LOGINSIENNA POV
Mabilis na isinuot ko ang pares ng damit na nakapatong sa bedside table. Walang katao-tao sa buong condo na ipinagpapasalamat ko. Dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang estrangherong lalaki dahil sa nangyari sa aming dalawa kagabi. Ngayon nagsimulang mag-sink in sa aking sistema ang matinding hiya dahil sa pinaggagawa ko. "Hindi na talaga ako iinom kahit isang patak!" Lumabas ako ng condo niya na ang tanging bitbit ay ang maliit na card na iniwan niya sa akin. Pinilit kong maglakad ng ayos kahit hirap akong indahin ang sakit na nararamdaman ko sa ibabang parte ng katawan ko. Pagkababa ko sa lobby ng condominium building ay sinalubong ako ng babaeng receptionist. "Ma'am, nasa underground parking lot na po ang kotse niyo," nakangiting saad sa akin ng babae. Sa pagkataranta ko ay hindi ko na inusisa kung paanong napunta doon ang sasakyan ko gayong naiwan ko iyon sa The Lounge. "Thank you," iyon lang ang nasabi ko at bumalik ako sa loob ng elevator para bumaba sa underground. — Hindi na ako nagtaka nang pagbalik ko sa aking condo ay andoon pa din ang gamit ni Paulo. Ni isa ay walang nakibo doon, pwera nalang sa box ng relo na regalo ko sa kanya. Wala na kasi iyon sa dating pwesto at hindi ko na makita kahit saan. Wala na si Paulo. Sigurado ako na nasa opisina na siya. Lagpas 9 am na at lagi siyang on-time pumapasok. Parehas lang kaming committed sa aming working hours. Pero ito ang unang beses na male-late ako ng pasok sa aking trabaho. 'Kasalanan ng gagong yun! Kapal ng mukha! Hindi pa talaga siya lumayas sa condo ko!" Isinantabi ko muna ang issue ko kay Paulo at mabilis na nag-asikaso ako ng aking sarili para pumasok sa trabaho. — Huminto ang kotse ko sa tapat ng isang matayog na building— ang Sterling Global Marketing Company. It is a 80 storey glass monolith tower. I am Sienna Beatriz Valderama. 26 years old. And this is my life. Ako ang overall Senior Marketing Strategist ng kumpanya. Ako ang humahawak sa tatlong pillar ng aming industriya. Ang High-End Brand Architecture. Corporate Governance and Reputation Management. And Market Prediction and Behavioral Analytics. Galing ako sa mayamang pamilya. Sa kasalukuyan, ang Dad ko ang Henral ng Armed Forces of the Philippines. Ang Mom ko naman ay isa sa mga tinitingalang lawyer sa buong Pilipinas. May nag-iisa akong kapatid. Si Kuya Nicholas na mas matanda sa akin at isang ganap na piloto. Napangasawa niya ang best friend kong si Layla na todo papansin sa kanya noon. — Bumukas ang elevator na sinasakyan ko sa ika-pitongpu na palapag. Kaagad na lumapit sa akin ang aking assistant na si Sandy na tila kanina pa ako hinihintay. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng aking opisina. "Ma'am, himala yata at na-late kayo! Tapos hindi pa kayo sabay ni Sir Paulo. I smell some good news," saad sa akin ni Sandy pagkasara na pagkasara niya ng pinto. Close kami ng assistant ko. Mas matanda lang ako ng apat na tauhan sa kanya. Dati ko siyang intern at ng maka-graduate siya ay kinuha ko agad siya bilang assistant ko. Ibinaba ko ang mga gamit ko sa ibabaw ng coffee table. Pagkatapos ay naupo ako sa sofa at ipinatong ko ang aking ulo sa headrest. Ramdam ko pa din ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa mga nangyari kagabi. At sariwang sariwa pa sa ala-ala ko ang bawat segundong eksena. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Aaminin kong sobrang nag-enjoy ako kagabi. "Natauhan na ako. Hinihintay ko lang naman na mahuli ko siya sa akto. Saka hindi naman ako tanga para hindi maramdaman ang gusto niyong ipahiwatig sa akin." Ang tinutukoy ko ay ang mga makahulugang sulyap sa akin ng mga empleyado sa aming floor. "Siya nga pala po. Ipinapatawag ang lahat ng empleyado na may matataas na katungkulan sa auditorium at exactly 10:30 AM. Magte-take over na sa ating company ang panganay na anak ni Mr. Montenegro na siyang tagapagmana. Gusto daw po nito na makilala