ログインPagpasok pa lang nila sa loob ng penthouse ni Jace, tila sumabog ang lahat ng tensyong kanina pa nila pinipigilan sa bar. Ang tahimik, minimalist, at napakalinis na condo ng doktor—na dati ay simbolo ng kanyang kontroladong buhay—ay biglang nabalot ng mabibigat na hininga at ang amoy ng nag-aapoy na pagnanasa.
Hindi na hinintay ni Jace na makalayo sila sa pintuan. Sa isang mabilis na galaw, itinulak niya si Zoe sa pader. Ang tunog ng likod ng babae na tumama sa matigas na mahogany door ay tila hudyat na wala nang balikan ang larong sinimulan nila. "Masyado kang matapang, Zoe," bulong ni Jace, ang boses ay malalim at paos. Ang labi niya ay halos sumasayad na sa panga ni Zoe habang ang mga kamay niya ay nakabaon sa beywang ng aktres, tila sinusukat kung gaano kaliit ang kurbada nito. "Sinasadya mo ba 'to? Ang pumasok sa lungga ng taong tinawag mong 'hunter'?" "Hindi ba halata, Jace?" halos paos na sagot ni Zoe. Hindi siya nagpatinag; sa halip ay mas lalo niyang hinamon ang tingin ng doktor. Ang mga daliri niya ay nakabaon sa balikat ni Jace, ramdam ang tigas ng mga kalamnan nito sa ilalim ng mamahaling tela ng polo shirt. "Hindi ako mahilig sa madaling makuha. Gusto ko 'yung lalaking akala mo ay hindi matitibag. Gusto kong makita kung paano ka guguho." Hindi na sumagot si Jace. Sa halip, sinakop niya ang mga labi ni Zoe ng isang halik na puno ng pagnanais at agresibong pag-aari. Parang sa bawat galaw ng dila niya, sinusukat niya ang limitasyon ng babae. Si Jace ay isang neurosurgeon; sanay siya sa katumpakan, sanay siyang makuha ang gusto niya sa isang hiwa lang. At ngayon, ang target niya ay ang katinuan ni Zoe. Napadaing si Zoe sa gitna ng kanilang halikan. Ang mga kamay niya ay gumapang paakyat sa buhok ni Jace, hinihila ang mukha ng doktor palapit, na tila kulang pa ang dikit ng kanilang mga katawan. Ramdam ni Jace ang init na nanggagaling sa red silk dress ni Zoe, at sa bawat segundo, mas lalong nawawala ang kanyang "surgical precision." Dahan-dahang bumaba ang mga halik ni Jace sa leeg ni Zoe. Bilang isang manggagamot, kabisado niya kung saan ang mga sensitibong nerve endings—ang bawat bahagi na magpapaungol sa babae. Noong kinagat niya nang bahagya ang ibabang bahagi ng tenga ni Zoe, naramdaman ni Jace ang panginginig ng buong katawan ng aktres. "Jace..." hiningal na tawag ni Zoe sa pangalan niya. Ang bawat pagbigkas nito sa pangalan niya ay tila isang gamot na nakaka-adik. "Sabi ko sa'yo, Zoe. Ako ang may kontrol," bulong ni Jace sa balat nito, bagaman ang sarili niyang boses ay nanginginig na rin sa lalim ng emosyon. "At ngayong gabi, pipiliin kong mawala ang kontrol na 'yun. Pipiliin kong maging tao lang sa harap mo." Binuhat ni Jace si Zoe, at mabilis na pumulupot ang mga binti ng babae sa kanyang balakang. Habang naglalakad sila patungo sa kwarto, hindi naputol ang init ng kanilang mga labi. Bawat hakbang ni Jace ay puno ng determinasyon—isang uri ng focus na hindi niya mararamdaman sa loob ng operating room. Pagdating sa kama, dahan-dahan niyang inihiga si Zoe sa malambot na charcoal-gray na sheets. Sa ilalim ng madilim na ilaw ng siyudad na tumatagos sa glass walls, parang isang mamahaling painting si Zoe—gulo ang buhok, mapula ang mga labi, at ang mga mata ay nangungusap ng hamon at pagsuko nang sabay. Nakatitig lang si Jace habang tinatanggal ang kanyang polo. Noong lumundo ang tela sa sahig at lumabas ang kanyang matitigas na dibdib at mga tattoo na karaniwang tago sa ilalim ng puting coat, napa-awang ang labi ni Zoe. Ang kanyang mga mata ay gumala sa bawat linya ng katawan ni Jace. "Iba ka pala kapag walang suot na