LOGINNaging tahimik ang buhay ko matapos ang tagpong iyon. Nagpatuloy ang buhay ko bilang artista. Tapping dito, photoshoot doon. Interviews. Events. Mall shows.
I did it well. I always did.
Pero habang tumatagal ay bigla akong nakaramdam nang kakaiba. I felt like someone was always watching me. I felt eyes behind my back.
Sinubukan kong h’wag pansinin iyon. But the feeling was strong, kaya halos nakakaapekto na iyon sa trabaho ko.
Nasa probinsya kami. Somewhere in Cebu. Para iyon sa isang movie na ginagawa namin. Dito ang setting ng movie namin. As usual, ako ang bida.
Katatapos ko lang ng isang take at pansamantalang nagpapahinga sa sarili kong tent. May sarili akong folding bed doon na sobrang komportable. Hindi pa man nagtatagal ang pahinga ko noong tumunog naman bigla ang cellphone ko. Ayaw ko sana sagutin dahil bawal. Pero wala namang ibang tatawag sa akin sa set kundi si Ms. Cheng.
Napabuga na lamang ako ng hangin at inabot ang cellphone sa gilid ko. Sinagot ko iyon habang pipikit-pikit pa ang mga mata ko.
“Ms. Cheng—”
“You need to go now, Ellaine!” Ms. Cheng said.
Nangunot ang noo ko noong mapansin ko ang pagmamadali sa boses niya.
“Ha?”
“You need to leave now. H’wag mo nang isipin pa iyang taping mo. You should go. Leave everything, even your cellphone.”
Naguluhan ako sa sinabi ni Ms. Cheng. Bakit naman niya ako biglang paaalisin? May scandal na naman ba ako?
Napaupo na ako. Pilit ko pa ring pinoproseso ang mga sinasabi niya.
“W-Wait, Ms. Cheng. I don’t understand. Bakit mo ako pinapaalis? What did I do?”
Sandaling natahimik si Ms. Cheng.
“I-I’m sorry, Ellaine. Wala akong ibang magagawa. Ito lang ang maitutulong ko sa ‘yo. I… I can’t sacrifice my family. I’m really sorry.”
Para akong sinampal sa sinabi ni Ms. Cheng. Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binibitawan niya.
“Ms. Cheng—”
“There’s no time anymore. At this moment ay sigurado akong papunta na sila sa ‘yo. I’ve already given instructions to Cheska. I’m really sorry, Ellaine. I hope you understand my situation. Leave. Make sure to stay hidden. Don’t let him find you.”
Iyon lang at pinatay na ni Ms. Cheng ang tawag.
Unti-unti kong ibinaba ang cellphone ko. Why would I leave? Kanino ako dapat tumakbo?
Pakiramdam ko bigla ay naninikip ang dibdib ko dahil sa matinding kaba. Ramdam ko na nagpa-palpitate na ako dahil doon. Noong pumasok naman bigla si Cheska sa tent ko.
Napatayo ako agad.
“Cheska. What is going on? Bakit ako pinapaalis ni Ms. Cheng? What is happening?”
Hindi sumagot si Cheska. Nagmamadali lang itong lumapit sa mga damit ko at kumuha ng t-shirt at pantalon.
“Here. Magpalit ka ng damit mo. Bilisan mo. Ihahanda ko ang ilang mga damit mo,” utos niya. Ramdam ko ang pagmamadali sa boses niya. Kita ko rin ang takot sa mga mata niya.
Ano ba talaga ang nangyayari?
Hindi ako kumilos at tiningnan lang ang damit na ibinigay sa akin ni Cheska. May hinugot pa itong jacket ko. Tapos sunod nitong kinuha ay ang bodybag ko at nilagyan ng mga damit at undies ko. Inilagay niya rin doon ang mga dala kong importanteng gamit at toilletries.
Para talaga akong maglalayas sa ginagawa niya.
“No.”
Napatigil bigla si Cheska sa ginagawa niya at lumingon sa akin.
“Magbihis ka na, Ellaine. Please,” sabi niya lang at muling tumalikod sa akin.
Dumilim na ang mukha ko. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Pero inis lang niya iyon na winaksi at salubong ang mga kilay na tiningnan ako. Napaatras ako ng kaunti dahil unang beses kong makita na ganoon ang akto sa akin ni Cheska.
She was always gentle and loyal to me.
“Ano ba, Ellaine? For once h’wag ka namang maging makulit! Magbihis ka na!” ani Cheska. Mahina iyon pero ramdam ko ang gigil sa bawat salitang binibitawan niya. Nagpipigil lang din ito na hindi sumigaw.
Napaawang ang bibig ko.
