyo! Bilis! Natatae na ako!"

Umalingasaw na ang amoy. Takte. 

"Sigurado ka bang utot lang ang lumabas?" 

"Draavv!"

Seryoso? Naiiyak na s'ya? Pfft. Can I burst out laughing now?

"Fine, fine. Tsss. Huwag mong sabihing magpapahugas ka pa?"

"Lintek ka!"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status