Share

The Power of Love and Blood
The Power of Love and Blood
Author: Nielle

PROLOGO.

(๐™ฝ๐šŠ๐š—๐šŠ๐š’๐šœ๐š’๐š— ๐š–๐š˜ ๐š‹๐šŠ๐š—๐š ๐š–๐šŠ๐š๐š’๐š—๐š ๐š’๐š–๐š–๐š˜๐š›๐š๐šŠ๐š• ๐šŠ๐š ๐š–๐šŠ๐š›๐šŠ๐š—๐šŠ๐šœ๐šŠ๐š— ๐šŠ๐š—๐š ๐š‹๐šž๐š‘๐šŠ๐šข ๐š—๐šŠ ๐š ๐šŠ๐š•๐šŠ๐š—๐š ๐š”๐šŠ๐š๐šŠ๐š™๐šž๐šœ๐šŠ๐š—?)

Sa loob ng apat na raan at apat na pu't pitong taon ko nang nabubuhay sa mundong ito, nasaksihan ko ang iba't ibang uri ng pagbabago hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Nasaksihan ko kung paano pinaglaban ni Ama ang kan'yang nasasakupan sa mahabang panahon laban sa mga dahuyang mananakop. 

Nasaksihan ko ang pagpanaw ng mga mahal ko sa buhay. Gayon din ang pagpanaw ng mga taong aking kinagisnan sa naturang panahong iyon.

Nasaksihan ko ang pagbabago ng bansang Pilipinas. Mula sa pagsulat ng baybayin ay napalitan ng alpabeto. Hanggang sa tuluyan ng nakalimutan ang makalumang sistemang ito sapagkat hindi hamak na mas madaling isulat ang alpabeto, dagdag pa dito ang mas kumpletong letra kung kaya't mas naging maayos ang pagkakasulat ng bawat salita kumpara sa bayabayin na limitado lamang. 

Saksi ako sa dami ng dugong dumanak sa tinatawag ngayong Luneta Park. Saksi ako sa kalupitang dinanas ng mga Indio sa kamay ng mga gahamang Espanyol. Saksi ako sa pagkabihag ng bansang ating sinilangan, kung paano inalipin at pinagsamantalahan ng dayuhan ang ating bansang iniingatan. Saksi ako kung paano umiral ang hindi patas na batas sa kamay ng gobyerno at mga ordinaryong taoโ€”โ€”saksi ako sa lahat ng bagay na ito. Ang pagkabihag ng Pilipinas, at ang muling paglaya nito ay nasaksihan koโ€”โ€”naroon ako, at hanggang ngayon ay narito pa rin ako.

Habang ang mundo ay patuloy sa pag-ikot at pagbabago, ay narito lamang ako,

Natutulog, naghihintay at nakahimlay.

Ako si Arthuro, nag-iisang anak ni Rajah Sulayman. Ang taong nakatakdang mamuhay magpakailanman at tila isinumpa na masaksihan ang pagpanaw ng lahat ng may buhay sa daigdig. Maging ang kasakiman ng mga taong hindi marunong makuntento sa bagay na mayroon sila, kasakiman sa kapangyarihan, at buhay na walang hanggan.

(Sirka 1550-Sirka 1588)

Si Raha Sulayman (Rรกยทha Suยทlayยทmรกn) ang kinikilalang unang bayani ng Maynila para sa pagtatanggol niyรก ng kaniyang kaharian laban sa mga mananakop na Espaรฑol.

Mula sa angkan ng mga maharlikang Muslim sa Borneo, si Sulayman ang pinunรฒ ng Maynila nang maunlad pa itong pamayanang Muslim. Tumanggi siyรกng pasakop sa mga Espaรฑol sa pamumunรฒ ni Martin de Goiti noong Mayo 1570. Sa pamamagitan ng amaing si Lakandula na pinunรฒ ng Kaharian ng Tondo, nakipag-kaibigan siyรก sa mga Espaรฑol pero lihim na pinaghanda ang mga tauhan niyรก.

Nang mapatunayan niyรกng ibig talagang manakop ng mga dayuhan, sinalakay ng kaniyang pangkat ang barko ni Goiti sa Look Maynila. Bilang ganti, pinatay ng mga Espaรฑol ang mga tauhan niyรกng naiwan sa himpilan at sinunog ang pamayanan. Pinaghandaan niyรก ang pagbabalik ng mga Espaรฑol.

Noong Mayo 1571, nagbalik ang mas malaking hukbong Espaรฑol kaya nangalap siya ng mga tauhan sa Hagonoy, Macabebe, at iba pang barangay sa Pampanga.

Natalo sila sa Labanang Ilog Bangkusay at pagkatapos niyon, pinalitan niyรก ang pangalan at ginawang Agustin de Legazpi. Nakatulong niyรก si Magat Salamat, anak ni Lakandula, sa pagbuo ng hukbo laban sa mga Espaรฑol. Tinangka nilang pag-isahin ang mga barangay ng Tondo, Pandacan, Polo, Catangalan, Castilla, Taguig, Candaba, Navotas, Maysilo, Bulacan, Tangos, at Cuyo. Natuklasan ng mga Espaรฑol ang balak, dinakip siyรก at kasรกma ang ibang pinunรฒng katutubo ay binitay noong 1588.

Nang matapos ang brutal na pagpatay sa aking Ama na si Rajah Sulayman/ Agustin de Legazpi ay nawalan na ng kapayapaan ang aming buhay. Hindi huminto ang mga Espaรฑol hangga't hindi nalilipol at napapaslang ang natitirang maharlika na nagmula sa angkan ng aking ama. 

Kung kaya't matapos mapaslang si ama ay nanirahan kami ng aking ina sa kagubatan, para sa kan'yang kaligtasan. Ngunit makalipas lamang ang limang taon ay pumanaw na rin ang aking ina. Lingid sa aking kaalaman na makikita at masasaksihan ko ang araw na pagkawala ng aking mahal sa buhay. Iiwan nila ako at lahat sila ay mamamatay ngunit ako ay mananatiling buhay sa paglipas ng mahabang panahon.

๐Š๐€๐Œ๐€๐“๐€๐˜๐€๐.

Ang bagay na ito lamang ang may katiyakan sa mundong ito para sa normal na tao. Kamatayan ang huling destinasyon ng tao at ito rin ang katapusan ng paghihirap nila sa daigdig. 

Minsan ko ng hiniling na maranasan ang kamatayan. Ngunit ngayon na narito ako sa madilim na ataol at hinihintay ang pagsundo sa akin ng kamatayan ay nais ko siyang pigilan. Hindi pa ako maaring mamatay lalo na at lingid sa aking kaalaman na ang taong nasa likod ng matagal kong pagkakahimlay ay balak na mabuhay magpakailanman bitbit ang masama at gahamang hangarin.

Dugo na nagmula sa taong buhay lamang ang aking hiling at tanging kailangan upang magising ang aking natutulog na diwa at katawan...

Ngunit ang tanong may nakakarinig kaya sa aking kahilingan kung ang aking kinaroroonan ay isang silid na tila walang nakaka-alam kundi ang mga taong nais lamang pag-aralan ang aking katawan.

Continuarรก en el prรณximo capรญtulo. (๐™ธ๐š๐šž๐š๐šž๐š•๐š˜๐šข ๐šœ๐šŠ ๐šœ๐šž๐š—๐š˜๐š ๐š—๐šŠ ๐š”๐šŠ๐š‹๐šŠ๐š—๐šŠ๐š๐šŠ.)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status