tayong lahat at magkakaroon siya ngayon ng announcement tungkol sa magiging pagbabago sa sistema ng ating kumpanya," imporma sa akin ni Sandy. Napatango-tango ako. Sana naman ay kasing-bait ng matandang Montenegro ang anak nito. Bigla tuloy akong na-curious kung anong hitsura ng magiging bagong CEO. Masyado kasing private ang buhay ng mga anak nito at kahit saang sulok ka ng internet maghanap ay hindi mo makikita ang mga mukha nila. Hindi din naman maikakaila na kahit may edad na si Mr. Montenegro ay bakas pa din ang kagwapuhan nito noong kabataan. "Ay, cheater!" Gulat na sambit ni Sandy ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa harapan namin si Paulo. May dala itong Starbucks na sigurado akong para sa akin iyon. Kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Paulo dahil sa narinig na sinabi ni Sandy. Gusto kong matawa sa reaksyon niya at palakpakan ang aking assistant. "What did you just say, Sandy?" May diing tanong ni Paulo sa aking assistant. "Cheetah, Sir Paulo. Y—ung necktie niyo po," pagdadahilan ni Sandy. Napatingin si Paulo sa sariling suot na necktie. "This is a Leopard print, not a Cheetah one!" Depensa nito. Tuluyan na akong napahagalpak ng tawa. Who would wear a Leopard print in work? "I'm glad that you're happy to see me," baling sa akin ni Paulo. Mas lalo akong natawa dahil sa mga sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Sandy at pati siya ay hindi na din naitago ang pagtawa. "You're nuts!" Sarkastikong sabi ko kay Paulo ng makahuma ako mula sa matinding pagtawa. — Maaga kami ng sampung minuto ng makarating sa auditorium na nasa pang sampung palapag ng gusali. Kasama ko si Sandy. Naupo kami sa pangatlong row mula sa unahan. Nakatitig lamang ako sa oras sa aking suot na relo. Nang tumapat ang mahabang kamay sa tatlumpung minuto ay bumukas ang dalawang malaki at mabigat na entrance door sa aming likuran. Napatayo ang lahat sa loob ng auditorium at nabalot ng matinding katahimikan ang buong lugar. Mula doon ay pumasok ang isang matangkad na lalaki na naka suot ng eleganteng itim na suit. Nakahalf-bun ang kanyang medium length na buhok at may maliit na portion sa kanyang buhok ang naka-dye sa kulay na puti. Habang papalapit siya ng papalapit sa kinaroroonan ko ay ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagtagpo ang aming mga mata. At habang patuloy siyang naglalakad ay hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa akin. Those grey eyes— how could I forgot it. Nang tuluyan na siyang makalapit sa kinapwepwestuhan ko ay saglit siyang tumigil. Akala ko ay may sasabihin siya sa akin. Pero inalis niya din ang kanyang tingin mula sa akin at naglakad dire-diretso patungo sa stage na parang hindi man lang niya ako nakita. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi agad ako nakahuma. "I'm Dante Alejandro Montenegro," tipid na saad ng pamilyar na boses sa unahan. Walang kahit anong pleasantries. Napalingon ako sa gawi niya. Seryoso siyang nakatayo sa unahan at hindi man lamang mabakasan ng ngiti ang kanyang mga labi. Ibang-iba ang awra niya ngayon kumpara kagabi. Ngayon ko lang mas lalong nakita na may pagka-American feature siya. May kaunting pagka-chinito ang kanyang mga mata. At neutral naman ang kulay ng kanyang balat. He was undeniably breathtakingly handsome. Sigurado ako na siya ang estrangherong lalaki kagabi. I recognize everything about him. Hinding-hindi ako magkakamali. Pero bakit parang hindi niya ako nakikilala? At bakit ganito nalang ang matinding pagkadismaya na nararamdaman ko ng lagpasan niya ako kanina na parang wala lang. "Ma'am Bea, ikaw nalang po ang nakatayo," bulong sa akin ni Sandy habang bahagya niyang hinihila ang aking braso para kunin ang atensyon ko. Saka ko lang napagtanto na nakatingin na pala sa akin ang lahat. Pati na ang bagong CEO ng kumpanya.SIENNA POVMabilis na isinuot ko ang pares ng damit na nakapatong sa bedside table. Walang katao-tao sa buong condo na