Share

Kabanata 4

Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa aming classroom. Late na ako. Nakakainis! The class probably started 10 minutes ago.

Hindi kase ako nagising sa alarm kanina at hindi ko alam kung bakit. Maaga naman akong natulog kagabi!

"Sorry!" Malakas kong sigaw nang may mabangga ako dahil sa pagmamadali. Ni hindi ko man lang tinignan kung sino iyon.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad—no! I'm already running! I remember who's our professor in architectural design and damn! She's a bitch!

Ms. Aisha Melendez. Isa sa mga pinakabatang professor dito sa university. Marami ang may gusto sa kanya dahil hindi naman maitatanggi na maganda at matalino siya. But she has this bitchy attitude na tinatago nya lang kapag kaharap ang ibang professor... and she hates late students...

"Levesque, you're late!" She yelled as soon as I get inside the classroom. Napayuko na lang ako dahil sa hiya. How I wish the floor would open up and swallow me.

I just apologized and didn't tell the reason why I came here late. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako maagang nagising, that will only add fuel to the fire. Buti na lang hindi niya ako masyadong binigyan ng sermon at pinapasok na lang para matuloy na ang klase.

I saw how Beatriz smirk nang dumaan ako sa tabi niya. She must be celebrating now. Gustong-gusto niya talaga akong makita na napapagalitan o nabibigo. But I know better. Hind ko siya kamag-anak para bigyan siya ng kasiyahan.

Nagpatuloy na ang klase at ako naman ay hindi masyadong naka-focus. A memory of last night crossed my mind again. Pasimple kong hinilot ang sentido ko, nagabakasakaling bumalik ang concentration ko sa klase.

It was Ryland who knocked on the door of my unit pagkatapos niya akong ihatid. I don't why the staffs let him in when it is stated in the policy that no one shall be able to pass the lobby  and visit someone in her/his unit without its permission.

It shouldn't be a big deal. He only wanted to return my pouch na naiwan ko pala sa kotse niya. Pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya. I was a little bit exposed in front of him!

Nang matapos ang klase ay niligpit ko na ang mga gamit ko. Our professor left us something to do in home before she exited without even saying goodbye. Hindi na nakakapagtaka, gano'n talaga siya.

Palabas na sana ako nang may biglang humarang sa pintuan. It was none other than, Beatriz. Tinaasan ko siya ng kilay as if asking her what the hell she want.

"I wonder why you were late?" Sabi niya sa mapang-asar na tono. Ano ba ang pake ng isang 'to?

"Why do you care?" I asked calmly making her role her eyes.

"Come on! I'm just confused, hindi ka naman nale-late dati." She said with a smile on her face. She's trying to look friendly and innocent again.

"I think it's normal for a student to be late."

"But it's not normal pagdating sa'yo." This bitch. What is she saying? Mas kilala niya pa ang sarili ko kaysa sa 'kin.

Instead of answering her, dumaan na lang ako sa gilid niya para makalabas ng classroom. Nagtagumpay naman ako pero agad niya ring nahawakan ang braso ko nang humakabang ako ng apat na beses palayo.

She's gripping my arm tightly that it already hurts but she still got a fake smile plastered on her face.

"Is something bothering you? You can tell me naman eh, we're friends diba?" She asked softly and it fucking disgust me.

"Is something wrong with you? You can tell me also," I countered with full of sarcasm. Talking to her is a waste of time.

"Heira, I'm just trying to be nice here, why are you so mean to me?" Mahihimigan ang lungkot sa kanyang boses at iyon ay dahil may dumaan na mga estudyante sa tapat namin. Napaligon sila sa gawi namin and they started whispering something like 'are they fighting?' 'I heard her say that Heira's being mean to her' 'should we call a professor? They might hurt each other'

I looked at them with blank emotions and they all gasped and looked away. Nagpatuloy sila sa paglalakad pero mas mabilis na ngayon. Good. Tinignan ko ulit ang  babaeng mahigpit pa rin na nakahawak sa braso ko ngayon.

Pati ang pagiging late ko pinupuna niya? The hell. Nababaliw na siya. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso at bumuntong hininga.

"I woke up late." 'Yan na lang ang sinabi ko para makaalis na. But  as expected, may isasagot pa talaga siya.

"What? Omg! How irresponsible of you naman." Literal na napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi. She's overreacting and I really hate it. Sobrang arte.

"Hindi mo na problema 'yon," I said and turn my back against her.  To my relief, hindi niya na ako sinundan.

Minsan talaga ay hindi ko napipigilan ang sarili kong maging m*****a sa kanya. I have my limits, and she's always trying to cross it.

"I've been hearing news about professors getting kicked out of their job, do you know something about it?"

I glanced at Sean who just started eating his lunch. 30 minutes na kaming nakaupo rito sa cafeteria ng school pero ngayon lang niya sinimulang galawin ang kanyang pagkain. Paano ba naman kase, mas inuuna ang chismis. Mas malala pa siya sa mga babae.

"I know what you're thinking! Hindi ako chismoso ha! Narinig ko lang 'yon sa blockmates ko!" Depensa niya.

Yeah. He definitely knows what I'm thinking.

"Nagpapalusot pa." It was a whisper pero dahil matatalas ang pandinig ng mga chismoso ay narinig niya pa rin.

"Hindi ah, narinig ko lang talaga!"

"Whatever, wala akong alam." 'Yan na lang ang sinabi ko para manahimik na siya... pero kailan ba siya tumahimik?

"Palibhasa hindi ka updated."

"Wala akong pake, hindi naman 'yan importante sa 'kin."

"Wala naman talagang importante para sa 'yo." I heard him whispered. Sinamaan ko siya ng tingin pero inirapan niya lang ako. Pag ganyan s'ya, gustong gusto ko talaga tusukin ang eyeballs niya. Napakabakla.

I still have a three-hour class this afternoon kaya iniwan ko na si Sean doon sa cafeteria. Hindi pa rin siya tapos kumain kasi mas priority niya talaga ang pagsasalita.

I am 20 minutes early pero marami na ang tao sa classroom. I went straight to my chair and sat in there. Sa ngayon ay wala akong mapagkakaabalahan. Guess I have to wait 'til our professor arrive.

After minutes of waiting ay dinalaw ako ng panghapong antok. Thinking that I still have enough time to take a nap, nilublob ko ang aking muka sa aking braso na nakapatong sa desk.

"Levesque! Gising, nasa hallway na 'yung bagong prof."

Nagising ako dahil sa pag-alog sa 'kin ng kaklase ko. Hindi na ako nag-abalang tignan kung sino iyon dahil bumalik din naman agad siya sa kanyang pwesto. Umupo ako ng maayos at sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri.

Aaminin ko, nakulangan ako sa tulog.

"Ballpen mo." My seatmate whispered to me at nginuso ang sahig. Tinignan ko naman iyon at nandoon nga ang ballpen ko. Naalala kong sa bulsa ko lang pala nilalagay ang ballpen ko kaya siguro nalaglag.

Yumuko ako para kunin ang ballpen ko at hindi pa man ako tuluyang nakaka-ayos ng upo ay narinig ko ang mga yapak ng mga paa na papasok sa classroom.

"Good afternoon class."

Halos maestatwa ako nang marinig ang malamig na boses na iyon. It was familiar—no, shit! Kilalang kilala ko ang boses na iyon but I still have to confirm it kaya dahan dahan kong inangat ang muka ko at umayos ng upo.

"I'm Ryland Morrison, your new professor in this class."

My eyes widened upon confirming it. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatingin sa lalaking ma-awtoridad na nakatayo sa harapan. Sinubukan kong pakalmahin ang kaloob-looban ko pero parang nadadagdagan lang ang kaba.

"No," I whispered, still looking at him—at my fiance. Mas lalo pa akong natigilan nang magtagpo ang mga mata namin. His stares lingered at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

He doesn't looked surprised.

He doesn't looked confused.

Like he's expecting this to happen. But I don't wanna judge.

Oh heavens! Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Ryland Morrison is a damn professor! And I am so dumb for thinking that maybe he's also a student in this university kaya nasabi ni tito Miguel noon na magkakasama kami rito.

He's my professor, and he's going to be my husband soon. Hindi ako bobo para hindi malamang ipinagbabawal ang relasyon sa pagitan ng guro at estudyante.

Ang daming tanong ang nabubuo sa isipan ko pero lahat ng iyon ay hindi ko mahanapan ng sagot.

TULALA akong naglalakad papunta sa parking lot. We were dismissed earlier and that's really a good thing. Hindi ko kayang manatiling nakaupo sa room na iyon habang nasa harap siya at nagtuturo. Pakiramdam ko may nagawa akong napakalaking kasalanan.

Napasandal na lang ako sa aking kotse ng makarating ako sa tapat nito. Parang naubusan ng lakas ang buong katawan kaya kahit pagbukas sa pinto sa ng sasakyan ay nahihirapan ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo sa sasakyan. Paulit-ulit akong huminga ng malalim, nagbabakasali na mababawasan ang mga tumatakbo sa isip ko.

Alam kaya ito ni lolo? Alam kaya niya na isang propesor ang napili niyang lalaki? Kung meron man siyang alam... bakit?

Hindi pa kami kasal pero natatakot pa rin ako, natatakot ako na baka malaman ng iba— na baka hindi ako maka-graduate.

Gustong gusto kong magwala kapang naiisip ko iyon.

"We can't do anything if fate has started the game."

Kaagad akong dumilat nang muling marinig ang kanyang boses. He's walking towards me, stares piercing through my soul. He looks so heavenly while walking. Pero hindi ko gaanong ma-appreciate ang appearance niya, lalo pa't may unti-unting nabubuong galit sa d****b ko.

"Heira—"

Hindi niya na nagawang sabihin ang gusto niyang sabihin dahil sa pagdapo ng kamay ko sa kanyang pisngi. Sinampal ko siya. Nagulat ako sa ginawa ko pero hindi ko iyong pinagsisihan.

"Bakit hindi mo sinabi?" Mahina kong tanong sa kanya.

"If I told you, siguradong aatras ka—"

"Of course! Malamang! Aatras ako!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan siya. Alam niyang isa pa akong estudyante pero hindi siya tumutol sa arrange marriage na ito.

"Calm down,"

"No! Dapat sinabi mo! Bawal 'to, Ryland! Sana sinabi mo..." unti-unting humihina ang boses ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

I may be overreacting, pero hindi nyo ako masisisi. Ito lang 'yung tyansa ko para makamit ang pangarap ko— kaisa-isang tyansa para unti-unti kong maabot ang kalayaan mula sa mga magulang ko...

Humakbang siya palapit sa akin. Gusto kong umatras papalayo sa kanya pero nakasandal na ako sa kotse. Nakakainis! Wala man lang akong magawa.

"Lumayo sa sa 'kin," I said.

"Heira, a deal... is a deal."

Ramdam ko ang pagkuko ng dugo ko sa kanyang sinabi. Sa tingin ba niya ay papayag pa akong magpakasal sa kanya?

"No... hindi ako magpapakasal sa 'yo, hindi ikaw ang puputol sa mga pangarap ko..."

"You're not allowed to back out. I guess the only thing we can do for now is hide.."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Mor
karugtomg please...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status