Ang unang liwanag ng umaga ay pumasok sa kwarto, banayad na tumama sa mukha ni Rafael. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, inaayos ang magulong buhok habang pilit inaalala ang nangyari kagabi.
Napakunot ang noo niya nang mapansin niyang mag-isa na lang siya sa kama. Wala na ang babaeng kasama niya kagabi. Agad niyang nilibot ang tingin sa kwarto, at doon, sa ibabaw ng bedside table, may naiwan siyang hindi inaasahang bagay—isang kwintas. Pinulot niya ito at tiningnan ang maliit na pendant. Simple pero elegante. Tila may kakaibang pakiramdam siyang naramdaman habang pinagmamasdan ito. "Iniwan mo ako nang hindi man lang nagpapaalam... pero may iniwan ka namang alaala," mahinang bulong niya, may bahagyang ngiti sa labi. Bumangon siya, nagsimulang magbihis, at kinuha ang kwintas bago inilagay sa kanyang bulsa. Hindi siya madalas mag-isip tungkol sa mga panandaliang relasyon, pero bakit parang may kakaiba sa gabing iyon? Kinuha niya ulit ang kwintas "Sino ka ba? Muli tayong magkikita," bulong niya habang hawak ang kwintas. "Sigurado ako.” Samantala, sa loob ng isang taxi, si Bella ay tahimik na nakaupo, mahigpit na hawak ang bag habang pilit na hindi nagpapahalata ng anumang emosyon. "Kuya, paki bilisan po," mahina niyang sabi sa drayber. "Mukhang puyat ka, iha. Galing party?" tanong ng drayber na may halong biro. Mabilis siyang ngumiti kahit kinakabahan. "Ah, Nag-celebrate kami ng graduation,” sagot na lang ni Bella. Tumango lang ang drayber, at napabuntong-hininga si Bella. Dapat normal lang ang kilos niya. Walang dapat makahalata. LPagkarating sa malapit sa bahay nila, maingat siyang bumaba ng taxi. Inayos niya ang suot para siguradong walang makikitang kakaiba. Huminga siya ng malalim bago dahan-dahang naglakad papasok sa kanilang bakuran. "Dapat hindi halata..." bulong niya sa sarili. Tahimik niyang hinubad ang sapatos sa tapat ng pinto at sinubukang dumiretso sa kanyang kwarto nang— "Bella?" Napapitlag siya. Nakatayo ang kanyang ina sa may kusina, nakatawid ang mga braso, at nakatingin sa kanya ng matalim. "Kararating mo lang?" tanong nito, hindi mawari kung galit o nag-aalala na tono. Mabilis niyang inayos ang sarili at pilit ngumiti. "Ah… opo ma galing lang po ako sa apartment. Doon na lang ako nagpahinga pagkatapos ng party." Hindi agad sumagot ang kanyang ina, tila inaaral kung nagsasabi siya ng totoo. Naramdaman ni Bella ang panlalamig ng kanyang palad. Hanggang sa bumuntong-hininga ito. "Next time, mag-text ka naman. Alam mong hindi ako sanay na hindi ka umuwi. At saka malaki kana bella ha? Ka ga-graduate mo lang." Agad siyang tumango. "Opo, Ma. Sorry po, hindi ko na namalayan ang oras." Pagkahiga ni Bella sa kama, ramdam pa rin niya ang pagod sa buong katawan. Ngunit kahit pilit niyang ipikit ang mga mata, hindi niya maiwasang maalala ang gabing nagdaan—ang misteryosong lalaki na iyon, ang pakiramdam na para bang matagal na niya itong kilala, kahit hindi man lang niya nalaman ang pangalan nito. Nag-vibrate ulit ang cellphone niya. Isang tawag mula kay Erica. "Naku, patay!" Bulong niya sa sarili bago ito sinagot. "Bella!!" Halos pasigaw na bungad ni Erica. "Akala ko kung na paano ka na! Bakit hindi ka nag-text kagabi? Ang sabi mo magka-CR ka lang, tapos bigla kang nawala!" Napangiti si Bella habang bumaling sa kisame. "Erica… ang dami mong tanong." "Hoy, wag mo akong ginaganyan! Alam