ipinagpapasalamat ko. Dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang estrangherong lalaki dahil sa nangyari sa aming dalawa kagabi. Ngayon nagsimulang mag-sink in sa aking sistema ang matinding hiya dahil sa pinaggagawa ko. "Hindi na talaga ako iinom kahit isang patak!" Lumabas ako ng condo niya na ang tanging bitbit ay ang maliit na card na iniwan niya sa akin. Pinilit kong maglakad ng ayos kahit hirap akong indahin ang sakit na nararamdaman ko sa ibabang parte ng katawan ko. Pagkababa ko sa lobby ng condominium building ay sinalubong ako ng babaeng receptionist. "Ma'am, nasa underground parking lot na po ang kotse niyo," nakangiting saad sa akin ng babae.Sa pagkataranta ko ay hindi ko na inusisa kung paanong napunta doon ang sasakyan ko gayong naiwan ko iyon sa The Lounge. "Thank you," iyon lang ang nasabi ko at bumalik ako sa loob ng elevator para bumaba sa und
SIENNA POVNahigit ko ang aking hininga dahil sa mga salitang sinabi niya sa akin. Tuluyan ng sinakop ng alak ang buong sistema ko. "What are you willing to do?" Ang mga katangang lumabas sa bibig ko.Walang salita na tinawid ng estranghero ang isang pulgadang distansya na namamagitan sa aming dalawa. Sinakop niya ang aking mga labi sa isang mapang-angkin na halik. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking beywang at sa mabilis na galaw ay hinapit niya ako palapit sa kanyang katawan. Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa aking dibdib sa bilis ng pagtibok nito. Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango. Pinaghalong amoy ng leather at cedarwood. Pati ang minty niyang hininga na namamayani sa aking ilong ay mas lalong nagpapahumaling sa akin. Kaagad din siyang lumayo sa akin. "I'll kiss you better," seryosong saad niya sa akin. Buong buhay ko ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. One short kiss from this stranger was enough to make me wet down there. I want more t
SIENNA POVAkala ko magiging maayos ako ngayong gabi. Pero habang binabagtas ko ang highway sakay ng aking kotse patungo sa The Lounge, nagsimulang maglaro sa aking isipan ang lahat ng magagandang ala-ala namin ni Paulo. We've known each other since first year of college. Pero magkaiba kami ng kurso. Nasa Department ako ng Applied Economics and Data Analytics habang siya ay nasa Communications and Public Relations. Parehas kaming nagho-hold ng magandang reputation sa aming University kaya naman lagi kaming nagkakaroon ng engagement sa mga academic related activities. Matapos ang aming college graduation, akala ko hindi ko na siya makikita. But fate lead us to work under the same company, in the same floor. At doon na tuluyang nagsimula ang lahat-lahat sa pagitan naming dalawa. Matapos ang isang taon namin bilang opisyal na magkasintahan, nagdesisyon kaming magsama na sa isang bubong, sa condo ko.Naglaro sa isipan ko ang imahe ni Paulo noong mga panahon na mahal na mahal niya pa ako
SIENNA POVHindi ko na namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa box ng mamahaling relo na nakapatong sa ibabaw ng coffee table sa aking harapan. Namamayani ang matinding katahimikan dito sa loob ng condo. Tanging ang pagkumpas ng kamay ng orasan sa haligi lamang ang madidinig. In-on ko ang screen ng aking cellphone upang tingnan ang oras. Pasado alas siyete na ng gabi ngunit hindi pa din umuuwi si Paulo. Ni-text o tawag ay wala akong natatanggap mula sa kanya. Ngayong araw ang 5th anniversary namin bilang magkasintahan. Bago ako umuwi dito sa aming condo ay dumaan muna ako sa mall upang bilhin ang matagal na niyang pangarap na mamahaling relo. At ngayon, halos mahigit isang oras na akong naghihintay sa kanya. Parehas kaming nagtratrabaho sa iisang kumpanya. Halos sabay lang ang out namin sa aming kanya-kanyang trabaho. Pero nauna akong umuwi dahil bukod sa may tatapusin pa daw siyang trabaho sa opisina ay gusto ko din siyang i-surprise. Nakagat ko ang aking labi. Nagtungo ako