“No! Hindi ako kikilos hanggat hindi mo ini-explain sa akin ang nangyayari, Cheska. At isa pa, saan naman ako pupunta? Nakakalimutan mo ata na wala na akong pamilya!” giit ko.
Doon naman parang natauhan si Cheska. Umawang pa ang bibig niya na para bang may sasabihin. Ngunit iniikom niya rin iyon at saka huminga nang malalim.
“Sorry. Pero… Mr. Lorenzo Ricci wants you already, Ellaine. Sinubukan ni Ms. Cheng na paliwanagan ito. Pero pinagbantaan nito na papatayin ang buong pamilya niya kapag hindi ito pumayag na bayaran ka. Wala siyang choice, Ellaine,” malungkot na sabi ni Cheska.
Natulala ako sa sinabi niya. So, iyon pala ang dahilan.
That bastard was demanding from me already.
Para akong nauupos na kandila na muling napaupo sa kama ko. Bigla ay naawa ako sa sitwasyon ko.
Oo, naiindintihan ko si Ms. Cheng. Pero gano’n gano’n na lang ba talaga niya ako ipagkakanulo sa lalakeng ‘yon? Kaso ano nga ba ang magagawa ko? Pinagbantaan na ang pamilya niya. Kahit sino naman siguro ay gagawin ang ginawa niya. Ang sakit lang dahil umasa ako na baka lang ay iligtas pa rin niya ako.
“Sige na, Ellaine. Don’t worry. May mga kamag-anak ako sa Mindanao. Doon ka pupunta. Na contact ko na sila kanina pa. Hihintayin ka nila sa pier,” mahinahon ng sabi ni Cheska. “Ibibigay ko sa ‘yo ang isa kong phone. Iwan mo na lang ang sa ‘yo rito para hindi mahalata. Nakapag-withdraw na rin ako ng pera mo kaya hindi mo kailangan mag-alala. Magsi-send din ako palagi. Sabihin mo lang sa kamag-anak ko doon.”
Nangilid na ang mga luha ko. Hindi pa rin mag-sink in sa akin ang lahat. Paano na ako ngayon?
Hindi ko pa rin maproseso ang mga sinabi ni Cheska sa akin. I tried to remember it as much as I could. Pero dahil nga sa halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung maalala ko ba ang lahat ng bilin niya. Umalis ako ng walang paalam sa set kanina. Ngayon ay narito na ako sa bus terminal, papunta na sa probinsya na sinasabi ni Cheska. Mayroon na akong ticket at hinihintay ko na lang na dumating ang bus ko. Pumwesto ako sa pinakasulok ng waiting area. Sa may dulo malapit sa pader. Doon ay kita ko ang lahat ng papasok at lalabas sa gate ng terminal. Kabado pa rin ako dahil alam ko na sa oras na iyon ay pinaghahanap na ako ng mga tauhan ni Mr. Ricci. Sa dami ng habilin ni Cheska sa akin ay ang sinabi niya lang na h’wag basta-basta magtitiwala sa mga nakakausap ko ang naalala ko at siguraduhing walang makakakilala sa akin. E paano ko iyon gagawin? I am Ellaine Sandoval! Halos lahat ata ng tao sa Pinas ay kilala ako. Kahit nga dito sa terminal ay nakita kong nakak
Naging tahimik ang buhay ko matapos ang tagpong iyon. Nagpatuloy ang buhay ko bilang artista. Tapping dito, photoshoot doon. Interviews. Events. Mall shows. I did it well. I always did. Pero habang tumatagal ay bigla akong nakaramdam nang kakaiba. I felt like someone was always watching me. I felt eyes behind my back. Sinubukan kong h’wag pansinin iyon. But the feeling was strong, kaya halos nakakaapekto na iyon sa trabaho ko. Nasa probinsya kami. Somewhere in Cebu. Para iyon sa isang movie na ginagawa namin. Dito ang setting ng movie namin. As usual, ako ang bida. Katatapos ko lang ng isang take at pansamantalang nagpapahinga sa sarili kong tent. May sarili akong folding bed doon na sobrang komportable. Hindi pa man nagtatagal ang pahinga ko noong tumunog naman bigla ang cellphone ko. Ayaw ko sana sagutin dahil bawal. Pero wala namang ibang tatawag sa akin sa set kundi si Ms. Cheng. Napabuga na lamang ako ng hangin at inabot ang cellphone sa gilid ko. Sinagot ko iyon habang pi