mo bang hinahanap kita?! Akala ko kinidnap ka!" Umiling si Bella kahit hindi siya nakikita ng kaibigan. "Tanga, bakit naman ako kikidnapin? Tapos na ang graduation natin, wala na silang makukuhang ransom." "Huy, seryoso ako! Saan ka ba pumunta? Nakita kitang sumasayaw, tapos biglang nawala ka. Tapos nung tinatawagan kita, hindi ka na sumasagot!" Bulyaw ni Erica. Huminga nang malalim si Bella at pinilit na huwag matawa. "Okay, okay… Bago ako mawala, may nakasayaw akong lalaki sa dance floor." "Anong lalaki?! Sino ‘yon? Kilala mo ba? Gwapo ba? OMG, Bella, ‘wag mong sabihing—" "Hindi ko siya kilala, Erica. Ni pangalan niya, hindi ko alam." "HA?! Pwes, anong nangyari?" Ungot pa ng kaibigan niya. Napakagat-labi si Bella. Hindi siya sigurado kung dapat niyang ikuwento ang lahat. Pero knowing Erica, hindi ito titigil hangga’t hindi siya umamin. "Nagkataon lang na nagkasabay kami sa isang kwarto. Pareho kaming lasing… and then… one thing led to another." Kwento ni Bella sa kaibigan. "ANO?! BELLA?! ISA ITONG MAJOR TEA!" sigaw ni Erica sa kabilang linya. "Gusto ko ng full details! Wait lang, may hawak akong popcorn!" Napatawa si Bella. "Ano ba, Erica! Hindi ito pelikula!" "Girl, halos buong college life mo tahimik ka sa mga ganitong bagay, tapos ngayon na graduate ka na, saka ka pa may pasabog? Hindi ko kinaya!" “Hay naku, tigilan mo ako…” Inikot ni Bella ang kanyang mga mata, pero hindi niya maiwasang matawa rin. "Pero seryoso, anong pakiramdam?” biglang tanong ni Erica, pero this time, may halong pag-aalala ang boses nito. "I mean… okay ka lang ba?" Muling napatingin si Bella sa kisame. Sa totoo lang, hindi pa rin niya alam ang sagot. Hindi naman siya nagsisisi, pero hindi rin niya alam kung tama ba ang nangyari. "Okay naman ako, Erica. Hindi ko naman ito plano, pero… hindi ko rin pinagsisihan. Basta… parang may kakaiba lang sa kanya. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag." "Kakaiba? How? Like… feeling mo ba may connection kayo?" "Oo, parang ganun." "Hala! Bella, baka siya na ‘yon! Alam mo namang love at first sight is real!" Napa hagikgik si Bella. "Love at first sight agad? One-night stand lang ‘yon, Erica." "One-night stand? O isang simula?" pabirong sagot ni Erica. Umiling si Bella, kahit may bahagyang ngiti sa labi. "Baliw ka talaga." "Hoy, seryoso ako! Imagine, hindi mo siya kilala, hindi mo alam pangalan niya, pero na-feel mong may something kayo? Girl, parang W*****d lang!" Kinikilig na wika ni Erica.Natahimik si Bella. Hindi niya man gustong aminin, pero may punto si Erica. "Bella, sigurado ka bang hindi mo na siya makikita ulit?" tanong ni Erica matapos ang ilang segundo ang katahimikan. Napatingin si Bella sa maliit na lamat sa kisame ng kanyang kwarto. "Sigurado na ako, Erica. At mas mabuti na rin siguro ‘yon." "Tsk, sayang. Pero sige, ikaw bahala. Basta, kung may nararamdaman kang hindi mo maintindihan, nandito lang ako, okay?" Wika ni Erica. "Alam ko ‘yon, Erica. Salamat." Pagkababa ng tawag, ipinikit ni Bella ang kanyang mga mata. Isang gabi lang ‘yon. Isang pagkakamali na kailangan kalimutan. Pero bakit parang may kulang? At bakit hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya ang init ng yakap ng lalaking iyon?Pagkarating ni Rafael sa kanyang condo, dumiretso siya sa kanyang kwarto at hinubad ang kanyang coat. Napatingin siya sa malaking salamin sa harap ng kanyang kama. He ran a hand through his slightly disheveled hair, sighing deeply. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin matanggal sa isip ang babae. Her touch, her scent—everything about her felt strangely familiar yet unknown at the same time. He unbuttoned the first few buttons of his shirt and poured himself a glass of whiskey. Umupo siya sa kanyang couch at na alala niya ang silver necklace na na iwan ng babae nakatalik niya kagabi. Rafael picked it up, inspecting the delicate piece of jewelry. "Interesting..." yun lang ang nasabi niya habang pinagmamasdan niya itoAlam niyang hindi ito ordinaryong kwintas. Masyadong personal. Kung sino man siya, tiyak niyang hindi lang basta-basta ang babae. Napabuntong-hininga siya habang sinusuri niya ang silver necklace at habang sinuri niya ito at may napansin siya na isang ukit na bulaklak s
Sa kabilang dako naman muling bumalik si Isabella sa normal niyang routine—pagrereview para sa LET at pag-iwas sa anumang hinala mula sa kanyang pamilya. Hindi niya lubos maisip kung paano siya nakaeskapo noong gabing iyon, pero ang mas ikinabahala niya ngayon ay ang kakaibang nararamdaman ng kanyang katawan. Madaling mapagod, parang wala sa sarili, at ang pinakamasama—nagsusuka siya tuwing umaga. Isang umaga, habang nakaupo siya sa kama, nakaramdam siya ng matinding hilo. Agad siyang tumakbo sa banyo at isinuka ang laman ng kanyang sikmura. Napahawak siya sa kanyang tiyan, napapikit, at doon na siya kinabahan. "Hindi kaya..." bulong niya sa sarili. Hindi niya kayang isipin. Hindi siya pwedeng mabuntis. Isa lang iyon—isang gabing hindi dapat mangyari. Pero habang tumatagal, mas lalo siyang natatakot. Kaya napagdesisyunan niyang magpa-check-up nang palihim. Ayaw niyang malaman ito ng kanyang pamilya, lalo na’t kakagraduate pa lang niya. Wala pa siyang trabaho, wala pa siyang
Pagkalipas ng ilang araw, nag-aya si Erica kay Bella na magkita sila sa isang coffee shop. Alam niyang may pinagdadaanan ang kaibigan, kaya gusto niyang makausap ito ng masinsinan. Sa loob ng café, nakita agad ni Bella si Erica na kumakaway sa kanya. Nilapitan niya ito at umupo sa harapan nito. "Uy, girl, kamusta ka na? Para kang multo na bigla na lang naglaho. Hindi ka na nagparamdam!" reklamo ni Erica habang sumisipsip ng iced coffee niya. Napangiti si Bella nang pilit. "Medyo busy lang... at saka, may iniisip ako."Tumingin ng seryoso si Erica. "Yung iniisip mo ba eh yung—"Tumango si Bella, sabay buntong-hininga. "Hindi ko alam, Erica. Nalilito ako. Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa pamilya ko."Hinawakan ni Erica ang kamay ng kaibigan. "Bella, hindi ka nag-iisa. Kahit anong mangyari, nandito ako para sayo. Pero hindi mo naman pwedeng itago 'yan habang buhay. May plano ka na ba?"“Sa ngayon, gusto ko munang magtrabaho habang nagre-review ako. At least, may
Lunes ng umaga, dumating si Bella sa St. Therese Elementary School para mag-submit ng kanyang aplikasyon bilang assistant teacher. Nakaayos siya nang maayos—simpleng blouse at slacks, buhok na nakapusod, at may kaunting makeup para magmukhang fresh at professional. Kahit kinakabahan, pinilit niyang ipakita ang kanyang kumpiyansa.Sa pagpasok niya sa admin office, isang babae ang bumati sa kanya."Good morning! Ano pong sadya nila?" tanong ng secretary na si Ms. Dela Cruz."Magpapasa po ako ng requirements para sa assistant teacher position," sagot ni Bella, inaabot ang kanyang folder."Ah, yes! May scheduled interview kayo ngayon. Paki-fill out na lang ito, tapos hintayin niyo po ang tawag ni Sir Rafael Grafton.”Muling bumilis ang tibok ng puso ni Bella. ‘Ang punong-guro mismo?’ Inakala niyang iba ang magiging proseso. Pero huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili. Kailangan niya ang trabahong ito, at hindi siya dapat matinag ng kaba. Habang naghihintay, pinagmasdan niya
