Share

Chapter 25

"Gaia! Gumising ka! Binabangunot ka!"

Alog ng alog ang aking katawan kaya naman ay napilitan akong magmulat ng mata. Alalang mukha ni Raul ang aking nakita pero nung mapalingon alo sa gilid ay nandoon na nakatingin si Doktora August at si Stelo.

"Ahh..." binuka ko ang bibig ko para magsalita pero wala namang lumabas na salita.

"What happened? May nangyari bang masama sa pagtulog mo?" Tanong ni doktora.

Lumunok ako at sumulyap kay Stelo bago umiling ng umiling. "Wala. Wala po."

Ngumiti lamang siya ng pilit bago ako nilapitan. Pinalitan niya ang pwesto ni Raul kanina.

"Kung ganoon ay maaari ko na kayong tignan ng anak mo. Pero did you experience bleeding ba?"

Umiling ako at umayos ng upo. Takot na tignan si Stelo.

"Hindi po. Nararamdaman ko lang ang pagsipa niya."

"Good then. Ime, hand me our tools." Lumapit sa kanya ang parati niyang kasa-kasamang nurse kapag dumadalaw dito. Kakapasok pa nga lang niya.

Pagkalapit niya ay lumabas na si Stelo na sinunda naman ni Raul. Katulad lang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status