ログインNagising si Jace Villareal sa silaw ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa dambuhalang bintana ng kanyang penthouse. Kumunot ang noo niya, bahagyang sumasakit ang ulo—hindi dahil sa alak, kundi dahil sa adrenaline na biglang nawala. Sa loob ng ilang segundo, nanatili siyang nakapikit, pilit na inaalala ang bawat detalye ng nagdaang gabi.
Ang bango ni Zia. Ang bawat ungol nito. Ang init ng balat nito na tila ba nakatatak pa rin sa kanyang mga palad. Isang tipid na ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Jace. I won, saisip niya. Napatunayan niya na kahit ang isang Zia Mondragon ay hindi kayang tapatan ang kontrol niya. Para sa kanya, tapos na ang laro. Nakuha na niya ang gusto niya, at oras na para bumalik sa kanyang "glitch-free" na buhay. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at kinapkap ang kabilang bahagi ng kama. Inaasahan niyang mararamdaman niya ang malambot na balat ni Zia, o kaya naman ay ang gulo-gulong buhok nito sa kanyang unan. Pero ang tanging naramdaman niya ay ang malamig na tela ng charcoal-gray na sheets. Mabilis na napabalikwas ng upo si Jace. Lumingon siya sa kaliwa at kanan. Walang Zia Mondragon sa kama. Inilibot niya ang paningin sa buong master’s bedroom. Ang damit nitong kulay pula na nakalundo sa sahig kanina? Wala na. Ang mga sapatos nito? Wala na rin. "Zia?" tawag niya, ang boses ay paos pa dahil sa kagigising lang. Walang sumagot. Ang tanging naririnig niya ay ang mahinang ugong ng centralized aircon sa kanyang unit. Tumayo si Jace, balot lang ng puting kumot ang kanyang ibabang bahagi, at naglakad patungo sa banyo. Inaasahan niyang baka naliligo lang ang aktres o nag-aayos ng sarili. Pagbukas niya ng pinto ng banyo, sinalubong siya ng amoy ng vanilla na naiwan sa hangin—pero ang shower ay tuyo. Walang tao. Doon na nagsimulang uminit ang ulo ni Jace. Siya si Jace Villareal. Siya ang nang-iiwan. Siya ang unang gumigising para mag-iwan ng tseke o kaya ay magpalayas nang maaga dahil may schedule siya sa ospital. Pero ngayon, siya ang naiwan sa sarili niyang kwarto. Lalabas na sana siya nang mapansin niya ang isang bagay sa malaking salamin ng banyo. May nakasulat gamit ang matingkad na red lipstick—ang mismong lipstick na hinalikan niya kagabi. "Precision is good, Doc. But you're too slow in the morning. Thanks for the... consultation. - Z" "F*ck," mura ni Jace sabay suntok nang mahina sa gilid ng sink. Hindi siya makapaniwala. Kinantyawan lang siya ng babaeng 'yun pagkatapos ng lahat ng nangyari. Ang "hunter" ay literal na na-ghost sa sarili niyang teritoryo. Bumalik siya sa kwarto at kinuha ang kanyang phone sa bedside table. Halos sumabog ang notifications niya mula sa group chat ng The Quad. DYLAN (The Playboy Atty): "HOY! Buhay pa ba ang Surgeon? O na-flatline na sa sariling kama? HAHAHA!" DRAKE (The Congressman): "Gago, Dylan. Baka busy pa sa 'after-care'. 10:00 AM na, wala pa ring paramdam si Jace." DYLAN: "Baka naman na-in love na? 'Yung dating 'The Brain is just an organ,' baka 'The heart is now the boss' na ang motto. @JaceVillareal, pre, buhay ka pa?" Huminga nang malalim si Jace. Galit na galit siya pero kailangan niyang panatilihin ang kanyang imahe. Hindi niya pwedeng sabihin na tinakasan siya ni Zia. JACE: "Stop barking, Dylan. I’m fine. It was just a regular night. Nothing special." DYLAN: "Regular night? Sus! Nakita namin kung paano mo siya hinalikan sa Eclipse. Parang ayaw mo nang pakawalan! So, nasaan na si Zia? Ipagtimpla mo naman kami ng kape." JACE: "She left. Early." DYLAN: "Left? O pinaalis mo? O baka naman... na-ghost ka? Hahahahaha! Alam ko ang istilo ni Zia Mondragon, Jace. She’s the queen of 'One Night and Gone.' Don't tell me, ikaw ang unang biktima sa Quad?" Hindi na nag-reply si Jace. Padabog niyang ibinaba ang phone. Ang sakit sa ego ay mas matindi pa kaysa sa anumang physical na sugat. Pakiramdam niya, nainsulto ang buong pagkatao niya bilang isang Villareal. Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig, pero bawat sulok ng penthouse niya ay nagpapaalala sa kanya kay Zia. Ang counter kung saan sila sandaling tumigil, ang hallway kung saan niya ito binuhat... lahat 'yun ay tila sampal sa kanya. "Isang gabi lang 'yun," pagkausap niya sa sarili habang nakatingin sa view ng syudad. "Hindi mo na siya makikita ulit. Glitch lang 'yun, Jace. Tapos na." Kinuha niya ang kanyang gamit at naghanda para pumasok sa Villareal Medical Hospital. Kailangan niyang mag-focus. May tatlo siyang surgery na nakasalalay sa mga kamay niya ngayong araw. Akala niya, kapag nakahawak na siya ng scalpel at nakakita na ng dugo, mawawala na ang isipin tungkol sa babaeng 'yun. Pero buong araw, bawat nurse na lumalapit sa kanya, bawat kape na naaamoy niya, laging bumabalik ang imahe ni Zia. Ang mas malala, ang mga asar ni Dylan sa GC ay hindi tumitigil. “The Great Jace Villareal, na-ghost ng isang aktres. I’ll make sure this goes down in history!”—’yan ang huling nabasa niya bago niya i-mute ang phone. Pagdating ng gabi, pagod na pagod si Jace pero hindi siya makatulog. Humiga siya sa kama, sa mismong pwesto kung saan huling nakahiga si Zia. Pilit niyang inaalis ang amoy ng vanilla, pero tila ba kumapit na ito sa kanyang balat. "Hinding-hindi ko na uulitin 'yun," bulong niya sa dilim. Determinado si Jace na kalimutan ang gabing 'yun. Para sa kanya, si Zia Mondragon ay isa nang saradong pahina. Isang "error" na na-correct na niya. Ang hindi niya alam, ang error na 'yun ay nagsisimula pa lang mag-duplicate. At sa susunod na pagkikita nila, hindi na lang lipstick stain sa salamin ang maiiwan sa kanya—kundi isang katotohanang babago sa buong buhay niya bilang isang playboy surgeon.Malamig ang sementadong dingding ng Villareal Medical Hospital, pero mas malamig ang aura ni Jace Villareal habang nakaupo sa kanyang high-end na leather chair. Katatapos lang ng isang matagumpay na surgery sa isang tumor, at kahit pagod, bakas pa rin sa kanyang mukha ang kayabangan ng isang taong hinding-hindi nagkakamali. "Doc Jace, may VVIP patient po na nag-insist na makipag-appointment sa inyo ngayon," sabi ng kanyang secretary sa intercom. Kumunot ang noo ni Jace. "I told you, I don't take walk-ins. Unless it’s a Grade 4 Glioma, send them to the residents." "Pero Doc... Zia Mondragon daw po ang pangalan. Ayaw pong magpa-check sa iba." Napatigil ang kamay ni Jace na hawak ang kanyang fountain pen. Parang tumigil din ang tibok ng puso niya nang isang segundo bago bumalik sa mabilis na ritmo. Zia Mondragon. Ang pangalang pilit niyang ibinaon sa loob ng apat na buwan. "Let her in," maikli niyang sagot. Inayos niya ang kanyang white coat, ibinuka ang isang medical folder na
Lumipas ang isang buwan. Tapos naging dalawa. Hanggang sa umabot na ng pang-apat na buwan mula nang mangyari ang "glitch" sa penthouse ni Jace Villareal. Para kay Jace, ang buhay ay bumalik sa dati—o iyon ang pilit niyang pinaniniwalaan. Ang schedule niya sa Villareal Medical Hospital ay mas naging siksik. Mula alas-siyete ng umaga hanggang madaling araw, nakabaon ang atensyon niya sa mga MRI scans, neurological exams, at mahahabang oras sa loob ng Operating Room. Pero kahit anong tago niya sa loob ng ospital, tila sinusundan siya ng multo ni Zia Mondragon. Isang hapon, habang naglalakad si Jace sa hallway ng ospital patungo sa kanyang opisina, napatigil siya sa harap ng malaking TV sa waiting area. Naka-flash sa balita ang mukha ni Zia. "Zia Mondragon, muling nagreyna sa takilya! Ang kanyang bagong pelikula, umabot na ng 500 million pesos sa unang linggo pa lang!" sabi ng reporter. Napahigpit ang hawak ni Jace sa kanyang chart. Sa screen, nakita niya si Zia na rumarampa sa