Habang papalabas si Bella Matapos ang Interview mula sa opisina ng principal nang may halo-halong emosyon. Pakiramdam niya’y nabunutan siya ng tinik dahil natapos na ang interview, pero hindi niya maiwasang kabahan. Hindi pa siya sigurado kung matatanggap siya bilang assistant teacher pero ginawa niya ang lahat ng makakaya niya. Naglakad siya nang mabagal palabas ng paaralan, bitbit ang maliit na brown envelope na naglalaman ng kanyang mga dokumento. Pinagmasdan niya ang paligid—ang mga batang naglalaro sa open ground, ang mga guro na nag-uusap sa hallway, at ang mga magulang na naghihintay sa kanilang mga anak. ‘Ito na ba ang magiging bagong mundo ko?’ tanong niya sa sarili. Kung matanggap siya, dito siya magtatrabaho habang nagrereview para sa LET. At dito rin mag-aaral ang magiging anak niya. Muling kumakabog ang dibdib niya sa ideyang iyon. ‘Diyos ko, paano ko ba ito ipapaalam sa kanila?’ anya niya sa isip. Pinilig niya ang kanyang ulo, pilit na itinaboy ang mga alalahanin
Pagdating ni Bella sa McDonald’s, nadatnan niya si Vincent na nakaupo na at nakataas pa ang paa sa upuan. Nakataas ang kilay nito habang ngumunguya ng fries. "Ang tagal mo, Bella. Akala ko nagbago na isip mong ilibre ako,” salubong nito sa kanya. Napairap si Bella at umupo sa tapat niya. "Excuse me? Ako pa ba? Ikaw nga itong dahilan kung bakit ako natanggap sa trabaho. Siyempre, deserve mong ilibre," sagot ni Bella."Oh? Natanggap ka na? Ang bilis naman," parang hindi makapaniwala na wika ni Vincent."Yup! Kakatawag lang nila kanina. Start ko na next week!" Excited na wika ni Bella."Wow! Congrats, pinsan! Galing-galing mo naman. Dapat yata ako na lang ang kunin mong manager, baka sakaling may libreng McDo ako buwan-buwan." Biro naman ni Vincent. "Haha! Loko. Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ko nalaman na hiring dun at saka everyday na tayo magkikita, kaya libre kita ngayon. Pero next time, ikaw na ang manlilibre, ha?” pabiro na sabi ni Bella."Tingnan natin. Kung may sweldo ka n
Habang papunta sila sa classroom, hindi mapigilan ni Bella ang excitement at kaba. Nang makarating sila sa pinto, dinig na dinig ang malakas na tawa at sigawan ng mga bata. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isang masayang tanawin—mga batang nasa anim na taong gulang, naglalaro at tumatakbo-takbo sa loob ng classroom. Sa gitna ng kaguluhan ay isang babaeng nasa late 20s, may friendly aura, at abalang inaayos ang ilang activity sheets sa mesa. "Teacher Liza," tawag ni Mrs. Santos. "Ito na ang magiging assistant teacher mo, si Ms. Zamora." Pagpapakilala nito sa kanilang dalawa.Agad na lumapit si Teacher Liza at nakangiting kinamayan si Bella. "Hi, Ms. Zamora! Welcome sa team! Huwag kang kabahan, masaya dito!""Salamat po! Excited na po akong makilala ang mga bata." Nakangiting sagot ni Bella.Nang marinig ng mga bata ang usapan nila, agad silang lumapit, nagkumpulan, at sabay-sabay nagtanong. "Teacher, sino siya?" "Magiging teacher namin siya?""Ang ganda niya!"Napataw