Pakiramdam ko ay nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan noong marinig ko ang baritono nitong boses. Hindi ako nakaimik at nakaawang lang ang bibig na nakatingin sa kaniya. Hindi pa nga kami nagkakadaupang palad pero pakiramdam ko ay hinuhubaran na niya ako sa mga tingin niya pa lang. Those green eyes were like memorizing every inch of my body. Especially my face. Hindi mawala-wala ang nakaangat na gilid na labi nito. He was as if enjoying watching me. Bigla akong nakaramdam nang pagkailang. Sanay naman ako na may mga taong nakatingin sa akin. Kahit nga nakahubad ay sanay na sanay na ako. Pero iba ang mga tingin nito. Para akong inaarok kahit sa mga tingin pa lang niya. Pero hindi ako dapat magpadala sa kakaibang presensya niya, at sa kaniyang mga titig na kaakit-akit. He was the one who wanted to buy me after all. Nagsalubong ang mga kilay ko at umayos ng upo. “Mr. Ricci? I… I didn’t know, Ms. Cheng,” tugon ko. Hindi ko iniwas ang mga tingin ko sa kaniya. Sinigurado ko na ma
Maaga akong nagising kinabukasan. Sunod-sunod kasi ang ring ng cellphone ko. Pagtingin ko ay si Cheska pala iyon. It was four in the morning! Ano naman ang kailangan niya? Eight pa ang schedule ng shooting ko kaya sobrang aga pa.Pinilit kong maupo at sinagot ang tawag ni Cheska. “What is it?” I asked. Paos pa ang boses ko dahil kagigising ko pa nga lang. “Y-You need to come to Love Talent now! Please!” Nangunot ang noo ko. “Huh? Bakit? Nasa baba ka na ba?” “Wala, Ellaine. Nandito nga ako sa company.” “What? Bakit nandiyan ka? Paano ako pupunta diyan? Andito ba si Manong?” “Yes. Sinabihan ko na siyang sunduin ka ngayon. Just come here now,” mariing sabi nito. I want to dismiss her. Pero hindi ko maitanggi ang pagmamadali sa kaniyang boses. She was almost begging me to go there. “May problema ba si Ms. Cheng?” tanong ko. Tumayo na ako mula sa kama at nagpunta sa walk-in wardrobe ko. Hindi sumagot si Cheska. Bagkus ay pinatay lang nito agad ang tawag. Nakakunot ang noo na
Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ko ang mga salita ni Ms. Cheng. He wanted to buy me. That Lorenzo Ricci, whoever the fuck he was. Gusto niya akong bilhin na para bang isa akong laruan o bagay na basta-basta lang binibili. Paanong may ganitong kalseng tao kung mag-isip? Matapos naming mag-usap ay dumeretso na ako sa penthouse ko. A unit owned by Foedus Corp. Wala akong ideya sa kanila. Pero sikat ito sa mga mayayamang mga personalidad. Nasa tuktok ng isang one-hundred-storey building ang unit ko. Unit 1003. A place na hindi basta-basta mararating ng mga simpleng tao lang. Bukod sa elegante ang bawat silid dito. Umaabot ng milyon ang presyo ng bawat unit. Pumasok na ako sa loob at dumeretso sa sala. Studio type ang kinuha kong unit. Kaya kita mula sa sala ang kusina. May upper part lang kung nasaan ang kwarto ko. I only have one room. Mag-isa lang naman kasi talaga ako.Bata pa lang ako ay ulila na ako. Kaya nga ako napunta sa trabahong hindi ko naman gusto. Wala akong c
Pagpasok sa loob ng opisina ni Ms. Cheng ay ramdam ko na ang tensyon. Something na unang beses kong maramdaman sa sampung taon ko na sa industriya. Pero hindi ko iyon pinansin. Dumeretso ako sa mahabang sofa at naupo roon. Inilapag ko ang dalang bag sa tabi ko. Tumingin ako kay Ms. Cheng na nasa lamesa niya at nakaupo sa swivel chair. Mayroon itong binabasa sa hawak nitong tablet. Nakakunot ang noo at seryoso ang mukha. “Ms. Cheng, I’m already here,” ani ko. Hindi pa rin nag-angat ng ulo si Ms. Cheng. Na para bang hindi niya ako narinig. Napailing na lang ako. Isinandal ko ang likod ko saka pinagkrus ang mga braso. Hindi ko pa talaga makakausap si Ms. Cheng hanggat mayroon itong binabasa. Higit na mas matanda sa akin si Ms. Cheng. Sa katunayan ay parang nanay ko na ito. Pero sa edad nitong fifty-five ay hindi pa rin ito kinakikitaan ng katandaan. Dahil na rin siguro sa dami nitong pera. Kaya nitong alagaan ang sarili. Si Ms. Cheng ang nagdala sa akin sa kung nasaan man ako ngayo







