Share

Chapter 6

last update publish date: 2026-07-02 07:00:11

SIENNA POV

Huminto ang elevator sa ika-walumpong palapag ng gusali. Mabagal ang mga hakbang na naglakad ako sa mahabang pasilyo patungo sa opisina ng CEO. Sa sobrang tahimik ng lugar ay tanging ang yabag lamang ng aking stilettos ang madidinig.

Hindi na bago sa akin ang lugar na ito. For all I know, napakadaming beses ko ng nagtungo dito. But this time—it feels different.

Habang papalapit ako sa dalawang pintuan na nakasara sa dulo ng hallway ay pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Ito na. Magkakaharap na kaming muli nang kami lang dalawa. Naghahalo-halo na naman ang mga emosyon na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko ng mga oras na ito.

Tumigil ako ng nasa harap na ako ng kanyang opisina. Ilang segundo pa akong naglakad ng pabalik-balik sa labas habang iniisip ko kung paanong paraan ko siya kakausapin. Ngingiti ba ako? O dapat ba pormal lang ang mukha ko kapag kaharap ko na siya? Uungkatin ko ba ang nangyari sa amin kagani? O hahayaan ko siyang mag-first move tungkol doon?

Gusto ko na tuloy bumalik sa opisina ko at magtago doon hanggang sa matapos ang oras ng aking trabaho.

Nagtatalo ang aking isipan kung bubuksan ko ba ang pintuan o maglalakad ako palayo.

'Kaya mo 'yan, Sienna. Hindi naman siya nangangain,' pagpapalakas ko ng loob sa aking sarili.

'Weh?! Kinain ka na nga niya kagabi, eh,' biglang sabat ng malanding bahagi ng aking isip.

Kaagad kong inalis sa aking isipan ang bagay na iyon.

Humugot ako ng malalin na hininga bago ko hinawakan ng aking mga kamay ang dalawang silver na handle ng magkabilang pintuan. Tila dumaloy sa aking braso ang lamig na dulot niyon. Tuluyan kong itinulak ang dalawang pintuan. Pagpasok ko ay kaagad ko din iyong isinara sa aking likuran.

Bumungad sa akin si Dante na nakatalikod sa gawi ko. Nakatingin ito sa malawak na skyline ng siyudad.

Magsasalita na sana ako para batiin siya ngunit naiwang nakabukas sa ere ang aking bibig ng unti-unti siyang humarap sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata. Hindi na ang istriktong CEO ang nakikita ko sa aking harapan ngayon. Kundi ang lalaking mapanganib ngunit nakakaakit na nakilala ko sa bar.

"You were the only one in that room who didn't look like they were about to cry or quit," pagbasag ni Dante sa katahimikan na namamagitan sa amin. Bumaba ang tono ng kanyang boses habang itinuturo niya ang kumikinang sa kintab na linis na glass table na puno ng mga complex data projections.

"I prefer to analyze the numbers, not the panic," sagot ko. Sinubukan kong maging professional, kahit na ang amoy ng cedarwood mula sa kanya ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

"Good," sagot ni Dante sabay slide ng tablet sa ibabaw ng mesa. "Because the numbers are hemorrhaging."

Pinindot ni Dante ang isang button at biglang lumitaw ang marketing metrics sa wall-sized screen. Punong-puno ito ng mga magugulong red at orange na graphs.

"Look at the Luxury Fashion Campaign," turo ni Dante sa isang sharp dip sa conversion rate. "Paulo Santiago pushed for a 'lifestyle-first' approach. Akala niya, kapag puro models sa mamahaling damit ang ipapakita, kusang susunod ang kita."

Napatitig ako sa seryosong mukha ni Dante. Ito kasi ang unang beses na narinig ko siyang magsalita ng Tagalog. Kahit fluent siya sa English, kayang-kaya niya pa ding magsalita ng tuwid na Tagalog nang hindi bumabaluktot ang pronunciation niya ng mga salita.

Nang tumingin siya sa akin ay kaagad akong nag-iwas ng tingin.

Lumapit ako sa kanya at ipinokus ko nalang sa pag-analyze ang isip ko. "He’s ignoring the acquisition cost versus the lifetime value. High ang engagement, yes—maraming likes, maraming shares—pero ang actual conversions? Bottoming out. People are admiring the brand, Dante, pero hindi nila ito binibili."

Nagkatinginan kaming dalawa. Saka ko lamang na-realize ang maling nasabi ko. Bago ko pa man maitama iyon ay naunahan niya akong magsalita.

