"Good Morning, Pilipinas! Bringing you the latest news for today. Sa probinsya ng Alpas, ay natagpuang walang-buhay na nakahandusay sa sahig ng kanilang bahay ang mag-asawang Davino na pinaghihinalaang pinatay ng hindi kakilalang tao. Napag-alaman na ang lalaki ay dating Gobernador ng syudad at mayroong kaso dahil sa pagkuha at paggamit ng kaban ng bayan sa para sa pansariling kayamanan. Ang mag-asawa ay ngayo'y nakaratay sa morge ng hospital. Ang nag-iisang anak nito ay hindi pa nakikitang pumasok sa hospital para sa kanyang mga magulang. This is Charmaine reporting from the Alpas's General Hospital, back to the studio." Damn it! "Anong nangyari?! You all tell me what happened there!" Sigaw ko sa tatlong lalaki na nasa aking harapan. "Hindi pa kayo ang pumatay?! Lawyer Montiage, ikaw daw ang unang dumating doon bago pa man makaabot sila Raul at Agent Bert doon, did you kill them?!" Agad naman siyang tumayo pagkatapos kong akusahan. "No! What the hell! Nung dumating ako roon ay pina
"Tangina mo talaga, Montiage! Ginawa mo 'yon? Anong klaseng hipnotismo na naman ang ginamit mo?!" Singhal ni Roberto sa lalaki."The bottom line here is, I didn't kill them. They killed themselves!""Still..." walang masabi na umupo si Stelo at patuloy pa rin inaalala ang ginawa ni Lawyer Montiage na taliwas sa kanilang plinano. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya mapaniwalaan na ganun ganun na lang pumayag si Marco na patayin nila ang kanilang sarili."Pucha naman! Manahimik na tayo. Walang lalabas ng tungkol dito." Si Raul na kanina pa paikot-ikot. Kahit na ginusto niyang mamatay ang mga taong dahilan din ng pagkamatay ng kanyang magulang ay nakokonsensya pa rin siya katulad ni Stelo. Si Stelo ay nakokonsensya dahil alam niya na may possibilidad na iwanan sila ni GaiaSpeaking of Gaia, kumatok si Manang Lolita sa opisina ni Stelo kung saan na sila naroroon at si Agent Bert na ang nagbukas ng pinto dahil sumenyas si Stelo na buksan iyon. Bumungad sila ang nag-aa
Ang babae na dating nagngangalang Alessandra Gaia ay naging Cressida na ngayo'y asawa ni Theodore."Ikaw ba talaga ang asawa ko?" Tanong ng babae sa lalaki habang nakaupo ito sa gilid ng kanyang, binabantayan siya. Kakagising lang ng ngayo'y pinangalanang Cressida ang babae."Oo. Ako nga, mahal ko. Marahil ay hindi mo na ako nakikilala dahil sa pagkawala ng iyong memorya pero ako ito. Ang asawa mo, si Theodore."Tumango lamang ang babae. Ayaw niya naman na pilitan ang kanyang sarili na alalahanin kung asawa niya ba talaga ang kausap na lalaki basta ang importante ay kilala siya nito. Nandoon siya para alagaan siya. Makalipas humilom ng kanyang mga natamong sugat at nabigyan ng tamang gamot ay ipinahayag ng doktor na maari na siyang lumabas. Nagbabala rin ito na maaring magkaroon ng post-traumatic stress disorder ang asawa dahil kakapanganak pa lamang nito na hindi niya alam. Hindi niya alam dahil hindi niya naman talaga kakilala ang babaeng inako niya bilang kanyang asawa. Kaya nama
Makalipas ang isang buwan ng pananatili ni Cressida kay Theodore ay magkasama silang nagtrabaho sa isang farm malapit sa kanila, may isang sakay sa tricycle ang kalayuan mula sa kanilang bahay. Taga-tanim ang kanyang asawa habang siya naman ay taga-harvest tuwing harvest season at taga ayos ng mga ito tuwing may bibili.Naging maganda ang samahan nila sa araw-araw. Hindi sila nagtatalo dahil parating may pang-unawa si Theodore kahit na minsan ay sinusumpong ng bangungot si Cressida at pinapaalis siya nito sa kanyang tabi. Gayunpaman ay hindi maiwasan ni Cressida na tanungin ang sarili kung siya nga ba ay nararapat sa lugar na iyon."Mahal, itong mga kamatis ay handa na para ikahon at nang maidala na sa mga kliyente ni Mrs. Vitores." Si Theodore ay nilapag ang basket ng kamatis sa lamesa, katabi ng asawa kung saan ito ay abala sa pagtanggal ng mga bulok o hindi pwede ibenta na ubas. "Sige. Iwanan mo na lang diyan at ako nang bahala.""Babalik muna ako sa patag upang tignan kung may
