Share

Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)
Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)
Penulis: Bookie

Chapter 1

Penulis: Bookie
last update Tanggal publikasi: 2026-02-06 06:13:12

Ang VIP lounge ng Eclipse ay hindi lamang isang bar; isa itong arena kung saan ang amoy ng mamahaling tabako, wood-aged scotch, at kapangyarihan ay humahalo sa madilim na kuryente ng gabi. Para sa karaniwang tao, nakakasuffocate ang bigat ng awra rito, pero para kay Zoe Mondragon, ito ang kanyang natural na habitat.

​Bilang "Nation's Sweetheart," sanay si Zoe na ang bawat galaw niya ay sinusundan ng mga lente ng camera. Pero ngayong gabi, gusto niyang takasan ang script.

​"Zoe, sigurado ka ba rito? Ang sabi ni Maya, dadaan lang tayo para sa press launch bukas. Baka may makakita sa atin," bulong ng assistant niyang si Tin habang pababa sila sa van. Halata ang kaba sa boses nito, dahil alam nitong kapag si Zoe ang nagdesisyon, mahirap na itong pigilan.

​"Just a drink, Tin. I need to feel human before I go back to being a diamond tomorrow," sagot ni Zoe habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

​Inayos niya ang pagkaka-bagsak ng kanyang backless silk red dress na tila kulay ng isang hinog na cherry. Ang bawat kurba ng kanyang katawan ay hapit na hapit, sapat para makuha ang atensyon ng kahit sinong lalaking may paningin. Inihagis niya ang kanyang buhok sa isang balikat, inilalantad ang maputi at makinis niyang leeg.

​Pagpasok niya sa lounge, tila huminto ang ikot ng mundo. Hindi niya kailangan ng announcer; ang tunog ng kanyang stilettos sa sahig ay sapat na para mapalingon ang lahat. Sanay na si Zoe sa mga matang puno ng pagnanasa, inggit, at paghanga. Pero hindi ang mga iyon ang hinahanap niya.

​Sa dulo ng silid, sa isang booth na tila iniilagan ng nakararami dahil sa bigat ng awra, nakaupo ang tinaguriang The Quad. Ang apat na lalaking may hawak ng ekonomiya at nightlife ng bansa.

​Doon niya nakita ang target niya.

​Si Dr. Jace Villareal. Isang henyong Neurosurgeon na balita ay mas malamig pa sa ginagamit nitong scalpel sa loob ng Operating Room. Habang ang mga kasama nito ay abala sa pakikipag-tawanan, si Jace ay nanatiling tahimik, nakatingin lamang sa kanyang baso ng Macallan 25. Ang kanyang puting polo shirt ay nakatupi hanggang siko, inilalantad ang mga ugat sa kanyang braso—brasong sanay sa katumpakan at kontrol.

​Control. Iyan ang gusto ni Zoe na wasakin ngayong gabi. Isang laro para sa kanya, isang paraan para patunayang kahit ang pinakamatigas na yelo ay kayang tunawin ng apoy niya.

​"The 'Diamond' is coming this way," narinig ni Zoe ang bulong ni Dylan Alcantara, isa sa mga kasapi ng Quad, habang papalapit siya.

​Hindi inalis ni Zoe ang tingin kay Jace. Habang ang ibang lalaki sa bar ay tila natutunaw na sa presensya niya, si Jace ay dahan-dahang nag-angat ng tingin. Ang mga mata nito ay walang emosyon, parang sinusuri ang bawat fiber ng pagkatao ni Zoe, hindi bilang isang babae, kundi bilang isang pasyente sa ilalim ng microscope.

​Huminto si Zoe mismo sa tapat ng lamesa nila. Ang bango ng kanyang vanilla perfume ay humalo sa amoy ng kanilang mamahaling alak, isang nakakalasing na kombinasyon.

