Share

Chapter 58 – Shotgun Wedding

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2025-05-23 10:39:19

"Ma!" Naibulalas na lamang ni Nico, tila gusto n'yang tutulan ang sinabi ng ina ngunit tila hindi naman niya magawa. Hindi n'ya gusto ang pagpapakasal nang biglaan, lalo na't hindi naman n'ya gusto si Lyka. At dahil na rin sa nalaman niyang sinadya nito ang lahat kaya nagkaroon s'ya ng pagkadisgusto para dito.

"I'm sorry Nico, pero kailangan mong maging responsable kahit hindi mo sinasadya ang nangyari."

"P-pero 'ma....."

Naawa na lamang si Nathalie sa kapatid habang hindi naman mabasa kung ano ang iniisip ng kanilang ama.

Samantala, lihim na nagdiwang at nagsaya si Rina, kahit paano ay naging successful naman sila at nakabingwit pa rin ng mayaman.

Lihim na sumulyap si Lyka kay Nigel, naitutop n'ya ang kanyang labi. Mababakas sa mukha n'ya ang pagtutol ngunit kagaya ni Nico ay hindi din niya ito masabi. Ang ibig bang sabihin ay magpapakasal s'ya kay Nico kapalit ng magandang buhay na sinasabi ng kanyang tiyahin? Ngunit si Nigel ang totoong gusto n'ya.

.

.

Nang umuwi ang dalawa sa b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 60 – The Truth Revealed

    "Um, h-hello.... Kuya Nigel? S-si Lyka 'to."Kumunot ang noo ni Nigel nang malaman kung sino ang tumawag sa kanya. Ibaba na sana niya ang telepono ngunit pinigilan s'ya nito: "S-sandali! Huwag mo munang ibababa. P-pasensya na kung tinawagan kita nang ganitong oras, wala kasi akong lakas ng loob na umamin sa mga tao dito dahil nahihiya ako sa kanila." "Speak. Anong kailangan mo?" "A-ano kasi...." Sasabihin na sana ni Lyka ang tungkol sa gusto n'yang aminin, nang bigla namang dumating si Rina. Nabitiwan niya ang kanyang cellphone sa gulat. "O, anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog? Huwag mong sabihing nagpapapresko ka dito e may aircon naman ang kuwarto mo." Hinila niya si Lyka sa kamay. "Halika na, bawal sa BUNTIS ang nagpupuyat." Bago tuluyang magpatangay sa tiyahin ay dinampot muna ni Lyka ang kanyang cellphone sa damuhan.Samantala, nagtaka na lang si Nigel sa kabilang linya nang bigla s'yang mawalan ng kausap. Ini-off na n'ya ang kanyang cellphone para wala na

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 59 – Shamelessness

    "O 'ma, bakit ka napatawag, may problema ba?" Pagtataka ni Nathalie dahil bihirang-bihirang tumawag ang kanyang ina sa kanya kapag nasa kumpanya s'ya. Tumatawag lang ito kapag may problema.Sa kabilang linya ay nakasuporta si Lucille sa kanyang noo. "Nat, may problema tayo...." Matapos maihayag ni Lucille sa anak ang problema:"Ano?!! Sa bahay na sila titira?""Oo, nak. Huwag mo munang sasabihin sa Daddy mo ha, may importanteng meeting yun ngayon, baka maka-apekto sa kanya.""Teka.... pumayag ka ba 'ma?""Hindi ko alam kung ano ang desisyong gagawin ko e. Ang sabi kasi sa akin ni Rina ay wala na silang pera para pang upa ng matitirhan nila. Saka buntis si Lyka sa anak ng kuya mo, kaya, paano ko sila matatanggihan?"Napabuntong-hininga na lang si Nathalie. Ayon sa utos ni Lucille ay hindi nga niya sinabi ang tungkol sa dalawa sa kanyang ama maging sa kanyang kapatid. Ngunit nang magtanghali na ay hindi na siya nakatiis, ayaw naman kasi niyang sabihin ang tungkol doon kapag malapit