coat, Doc," biro ni Zoe, kahit halatang nanginginig ang boses niya sa kaba at excitement. "At ikaw, mukhang malapit mo nang pagsisihan ang lahat ng sinabi mo sa bar kanina," sagot ni Jace, sabay ngisi na parang isang lobo na nahanap na ang kanyang huli. "Because once I start, I don't stop until I've memorized every inch of you." Ang mga sumunod na oras ay naging isang malabong alaala ng init, pawis, at matinding ugnayan. Bawat haplos ni Jace sa balat ni Zoe ay parang kuryenteng gumagapang sa buong katawan nito. Ginamit ni Jace ang kanyang kaalaman sa anatomy hindi para magpagaling, kundi para dalhin si Zoe sa rurok na hindi pa nito nararating sa buong buhay nito. Wala na ang "Nation's Sweetheart" at ang "Elite Surgeon." Sa loob ng kwartong 'yun, dalawang tao lang silang nagbabanggaan ang pride at pagnanasa. Napaka-init ng hangin; ang amoy ng vanilla perfume ni Zoe at ang matapang na amoy ni Jace ang namamayani sa paligid. Yumuko si Jace para abutin ang zipper ng dress ni Zoe. Ang tunog ng pagbaba nito ay tila musika sa tahimik na kwarto. Noong tuluyan nang nalaglag ang pulang tela sa sahig, huminto muna si Jace. Marami na siyang nakitang katawan sa trabaho niya, pero wala pang nagpanginig sa kanyang mga kamay nang ganito. "Isa kang 'glitch' sa system ko, Zoe Mondragon," bulong niya habang nakabaon ang mukha sa balat ng babae. "Isang napakaganda at napakapanganib na error." "Edi hayaan mong masira ang system mo, Jace," bulong pabalik ni Zoe habang hinihila ang mukha ng lalaki pababa para muling halikan. "Hayaan mong mag-crash ang lahat ngayong gabi. Just for tonight, don't be a doctor. Just be mine." At nangyari nga. Sa unang pagkakataon sa buhay ni Jace Villareal, hindi niya iniisip ang susunod na hakbang. Hindi niya kinalkula ang panganib ng pakikipag-ugnayan sa isang sikat na aktres. Nararamdaman lang niya—ang kinis ng balat ni Zoe, ang init ng hininga nito, at ang paraan ng pagtawag nito sa kanyang pangalan na tila ba ito ang pinakamasarap na kasalanan sa mundo. Mahaba ang gabi. Punong-puno ng galaw na tila isang sayaw ng dalawang nag-aapoy na katawan. Walang kapaguran si Jace, ang passion niya ay kasing tindi ng focus niya kapag may hawak na scalpel. Gusto niyang mag-iwan ng marka, gusto niyang siguraduhin na kahit matapos ang gabing ito, hinding-hindi makakalimutan ni Zoe ang bawat dampi niya. Noong matapos ang lahat, sa gitna ng katahimikan at ng paghabol nila sa hininga, nakasandal si Zoe sa dibdib ni Jace. Ang kamay ni Jace ay dahan-dahang humahaplos sa buhok ng babae, isang kilos na hindi niya akalaing magagawa niya. Nakatingin lang si Jace sa kisame, habang ang puso niya ay mabilis pa rin ang tibok. Nanalo siya sa hamon. Nakuha niya ang "prey." Pero bakit pakiramdam niya, siya ang nahulog sa sarili niyang patibong? "Anong iniisip mo, Doc?" mahinang tanong ni Zoe, antok na ang boses, ang mukha ay nakabaon sa leeg ni Jace. "Iniisip ko na dapat hindi ko binaluktot ang mga rules ko," sagot ni Jace, pero alam niyang wala nang saysay ang mga salitang 'yun. Ang pader na itinayo niya sa paligid ng kanyang puso ay may lamat na. Ngumiti lang si Zoe, isang ngiting tila may alam na hindi nakita ni Jace. Pumikit na ang aktres at tuluyang nakatulog sa piling ng lalaking dapat ay "laro" lang para sa kanya. Naiwan si Jace na gising nang ilang minuto, pinagmamasdan ang bawat paghinga ni Zoe sa ilalim ng liwanag ng buwan. Isang gabi lang 'to, ulit-ulit niyang sabi sa sarili. Isang beses na pagkakamali na hindi na mauulit. Ngunit sa bawat pintig ng puso niya habang yakap ang babae, alam ni Jace na maling-mali siya. Ang "glitch" na ito ay hindi lang sisira sa