分享

Chapter 7

last update publish date: 2026-07-03 23:11:38

SIENNA POV

Nasundan iyon ng isang napaka-awkward na katahimikan sa pagitan namin. Umabot na sa puntong nadidinig ko na ang sariling tibok ng puso ko.

"Yeah...right!" Pagbasag ko ng matauhan ako at tuluyang makabalik sa reyalidad.

Humakbang ako palayo sa kanya upang magkaroon kami ng nararapat na distansya bilang empleyado at boss.

"May iba pa po ba kayong concern tungkol sa company na gusto niyong i-discuss?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya. Nagkunwari nalang ako na nakatingin sa screen at sinusuri ang mga naka-present doon na mga data.

"None," tipid na sagot sa akin ni Dante.

Saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"I shall take my leave now, Mr. Montenegro," paalam ko.

Tumalikod ako sa kanya at naglakad na ako patungo sa pintuan palabas ng kanyang opisina. Kulang nalang ay takbuhin ko ang pintuan sa bilis ng hakbang ko.

"I thought I was being rough to you last night. Too bad, I was still gentle enough for you to be able to walk away from me with straight legs and fast steps."

Halos isang hakbang nalang ang layo ko mula sa pinto ng mapatigil ako dahil sa kanyang mga sinabi. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Nahigit ko ang aking hininga at mas lalong naghurumentado ang pagtibok ng puso ko.

Parang kanina lang ay inaasam kong makilala niya ako. At labis ang pagkadismayang naramdaman ko ng umakto siya na parang hindi niya ako kilala. Pero ngayon? Parang gusto ko nalang na maglaro na parang bula at mag-evaporate pabalik sa aking condo.

Sinubukan kong balewalain ang kanyang mga sinabi. Humakbang akong muli hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa pintuan para takasan siya. Ngunit nang subukan kong hilahin at itulak ang dalawang pinto ay hindi ko magawang buksan ang mga ito. Hightech ang lock ng pintuan ng CEO'S office at siguradong si Dante ang kumu-kontrol dito.

Pagharap ko aking likuran ay napasinghap ako ng tumama ang aking noo sa matipuno niyang dibdib. Hindi ko na namalayan na nasa likuran ko na pala siya.

Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ko dahilan para makulong ako sa namumutok sa muscles niyang mga braso. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha ay nagtama ang aming paningin. His gaze was intense...and dark.

"S—ir?" Nauutal kong saad.

Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. "I prefer you calling me Dante. It sounds sexy. Tawagin mo pa ako ulit sa ibang tawag. And I will seal your lips, anywhere and anytime, with my own methods," anas niya.

Pakiramdam ko ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa aking batok dahil sa huling salitang sinabi niya.

"Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho," pagdadahilan ko.

"Not yet, my lady. I have something important to discuss with you."

Dumoble ang kabang nararamdaman ko. Pag-uusapan ba namin ang nangyari sa pagitan namin kagabi?

"T—ungkol ba kagabi?"

Tuluyan na niya akong pinakawalan at naglakad siya patungo sa kanyang desk at naupo sa kanyang swivel chair. May kung anong kinukuha siya sa sulong sa ilalim ng kanyang desk.

Nag-angat siya ng tingin sa akin ng mapansin niyang hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Tumayo siyang muli at ngayon ay may hawak-hawak na siyang folder na kulay itim. Naglakad siya palapit sa akin.

"Let's take a seat," untag niya sa akin at iginiya niya ako sa sofa. Sabay kaming naglakad at naupo ng magkatabi sa itim na sofa.

Ipinatong niya ang bitbit niyang folder sa coffee table sa mismong tapat ko.

"I want you to sign this fake contract marriage," diretsahang saad niya.

Namimilog ang mga mata na napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Excuse me?!!! Marriage contract?!!!!! Para saan?" Clueless at gulat na gulat na tanong ko sa kanya.

"The board and my parents are breathing down my neck. They see me as a wild card—unpredictable, single, and untethered. They want me to settle down to ensure the stability of the firm. It’s an image game, and I need someone who understands that game as well as I do. A fake contract marriage. One year. You get the position, the salary, and the autonomy you’ve been denied for years," mahabang paliwanag niya.

Natawa ako ng mapait. Umatras ako palayo sa kanya. "Is this a joke? You’re asking me to trade my life for a promotion? Hindi ako asset na pwede mo lang i-reallocate sa portfolio mo, Mr. Montenegro."

"It’s not a request, it’s a business proposal," matigas niyang sagot.

"Then my answer is no!" matapang kong sagot pabalik sa kanya. "I don’t want to be a pawn in your PR stunt. Kung gusto kong patakbuhin ang department na 'to, gagawin ko 'yun on merit. Hindi sa pamamagitan ng pagiging 'happy wife' sa isang lalaking akala niya nabibili ang loyalty gamit ang singsing."

