Share

KABANATA 5

Penulis: Maria Anita
Dumating ako sa kumpanya nang alas-otso ng umaga. Maganda ang pagtanggap sa akin ni Miss Sam, na nagpakilala sa akin sa lahat, at napakabait ng bawat isa. Wala pa doon ang magiging boss ko, nasa business travel daw ito at babalik sa katapusan ng linggo.

Maganda ang opisina, napaka-moderno at napaka-professional looking ngunit welcoming din. Napaka-elegante at nagustuhan ko talaga. Angkop ang suot kong itim na suit, may dark green na satin blouse sa ilalim, at itim na heels. Dapat eleganteng-elegante na ako araw-araw ngayon, dahil magtatrabaho na ako nang direkta sa CEO ng kumpanya.

Sa kalagitnaan ng umaga, nakatanggap ako ng text mula kay Diane na nagawa na raw niyang makapag-set ng appointment sa direktor ng daycare center malapit sa aming apartment sa katanghalian. Ipinaliwanag ko ang sitwasyon kay Miss Sam at tinanong kung maaari ba akong payagang umalis sa oras na iyon, ngunit babalik ako nang maaga.

“May anak ka na pala. Ilang taon na siya?” tanong niya sa akin na nakangiti.

“2 years old na po siya. Napakatalino niyang bata. Hindi siya planado, pero siya ang dahilan kaya nagsisikap ako, Miss.”

“Ano ang pangalan niya?”

“Nathan po,” sagot ko.

“Nathan… may dating ang pangalan, ah. Hindi ka kasal, alam ko 'yan, pero ang ama ng anak mo? Magkasama pa rin ba kayo?”

Biglang bumigat ang puso ko. Paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi ko alam kung sino ang ama ni Nathan? Pero hindi ako nagsisinungaling, kaya harapin na lang ang katotohanan. Sinabi ko sa kanya na ang ama ni Nathan ay isang lalaking nakilala ko sa isang party at hindi ko na muling nakita pa. Tumingin siya sa akin nang seryoso, walang paghuhusga sa kanyang mga mata.

“Kuha mo ang respeto ko, Isabelle. Hindi madali ang maging single mother, at napakahirap sabihin ang mga katotohanang tulad nito na alam mong magdudulot ng paghuhusga ng iba sa iyo. Salamat sa pagtitiwala at pagiging honest mo. Sige, umalis ka na at ayusin mo ang enrollment ng baby mo. Magpapatuloy tayo sa training sa hapon, hindi mo kailangang magmadali.”

Nagpasalamat ako at nagpaalam, saka pinuntahan sina Diane at Nathan. Lalo lamang tumaas ang paghanga at respeto ko kay Miss Sam. Nasa 50’s na siya, brown ang buhok at kulay abo ang mga mata. Maganda at elegante, ngunit higit sa lahat, napaka-welcoming niya. Nagkasundo kami agad. Sa natitirang bahagi ng umaga, pinuno niya ako ng impormasyon tungkol sa trabaho at isinulat ko ang lahat.

Nang magtanghali, umalis ako sa building at nandiyan na si Diane sa entrance kasama si Nathan. Sumakay kami sa kotse at nagtungo upang kumain bago pumunta sa daycare.

Nagustuhan namin ni Diane ang daycare. Mukhang komportable rin si Nathan na agad na nagtatakbo-tabo kasama ang mga bagong friends niya. Napaka-sociable niya talagang bata! Iyon ang nagpapasaya sa akin… kapag masaya ang anak ko!

Hindi na kami tumingin ng ibang daycare dahil maganda na ito at napakalapit pa sa amin, tatlong bloke lang ang layo. Nagpalista kami at inayos ang lahat ng detalye. Iminungkahi ng direktor na iwan muna namin si Nathan hanggang sa pag-uwi, dahil nag-eenjoy siya at mas maganda kung masanay na siya agad. Si Diane ang dapat susundo sa kanya pagkauwian na.

Inihatid ulit ako ni Diane sa opisina at sinabing uuwi muna siya para maghanda sa kanyang job interview sa hapon. Bumalik ako sa aking desk bago pa bumalik si Miss Sam. Umupo ako sa lamesa at binalikan ang lahat ng sinabi niya kanina.

Hanggang sa biglang tumunog ang telepono sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, pero dahil iyon na ang magiging desk ko, sinagot ko ito sa pinaka-professional na boses na kaya ko.

“Dela Merced Group of Companies, CEO office, good afternoon. How can I help you?”

Matagal ang katahimikan sa kabilang linya bago ako makarinig nang malalim na buntonghininga. Bigla na lamang sumigaw ito, tila naiinip at may malakas at pangit na boses.

“Connect me to Sam now!”

Nagulat ako sa narinig pero kinontrol ko ang aking sarili.