Nagising si Jace Villareal sa silaw ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa dambuhalang bintana ng kanyang penthouse. Kumunot ang noo niya, bahagyang sumasakit ang ulo—hindi dahil sa alak, kundi dahil sa adrenaline na biglang nawala. Sa loob ng ilang segundo, nanatili siyang nakapikit, pilit na inaalala ang bawat detalye ng nagdaang gabi. Ang bango ni Zia. Ang bawat ungol nito. Ang init ng balat nito na tila ba nakatatak pa rin sa kanyang mga palad. Isang tipid na ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Jace. I won, saisip niya. Napatunayan niya na kahit ang isang Zia Mondragon ay hindi kayang tapatan ang kontrol niya. Para sa kanya, tapos na ang laro. Nakuha na niya ang gusto niya, at oras na para bumalik sa kanyang "glitch-free" na buhay. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at kinapkap ang kabilang bahagi ng kama. Inaasahan niyang mararamdaman niya ang malambot na balat ni Zia, o kaya naman ay ang gulo-gulong buhok nito sa kanyang unan. Pero ang tanging naramdaman
Pagpasok pa lang nila sa loob ng penthouse ni Jace, tila sumabog ang lahat ng tensyong kanina pa nila pinipigilan sa bar. Ang tahimik at napakalinis na condo ng doktor ay nabalot ng mabibigat na hininga. Hindi na hinintay ni Jace na makalayo sila sa pintuan.Itinulak niya si Zia sa pader. Ang tunog ng likod ng babae na tumama sa matigas na kahoy ay hudyat na wala nang balikan ito."Masyado kang matapang, Zia," bulong ni Jace. Ang labi niya ay halos sumasayad na sa panga ni Zia habang ang mga kamay niya ay nakabaon sa beywang ng aktres. "Sinasadya mo ba 'to? Ang pumasok sa lungga ng taong tinawag mong 'hunter'?""Hindi ba halata, Jace?" halos paos na sagot ni Zia. Ang mga daliri niya ay nakabaon sa balikat ni Jace, ramdam ang tigas ng mga kalamnan nito. "Hindi ako mahilig sa madaling makuha. Gusto ko 'yung lalaking akala mo ay hindi matitibag."Hindi na sumagot si Jace. Sa halip, sinakop niya ang mga labi ni Zia ng isang halik na puno ng pagnanais at pag-aari. Parang sa bawat galaw
Sa loob ng VIP booth, ang hangin ay naging kasing bigat ng isang paparating na bagyo. Habang nakatitig si Jace sa mga mata ni Zia, sa likuran nila ay parang mga batang nanonood ng sine ang dalawa pang miyembro ng Quad. "Hoy, Drake, tingnan mo. 'Yung ugat sa leeg ni Jace, parang puputok na," bulong ni Dylan habang humihigop ng scotch, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa tuwa. "Si Doc na laging 'clinical' at 'precise,' mukhang nakatagpo ng pasyenteng hindi niya kayang i-sedate." "Tsk. Five minutes? Masyadong matagal ang five minutes para sa isang Jace Villareal kapag na-challenge ang ego," sagot ni Drake, habang inilalapag ang kanyang platinum card sa mesa. "Dagdagan ko ang pusta. If Jace kisses her in less than a minute, you owe me that vintage watch you won last week." "Deal!" mabilis na sagot ni Dylan. "Pero kapag si Zia ang unang humalik, akin 'yung bagong sports car mo." Hindi sila naririnig ni Jace. Ang buong mundo niya ay lumiit at naging kasing lawak na lang ng e
Ang VIP lounge ng Eclipse ay amoy mamahaling tabako, wood-aged scotch, at ang amoy ng kapangyarihan. Dito, ang bawat lamesa ay nagkakahalaga ng anim na digit—pero para sa mga lalaking nakaupo sa dulong booth, barya lang ’yun."I’m telling you, Jace. Ang puso, parang witness sa korte 'yan. Pwedeng i-manipulate, pwedeng i-cross examine, at pwedeng piliting tumahimik."Humalakhak si Dylan Alcantara, ang tinaguriang "Devil’s Advocate" ng grupo. Inayos nito ang kanyang silk necktie habang ang mga mata ay parang radar na gumagala sa dance floor. Kung may Olympic gold sa pag-iscan ng mga magagandang babae, sigurado nang si Dylan ang may hawak ng record."Stop using legal analogies, Dylan. You sound desperate," malamig na tugon ni Jace Villareal.Hindi man lang tinignan ni Jace ang kaibigan. Nanatili ang kanyang paningin sa baso ng Macallan 25. Ang kanyang puting polo shirt ay nakatupi hanggang siko, inilalantad ang mga ugat sa kanyang braso na sanay sa katumpakan ng scalpel."Desperate?