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 58 – Shotgun Wedding

    "Ma!" Naibulalas na lamang ni Nico, tila gusto n'yang tutulan ang sinabi ng ina ngunit tila hindi naman niya magawa. Hindi n'ya gusto ang pagpapakasal nang biglaan, lalo na't hindi naman n'ya gusto si Lyka. At dahil na rin sa nalaman niyang sinadya nito ang lahat kaya nagkaroon s'ya ng pagkadisgusto para dito. "I'm sorry Nico, pero kailangan mong maging responsable kahit hindi mo sinasadya ang nangyari.""P-pero 'ma....."Naawa na lamang si Nathalie sa kapatid habang hindi naman mabasa kung ano ang iniisip ng kanilang ama.Samantala, lihim na nagdiwang at nagsaya si Rina, kahit paano ay naging successful naman sila at nakabingwit pa rin ng mayaman. Lihim na sumulyap si Lyka kay Nigel, naitutop n'ya ang kanyang labi. Mababakas sa mukha n'ya ang pagtutol ngunit kagaya ni Nico ay hindi din niya ito masabi. Ang ibig bang sabihin ay magpapakasal s'ya kay Nico kapalit ng magandang buhay na sinasabi ng kanyang tiyahin? Ngunit si Nigel ang totoong gusto n'ya...Nang umuwi ang dalawa sa b

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 57 – The Unexpected Turn Of Events

    Natahimik ang lahat sa inamin ni Nico. "A-anong sinabi mo, Nico?" Tanong ng hindi makapaniwalang si Lucille.Biglang tumayo si Armando at galit na kinuwelyuhan ang kanyang panganay. "Totoo ba ang sinabi mo, Nico? Nakabuntis ka?Agad kinalma ni nathalie ang ama. "Dad, bigyan n'yo muna ng pagkakataong makapagpaliwanag si kuya. Alam kong hindi n'ya ginusto ang nangyari." Hindi s'ya makapaniwala sa inamin ng kapatid, dahil mailap sa mga kababaihan ang pagkakakilala n'ya dito, kaya may kutob siyang hindi nito sinasadya ang nangyari.Yumuko si Nico. "I'm sorry dad, h-hindi ko alam kung paano yun nangyari....""Paanong hindi mo alam? Ikaw ang may katawan kaya Imposibleng hindi mo alam ang ginawa mo!""Dad, sa maniwala kayo o sa hindi, hindi ko maalala kung ano ang nangyari. Ang naaalala ko lang ay nakaramdam ako ng hilo at init pagpasok ko sa suite na yun....."Nagsasalita pa si Nico nang biglang bumulalas si Rina. "Anong sinasabi mong ikaw ang nakabuntis kay Lyka? puwede ba, kung iniisip

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 56 – Take Responsibility

    Nagkakaroon ng katahimikan sa buong silid. Si Rebecca ang unang nakabawi at s'ya ding nagtanong. "A-anong sinabi mo, ate?"Inulit naman ni Rina ang sinabi. Sa pagkakataong ito ay nag-react na ang lahat, halos sabay-sabay napatingin ang mga ito kay lyka.Nanliit na lang si Lyka dahil hindi ito kumportable sa mga titig sa kanya, pakiramdam tuloy n'ya ay para siyang bagong tuklas na nilalang. Napayuko na lamang s'ya.Hindi pa nagsi-sink in sa utak ni Nigel ang narinig sa tiyahin hanggang sa pagmasdan s'ya nang may pagdududa ng lahat, tila nairita s'ya sa mga tinging ipinupukol sa kanya kaya iritado n'ya iyon'g itinaggi. Masama ang mukha niyang bumaling sa tiyahin. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi n'yo, saan n'yo na naman ba nakuha yan?" Sunod n'yang binalingan si Lyka. "Ganyan na ba talaga kayo ka-desperada sa panggugulo sa min?""T-teka lang.... Ang sabi mo ay.... nabuntis ni Nigel ang batang ito?" Turo ni Lucille kay Lyka. "Paanong nangyari yun?" Takang-taka s'ya dahil hindi n'ya m

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 55 – The Accusations

    "Nakauwi na pala ang kuya Nigel mo at ang nobya n'ya." Ani Rina."Ano naman po kung naka-uwi na sila, e hindi naman na matutuloy ang plano natin dahil negative ang resulta." Sagot ng tila malungkot na si Lyka."Alam kong wala tayong napala, pero susuko na lang ba tayo nang ganun-ganun na lang? sayang naman ang pagluwas natin dito sa Maynila.""E ano pa ba ang magagawa natin?...... Tsang, bumalik na lang po kaya tayo sa probinsya? Ipagpapatuloy ko na lang po ang pag-aaral ko." "Ano? Hindi! Hindi ako babalik doon para magsaka at masunog na naman sa matinding sikat ng araw ang balat ko. Ano, ako magpapakahirap doon samantalang ang sarap-sarap ng buhay nung mag-ina dito?""Pero tsang...""Huwag ka nga munang sumuko diyan, titingnan ko kung may magagawa ako. Baka makagawa ako ng paraan, anong malay mo."Nanahimik na lang si Lyka at hindi na umimik pa.Nagtungo sa hospital si rina kung saan nagpa-pregnancy test si Lyka. Nang lumabas na negative ang resulta ay halos awayin na n'ya ang d

