Share

Chapter 2

KRISHA went back to the lobby after she accompanied Dravis to Calista’s office. Naabutan niya ang dalawang guard na halos kumaladkad kanina sa binata palabas na nag-uusap.

“Grabe, pare . . . Kawawang-kawa si Sir Dravis, ‘no?”

“Deserve niya naman ‘yon, brad. Tingnan mo ang pamilya nila, inechapwera na ni Don Silvestre.”

“Iyon ba yung tungkol sa nawawalang limampung milyon sa kumpanya nila?”

“Oo, ‘yon nga.”

“Tingin mo, totoo ‘yon?”

“Kung hindi totoo, itatakwil ba ang mga magulang ni Sir Dravis ni Don Silvestre? Hindi lang naman nadamay si Sir Dravis dahil nasa mga Gomez na siya ngayon. Mag-isip ka nga!”

Krisha felt bad for Dravis as she heard the guards talking behind his back. Hindi siya aware na maging ang paninirahan ni Dravis sa mga Gomez ay kalat na rin pala. Ang akala niya ay ilan lang silang nakakaalam ng bagay na iyon.

Krisha cleared her throat to get the guards’ attention. Agad namang napatingin ang mga ito sa kaniya. Tinaasan niya ng kilay ang mga ito.

“Mali naman ho yatang pag-usapan n’yo ang ibang tao habang nakatalikod sila, mga manong . . .” pagpuna niya sa ginawa ng dalawa.

Oo nga at ayaw niya kay Dravis pero hindi pa rin siya masayang pinag-uusapan ng ibang tao ang kapwa ng mga ito habang nakatalikod.

That’s simple ethics, she said at the back of her mind.

“S-sorry po, Ma’am Krisha . . .” halos magkasabay na paumanhin ng dalawa.

Nakaramdam ang mga guard ng pagkahiya.

“Hindi kayo dapat mag-sorry sa ‘kin, kay Dravis,” naiiling na aniya saka naglakad nang tuluyan palabas ng building.

Saktong kahihinto lang ng kaniyang puting sports car sa tapat. Bumaba ang valet at iniabot sa kaniya ang susi ng kotse. She drove away from the building to have lunch somewhere fancy because Calista already had plans with Dravis.

PAGKAALIS na pagkaalis ni Krisha ay siya namang pagdating ng isang makisig na binata. Ipinarada nito ang magarang itim na sasakyan sa tapat ng building. Kinuha nito ang isang bouquet ng pinagsamang pula at puting rosas na nasa shotgun seat bago bumaba.

Nilapitan ang binata ng valet kaya agad nitong namang binigay ang hawak na susi bago pumasok sa building.

He was wearing a navy blue designer suit and brown leather shoes. The man's hair was brushed up neatly and his aura was emitting elegance and wealth.

Ang binatang ito ay anak ng isa mga business partner ng Gomez Hotels and Resorts Inc.

“Excuse me, may I know where Calista Gomez’s office is?” tanong ng binata sa receptionist.

Iyon ang unang pagkakataong pumunta ang lalaki sa kumpanya ng mga Gomez dahil palagi lang sa labas ginaganap ang mga business meeting na dinadaluhan nito kasama ang mga Gomez.

Imbes na itanong kung may appointment ba ang binata ay tila ba na-hypnotize ang babaeng receptionist sa kaguwapuhan ng kaharap.

“Top floor, sir. Last room in the left wing,” wala sa sariling sagot ng babae.

“Thanks . . .” Pasimpleng tiningnan ng binata ang name plate ng receptionist. “. . . Miss Tiana.”

Kumindat ang makisig na binata sa receptionist bago naglakad patungo sa elevator. Namula naman ang pisngi ng babae dahil sa kilig.

Pagkarating ng binata sa pinakataas na palapag ay sakto namang kalalabas lang din ni Calista mula sa kabilang elevator.

“Cali . . .” pagtawag nito kay Calista.