“I apologize, Sir, but Miss Sam Cortez hasn't returned from lunch yet. Can I help you or would you like to leave a message?”

“Who the fuck are you?” Iritable niyang tanong.

“M-My name is Isabelle, Sir. The CEO’s new assistant.”

“Neverhead of your name!” Tila ba mas lalo siyang nainis.

“Ah, Eh…” Hinigpitan ko ang hawak sa telepono. “Ngayon lang po ang unang araw ko, S-Sir. Would you like to leave a message for Miss Sam?”

“Tell Sam to call me right away as soon as she’s back.”

“Alright, Sir. Ano pong pangalan ninyo?”

“Well, guess what? I’m your boss!” masungit niyang sagot at saka biglang binaba ang tawag.

Wow! Ang maldito ng lalaking ‘yon ah. Wala ata ito sa job description ko ah! Biglang nanikip ang lalamunan ko. Nagkamali na ba ako sa unang araw pa lang? Mukhang malaking problema ito! Naisip ko tuloy na baka hindi ako magtatagal sa trabahong ito dahil sa nangyari!

Pagbalik ni Miss Sam, agad kong sinabi sa kaniya ang nangyari nang may halatang kaba sa aking mukha. Tiningnan niya ako nang nakangiti, parang alam na alam niya ang nararamdaman ko…

“Mahinahon ba ang boses?”

Tiningnan ko siya at hindi na napigilan ang aking bibig. “Parang muntik na siyang ma-highblood, Miss Sam. Parang makikita ko na yata ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng boses.”

Tumawa siya nang malakas. “Magkakasundo kayo, sigurado ako. Ikaw ang magpapakalma sa halimaw na iyon!”

Ano? Hindi ako sigurado doon, ha! Baka hindi ko na dapat dalhin ang mga gamit ko rito.

Mukhang lulunin ako nang buhay ng lalaking iyon!
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (29)
goodnovel comment avatar
Cora Miflores
interesting reading
goodnovel comment avatar
Charlita Aldeguer
please unlock
goodnovel comment avatar
Mila Daculla Lim
interesting
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 100

    JokoSinalubong ako sa opisina nina Diane, Bettina at Juliet na nakatayo malapit sa elevator. Parang mga honor guard.“Sa wakas!” reklamo ni Diane at tiningnan ko ang aking relo.“Hindi ako late,” sagot ko.“Pero mas naging maalalahanin ka sana kung dumating ka ng mas maaga para sabihin sa amin ang nangyari kay Jackie. Nagtataka kami. At ako ang tumulong sa iyo!” Sabik na sabik si Diane sa balita.Ngumiti ako sa kanila. “Kung gayon, tara, magkape tayo, dahil napakaganda ng weekend ko.”Ngumiti sila at nagsimulang tumalon at pumalakpak, parang isang grupo ng mga tagahanga na sumusunod sa isang boy band. Matapos sabihin sa kanila ang buod kung paano ako pinatawad ni Jackie at kung gaano ako kasaya, pumasok na kami sa trabaho, pero hinila ko si Diane papasok sa aking opisina. Siguro may impormasyon siyang interesado ako.“Halika rito, Diane, magkwento ka sa akin.” Sabi ko habang hinihila ko siya papasok sa aking opisina.“Anong kwento?” Naguguluhan niyang tanong.“Ang nanay ko a

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 99

    AileenNag-iisa ako noong Linggo, dahil naka-duty si Nilo, kaya sinamantala ko ang pagkakataon para ayusin ang academics ko. Noong nagtatrabaho ako sa mall, nag-aaral ako sa umaga pero ibang ritmo ito ngayon. Pero nang magsimula akong magtrabaho kasama si Joko, lumipat ako sa night shift at medyo nahihirapan ako, dahil pagdating ko sa kolehiyo ay pagod na pagod na ako.Pero ganoon talaga ang buhay.Gayunpaman, naging napaka-produktibo ng araw ko. Pagdating ni Nilo sa gabi, nakahanda na ang mesa, naghihintay sa kanya. Parang sobrang stressed niya nitong mga nakaraang araw. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa ganoong paraan, itinaas ako mula sa sahig at binigyan ako ng isang nakakamanghang halik at idiniin ako sa dingding.Agad kong pinagkrus ang aking mga binti sa bewang at ipinulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg. Napakainit niya, napakabango niya, kaya ang amoy pa lang niya ay nalilibugan na ako.“Ah, cutie, gusto ko lang lumubog sa katawan mo ngayon, gusto ko lang maram