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 54 – A New Beginning

    "Nathalie, makinig kang mabuti...." Idinistansya ito ni Nigel sa kanya at may buong kaseryosohang sinabi: "You must hate her dahil sa kanya nagsimula ang lahat...." At sinabi niya ang tungkol sa pagpapanggap ni Elaine na may sakit sa puso. Naikuyom ni Nathalie ang mga kamao. "Kung ganun ay gusto n'ya pa lang mawala na ako? Bakit, anong ginawa ko sa kanya para hangarin n'ya ang buhay ko? Nagpaubaya na nga ako sa kanya noon e, saka, nagdesisyon na nga ako na i-donate na sa kanya ang puso ko para lang madugtungan pa ang buhay n'ya.""Well, she's not worth it. She's evil, at kung totoo mang kailangan niya ng heart donor, isang pagkakamali para sa isang tao ang mag donate sa isang katulad niya.""Hindi bale, tapos na yun. Ang importante ay hindi s'ya nagtagumpay nang lubusan. Napaghiwalay nga niya tayo ng tatlong taon pero nandito pa rin naman tayo sa piling ng isat-isa. Sa lahat ng ginawa niya, hayaan na natin ang Diyos ang magparusa sa kanya."Bahagyang ngumiti si Nigel. "Um. Mula ngay

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 53 – The Truth Revealed

    Sa nakalipas na dalawang linggo ay naging normal naman ang lahat. Masaya ang bagong magkasintahan bagaman tila kakatwa para sa kanila ang relasyong meron sila ngayon dahil nanggaling sila sa pagiging mag-asawa. Mas gusto nila ang ganitong set-up na tila nagsisimula pa lamang sila na kilalanin ang isat-isa bilang magnobyo't magnobya. At kasama sa kanilang plano ang pagta-travel nang magkasama sa kung saan man nila maisipan."Wow, parang magha-honeymoon kayo a, saan n'yo naman balak gumawa ng magiging apo namin?" Tanong ni Lucille nang magpaalam sila Nigel at Nathalie sa kanila."M-ma!" Singhal ni Nathalie, agad namula ang mukha nito sa panunukso ng ina.Nagtawa si Lucille maging si Rebecca, habang si Armando naman ay nakikinig lang habang humihigop ito ng kape. "Biro lang, ikaw naman namula ka kaagad." Panunudyo ni Lucille."E, k-kasi naman...." Hinimas-himas ni Nigel sa likod ang nobya para pakalmahin ito, bagaman nakaramdam s'ya ng kilig sa sinabi ng magiging biyenan. "Alright aunt

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 52 – The Trap Is Set

    Hindi inasahan ni Nathalie ang ginawa ni Nigel, napatingin s'ya sa mga tao sa paligid na kumakanytaw sa kanila at sa mga nag-uudyok sa kanya na sagutin na ito. Sunod siyang napatingin sa kanyang ama't ina. Ngumiti si Lucille at tumango sa kanya. Tila sinasabi nito sa kanya na s'ya na ang bahalang magdesisyon para sa kanyang sarili. Inaalala ni Nathalie ang mga pagtulong ni Nigel sa kanila at sa pagtitiyaga nito sa kanya. Ayaw n'ya itong sagutin nang dahil lang sa mga iyon, kaya sinaliksik n'ya ang kanyang puso. Bahagya siyang yumuko at humawak sa kanyang dibdib. Nang mga sandaling iyon ay kinumpirma n'ya sa sarili kung ano ba ang talagang nararamdaman n'ya, kaya....."Nigel....." Tawag n'ya sa lalaki sa kanyang harapan na kanina pa naghihintay ng kanyang sagot, hindi man halata ngunit kinakabahan ito. Balewala dito ang pagkapahiya ngunit ang inaalala n'ya ay baka hindi na pala s'ya kayang bigyan ng pagkakataon ng dating asawa. "Nagpapasalamat ako sa lahat ng naitulong mo para sa pam

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status