Share

Chapter 300

Sana alam ko kung ano ang dapat kong unahin.

Nakaupo ako sa isang upuan. Nakapalibot kami sa isang malaking lamesa. Hindi ko alam kung paano nangyari ang bagay na ito, samantalang biglaan lang naman ang pagpunta namin ni Michael dito.

"Maligayang kaarawan, anak!" pagbati ni mommy bago siya umupo sa aking tabi.

"Salamat po, Mommy," nakangiting sabi ko bago ko siya mahigpit na niyakap.

"Matapos ang nangyari dati sa daddy mo, at sa pamilya natin, 'di na natin na-ce-celebrate ang kahit kaninong birthday. Kaya masaya ako na nagkaroon ng pagkakataon na ma-celebrate natin ang araw na 'to," sabi niya sa akin.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Dahil totoo naman, ni-hindi ko na nga napapansin na tapos na pala ang kaarawan ko maliban na lang kung mabanggit ang araw na 'yon.

Matagal ko na kasing kinalimutan ang araw ng kaarawan ko. Hindi naman dahil sa may kung anong 'di magandang nangyari no'ng araw na 'yon, ayaw ko lang din kasi bigla na lang maalala nila mommy ang pagkawala ni daddy,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status