LOGINTAGALOG Sienna Beatriz Valderama was shocked to discover that the new CEO of the company where she was working, Dante Alejandro Montenegro, was no other than the man she had a wild one night stand with just last night. Luckily, the man didn't recognize her, or so she thought… — After Sienna Beatriz Valderama discovers her boyfriend of five years is having a "dirty affair" with his assistant, she had a wild, uncharacteristic one-night stand with a devastatingly handsome stranger to numb the pain. She wakes up alone, finding only a sleek, black business card left on the pillow. When she shows up at her high-profile marketing job on Monday, she discovers the stranger is her newly appointed, notoriously cold-hearted billionaire CEO, Dante Alejandro Montenegro. Worse? He pretends he’s never seen her before—until he locks the office door and hands her a marriage contract to save his corporate image.
View MoreSIENNA POV
Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa box ng mamahaling relo na nakapatong sa ibabaw ng coffee table sa aking harapan. Namamayani ang matinding katahimikan dito sa loob ng condo. Tanging ang pagkumpas ng kamay ng orasan sa haligi lamang ang madidinig. In-on ko ang screen ng aking cellphone upang tingnan ang oras. Pasado alas siyete na ng gabi ngunit hindi pa din umuuwi si Paulo. Ni-text o tawag ay wala akong natatanggap mula sa kanya. Ngayong araw ang 5th anniversary namin bilang magkasintahan. Bago ako umuwi dito sa aming condo ay dumaan muna ako sa mall upang bilhin ang matagal na niyang pangarap na mamahaling relo. At ngayon, halos mahigit isang oras na akong naghihintay sa kanya. Parehas kaming nagtratrabaho sa iisang kumpanya. Halos sabay lang ang out namin sa aming kanya-kanyang trabaho. Pero nauna akong umuwi dahil bukod sa may tatapusin pa daw siyang trabaho sa opisina ay gusto ko din siyang i-surprise. Nakagat ko ang aking labi. Nagtungo ako sa conversation namin sa messenger at pinindot ko ang call button kahit nakita kong hindi siya naka-online. "I should go," mahinang saad ko sa aking sarili. Pinatay ko din agad ang tawag at nagmamadaling tinungo ko ang unang palapag ng condominium building. Pagkapasok ko sa aking kotse na nasa parking lot ay saglit akong natigilan. Mahigpit na napahawak ako sa manibela. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Kung ito ba yung tinatawag na 'a girl's instinct', ay hindi ko alam. — Tahimik ang buong palapag ng Marketing Department ng bumaba ako mula sa elevator. Malamlam ang ilaw ng paligid. Wala ng empleyado ang makikita sa kahit saang sulok ng mga oras na ito dahil kanina pang alas-sais ang tapos ng office hours. Paminsan-minsan ay may nag-o-overtime na mga empleyado, pero ngayong gabi ay wala ni isa. Mabibigat ang mga hakbang na naglakad ako patungo sa opisina ni Paulo. Hindi na ako nag-abala pang kumatok at walang pasabi na pinihit ko ang seradura ng pinto. Halos bumaligtad ang sikmura ko sa eksenang tumambad sa akin. Ang kaninang tahimik na paligid ko ay napalitan ng malalakas na ungol na nagmumula sa boyfriend ko at sa kaniig nito— walang iba kundi ang mismong assistant nito na si Sabrina. Tila naging estatwa ako sa kinatatayuan ko habang pinapanuod sila. Parehas silang walang saplot. Nakahiga si Sabrina sa ibabaw ng office table habang nakapatong ang dalawang hita nito sa magkabilang balikat ni Paulo. Habang si Paulo ay nakapasok ang pagkalalaki sa bukana ng kanyang assistant habang marahas niyang binabayo ito. Sa sobrang pagka-abala nilang dalawa sa kahalayan nila ay hindi na nila nagawang maramdaman ang presensya ko. Akala ko ay iiyak ako kapag dumating na ang pagkakataon na ito. Pero mali ako. Aaminin kong bahagyang kumirot ang dibdib ko habang pinapanuod ko kung paano ako pagtaksilan ng lalaking unang minahal ko at sa napakahabang panahon. Pero ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay para nalang sa magagandang ala-ala na mayroon kami. 