"Senator Gallardo, I'd like to congratulate you. You're Bill No. 405 has now approved. Panigurado maraming kabataan na nawalan ng magulang ang matutulungan nito.""Salamat, Senator Harmonico."Ngumiti ang lalaking kaharap at ang bumati sa kanya. "Walang anuman. I believe that that Bill deserve to be a law. Isipin mo na matutulungan sila nito financially and physically and also for emotional support... Ngayon pa lang may nagpasa ng batas na ganito. Na ipapahanap ang mga nawawalang magilang ng mga bata, lalo na iyong mga nasa ampunan na gusto at nangungulila talaga sa kanilang tunay na pinanggalingan. Marami itong matutulungan panigurado kahit ang iba sa atin ay tutol.""Naniniwala ako na magiging maayos ang batas na ito. Mahirap mamuhay kung hindi mo talaga alam kung saan ka nanggaling. Ang batas na ito ay layong mahanap ng mga bata ang kanilang mga totoong magulang na hindi nila nakita at gusto nilang makita ng libre.""I understand. Congratulations again, I'll go now.""Sure. Take ca
"I miss you both. I miss you." Mahinang boses ang maririnig sa isang kwarto habang nakatingin sa isang kuwadro na may larawan ng mag-asawa. Si Stelo na ngayo'y kinakausap ang larawan ng kanyang mga magulang sa pagsibol ng umaga sa kwartong nakalaan dapat para sa kanila. Nakapajamas lamang siya at halatang kulang sa tulog ang kanyang tindig."Mommy, you told me to be brave so that I can defend someone that I love from any harm. I am brave, but I kept losing someone tbat I love. Maybe you meant that I need to be brave not just physically but emotionally. It sucks that I can't handle my emotions. Sabi ni Manang, I grew heartless since you both passed away pero bakit ako umiiyak sa tabi ng aking anak nang mawala ang kanyang ina? And right now, I'm full of emotions dahil miss ko na kayo at miss ko na rin siya. I should be happy that she faded away in my life right? 'Yon naman ang gusto ko pero bakit ngayon ay ganito? Parang hinahanap-hanap ko siya, Ma. Katulad kung paano ko kayo hanapin n
"Hindi ako buntis, Theodore! Tigilan mo na ako dahil umiinit na ang ulo ko sa pangungulit mo!""Mahal, nagtatanong lamang ako. Ilang linggo na ang nakaraan simula nang may mangyari sa atin malay mo ay nakabuo tayo... Gusto ko na magkaroon ng anak, Cressida."Huminga ng malalim ang babae at pilit iwinawaksi ang kaisipan na iwanan ang asawa sa gitna ng kanilang pagtatalo."Wala nga at ayaw ko pa ng anak.""Bakit ba ayaw mo ha?! Asawa mo ako! Dapat ay may anak tayo!" Biglang tumaas ang Theodore kaya naman napatalon sa gulat ang babaeng kaharap."Asawa nga kita pero hindi ka makilala ng isip at puso ko! Ni wala kang naipapakitang litrato nating dalawa noon!""Nawala na nga! Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na wala na ang mga gamit natin noon! Huwag na natin balikan ang nakaraan, mahal ko.""At bakit hindi?! Baka kapag nakita ko ang mga iyon ay mabalik ang aking mga alaala. Gustong-gusto na kita maaalala ngunit hindi ko alam kung bakit ngayon ay wala pa ring nangyayari. Gustuhin ko man magp
"Hoy, Stelo! Itigil mo nga yan! Ilang gabi ka ng nagpapakalasing ah! Dumaan lang ang kaarawan ng anak mo pati ni Gaia para ka nang namatayan!" Dinaluhan ni Raul ang kaibigan na nasa kwarto at punong-punong ng mga bote ng alak na wala nang laman. "Papatayin mo ba ang sarili mo ha?! Tignan mo nga ang iyong itsura! Tignan mo! Para ka nang nalantang gulay at iniluluto mo pa talaga ang sarili mong atay dahil sa ginagawa mo! Ni hindi mo na magampanan ang pagiging tatay mo sa anak mo! Tangina ka talaga!"Iniligpit ni Raul ang mga bote na nagkalat at pilit na pinapatayo si Stelo na tumba na sa gilid ng kanyang kama. Nakasandal na lamang ang likod nito roon. Kulang na lang ay ipukpok ni Raul ang mga bote na hawak niya sa kaibigan dahil hindi na ito makatayo man lang at talaga namang umiinit na ang kanyang dugo sa ginagawa ng tanggi niyang kaibigan at itinuturing na pamilya.Dahil sa kanyang pagkairita ay kumuha siya ng unan at iyon na lamang ang ipinukpok niya sa ulo ng lalaking kaibigan."Ma