​"You're Jace Villareal, right?" panimula ni Zoe. Ginawa niyang velvet ang kanyang boses—mababa, vibrating, at puno ng seductive undertones. "The doctor who thinks he can fix anything?"

​Dahan-dahang tumayo si Jace. Ang taas nito ay intimidating, sapat para mapatingala si Zoe nang bahagya, pero hindi siya kumurap. Mas lalong inilapit ni Jace ang mukha sa kanya, sapat para maramdaman ni Zoe ang init ng hininga nito at ang maskuladong amoy ng balat nito na humalo sa bango ng alak.

​"I don't just fix things, Ms. Mondragon. I control them," malamig at ma-awtoridad nitong tugon. Ang boses ni Jace ay parang isang talim na dumaan sa balat ni Zoe—masakit pero nakaka-adik.

​"Control is boring," bulong ni Zoe, isang mapanghamong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Inihilig niya ang kanyang ulo at hinayaan ang dulo ng kanyang mga daliri na dumaan sa lapel ng jacket ni Jace, isang simpleng haplos na tila may dalang kuryente. "Don't you want to try something... unpredictable for once?"

​Nakita ni Zoe ang bahagyang pagdilim ng mga mata ni Jace. Mula sa pagiging malamig na surgeon, biglang may sumiklab na apoy doon—isang apoy na alam ni Zoe na mapanganib, pero mas lalo siyang na-engganyo.

​"Ten bucks says he kisses her in five minutes," narinig nilang kantiyaw ni Dylan sa background, pero para kay Zoe, naging malabo na ang paligid. Ang tanging malinaw na imahe ay ang lalaking nasa harap niya.

​"You're a dangerous game, Zoe," bulong ni Jace, ang boses ay parang ungol ng isang gutom na hunter. Ramdam ni Zoe ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang beywang, hinila siya palapit hanggang sa dumikit ang kanyang dibdib sa matigas at mainit na katawan nito.

​"Then play me, Doc," hamon ni Zoe, ang kanyang mga mata ay nananatiling nakapako sa mga mata ni Jace. "Unless you're afraid to lose."

​Sa sandaling iyon, alam ni Zoe na tinalikuran na niya ang script ng pagiging "Nation's Sweetheart." Ang bawat haplos at bawat tingin ni Jace ay unti-unting bumabasag sa kontrol na pilit niyang pinanghahawakan. Hindi niya alam na sa pagtatangkang bihagin ang isang Jace Villareal, siya pala ang unang mahuhulog sa sarili niyang bitag.

​Dahil ang hunter na akala niya ay huling-huli na niya, ay ang lalaking magbibigay sa kanya ng isang "pagkakamali" na hinding-hindi na niya matatakasan habambuhay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)    Chapter 20

    Alas-otso ng umaga. Ang sikat ng araw sa El Nido, Palawan ay sadyang nakakasilaw, pero para kay Jace Villareal na kasalukuyang nasa deck ng isang luxurious private yacht, wala siyang pakialam sa view. Habang sina Sebastian, Dylan, at Drake ay abala sa pag-uusap tungkol sa investment at sina Althea at Lianne ay nagtatawanan habang kumukuha ng photos, si Jace ay parang estatwa na nakatitig sa kanyang iPad. ​Sa screen, kitang-kita ang live feed mula sa penthouse. High-definition. Ang anggulo ay diretso sa kusina kung nasaan si Zoe, na kasalukuyang nakatayo sa harap ng refrigerator. ​"Kuya! Seriously? Pati ba naman dito sa gitna ng dagat, 'research' pa rin ang binabasa mo?" bulyaw ni Lianne habang lumalapit, bitbit ang isang baso ng fruit shake. ​Mabilis na pinatay ni Jace ang screen. "It's a critical observation, Lianne. I told you, my patient’s stability is my priority." ​"Patient o obsession?" singit ni Sebastian (Bash) na may nakakalokong ngisi. Lumapit ito kay Jace at bumulong

  • Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)    Chapter 19

    Gabi bago ang nakatakdang pag-alis ng barkada patungong Palawan, ang hangin sa loob ng penthouse ay tila punong-puno ng kuryente. Imbes na nag-e-empake ng kanyang mga gamit, abala si Jace sa harap ng kanyang main console sa study room. Hindi mga medical records ang tinitingnan niya, kundi ang labing-anim na magkakaibang anggulo ng CCTV na naka-install sa bawat sulok ng unit—mula sa kusina hanggang sa paanan ng kama ni Zoe. ​"Sigurado ka ba rito, Jace?" ang boses ni Sebastian ay narinig mula sa speaker ng phone niya. "Althea is asking why you’re so tense. Halos mahalata na niya na may hindi ka sinasabi sa amin." ​"I have everything under control, Bash," sagot ni Jace, ang kanyang mga mata ay hindi umaalis sa screen kung saan nakikitang nakaupo si Zoe sa sofa, matamlay na nanonood ng TV. "The sensors are linked to my phone. Kapag lumabas siya ng unit, mag-a-alarm ang security detail mo sa lobby at magno-notify sa akin. Kapag tumaas ang heart rate niya, ang fetal monitor ay direktang m

  • Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)    Chapter 18

    Sa loob ng master bedroom, parang estatwa si Zoe habang nakadikit ang tenga sa pinto. Ang tibok ng puso niya ay mas malakas pa sa tunog ng fetal monitor sa tabi niya. Rinig na rinig niya ang bawat salita ni Lianne mula sa sala. ​"Kuya, stop the research excuse," ang boses ni Lianne ay puno ng hinala. "Isang buwan ka nang hindi umuuwi sa bahay. Even Mom is starting to think you’re hiding a scandal. May babae ka ba rito? O baka naman totoo 'yung chismis sa hospital na may tinatago kang 'VIP patient' para sa sarili mo?" ​"Lianne, my patients are confidential. And my time is my own," malamig na sagot ni Jace, pero ramdam ni Zoe ang tensyon sa boses nito. ​"Confidential? O personal?" tinaasan siya ng kilay ni Lianne habang inililibot ang tingin sa penthouse. "If you don't come to Palawan with us next week, I’m telling Mom to visit you here. At alam mo si Mommy, hindi 'yun titigil hangga't hindi nabubuksan ang bawat pinto ng unit mo." ​Napatigil si Jace. Sa loob ng kwarto, napakapit si

  • Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)    Chapter 17

    Isang buwan. Tatlumpung araw na ang nakalipas simula nang huling masilayan ng publiko ang mukha ni Zoe Mondragon. Sa loob ng tatlumpung araw na iyon, ang penthouse ni Jace Villareal ay naging buong mundo ni Zoe. Ang tanging nakikita niya ay ang puting kisame, ang view ng skyline mula sa bintana, at ang seryosong mukha ni Jace tuwing umaga at gabi.​Ngunit sa labas ng "golden cage" na iyon, ang mundo ng showbiz ay tila isang bulkang malapit nang sumabog.​Sa loob ng master bedroom, nakasandal si Zoe sa kanyang orthopedic bed habang hawak ang "Safety Phone" na ibinigay ni Jace. Bagama't limitado ang access nito, hindi napigilan ni Zoe na i-search ang sarili niyang pangalan sa browser. At ang nakita niya ay nagpatibok nang mabilis sa kanyang puso.​TRENDING TOPIC: #WhereIsZoeMondragon​Isang sikat na spazzer account, ang 'The Showbiz Eye', ang nag-post ng isang mahabang thread na may libu-libong shares:​*"Isang buwan na ang nakalipas simula nang ilabas ng Astrid-Luxe ang statement tungk

  • Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)    Chapter 16

    Maaga pa lang ay gising na si Jace. Suot ang kanyang black apron sa ibabaw ng isang puting t-shirt, seryoso siyang naghiwa ng mga organic fruits at nag-prepare ng poached eggs na may avocado toast. Bawat sangkap ay tinitimbang niya—kailangang sakto ang calories at nutrients para kay Zoe. Ang aroganteng neurosurgeon ay naging isang meticulous na chef sa isang iglap. ​Habang hinihintay niyang maluto ang oatmeal, biglang umalingawngaw ang tunog ng kanyang phone sa counter. Nang makita ang pangalan sa screen, bahagyang lumambot ang kanyang ekspresyon. ​"Hey," sagot ni Jace, itinapat ang phone sa kanyang tenga habang ang kabilang kamay ay patuloy sa pag-aayos ng plato. ​"Kuya! Bakit hindi ka umuwi kagabi sa bahay?" ang boses ni Lianne ay puno ng pagtataka at konting pangungulit mula sa kabilang linya. "Mom was looking for you during dinner. Sabi ko baka nasa hospital ka pa, pero sabi ni Nurse Kelly, maaga ka raw umalis." ​"I'm at the penthouse, Lianne. I have... things to finish," m

  • Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)    Chapter 15

    ​Habang mahimbing na natutulog si Zoe sa loob ng master bedroom—sa ilalim ng mahigpit na monitoring ng mga sensor na nakakabit sa kanyang kama—si Jace Villareal naman ay nasa kanyang malawak na balkonahe. Ang malamig na hangin ng madaling araw ay hindi sapat para palamigin ang gulong nararamdaman niya. Sa harap niya ay ang kanyang laptop, kung saan naka-video call ang tatlo pang miyembro ng The Quad. ​Sina Sebastian (Bash), Dylan, at Drake ay mukhang mga pagod din pero hindi pinalampas ang pagkakataong "i-interrogate" ang kaibigan. ​"So, how's the patient? O baka dapat kong itanong, how's the prisoner?" panunukso ni Dylan, habang may hawak na baso ng alak sa kabilang linya. ​Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Jace sa screen. "She's stable. Her vitals are within the normal range for a high-risk pregnancy. I've already administered the first set of progesterone." ​"Cut the medical talk, Jace," putol ni Drake, ang boses ay seryoso at business-like. "We know you. You don't just '

  • Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)    Chapter 11

    Sa loob ng kanyang penthouse, hindi na mapakali si Jace Villareal. Ang baso ng mamahaling whiskey sa kanyang kamay ay kanina pa hindi nababawasan dahil ang kanyang isip ay abala sa pag-reconstruct ng bawat segundong nakaharap niya si Zoe Mondragon sa kanyang opisina. ​"High-risk," bulong niya sa h

  • Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)    Chapter 10

    Ang set ng bagong series ni Zoe na "Heir of the Broken Moon" ay abala para sa kanilang ikatlong araw ng taping. Ito ang pinaka-ambisyosong proyekto ng Astrid-Luxe Productions ngayong taon, at bilang leading lady, ang mukha ni Zoe ang nakapaskil sa bawat promotional teaser. Kahit nakakaramdam ng mat

  • Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)    Chapter 9

    Hindi na hinintay ni Zoe ang sagot ni Jace. Sa isang marahas na pagpihit, tinalikuran niya ang doktor at naglakad palabas ng opisina na tila ba siya ang nanalo sa diskusyong iyon. Ang tunog ng pagsara ng pinto ay umalingawngaw sa buong silid, na nag-iwan kay Jace Villareal na nakatayo pa rin sa lik

  • Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)    Chapter 8

    Napasandal si Zoe sa malamig na pader ng hallway, halos hindi humihinga habang nakikiramdam sa bawat yabag ng sapatos ni Jace. Mula sa kanyang pinagtataguan sa likod ng malaking structural pillar, nakikita niya ang anino ng doktor na papalapit sa kanyang direksyon. Bawat segundo ay tila isang oras;

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status