Nag-igting ang kanyang panga. Umusog siya palapit sa akin. Ipinulupot niya ang isa niyang braso sa aking beywang at hinapit niya ako palapit sa kanya.

"I'll help you discard your trashy ex-boyfriend totally out of your life. Do you really think he would really let go of you or accept the fact that you wanted to break up with him? I am giving you the rights to use me in any way under any circumstances. We'll both benefit from this. And I don't take no for an answer," seryoso niyang saad.

Halos maduling na ako sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa. At parang nililigaw ako ng kanyang presensya palayo sa matuwid na landas ng aking buhay.

Sandali akong natahimik. Napag-isip-isip ko din na tama siya. Hindi ako basta tatantanan ni Paulo. Baka nga mamaya ay sa condo ko pa din umuwi ang kumag na yun.

Siguradong titigil si Paulo kapag nalaman niyang may asawa na ako. Saka hindi na din masama ang magpanggap na asawa ng isang bilyonaryong CEO na ubod ng gwapo— ng pinakamalaki at pinakamayamang kumpanya sa buong Pilipinas.

"One year. Pagkatapos noon, I'm out," pinilit kong i-pormal ang aking mukha.

'Sus, asa! From fake marriage contract to real marriage."

Susmaryosep. Kaagad kong binura sa aking isip ang bagay na iyon. Titigilan ko na ang kakanuod ng mga K-drama. Real life 'to. Hindi ako pwedeng mahulog dahil matatalo lang ako sa huli.

'Pero aminin! Kinikilig naman talaga ang p****k mo sa kanya at umaasa ka na simula pa kagabi ay nagsisimula na ang love story niyo,' saad ng isang bahagi ng isip ko.

Mas lalong inilapit ni Dante ang kanyang mukha sa akin. Isang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mga labi.

"One year, Sienna. Let's see if you ever want to leave by then," nahimigan ko ng amusement ang kanyang boses.

Napalunok ako. Parang pumalakpak ang mga tainga ko dahil sa aking narinig. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang iyon?

Magsasalita na sana ako ng bigla niyang inilapat ang kanyang mga labi sa akin ng walang pasabi. At dahil nakabuka ang aking bibig ay malayang nakapasok ang kanyang dila sa loob. Para akong posporo na biglang sinilyaban. Kaagad akong nawala sa aking inhibisyon at tumugon ako sa kanyang malalim na halik.

Parehas kaming hinihingal ng maghiwalay ang aming mga labi. Pinagdikit niya ang aming mga noo.

"That was for calling me, Mr. Montenegro, from awhile."

Crescentia Dela Cruz

Magiging paid na po ang susunod na mga Kabanata. Sana po ay patuloy pa din kayo sa pagbabasa. Everyday update po ito. Until Chapter 150 po ang plano ko sa nobelang ito. Rest assured po na matatapos po ito🫶❤️

| 喜歡
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 8

    DANTE'S POV2 days ago...Today was my mom's death anniversary. Nasa loob ako ng dati niyang kwarto sa loob ng mansyon. Sa tuwing sasapit ang ika-anim na araw ng buwan ay naka-ugalian ko na ang personal na linisin at ayusin ang loob ng kaniyang kwarto. Dito ko lamang inilalaan ang buong araw ko at pagsapit ng gabi ay dito ako natutulog. This was the only place in the world where I feel free and comforted.Katatapos ko lang maglinis. Kasalukuyan akong nakaupo sa vintage chair ni mama na paborito niyang upuan sa tuwing tumatambay siya sa tabi ng bintana. Habang hawak ko ang isa sa mga romance na pocketbook mula sa kanyang koleksyon. Mula sa bintana ay tanaw ang napakalawak na garden na siya mismo ang nagtanim. Nang mawala siya ay patuloy ko iyong pina-maintain sa mag-asawa na si Aling Marya at Manong Tony na katiwala at nagsisilbi noong nabubuhay pa si mama. Makalipas ang ilang sandali ay narinig kong bumukas ang pintuan. Hindi na ako nag-abalang mag-angat ng tingin mula sa aking binab