Pagdating ni Bella sa bahay, ramdam niya ang bigat ng katawan niya. Isang buong araw siyang nagturo, makisalamuha sa mga bata, at ngayon, gusto niya lang humiga. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya at napahiga sa kama, mahigpit na niyayakap ang unan.Napapikit siya, sinusubukan na i-relax ang pagod na katawan. Pero ilang minuto pa lang siyang nakahiga, may narinig siyang malakas na boses mula sa sala. Mabilis ang tibok ng puso niya. Away ba iyon?Dahan-dahan siyang bumangon, hinaplos ang tiyan niya, at lumabas ng kwarto. Habang pababa sa hagdan, lumilinaw ang usapan sa ibaba."Clark, paano mo iniisip na magpakasal sa sitwasyon natin ngayon?!" galit na galit na boses ng kanilang ina, si Carmena. "Wala pa tayong pambayad sa mga utang! Hindi pa tayo nakaahon sa hirap, tapos ngayon, iniisip mo nang bumuo ng pamilya mo?""Ma, mahal ko si Anne. Matagal na kaming magkasama, at gusto na namin itong gawin." Hindi nagpatinag si Clark, pero halata sa boses niya na pigil ang inis."Mahal? P
“Noah?” Napakunot ang noo ni Bella, hawak pa ang walis. “Bella,” mahinang tawag ni Noah, parang nag-aalangan. “A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ni Bella, hindi maitago ang pagdududa sa tono. Nagkamot ng batok si Noah, halatang nahihiya. “Nagtanong-tanong ako sa pamilya mo. Sabi ng mama mo, baka raw nandito ka kay Erica.” Medyo ngumiti siya, pero awkward, parang hindi sigurado kung dapat ba siyang ngumiti talaga. Napabuntong-hininga si Bella. Hindi ko sila masisisi, bulong niya sa sarili. Sa pagkakaalam ng kanyang pamilya, wala namang masama kay Noah — matagal na rin nilang kilala ito bilang mabuting kaibigan, halos parang kapatid na. “Ah, ganun ba...” mahinang sagot niya, iniayos ang hawak sa walis. “Sige, pasok ka na. Wala si Erica, nasa trabaho.” Pumasok si Noah, tahimik, at umupo sa maliit na upuan malapit sa pinto. Hindi niya pinilit umabante pa, tila iginagalang ang espasyo ni Bella. Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa
Nang matapos ang hapunan, si Bella na mismo ang nagprisintang magligpit ng mga pinggan. Kahit pinipigilan siya ni Erica, nagpumilit siya — kailangan niya ng kahit kaunting paraan para makabawi man lang.Tahimik niyang nililigpit ang mga plato, habang si Erica naman ay abala sa pag-aayos ng ilang gamit sa sala. Si Vincent, nakaupo pa rin sa hapag, nakatingin lang sa isang sulok ng mesa, hawak-hawak ang baso ng tubig na matagal nang wala nang laman.Pakiramdam ni Bella, bawat tunog ng kutsara at plato sa kusina ay parang palakol na bumabagsak sa pagitan nila ni Vincent, mabigat, mabangis, nakakatakot.Hindi niya alam kung paano sisimulan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpaliwanag, o magmakaawa.Kaya nag-ipon siya ng lakas. Huminga siya ng malalim, at dahan-dahan, lumapit siya kay Vincent, hawak pa rin ang basang basahan sa kamay.“Vincent...” mahinang tawag niya, halos pabulong.Hindi gumalaw si Vincent. Hindi man lang lumingon. Pero hindi nagpadala si Bella sa kaba. Lumapit pa
