Share

Chapter 26

"Pwede ba magka-ayos muna tayo?" Tanong ko sakanya. Bago pa man siya makapagsalita ay nagpatuloy ako. "Alam ko na kakaunti pa lamang ang nalalaman ko tungkol sa nakaraan mo sa pagitan ng pamilya ko pero kaya ko naman makipagtulungan sayo para makabawi ka at makakuha ng hustisya---"

"Kamatayan ang hustisya para sa akin."

Napasinghap dahil parang ang hirap niyang papayagin. Naiintindihan ko naman siya, at kung ano man ang sinasabi niya sa akin ngayon ay alam ko na hindi siya nagsisinungaling. Mahal ko ang mga magulang ko pero kung mali sila ay sana makahingi sila ng kapatawaran sa taong inagrabyado nila.

"Sige. Gawin natin. Magka-ayos tayo."

Napakurap-kurap ako sa kanyang biglang desisyon.

"Ano?"

Hindi niya ako tinignan nang ulitin niya ang kanyang sinabi. "Pumapayag ako na magka-ayos tayo. Hindi kita aawayin hanggang hindi lumalabas ang anak ko sayo."

Abot tenga ang ngiti ko habang nilalahad sa kanya ang aking kamay, tanda ng kasunduan. Wala sa loob niyang kinuha yun at wala rin sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status