NANG mapalingon si Calista ay agad siyang nagulat nang makita ang binatang nakatayo ilang talampakan lang ang layo mula sa kaniya.

“Robi? A-anong ginagawa mo rito?” Calista asked in confusion. Sa pagkakaalala niya ay wala naman silang naka-schedule na appointment ni Robi ngayong araw.

“I just want to see you. Flowers?” Inilahad nito ang hawak na bouquet sa kaniya.

Tiningnan ni Calista ang lalaki na parang tinubuan ito ng tatlong ulo.

“You know, I’m busy, Robi. I don’t have time for this,” crap . . . she wanted to add that but she stopped herself before she could say something that could upset him.

Ilang beses nang nagpapakita sa kaniya si Robi ng interes ngunit ngayon lang ito nag-level up at talagang pumunta pa sa kumpanya nila. Ayaw niya sa binata dahil may Dravis na siya ngunit hindi ito makaintindi.

Kahit walang Dravis sa buhay ngayon ng dalaga ay alam niyang hindi niya pa rin gugustuhin si Robi dahil masyado itong mahangin at hindi marunong rumespeto sa desisyon ng kapwa.

“I know . . . kaya nga lunch break ako pumunta para ayain kang kumain sa labas. Nakapagpahinga ka na, nabusog ka pang makita ang guwapo kong mukha,” he said arrogantly.

She stared at him in disbelief as she shook her head.

Wala nang pag-asa ang isang ‘to, she thought.

“Alam mo, I appreciate the effort pero umuwi ka na. I have other plans for lunch. I’m too busy today.” Tinalikuran ni Calista si Robi at iniwan itong nakatayo sa harap ng elevator.

Totoo namang busy siya ngayon dahil may kinahaharap na krisis ang kanilang kumpanya.

Dumiretso si Calista sa kaniyang opisina kung saan naghihintay si Dravis. Aware siya na naroon ang fiancé dahil nag-text ito sa kaniya.

“Hi, handsome! Missed me?” bungad ni Calista kay Dravis na tahimik na nakaupo sa three sitter na couch sa gitna ng opisina.

Ngumiti at tumayo naman si Dravis para salubungin ang dalaga nang mahigpit na yakap. She giggled. She felt safe in his arms. Parang biglang nawala ang stress at mga pinoproblema niya nang makita ang guwapong mukha ng fiancé.

“Y-you h-hungry?” tanong nito nang matapos ang kanilang pagyayakapan.

Parang bata naman siyang tumango. “I’ll just get my things then we’ll head out. I already made a reservation for us.”

Tumango si Dravis saka siya tinulungan sa pag-aayos ng mga gamit.

Hindi nagtagal ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Robi. Kapwa napalingon ang dalawa sa pinto at agad na napakunot ang noo ni Calista nang makita ang mukha ng binata.

Itinigil niya ang pag-aayos ng files sa lamesa saka tumikhim.

“Robi, what are you still doing here? I thought I already made my point clear a while ago?” Namaywang si Calista.

“I know but I still want to ask you out for a lunch date. You know me, hindi ako basta-bastang sumusuko,” he said cockily.

Namintig ang sentido ni Calista sa konsumisyon.

A no is a no. When could he understand that? Calista said at the back of her mind.

Naguguluhang nagpabalik-balik ang tingin ni Dravis sa dalawa.

“Robi, I already said no, please have some decency. Nandito ang financé ko para sunduin ako.”

“So, kapag wala, papayag ka?” nakangising pamimilosopo nito.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa pagkagulat sa sinabi ni Robi.

She was not like that! She was loyal to Dravis.

“Robi! Stop! That’s not a nice thing to say,” saway niya saka hinawakan ang kamay ni Dravis. “Wala man o nandito si Dravis, I won’t have lunch with you.”

“I’m not sure about that. Kapag lumabas ka kasama ako, kaya kong bigyan ng solusyon ang problema ng kumpanya n’yo. E, ano ba kayang itulong sa ‘yo ng anak ng magnanakaw na ‘yan?” pang-iinsulto ni Robi sa fiancé niya.  