Pagkababa nila mula sa sasakyan, agad na inalalayan ni Erica si Bella papunta sa maliit pero maaliwalas na kwarto na inihanda nila.May kabang sumisiksik sa dibdib ni Bella habang inaayos ang mga gamit niya hindi dahil sa lugar, kundi sa damdaming parang bumalik siya sa umpisa, nagsisimula ulit.“Oy, salamat ah,” ani Bella, ngiting pilit habang pinupunas ang kaunting pawis sa noo.“Sus, wala ‘yon! May kasabihan ka nga diba — what are friends are for!" sabay tawa ni Erica, habang kinukuha ang huling bag mula sa kama. "Tapos, para na rin kitang kapatid, aside sa future cousin-in-law kita!"Napangiti si Bella sa biro. Somehow, kahit hirap pa siyang huminga sa bigat ng mga nangyayari, gumagaan ang pakiramdam niya kapag si Erica ang kausap.“Ah susss… Kailan ba kasal niyo ni Vincent? Tagal niyo na rin kasi eh. At saka napaka-swerte ng pinsan ko sayo — yang si Vincent pa, ganyan-ganyan lang yan pero mabait yan,” biro ni Bella habang inaayos ang mga tupi ng damit sa drawer.Tumawa si Erica,
Sa unang pagkakataon, matapos ang matagal na panahon, naramdaman ulit ni Bella ang yakap ng isang tunay na pamilya.At sa gitna ng kanilang yakapan, muling tumunog ang cellphone niya sa loob ng bag. 0Hindi niya kinuha. Hindi niya sinagot.Dahil ngayong gabi, alam niyang nasa tamang lugar siya — hindi sa pera, hindi sa pangarap na hindi kanya, hindi sa pagmamahal na hindi buo — kundi sa piling ng mga taong kahit kailan, hindi niya kailangang bilhin ang pagmamahal.Tahimik ang hapunan nila nang gabing iyon.Hindi tulad ng mga nakaraang araw na puro tanong, puro lungkot ang umiikot sa bawat kibot ng kubyertos, ngayong gabi, may kung anong katahimikang parang naghihintay lang ng pagsabog.Si Bella, pinagmamasdan ang pamilya niya habang tahimik na kumakain. Sa bawat pagnguya niya, nararamdaman niya ang bigat ng nilulunok niya — hindi pagkain, kundi mga salitang matagal na niyang kinikimkim sa puso.Hindi niya kayang palipasin ang gabing ito na hindi nagsasabi.Pagkatapos ng hapunan, nang n
Habang nasa taxi si Bella, hawak niya ang kanyang tiyan na para bang doon niya kinukuha ang lakas na unti-unti nang nauupos sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa lumang bag na halos hindi na niya pinaghandaan, ilang piraso ng damit, ilang dokumento, ilang alaala.Mabilis ang takbo ng sasakyan pero mabagal ang oras sa puso niya.Mula sa salamin ng bintana, pinagmamasdan niya ang mga dumadaan poste ng ilaw, ang mga gusali, ang mga taong abala sa kani-kanilang mundo,parang sinasampal siya ng katotohanan na habang siya ay magunaw ang mundo ay tuloy-tuloy lang ang ikot nito, walang pakialam.Nang biglang tumunog ang cellphone niya.Isang tawag.Rafael.Muling nag-vibrate. Muling kumislap ang to niya sa screen. Hindi niya sinagot. Hindi niya kayang marinig ang boses nito. Hindi niya kayang marinig kung anuman ang palusot o paliwanag. Hindi pa ngayon. Hindi pa siya handa.Tumunog ulit. Paulit-ulit. Hindi sumusuko. Pinatay niya ang cellphone. Basta na lang niya pinatay para hindi siya madala n
Kinabukasan, pagmulat pa lang ng mata ni Bella, ramdam na ramdam na niya ang bigat ng mundo. Parang bawat hinga niya ay may kasamang tinik, bawat pagbangon ay may kasamang pagdududa kung may patutunguhan pa ba ang bawat araw niya rito.Dahan-dahan siyang bumangon, marahang hinaplos ang umuumbok na niyang tiyan, pilit kumukuha ng lakas sa maliit na buhay na kumakapit sa loob niya. Ngunit kahit anong lakas ang hinahanap niya, tila yata naubos na ang lahat sa pag-iyak niya kagabi.Hindi na niya kaya.Hindi na niya kayang ipagsiksikan pa ang sarili niya sa mundong hindi naman siya tinatanggap.Kaya ngayong umaga, sa unang pagkakataon, nagpasya siya. Tahimik. Walang iyak. Walang drama. Isang matigas pero basag na desisyon — aalis na siya.Hindi siya magpapaalam. Hindi siya gagawa ng eksena. Basta aalis siya nang tahimik, para hindi na siya maging dahilan ng gulo sa pamilya na ni minsan ay hindi siya tinanggap.Pilit niyang isiniksik ang iilang gamit niya sa isang lumang bag. Hindi na niya
Ilang araw na ang lumipas pero parang kahapon lang nang maganap ang eksena nila ng kanyang ina sa grocery. Hindi makalimutan ni Bella ang paraan ng pagtingin sa kanya ng kanyang ina — puno ng galit, puno ng panghihinayang. Hindi niya rin makalimutan ang bigat ng bawat salitang iniwan nito sa kanya bago tuluyang tumalikod.At ngayon, habang nakaupo siya sa kama sa guestroom kong saan siya lumipat ng kwarto hindi niya mapigilan ang mag-isip nang mag-isip. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagod o dahil sa hormones ng kanyang pagbubuntis, pero para siyang binabaha ng kung anu-anong iniisip na hindi niya mapigilan.Hawak niya ang maliit na unan sa kanyang tiyan, hinahaplos-haplos ito, pilit kinakalma ang sarili. Pero paano siya magiging kalmado kung ang mga kilos ni Rafael ay ramdam na ramdam niyang nag-iba?Ilang araw na rin simula nang mapansin niyang naging malamig ang binata. Hindi na ito katulad ng dati. Hindi na siya hinahalikang tulad ng dati. Hindi na siya kinikindatan. Hindi na si
“Ma?” mahina niyang sambit, halos pabulong. Ngunit walang sagot. Tanging matalim na tingin at tahimik na pagsusuri ang isinukli ng ina niya. Para bang bawat segundo, kinikilala nito ang anak na minsan niyang ipinagmalaki. Ngunit ngayon, tila hindi niya ito makilala. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ng kanyang ina matapos ang ilang saglit. “Akala ko ba nasa abroad ka?” Hindi agad nakasagot si Bella. Nilingon niya ang mga bitbit niyang gamit, pilit na iniiwas ang tingin—pero alam niyang wala na siyang lusot. Huli na siya. Lahat ng kasinungalingan niya, nabunyag na. “Ma… hindi ko alam kung paano ko sasabihin—” “Hindi mo alam?” putol ng kanyang ina sa kanyang paliwanag. “Pinili mong hindi sabihin. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataong malaman. Isabella, buntis ka?” Lumapit ito at tumitig nang diretso sa kanyang tiyan. “At ‘yang bata na ‘yan… kanino?” Napakagat-labi si Bella. Hindi niya alam kung uunahin niya ang pagsagot o ang pagpigil sa luha. “Sa—kay Rafael, ma.” Wala na siyang p
Isang umaga na tila mas tahimik kaysa sa mga nagdaang araw. Walang masyadong ingay sa paligid, kahit ang mga ibon sa labas ay parang napagod na rin sa kakakanta. Nakaupo si Bella sa sulok ng kanilang kwarto, nakatingin lang sa sahig, hawak-hawak ang cellphone. Mabigat ang mga mata, hindi dahil sa puyat, kundi sa paulit-ulit na pagluha tuwing gabi.Pinili na niyang i-chat si Erica."Pwede ba tayong mag-usap? Hindi ko na alam gagawin ko." Chat niya sa kaibigan.Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone niya. Tumatawag na si Erica. At sa unang “hello,” agad na bumigay ang tinig ni Bella. Umiiyak siya, hindi na niya napigilan. Parang isang matagal ng binugbog na puso ang sumabog sa simpleng tanong ng kaibigan.“Bakit ka umiiyak? Bella, ano na naman?” Nag-alala na wika ni Erica.“Hindi ko na alam, Rica… Parang hindi ko na kaya. Lahat ng bagay ngayon, masyado nang mabigat. Sinisisi ako ng ama ni Rafael, sinabihan akong lumayo. Tapos ‘yung kapatid niya… sinabihan akong baka madamay pa ana