system niya—ito ay habambuhay na mananatili sa loob nito.Alas-otso ng umaga. Ang sikat ng araw sa El Nido, Palawan ay sadyang nakakasilaw, pero para kay Jace Villareal na kasalukuyang nasa deck ng isang luxurious private yacht, wala siyang pakialam sa view. Habang sina Sebastian, Dylan, at Drake ay abala sa pag-uusap tungkol sa investment at sina Althea at Lianne ay nagtatawanan habang kumukuha ng photos, si Jace ay parang estatwa na nakatitig sa kanyang iPad. Sa screen, kitang-kita ang live feed mula sa penthouse. High-definition. Ang anggulo ay diretso sa kusina kung nasaan si Zoe, na kasalukuyang nakatayo sa harap ng refrigerator. "Kuya! Seriously? Pati ba naman dito sa gitna ng dagat, 'research' pa rin ang binabasa mo?" bulyaw ni Lianne habang lumalapit, bitbit ang isang baso ng fruit shake. Mabilis na pinatay ni Jace ang screen. "It's a critical observation, Lianne. I told you, my patient’s stability is my priority." "Patient o obsession?" singit ni Sebastian (Bash) na may nakakalokong ngisi. Lumapit ito kay Jace at bumulong
Gabi bago ang nakatakdang pag-alis ng barkada patungong Palawan, ang hangin sa loob ng penthouse ay tila punong-puno ng kuryente. Imbes na nag-e-empake ng kanyang mga gamit, abala si Jace sa harap ng kanyang main console sa study room. Hindi mga medical records ang tinitingnan niya, kundi ang labing-anim na magkakaibang anggulo ng CCTV na naka-install sa bawat sulok ng unit—mula sa kusina hanggang sa paanan ng kama ni Zoe. "Sigurado ka ba rito, Jace?" ang boses ni Sebastian ay narinig mula sa speaker ng phone niya. "Althea is asking why you’re so tense. Halos mahalata na niya na may hindi ka sinasabi sa amin." "I have everything under control, Bash," sagot ni Jace, ang kanyang mga mata ay hindi umaalis sa screen kung saan nakikitang nakaupo si Zoe sa sofa, matamlay na nanonood ng TV. "The sensors are linked to my phone. Kapag lumabas siya ng unit, mag-a-alarm ang security detail mo sa lobby at magno-notify sa akin. Kapag tumaas ang heart rate niya, ang fetal monitor ay direktang m
Sa loob ng master bedroom, parang estatwa si Zoe habang nakadikit ang tenga sa pinto. Ang tibok ng puso niya ay mas malakas pa sa tunog ng fetal monitor sa tabi niya. Rinig na rinig niya ang bawat salita ni Lianne mula sa sala. "Kuya, stop the research excuse," ang boses ni Lianne ay puno ng hinala. "Isang buwan ka nang hindi umuuwi sa bahay. Even Mom is starting to think you’re hiding a scandal. May babae ka ba rito? O baka naman totoo 'yung chismis sa hospital na may tinatago kang 'VIP patient' para sa sarili mo?" "Lianne, my patients are confidential. And my time is my own," malamig na sagot ni Jace, pero ramdam ni Zoe ang tensyon sa boses nito. "Confidential? O personal?" tinaasan siya ng kilay ni Lianne habang inililibot ang tingin sa penthouse. "If you don't come to Palawan with us next week, I’m telling Mom to visit you here. At alam mo si Mommy, hindi 'yun titigil hangga't hindi nabubuksan ang bawat pinto ng unit mo." Napatigil si Jace. Sa loob ng kwarto, napakapit si
Isang buwan. Tatlumpung araw na ang nakalipas simula nang huling masilayan ng publiko ang mukha ni Zoe Mondragon. Sa loob ng tatlumpung araw na iyon, ang penthouse ni Jace Villareal ay naging buong mundo ni Zoe. Ang tanging nakikita niya ay ang puting kisame, ang view ng skyline mula sa bintana, at ang seryosong mukha ni Jace tuwing umaga at gabi.Ngunit sa labas ng "golden cage" na iyon, ang mundo ng showbiz ay tila isang bulkang malapit nang sumabog.Sa loob ng master bedroom, nakasandal si Zoe sa kanyang orthopedic bed habang hawak ang "Safety Phone" na ibinigay ni Jace. Bagama't limitado ang access nito, hindi napigilan ni Zoe na i-search ang sarili niyang pangalan sa browser. At ang nakita niya ay nagpatibok nang mabilis sa kanyang puso.TRENDING TOPIC: #WhereIsZoeMondragonIsang sikat na spazzer account, ang 'The Showbiz Eye', ang nag-post ng isang mahabang thread na may libu-libong shares:*"Isang buwan na ang nakalipas simula nang ilabas ng Astrid-Luxe ang statement tungk