"Exactly," sagot niya habang humahakbang siya papalapit sa akin. Bilang lumiit ng tuluyan ang distansya sa pagitan namin. "He’s selling a fantasy, but our target demographic wants a solution. Why is the underperforming asset still being prioritized?"

Napalunok ako. Pasimple akong kumapit sa gilid ng kanyang table dahil ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod.

"Dahil flashy," deretsong sagot ko sa kanya. "Mas madaling ipakita sa board of directors ang high 'reach' metric kaysa ipaliwanag kung bakit boring na para sa creative team ang isang high-conversion campaign."

Mas lalong lumalim ang pagkakatitig sa akin ni Dante. Wala ni isa sa amin ang bumibitaw sa aming eye-contact.

"I don't care about the board’s aesthetic preferences. I care about the bottom line. I want you to strip that campaign down to its core. Cut the fluff. If an asset isn't generating a measurable ROI, it’s dead weight. Kaya mo bang gawin 'yan?"

Ang lakas ng aircon sa loob ng opisina pero ramdam ko ang kakaibang init at tensyon na namamayani sa aking sistema.

"I can," confident kong sagot. "Pero mangangailangan ito ng total pivot. I’ll have to cut the creative budget by 40% and shift it toward performance marketing and direct response channels."

"Do it," utos ni Dante, bago nagdagdag, "And Sienna? Don't worry about Santiago's ego. If he gets in the way of your data, let me know. I’ll ensure he’s no longer a factor."

Nahigit ko ang aking hininga ng tawagin niya ako sa aking pangalan. Now, we're playing 'casual'?

Hindi ko siya maintindihan. Umaakto siya na parang walang nangyari sa amin kagabi. But his other actions confused me.

Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa mga metrics na nasa tablet. Pero ramdam na ramdam ko ang presensya ni Dante sa aking likuran. What is he even doing in my back?

"You’re good at this," pabulong na sabi ni Dante, halos hindi na marinig. "Better than the ones who have been here for a decade. It’s a shame your talent is being buried by someone who can’t even read a basic conversion funnel."

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya—si Paulo na ilang taon nang inaangkin ang success na dapat ay ako ang nagtatamasa. I can understand what he literally means. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon sa napaka-ikling oras.

"I don't plan on staying buried," desididong sagot ko. Hinarap ko si Dante at tiningnan ko siya sa mga mata.

Sumilay ang isang tipid na ngiti sa kanyang mga labi na labis kong ikinagulat dahil ito ang unang beses na nakita ko siya sa ganitong ekspresyon. Kaya pala niyang ngumiti?

Literal na para akong nasa langit kapag kaharap ko siya. Anong gagawin ko?

"I’m counting on that, Sienna. Because I don't intend to let talent like yours go to waste. Show me how you dismantle a failure."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 8

    DANTE'S POV2 days ago...Today was my mom's death anniversary. Nasa loob ako ng dati niyang kwarto sa loob ng mansyon. Sa tuwing sasapit ang ika-anim na araw ng buwan ay naka-ugalian ko na ang personal na linisin at ayusin ang loob ng kaniyang kwarto. Dito ko lamang inilalaan ang buong araw ko at pagsapit ng gabi ay dito ako natutulog. This was the only place in the world where I feel free and comforted.Katatapos ko lang maglinis. Kasalukuyan akong nakaupo sa vintage chair ni mama na paborito niyang upuan sa tuwing tumatambay siya sa tabi ng bintana. Habang hawak ko ang isa sa mga romance na pocketbook mula sa kanyang koleksyon. Mula sa bintana ay tanaw ang napakalawak na garden na siya mismo ang nagtanim. Nang mawala siya ay patuloy ko iyong pina-maintain sa mag-asawa na si Aling Marya at Manong Tony na katiwala at nagsisilbi noong nabubuhay pa si mama. Makalipas ang ilang sandali ay narinig kong bumukas ang pintuan. Hindi na ako nag-abalang mag-angat ng tingin mula sa aking binab

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 7

    SIENNA POV Nasundan iyon ng isang napaka-awkward na katahimikan sa pagitan namin. Umabot na sa puntong nadidinig ko na ang sariling tibok ng puso ko. "Yeah...right!" Pagbasag ko ng matauhan ako at tuluyang makabalik sa reyalidad. Humakbang ako palayo sa kanya upang magkaroon kami ng nararapat na distansya bilang empleyado at boss. "May iba pa po ba kayong concern tungkol sa company na gusto niyong i-discuss?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya. Nagkunwari nalang ako na nakatingin sa screen at sinusuri ang mga naka-present doon na mga data. "None," tipid na sagot sa akin ni Dante. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Humarap ako sa kanya at ngumiti. "I shall take my leave now, Mr. Montenegro," paalam ko. Tumalikod ako sa kanya at naglakad na ako patungo sa pintuan palabas ng kanyang opisina. Kulang nalang ay takbuhin ko ang pintuan sa bilis ng hakbang ko. "I thought I was being rough to you last night. Too bad, I was still gentle enough for you to be able to walk a