Calista was speechless. Her heart broke for Dravis.

Mabait na tao si Dravis, hindi niya deserve lahat ng ‘to, she thought.

“Don’t do this, Robi, please. Umalis ka na lang.” Kaunti na lang at masisigawan na ni Calista ang binata dahil sinasagad nito ang kaniyang pasensya.

“No, not until you come with me.” Nagtungo si Robi sa pang-isahang couch at doon prenteng umupo na tila ba pag-aari nito ang buong opisina niya.

“This is harassment. I’m calling the security.” Akmang pipindutin na niya ang intercom nang muling magsalita si Robi.

“Do that then I’ll let your company suffer. Lunch date lang naman ang hinihingi ko sa ‘yo, hindi mo pa mapagbigyan. Kakain lang naman tayo tapos idi-discuss ko kung paano maso-solve ang problema n’yo na ‘yang magaling mong fiancé rin naman ang may kasalanan.”

Lumuwag ang pagkakakapit niya kay Dravis pagkatapos marinig ang sinabi ni Robi

Totoong nakaapekto nga ang kontrobersyang kinasasangkutan ng mga magulang ni Dravis sa problema nila sa kumpanya ngayon ngunit hindi iyon kasalanan ng binata. He was innocent for what his parents did.

She sighed and faced Dravis. “Dravis, I think you should go home. I’ll deal with this idiot, first, then we’ll talk later when I get home, hmm?” she whispered.

Kahit may gusto pa sanang sabihin si Dravis ay tumango na lang ito saka siya hinalikan sa noo. Nakayuko at laglag-balikat na naglakad palabas ang kaniyang fiancé.

Calista really felt guilty for making Dravis leave. Nahihiya siya dahil kinailangan pa nitong marinig ang mga panghahamak ni Robi.

“How pathetic. Look at that. The mighty Dravis Salazar is walking out of the room with a defeated expression on his face. What a loser!” Robi mocked Dravis.

Sinamaan ng tingin ni Calista si Robi. “Robi! Stop it!”

Natawa lang ito saka nagtaas ng kamay.“Chill! I was joking!”

Well, it’s not funny! she said in the back of her mind as she rolled her eyes.

Nang tuluyang makalabas si Dravis ay tumayo na rin si Robi. “Let’s go?”

“Sa restaurant na lang tayo d’yan sa ibaba. Anong oras na,” nakasimangot na sabi ni Calista saka padabog na kinuha ang bag niya.

“You won’t be needing your bag, missy. Even your wallet. I’m not a loser. I can pay for our lunch.”

Ngunit hindi pinansin ng dalaga ang pagyayabang ni Robi at dinala pa rin ang kaniyang bag palabas.

DRAVIS was already starving when he reached the ground floor. Mabigat ang loob niya dahil mas piniling kumain ni Calista kay Robi. Ngayon niya lang ito nakita ngunit grabe na ito kung makapag-insulto sa kaniya. Pero hindi naman iyon ang dahilan kung bakit laglag ang kaniyang balikat na naglalakad palabas.

He was hurt when Calista made him go home, but he should understand his fiancee since Robi offered help. Mas nasaktan siya roon kaysa sa mga pang-iinsulto sa kaniya ni Robi. Aware naman siya sa problema ng kumpanya at gusto niya ring makatulong.

Hindi pa siya tuluyang nakakasakay sa kaniyang electric bike nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang phone na nasa bulsa.

Nang tingnan niya ang caller ID ay nakita niyang si Ed iyon.

He sighed and answered the phone.

“Hello, Master Dravis . . . your grandfather already agreed to your request. He assigned men to find your parents and to investigate.”

Pinakawalan ng binata ang naipong hangin sa kaniyang baga. Para siyang nakahinga nang maluwag ngunit ayaw niya pa ring masyadong paasahin ang sarili.

At least, something good happened to my day, pagko-comfort niya sa sarili bago ibinaba ang tawag.

***To be continued***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status