Maaga pa lang ay gising na si Jace. Suot ang kanyang black apron sa ibabaw ng isang puting t-shirt, seryoso siyang naghiwa ng mga organic fruits at nag-prepare ng poached eggs na may avocado toast. Bawat sangkap ay tinitimbang niya—kailangang sakto ang calories at nutrients para kay Zoe. Ang aroganteng neurosurgeon ay naging isang meticulous na chef sa isang iglap. Habang hinihintay niyang maluto ang oatmeal, biglang umalingawngaw ang tunog ng kanyang phone sa counter. Nang makita ang pangalan sa screen, bahagyang lumambot ang kanyang ekspresyon. "Hey," sagot ni Jace, itinapat ang phone sa kanyang tenga habang ang kabilang kamay ay patuloy sa pag-aayos ng plato. "Kuya! Bakit hindi ka umuwi kagabi sa bahay?" ang boses ni Lianne ay puno ng pagtataka at konting pangungulit mula sa kabilang linya. "Mom was looking for you during dinner. Sabi ko baka nasa hospital ka pa, pero sabi ni Nurse Kelly, maaga ka raw umalis." "I'm at the penthouse, Lianne. I have... things to finish," m
Habang mahimbing na natutulog si Zoe sa loob ng master bedroom—sa ilalim ng mahigpit na monitoring ng mga sensor na nakakabit sa kanyang kama—si Jace Villareal naman ay nasa kanyang malawak na balkonahe. Ang malamig na hangin ng madaling araw ay hindi sapat para palamigin ang gulong nararamdaman niya. Sa harap niya ay ang kanyang laptop, kung saan naka-video call ang tatlo pang miyembro ng The Quad. Sina Sebastian (Bash), Dylan, at Drake ay mukhang mga pagod din pero hindi pinalampas ang pagkakataong "i-interrogate" ang kaibigan. "So, how's the patient? O baka dapat kong itanong, how's the prisoner?" panunukso ni Dylan, habang may hawak na baso ng alak sa kabilang linya. Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Jace sa screen. "She's stable. Her vitals are within the normal range for a high-risk pregnancy. I've already administered the first set of progesterone." "Cut the medical talk, Jace," putol ni Drake, ang boses ay seryoso at business-like. "We know you. You don't just '
Sa loob ng kanyang penthouse, hindi na mapakali si Jace Villareal. Ang baso ng mamahaling whiskey sa kanyang kamay ay kanina pa hindi nababawasan dahil ang kanyang isip ay abala sa pag-reconstruct ng bawat segundong nakaharap niya si Zoe Mondragon sa kanyang opisina. "High-risk," bulong niya sa h
Ang set ng bagong series ni Zoe na "Heir of the Broken Moon" ay abala para sa kanilang ikatlong araw ng taping. Ito ang pinaka-ambisyosong proyekto ng Astrid-Luxe Productions ngayong taon, at bilang leading lady, ang mukha ni Zoe ang nakapaskil sa bawat promotional teaser. Kahit nakakaramdam ng mat
Hindi na hinintay ni Zoe ang sagot ni Jace. Sa isang marahas na pagpihit, tinalikuran niya ang doktor at naglakad palabas ng opisina na tila ba siya ang nanalo sa diskusyong iyon. Ang tunog ng pagsara ng pinto ay umalingawngaw sa buong silid, na nag-iwan kay Jace Villareal na nakatayo pa rin sa lik
Napasandal si Zoe sa malamig na pader ng hallway, halos hindi humihinga habang nakikiramdam sa bawat yabag ng sapatos ni Jace. Mula sa kanyang pinagtataguan sa likod ng malaking structural pillar, nakikita niya ang anino ng doktor na papalapit sa kanyang direksyon. Bawat segundo ay tila isang oras;