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 98

    JackieBumalik kami mula sa dagat noong Linggo ng gabi at pumunta sa bahay ni Joko. Pagod na ako at hindi kami mapaghiwalay. Naligo kami at humiga ng magkayakap, walang sex, cuddle lang.“Nightingale, gusto kong tanggapin mo ulit ang security.”Nightingale ang tawag niya sa akin sa mga sandali ng pagmamahal at pagiging malapit at tinawag niya akong Goddess sa mas malalaswa at relax na mga sandali, gustong-gusto ko ito.“Joko, hindi ko kailangan ng seguridad. Nasa bilangguan si Raul at hindi niya alam kung saan ako nakatira o kung saan ako nagtatrabaho. Isa pa, matagal na rin mula nang makatanggap ako ng mga sulat.” Bumuntong-hininga ng malalim si Joko.“Hindi lang siya ang problema natin.”“Naaresto na si Miguel.” Paalala ko sa kanya, habang ipinipikit ang aking mga mata para mas maramdaman ang kanyang pagmamahal. “Si Felipe ang tinutukoy ko, Nightingale.” Nang sabihin niya iyon, na-tense ako. “Bakit ko kailangan ng seguridad dahil sa kanya?”“Mahaba at nakakakilabot na kwe

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 97

    JokoHabang papunta sa marina, nag-text kami sa mga kaibigan namin na nagsasabing nasa dagat kami at babalik kami sa Lunes. Siyempre, wala sa kanila ang natuwa sa paghihintay ng balita, lalo na si Diane, pero gusto kong magtagal pa ng kaunti, para makausap ang aking mahal.Isinantabi ko ang nanay ko–isipin ko iyon mamaya, pero gusto ko talagang malaman kung ano ang nangyayari sa pagitan niya at ng doktor. Sa ngayon, masyado akong masaya.“Joko, nag-text ako kay Zac, gusto niyang malaman kung maayos ba ang lahat.” Pinutol ni Jackie ang iniisip ko.“Mahilig sa tsismis ang batang iyon. Siguro ay sinabi na niya sa lahat.” Napangiti ako, iniisip ang aking pamangkin na masyadong madaldal, pero mabait na bata.Pumunta kami ni Jackie sa aming maliit na islanf, ang mabatong lugar na malapit sa isang desyerto na isla sa gitna ng dagat. Ginugol namin ang buong Sabado na magkadikit, nagmamahalan, ninanamnam ang dagat at ang araw, at pinag-uusapan ang aming ginawa sa loob ng ilang buwan.Per

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 96

    JokoWhat a night.Nagising akong mag-isa doon sa gitna ng mga unan, akala ko panaginip lang ang lahat, isang ilusyon. Umakyat ako sa taas at pagdating ko sa kwarto, nakita ko ang mga damit ni Jackie sa kama. Pumasok ako sa banyo at nasa ilalim siya ng shower, maganda, basang-basa ang balat. Hindi ko napigilan at sumama sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.“Hmm, nagising ka na! At tila tuwang-tuwa ka.” Ngumiti siya, ramdam ang aking pagpukaw na dumidikit sa kanyang perpektong pwitan.“Palagi akong natutuwa sayo, Goddess ko,” sagot ko, habang kinakagat ang kanyang tenga ng bahagya. “Iniwan mo akong mag-isa doon, akala ko panaginip lang ang lahat at wala ka rito.”Humarap siya sa akin na may magandang ngiti sa kanyang mukha at hinalikan ako.“Alam mo, noong gabing pumunta ka sa apartment ko, pagkagising ko akala ko panaginip lang, na dahil lang sa nakainom ako noon kaya inisip ko na na nandoon ka kasama ko. Labis akong nalungkot.” Sabi niya, habang nakapatong ang ulo sa dibdib

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 95

    JackieNang buksan ko ang pinto ng kwarto at tumapak sa sahig, humanga ako. Ilang lampara ang nagbigay ng mahinang liwanag na nagbigay sa silid ng romantikong kapaligiran. Nagkalat ang mga tsokolate at kendi sa lahat ng dako. Sa kama, isang malaking basket ng iba't ibang tsokolate ang naroon. Sa mga picture frame na nakakalat sa mga dingding ay may mga poster na naka-print sa isang print shop, bawat isa ay may iba't ibang deklarasyon ng pag-ibig. Nakakalat ang mga pusong papel sa lahat ng patag na ibabaw.Kinuha ni Joko ang basket ng mga tsokolate mula sa kama at nilagay ito sa bedside table, kumuha ng kendi mula sa basket at lumapit sa akin, binuksan ito. Isinubo niya ito sa aking bibig at kinagat ko ito. Ito ay isang kendi na may laman na liqueur at nang kagatin ko ito, tumulo ang liqueur sa sulok ng aking bibig. Lumapit siya at dinilaan at sinipsip ang bahagi kung saan tumulo ang liqueur, pagkatapos ay inilagay ang natitirang kendi sa kanyang bibig.Inaakit niya ako. Sinimulan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status