Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko. "I am certain that they are. But I am as well sure that they can't scold us, nor lift a b
I don't know if I am seeing things right. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Michael sa mahabang hallway. Katatapos lamang ng interrogation na kanilang ginawa. Flashback Nanatiling tensyonado ang buong kwarto. Habang ako naman ay nanatiling tahimik habang pinakikinggan ang usapan ni Michael at ng lalaki. "H-hindi ko alam kung buhay pa ba ang founder ng Black Familia. Dahil ang tanging alam lang namin ay nanggagaling ang bawat utos kay Ms. A. Kahit si Vince pa mismo ang tanungin mo sa bahay na 'yan," sabi pa ng lalaki bago tinignan si Tyron. Nakita ko naman ang mabilis na pagkunot ng noo ni Tyron. "Tyron, not Vince," sabi niya bago sumandal sa pader na katabi niya. Hindi naman na kumibo ang lalaki. Muli na lamang niyang ibinaling ang kanyang atensyon kay Michawl na kanina pa tahimik at hindi kumikibo. "K-kung may alam ako, sasabihin ko na. Ang mga 'yon lang talaga ang alam ko," sabi pa niya kay Michael na tila naging estatwa na sa kanyang harapan. "Sabi mo ang alam ng pamilya mo a
Maybe this was really my life after all. Maybe I was indeed a daughter of a mafia boss, and the heir of the company I never deemed to be part of. Life is indeed ironic, and twisted. Nanatili akong nakaupo sa upuan kung nasaan kami kanina nag-usap ni Mommy. Napatingin pa ako sa kalangitan bago ako napabuntong hininga. "That was deep," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Mabilis ko naman kaagad siyang tinignan. Nakatayo ngayon sa tabi ng upuan na inuupuan ko si Michael habang may dala-dalang dalawang baso. Hindi naman ako sumagot, tanging pag-ngiti lamang ang ginawa kong pagsagot. "Happy birthday," sabi niya bago iniabot sa akin ang hawak niya pa ring baso. Mabagal ko namang inabot 'yon bago ako muling ngumiti. "Salamat," tanging sagot ko habang nakangiti pa rin. Hindi naman na sumagot si Michael, pero sa pagkakataong ito, tinignan niya lamang ako sa mga mata. "May I?" biglang tanong niya bago tumingin sa tabi ko at bago niya ibalik ang kanyang paningin sa akin. Tumango
Ang nangyari sa amin ni Michael kagabi ay paniguradong hindi ko pagsisisihan. Kung ako ang tatanungin, handa akong ulitin 'yon kahit makailang ulit pa. Mabagal kong iminulat ang aking mga mata nang may tumamang liwanag sa aking mukha. Pikit mata ko pang kinapa ang kumot na ngayon ay nakatapil pala sa aking katawan. Gusto ko na sanang tumayo mula sa pagkakahiga, ngunit mabigat at parang ayaw makisama sa akin ng aking katawan. "Good morning," narinig kong sabi ng lalaking nasa aking likod. Mabilis ko namang binuksan ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na 'yon. Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi nang maalala ko ang bagay na ginawa namin kagabi. "What do you want to eat for breakfast?" tanong pa niya bago ko naramdaman ang pagyakap niya sa aking katawan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang nang iinit kong pisngi. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga nang dahil sa posisyon namin ngayon. "G-good morning din," nahihiyang pagbati ko bago ko i
I was beyond happy, and beyond at clouds. I don't know that loving could be this serious. Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing,"
Love is something I never intended to find. I only wanted to have a job that could help me to sustain the daily needs of my family but fate had another plan. "Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa palengke, hindi katulad sa mga grocery store. At saka, ayoko sagarin ang utang ko sa 'yo. Baka wala na akong sahurin," sagot ko naman sa kanya. "What are you going to buy?" tan
Nanatili akong nakatingin kay Michael, kahit alam ko sa sarili ko na nasasaktan akong makita siya kasama ang iba. Patuloy ako sa pagsasalita habang patuloy ko na nilalagyan ang plato ni Michael. Wala pa rin siyang imik sa kasalukuyang ginagawa ko. Matapos ako sa paglalagay sa plato niya ay sinimulan ko namang lagyan ang sa akin. "Maraming salamat talaga," sabi ko pa bago ko siya tinignan. Nakita ko namang nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa plato niyang ngayon ay punong-puno na ng iba't-ibang klaseng ulam. "Kumain ka na. Alam ko namang kanina ka pa nagugutom," sabi ko pa bago ako patuloy na naglagay ng pagkain sa aking plato. Nakita ko namang napailing ang kanyang ulo bago siya bahagyang natawa. "Do I look like a pig?" natatawang tanong niya bago ako nilingon. Mabilis ko naman siyang tinignan. "Pig?" naguguluhang tanong ko. Nakita ko namang napatingin siya sa kanyang plato bago napailing. Napanguso naman ako. "Galit ka ba?" biglang tanong ko. Mabilis naman niya akong
I don't that love could be this painful. Maybe pain after pain, I guess? Wala akong ginawa kung hindi ang manatiling nakatayo. Ni-hindi ko alam kung paano ako gagalaw. It was as if I was glued to the place. Tulala lang akong nakatingin sa cellphone ko habang paulit ulit na binabasa ang text sa akin ni Michael. Kung gano'n nandito pala siya sa kompanya pero hindi niya man lang ako nagawang puntahan dito sa opisina niya. Napabuntong hininga ako bago ako lumapit sa kama na narito at doon ako naupo. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng gana na kumilos. Isa pa sa patuloy na bumabagabag sa isip ko ay ang napag usapan namin ni Redenn kanina lang umaga. "When are you going to choose a dress?" agad akong napatingin sa doorway nang marinig ko ang boses ni Michael na ngayon ay nakatayo roon at diretsong nakatingin sa akin. Hindi naman ako nakaimik agad. Pakiramdam ko biglang nag-flashback ang lahat sa isip ko. Parang biglang bumalik sa akin ang lahat nang unang beses akong pumunt