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 6

    SIENNA POVHuminto ang elevator sa ika-walumpong palapag ng gusali. Mabagal ang mga hakbang na naglakad ako sa mahabang pasilyo patungo sa opisina ng CEO. Sa sobrang tahimik ng lugar ay tanging ang yabag lamang ng aking stilettos ang madidinig. Hindi na bago sa akin ang lugar na ito. For all I know, napakadaming beses ko ng nagtungo dito. But this time—it feels different. Habang papalapit ako sa dalawang pintuan na nakasara sa dulo ng hallway ay pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Ito na. Magkakaharap na kaming muli nang kami lang dalawa. Naghahalo-halo na naman ang mga emosyon na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko ng mga oras na ito. Tumigil ako ng nasa harap na ako ng kanyang opisina. Ilang segundo pa akong naglakad ng pabalik-balik sa labas habang iniisip ko kung paanong paraan ko siya kakausapin. Ngingiti ba ako? O dapat ba pormal lang ang mukha ko kapag kaharap ko na siya? Uungkatin ko ba an

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 5

    SIENNA POV "The board of directors has decided that this firm has grown… soft. You have been coasting on the reputation of the past while the market has been passing you by. That ends today." Parang may dumaan na anghel matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Habang ang tingin sa kanya ng ibang tao na naririto sa loob ng auditorium ay isa siyang nakakatakot na CEO. Ang tanging nakikita ko lang sa unahan ay ang lalaking pinaramdam sa akin ang rurok ng kaligayan bilang isang babae. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang mga nangyari sa amin kagabi. Pero nagtatalo ang nararamdaman ko. Sa kabilang banda ay nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa bawat minutong lumilipas. Ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa. Gayong halos ang lapit ng upuan ko sa unahan. Right! Bakit hindi ko 'to naisip? We met in The Lounge. Baka ini-expect niya na isa akong babae na may malaking impluwensya o anak ng isa sa mga business tycoon. At ngayong napagtanto niya na isang hamak na empleyado

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 4

    SIENNA POVMabilis na isinuot ko ang pares ng damit na nakapatong sa bedside table. Walang katao-tao sa buong condo na ipinagpapasalamat ko. Dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang estrangherong lalaki dahil sa nangyari sa aming dalawa kagabi. Ngayon nagsimulang mag-sink in sa aking sistema ang matinding hiya dahil sa pinaggagawa ko. "Hindi na talaga ako iinom kahit isang patak!" Lumabas ako ng condo niya na ang tanging bitbit ay ang maliit na card na iniwan niya sa akin. Pinilit kong maglakad ng ayos kahit hirap akong indahin ang sakit na nararamdaman ko sa ibabang parte ng katawan ko. Pagkababa ko sa lobby ng condominium building ay sinalubong ako ng babaeng receptionist. "Ma'am, nasa underground parking lot na po ang kotse niyo," nakangiting saad sa akin ng babae.Sa pagkataranta ko ay hindi ko na inusisa kung paanong napunta doon ang sasakyan ko gayong naiwan ko iyon sa The Lounge. "Thank you," iyon lang ang nasabi ko at bumalik ako sa loob ng elevator para bumaba sa und

  • The Pillowcase Receipt    Chapter 3

    SIENNA POVNahigit ko ang aking hininga dahil sa mga salitang sinabi niya sa akin. Tuluyan ng sinakop ng alak ang buong sistema ko. "What are you willing to do?" Ang mga katangang lumabas sa bibig ko.Walang salita na tinawid ng estranghero ang isang pulgadang distansya na namamagitan sa aming dalawa. Sinakop niya ang aking mga labi sa isang mapang-angkin na halik. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking beywang at sa mabilis na galaw ay hinapit niya ako palapit sa kanyang katawan. Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa aking dibdib sa bilis ng pagtibok nito. Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango. Pinaghalong amoy ng leather at cedarwood. Pati ang minty niyang hininga na namamayani sa aking ilong ay mas lalong nagpapahumaling sa akin. Kaagad din siyang lumayo sa akin. "I'll kiss you better," seryosong saad niya sa akin. Buong buhay ko ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. One short kiss from this stranger was enough to make me wet down there. I want more t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status