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 7

    SIENNA POV Nasundan iyon ng isang napaka-awkward na katahimikan sa pagitan namin. Umabot na sa puntong nadidinig ko na ang sariling tibok ng puso ko. "Yeah...right!" Pagbasag ko ng matauhan ako at tuluyang makabalik sa reyalidad. Humakbang ako palayo sa kanya upang magkaroon kami ng nararapat na distansya bilang empleyado at boss. "May iba pa po ba kayong concern tungkol sa company na gusto niyong i-discuss?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya. Nagkunwari nalang ako na nakatingin sa screen at sinusuri ang mga naka-present doon na mga data. "None," tipid na sagot sa akin ni Dante. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Humarap ako sa kanya at ngumiti. "I shall take my leave now, Mr. Montenegro," paalam ko. Tumalikod ako sa kanya at naglakad na ako patungo sa pintuan palabas ng kanyang opisina. Kulang nalang ay takbuhin ko ang pintuan sa bilis ng hakbang ko. "I thought I was being rough to you last night. Too bad, I was still gentle enough for you to be able to walk a

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 6

    SIENNA POVHuminto ang elevator sa ika-walumpong palapag ng gusali. Mabagal ang mga hakbang na naglakad ako sa mahabang pasilyo patungo sa opisina ng CEO. Sa sobrang tahimik ng lugar ay tanging ang yabag lamang ng aking stilettos ang madidinig. Hindi na bago sa akin ang lugar na ito. For all I know, napakadaming beses ko ng nagtungo dito. But this time—it feels different. Habang papalapit ako sa dalawang pintuan na nakasara sa dulo ng hallway ay pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Ito na. Magkakaharap na kaming muli nang kami lang dalawa. Naghahalo-halo na naman ang mga emosyon na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko ng mga oras na ito. Tumigil ako ng nasa harap na ako ng kanyang opisina. Ilang segundo pa akong naglakad ng pabalik-balik sa labas habang iniisip ko kung paanong paraan ko siya kakausapin. Ngingiti ba ako? O dapat ba pormal lang ang mukha ko kapag kaharap ko na siya? Uungkatin ko ba an

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 5

    SIENNA POV "The board of directors has decided that this firm has grown… soft. You have been coasting on the reputation of the past while the market has been passing you by. That ends today." Parang may dumaan na anghel matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Habang ang tingin sa kanya ng ibang tao na naririto sa loob ng auditorium ay isa siyang nakakatakot na CEO. Ang tanging nakikita ko lang sa unahan ay ang lalaking pinaramdam sa akin ang rurok ng kaligayan bilang isang babae. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang mga nangyari sa amin kagabi. Pero nagtatalo ang nararamdaman ko. Sa kabilang banda ay nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa bawat minutong lumilipas. Ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa. Gayong halos ang lapit ng upuan ko sa unahan. Right! Bakit hindi ko 'to naisip? We met in The Lounge. Baka ini-expect niya na isa akong babae na may malaking impluwensya o anak ng isa sa mga business tycoon. At ngayong napagtanto niya na isang hamak na empleyado

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 4

    SIENNA POVMabilis na isinuot ko ang pares ng damit na nakapatong sa bedside table. Walang katao-tao sa buong condo na ipinagpapasalamat ko. Dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang estrangherong lalaki dahil sa nangyari sa aming dalawa kagabi. Ngayon nagsimulang mag-sink in sa aking sistema ang matinding hiya dahil sa pinaggagawa ko. "Hindi na talaga ako iinom kahit isang patak!" Lumabas ako ng condo niya na ang tanging bitbit ay ang maliit na card na iniwan niya sa akin. Pinilit kong maglakad ng ayos kahit hirap akong indahin ang sakit na nararamdaman ko sa ibabang parte ng katawan ko. Pagkababa ko sa lobby ng condominium building ay sinalubong ako ng babaeng receptionist. "Ma'am, nasa underground parking lot na po ang kotse niyo," nakangiting saad sa akin ng babae.Sa pagkataranta ko ay hindi ko na inusisa kung paanong napunta doon ang sasakyan ko gayong naiwan ko iyon sa The Lounge. "Thank you," iyon lang ang nasabi ko at bumalik ako sa loob ng elevator para bumaba sa und

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 3

    SIENNA POVNahigit ko ang aking hininga dahil sa mga salitang sinabi niya sa akin. Tuluyan ng sinakop ng alak ang buong sistema ko. "What are you willing to do?" Ang mga katangang lumabas sa bibig ko.Walang salita na tinawid ng estranghero ang isang pulgadang distansya na namamagitan sa aming dalawa. Sinakop niya ang aking mga labi sa isang mapang-angkin na halik. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking beywang at sa mabilis na galaw ay hinapit niya ako palapit sa kanyang katawan. Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa aking dibdib sa bilis ng pagtibok nito. Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango. Pinaghalong amoy ng leather at cedarwood. Pati ang minty niyang hininga na namamayani sa aking ilong ay mas lalong nagpapahumaling sa akin. Kaagad din siyang lumayo sa akin. "I'll kiss you better," seryosong saad niya sa akin. Buong buhay ko ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. One short kiss from this stranger was enough to make me wet down there. I want more t

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status