'Finally! I have a reason for me to let go of this fuck up relationship and to discard this man out of my life.' Hindi naman ako tanga para hindi malaman at mapansin na pinagtataksilan ako ng aking nobyo para sa kanyang assistant isang taon na ang nakararaan. But— it was the good memories we had that makes me hard to let go of our relationship. Kaya nagbulag-bulagan nalang ako. Hindi ako sa tao nanghihinayang. Nanghihinayang ako sa panahon na inilaan namin sa isa't-isa. Tinalikuran ko sila at walang salita na naglakad ako palayo mula sa kanila. And that's when realization hits me. Matagal na din pala akong nagmo-move on kay Paulo. "Bea!" Nahinto ako sa akmang pagpasok ko sa elevator ng tawagin ako ni Paulo. Walang pag-aalinlangan na hinarap ko siya. Pinagmasdan ko siya. Suot na niya ang kanyang office attire ngunit hindi kagaya ng huli ko siyang makita kaninang hapon ay gusot-gusot na ito ngayon. Halatang minadali at hindi na nito pinag-isipan ang pagbihis. "Happy anniversary, Paulo!" Sarkastikong sambit ko sa kanya. Bumalatay ang matinding gulat sa kanyang mukha. Akmang lalapit sana siya sa akin at magsasalita ngunit inunahan ko na siya. "Pagkatapos niyo sa ginagawa niyong overtime ng assistant mo, ibibigay ko sayo ang buong gabi ngayon para i-empake mo ang lahat ng gamit mo sa condo ko. Pasensyahan tayo bukas kapag andoon pa ang gamit mo, dahil sa basurahan ang bagsak ng mga yon. At— yung relo na nasa coffee table, kunin mo din. Regalo ko sayo yun," mahabang saad ko sa normal na tono. Hinawakan ni Paulo ang aking dalawang kamay. Hindi maipinta ang kanyang mukha. "Bea, it's not what you think. I'm sorry sa nagawa ko. I'm just a guy. I have needs. Naakit lang ako. Sex lang yun. Mahal kita, Bea. Huwag natin tong gawin. J—just give me another chance, please?" Pagsusumamo niya sa akin. Iwinaksi ko ang kanyang pagkakahawak sa akin. Nakakaramdam ako ng pandidiri sa bawat pagdampi ng kanyang balat sa akin. For all I know, kung ilang beses niyang inihawak sa pagkakababae ng kanyang assistant ang kanyang mga kamay. "We're over, Paulo," walang emosyong saad ko. Mabilis na tinalikuran ko siya. Tuluyan na akong pumasok sa elevator ngunit sumunod siya. Nakulong kaming dalawa sa loob ng sumara na ang pinto. Humarap siya sa akin. "Bea, alam kong malaki ang naging pagkakamali ko sayo ngayon. I'm just a human, after all. Patawarin mo ako. I swear, I won't do this again," pangungulit niya pa sa akin. Para lang siyang nagbabasa ng script, wala man lang akong makapang totoong emosyon ng pagsisisi sa tono ng pagsasalita niya. Hindi na ako nag-aksaya na kausapin pa siya. Hindi ko siya kinibo. Para saan pa at magsasalita ako? Wala namang mababago. It would only be just a total waste of my energy. Nang huminto ang elevator at bumukas ang pinto sa lobby ng building ay dire-diretso akong lumabas. "I know you're mad. Bibigyan kita ng time. Bukas nalang tayo mag-usap. I just want you to know that I love you, Bea," pahabol na saad sa akin ni Paulo. Disgusting! Ang kapal naman ng mukha niya para gamitin sa akin ang linyang yan. Hindi na ako nag-abalang harapin siyang muli. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng building, patungo sa parking lot kung saan naroroon ang sasakyan ko.DANTE'S POV2 days ago...Today was my mom's death anniversary. Nasa loob ako ng dati niyang kwarto sa loob ng mansyon. Sa tuwing sasapit ang ika-anim na araw ng buwan ay naka-ugalian ko na ang personal na linisin at ayusin ang loob ng kaniyang kwarto. Dito ko lamang inilalaan ang buong araw ko at pagsapit ng gabi ay dito ako natutulog. This was the only place in the world where I feel free and comforted.Katatapos ko lang maglinis. Kasalukuyan akong nakaupo sa vintage chair ni mama na paborito niyang upuan sa tuwing tumatambay siya sa tabi ng bintana. Habang hawak ko ang isa sa mga romance na pocketbook mula sa kanyang koleksyon. Mula sa bintana ay tanaw ang napakalawak na garden na siya mismo ang nagtanim. Nang mawala siya ay patuloy ko iyong pina-maintain sa mag-asawa na si Aling Marya at Manong Tony na katiwala at nagsisilbi noong nabubuhay pa si mama. Makalipas ang ilang sandali ay narinig kong bumukas ang pintuan. Hindi na ako nag-abalang mag-angat ng tingin mula sa aking binab
SIENNA POV Nasundan iyon ng isang napaka-awkward na katahimikan sa pagitan namin. Umabot na sa puntong nadidinig ko na ang sariling tibok ng puso ko. "Yeah...right!" Pagbasag ko ng matauhan ako at tuluyang makabalik sa reyalidad. Humakbang ako palayo sa kanya upang magkaroon kami ng nararapat na distansya bilang empleyado at boss. "May iba pa po ba kayong concern tungkol sa company na gusto niyong i-discuss?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya. Nagkunwari nalang ako na nakatingin sa screen at sinusuri ang mga naka-present doon na mga data. "None," tipid na sagot sa akin ni Dante. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Humarap ako sa kanya at ngumiti. "I shall take my leave now, Mr. Montenegro," paalam ko. Tumalikod ako sa kanya at naglakad na ako patungo sa pintuan palabas ng kanyang opisina. Kulang nalang ay takbuhin ko ang pintuan sa bilis ng hakbang ko. "I thought I was being rough to you last night. Too bad, I was still gentle enough for you to be able to walk a
SIENNA POVHuminto ang elevator sa ika-walumpong palapag ng gusali. Mabagal ang mga hakbang na naglakad ako sa mahabang pasilyo patungo sa opisina ng CEO. Sa sobrang tahimik ng lugar ay tanging ang yabag lamang ng aking stilettos ang madidinig. Hindi na bago sa akin ang lugar na ito. For all I know, napakadaming beses ko ng nagtungo dito. But this time—it feels different. Habang papalapit ako sa dalawang pintuan na nakasara sa dulo ng hallway ay pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Ito na. Magkakaharap na kaming muli nang kami lang dalawa. Naghahalo-halo na naman ang mga emosyon na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko ng mga oras na ito. Tumigil ako ng nasa harap na ako ng kanyang opisina. Ilang segundo pa akong naglakad ng pabalik-balik sa labas habang iniisip ko kung paanong paraan ko siya kakausapin. Ngingiti ba ako? O dapat ba pormal lang ang mukha ko kapag kaharap ko na siya? Uungkatin ko ba an
SIENNA POV "The board of directors has decided that this firm has grown… soft. You have been coasting on the reputation of the past while the market has been passing you by. That ends today." Parang may dumaan na anghel matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Habang ang tingin sa kanya ng ibang tao na naririto sa loob ng auditorium ay isa siyang nakakatakot na CEO. Ang tanging nakikita ko lang sa unahan ay ang lalaking pinaramdam sa akin ang rurok ng kaligayan bilang isang babae. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang mga nangyari sa amin kagabi. Pero nagtatalo ang nararamdaman ko. Sa kabilang banda ay nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa bawat minutong lumilipas. Ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa. Gayong halos ang lapit ng upuan ko sa unahan. Right! Bakit hindi ko 'to naisip? We met in The Lounge. Baka ini-expect niya na isa akong babae na may malaking impluwensya o anak ng isa sa mga business tycoon. At ngayong napagtanto niya na isang hamak na empleyado












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews