LOGINSANDRA’S POVTumawag na ako kay Ninong Rey ngayong umaga. Matagal ko nang pinag-isipan ang araw na ito, at sa wakas ay handa na akong harapin si Benjamin Alburo. Alam kong habang-buhay akong hindi matatahimik kapag hindi ko siya hinarap.Nagpaalam ako kay Arthur sa pamamagitan ng text message. At gusto kong malaman niya ang lahat ng mga pupuntahan ko.Ako: Pupunta ako sa kulungan ngayon. Haharapin ko si Benjie.Arthur: I’ll go along with you, baby.Ako: Hindi na, kaya ko ito.Arthur: Baby, alam kong kaya mo. Pero ayokong mag-isa kang humarap sa taong sumira sa’yo. Please, wait for me.Ilang minuto pa lang ang lumipas nang marinig ko ang busina ng pamilyar na pulang Lambo sa labas. Nilingon ko siya mula sa bintana, at nandoon siya, nakasandal sa pinto ng kotse, suot ang itim na polo at itim na relo, at ang mga mata niya ay tila nagsasabing, hindi kita pababayaan.Paglapit ko sa kaniya ay mahigpit niya akong hinawakan sa braso. “Sigurado ka na ba rito, Baby?” tanong niya sa mababang t
BENJAMIN ALBURO’S POVFour years ago…Hindi ko alam kung kailan nagsimulang mawala sa akin ang takot. Ang alam ko lang, noong araw na iyon, parang wala nang halaga ang buhay ng mga taong iyon. Matagal ko na silang pinagmasdan, at sa totoo lang, kilala nila ako.Buwan bago mangyari ang lahat, gabi-gabi akong nakatayo sa tapat ng mataas nilang gate, pinagmamasdan ang liwanag sa bawat silid. Alam ko kung anong oras kumakain ang pamilya, kung anong araw sila may bisita, at kung kailan umaalis ang mag-asawa para mag-date sa lungsod o pumasok sa trabaho.Alam ko ang lahat, dahil iyon ang trabaho ko, ang alamin ang bawat detalye bago umatake.Pero sa totoo lang, hindi ito basta trabaho. Isa itong utos na may kasamang matinding galit ng mag-asawang Zygue at Emily. Hindi ko inakala na aabot sa ganitong antas ang inggit nila, dahil lamang sa pag-angat ng pamilyang gusto nilang ipapatay.Ito ang utos na matagal ko nang pinanghahawakan bilang kapalit ng sarili kong kaligtasan, ng buhay ng anak ko
BENJAMIN ALBURO’S POVSix years ago…Madalas kong isipin, kung hindi lang nagkasakit ang anak ko, marahil hindi ako muling babalik sa impiyerno. Hindi ko muling mararamdaman ang init at lapot ng dugo na muling babahid sa mga kamay ko.Pitong taon na ang lumipas mula nang lumaya ako. Dating ex-convict, dating walang direksyon, pero sa nang makilala ko ang asawa kong si Daisy, natutunan kong manahimik at magsimulang muli. Siya ang nagpabago sa akin. Ginawa niyang tuwid ang mga baluktot at para siyang ilaw na naging tanglaw sa madilim kong mundo.Nang maikasal kami sa huwis ay ipinangako ko sa kaniya na kahit anong mangyari ay gagawin ko ang lahat para itaguyod ang aming pamilya. Nagtitinda ako ng kahoy, nagkukumpuni ng mga sirang upuan, at sa tuwing naiisip kong hindi ako kailanman makakabawi sa mundo, titignan ko lang ang mukha ng anim kong mga anak. Dalawang pares ng kambal na sina Dina at Dirina, sina Kent at Kaerwin, ang junior kong si Benj, at ang bunso kong si Ellaine na sakiti
SANDRA’S POVBago ako makapasok sa aking pintuan, napansin kong may isang maliit na puting sobre na nakadikit sa ilalim ng doorknob. Maingat kong kinuha ang maliit na puting sobre na nakadikit sa doorknob. Wala itong pangalan o anumang marka, kaya’t lalo akong kinabahan. Sa unang tingin, parang ordinaryong liham lang pero may kung anong malamig na pakiramdam ang gumapang sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko iyon.Pumasok ako sa loob ng apartment at isinara ang pinto. Umupo ako sa sofa, hawak pa rin ang sobre. Ilang sandali pa akong nagdalawang-isip bago ko ito dahan-dahang binuksan. Sa loob ay may isang maliit na itim na card na may simpleng sulat sa gitna, gamit ang pulang tinta.“Hindi pa tapos ang lahat. Huwag mong kalimutan kung sino ang tunay na may utang ng dugo.”Napatigil ako, halos mabitawan ko ang card. Parang biglang lumamig ang paligid. Kinilabutan ako lalo na nang mapansin kong walang pirma, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagsulat. Ngunit sa ibabang bahagi n
SANDRA’S POVHabang unti-unting humihina ang tugtog, hindi pa rin kami bumibitaw sa isa’t isa. Ang noo ko’y nakasandal pa rin sa dibdib niya, at ang mga kamay naming magkahawak ay tila ayaw maghiwalay. Ramdam ko ang init ng palad niya, ang bigat ng bawat hinga, at ang pagbagal ng oras sa pagitan naming dalawa.Nang tuluyang tumigil ang musika, dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo. Nagtagpo ang mga mata namin. May kung anong lungkot sa mga mata ni Arthur, ngunit naroon din ang lambing at pagsisisi.“Ang ganda ng gabi,” mahina kong sabi, pilit kong pinapakalma ang sarili kong kaba.“Hindi lang gabi,” sagot niya, marahang hinahaplos ang buhok ko. “Ikaw rin.”Napangiti ako, ngunit mabilis din iyong napalitan ng seryosong tingin. “Arthur… tungkol sa nangyari nung isang araw—”Umiling siya, tila ayaw na niyang pag-usapan pa iyon. “Shh… it’s okay. I overreacted. Hindi ko dapat inunahan ng selos ‘yung tao. Lalo na’t wala naman siyang ginawang masama.”“Pero naiintindihan ko rin kung bak
SANDRA'S POVPagkatapos ng pangalawang subject ko ay dali-dali akong lumabas ng campus. Ayokong matagalan dahil marami pa akong kailangang gawin bago mamayang gabi. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na agad ang isang pamilyar na boses.“Sandra! Sandr—Sandrraaa!” sigaw ni Kaydie mula sa kabilang dulo ng hallway. Napalingon ang ilang estudyante sa kaniya dahil sa lakas ng tawag niya. Nakatakbo pa siya papalapit habang pawis na pawis at may bitbit na bottled water.“Hoy, ang bilis mo namang maglakad! Kanina pa kita tinatawag!” hingal na sabi niya, sabay ayos ng salamin niya sa ilong.Ngumiti lang ako ng tipid. “Sorry, may hahabulin lang ako, Kaydie. Next time na lang tayo mag-usap, ha?”“Ha? Eh, wait! Gusto ko lang sanang—” Hindi ko na siya pinatapos. Tumalikod na ako at nagmadaling lumabas ng gate. Naririnig ko pa rin ang boses niya mula sa likuran, pero hindi na ako lumingon. Hindi ito ang tamang oras.Pagkarating ko sa labas, agad akong pumara ng taxi. Habang nakasakay, paul







