Share

Chapter 4 His Offer

Hindi muna sumagot si Carina, kaya naman nagtanong uli si Loid.

“Ano Carina? Tatanggapin mo ba ang offer ko?” tanong uli ni Loid.

“Ah! Pag iisipan ko pa po sir. Ayaw ko pong maka abala sa inyo. Nahihiya po ako, problema po ito nang pamilya namin.” Sagot ni Carina.

“Huwag munang isipin iyon, ang mahalaga may maipadala ka na sa pamilya mo sa Pilipinas. Kumusta na nga pala ang kapatid mo? Okay na ba siya?” 

“Hindi pa nga po sir, nasa I.C.U pa siya.”

“Ah! Ganoon ba kawawa naman pala. Magpakatatag ka lang magiging okay din ang lahat.” 

“Salamat po sir Loid.”

Natapos ang usapan nila. Napanatag na ang kalooban ni Carina ngunit naalala niya ang sinabi niya sa kanyang manager na pumayag na siya sa alok nito. Hindi na rin niya alam kung paano niya sasabihin sa kanyang manager na aatras na siya sa alok nito.

~~~~~

Kinabukasan…

Nakabalik na siya sa trabaho dahil tapos na ang days of suspension niya. Nakita niya ang kanyang manager na nasa pintuan nang office niya na para bang inaantay siya nito. Nagsimula na siyang kabahan kasi hindi pa niya nasabi sa kanyang manager ang pasya niya. Inaalala niya kung ano ang maging reaksiyon ng manager niya. Baka magalit ito sa kanya at gagawa nang kwento para matanggal siya sa trabaho. Napabuntong hininga na lamang siya.

“Good morning sir, Leo!”

“Good morning Carina, kanina pa kita inaantay pasok ka muna sa office ko may pag uusapan tayo.”

Naisip niyang ito na nga ba ang kinatatakutan niya. Wala siyang magawa kundi sundin ang manager niya dahil nga siniswelduhan siya. Kaya pumasok na siya sa office ng manager niya.

“So, ano na?! Ready ka na ba sa usapan natin?”

Hindi siya makasagot, tahimik lang siya dahil nag iisip siya kung ano ang isasagot niya na hindi magalit ang manager niya.

“Are you okay Carina? Tinatanong kita.”

“Ha?! Ah, sir Leo. Marami pong salamat sa offer ninyo pero hindi ko po kayang magsinungaling sa inyo at sa sarili ko. Kung ano man ang tingin ninyo sa akin ay wala po akong magagawa pero ako po ang tingin ko po sa inyo ay amo ko o ang employer ko. Wala po akong ibang intensiyon o nararamdaman man lang.” paliwanag ni Carina.

“Ano?! Tumaas ang boses ni Leo. “Akala ko ba na maliwanag na sa iyo ang usapan natin. Saan ka naman nakakuha nang pera para maipadala sa pamilya mo pangpagamot sa kapatid mo?”

“Naghahanap po ako nang ibang paraan sir, ayaw ko pong makaabala nang kaninuman lalo na po kung may hihingin na kapalit. Hind po ako kagaya nang ibang babae na kumakapit na lamang sa patalim para lang matupad ang gusto niya.” Sagot ni Carina.

“Oh! Hindi mo talaga ginagamit ang utak mo. Binigyan na kita nang pagkakataon para may pera kang maipadala sa pamilya mo sa Pilipinas.” Naiinis na sabi ni Leo.

Napatingin siya sa kanyang manager. Napapansin niyang tumaas na ang boses nito at halatang galit na dahil hindi siya pumayag sa alok nito.

Tumayo ang kanyang manager sa kinauupuan nito. Lumapit kay Carina habang nakaupo naman siya sa may upuan doon, subrang lapit na nang manager  niya. Isinandal nang kanyang manager ang dalawa nitong kamay sa may upuan at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Carina.

“Sir, ano pong gagawin ninyo?” gulat na tanong ni Carina. 

Ngunit hindi nagsalita ang kanyang manager patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa akma na siyang hahalikan nito.

Umilag naman si Carina, akma na siyang tatayo ngunit hinawakan ng kanyang manager ang braso nito at napaupo siya uli.

“Sir, ano po ba ang ginagawa ninyo?”

“Tumahimik ka Carina, hindi mo man ako mapagbigyan sa kondisyon ko ay gagawin ko nalang dito total sarado naman ang opisina ko at walang makakita sa atin.” Sagot ni Leo.

“Ano?! May masama po ba kayong balak sa akin?” natatakot na sabi ni Carina.

“Ano pa ba sa tingin mo?” At sinimulan nang halikan ni Leo ang leeg ni Carina.

Nagpupumiglas naman si Carina dahil sa ayaw niya ang masamang balak ng kanyang manager. Nang makahanap nang tiyempo si Carina kay sinampal niya ang kanyang manager at tinadyakan ang sa may bandang ari nito. Saka siya agad na tumakbo papunta sa pintuan at mabilis na umalis. Habang namilipit naman sa sakit ang manager niya.

~~~~~

Humihingal si Carina na lumabas galing sa loob ng opisina nang kanyang manager. Napansin naman siya ni Dina, agad itong lumapit sa kanya para magtanong kung anong nangyari.

“Carina! Okay ka lang ba?! Mukhang tense ka ata at pinagpawisan ka nang madami.” Alalang tanong ni Dina.

“Dina…puwede bang uuwi muna ako?” halata sa boses ni Carina na nanginginig siya.

“Carina, anong nangyari? Magsalita ka naman. Nag alala ako sa iyo. May ginawa ba sa iyo si sir Leo.” Tanong uli ni Dina.

Hindi na sumagot si Carina, umalis na lamang siyang mag isa para umuwi sa apartment nila. Habang nagtataka naman si Dina at ang cashier nila kung anong nangyari kay Carina.

~~~~~

Nagkwentuhan naman sina Pia at Loid tungkol sa friendly date ni Loid.

“Cousin, kumusta naman ang friendly date ninyo ng babaeng sinabi mo sa akin.”

“Oh! Iyon ba?! Hindi kami natuloy kasi hindi niya ako sinipot sa usapan namin.”

“Oh! So, you mean na pinaasa ka lang niya pumayag siya tapos hindi ka pala sisiputin sa usapan ninyo. Kalungkot naman niyan baka hindi nga siya para sa iyo Loid.” Sabi ni Pia.

“Hindi naman sa ganoon Pia, kahapon ko lang nalaman ang dahilan. Kasi nung tumawag ako sa kanya ang buong akala niya ay ang kausap niya ay ang mother niya. Baka nalito lang siya sa mga araw na iyon.” 

“Bakit?! Ano bang sinabi niya habang nakikinig ka sa kabilang linya.” Tanong ni Pia.

“Alam mo bang kaya hindi siya nakasipot ay tumawag pala ang mother niya that day para ibalita na nadisgrasya ang kapatid niyang lalaki nasa Pilipinas, binangga daw ng isang rider na mabilis na nagpatakbo ng motor ang kapatid niya na papasok ng eskinita.”

“Oh! Really? Kalungkot naman na balitang iyan. So, ano daw nangyari? Okay na ba ang kapatid niya?”

“Hindi pa raw niya alam kasi wala pa balita ang kanyang ina, tapos umiiyak pa siya kasi kailangan niya ng malaking halaga para may maipadala siya sa pamilya niya.” Sagot ni Loid.

“Oh! Kawawa naman ang babaeng iyon. Sana maging okay ang kapatid niya.”

“Oo nga eh! Inalok ko nga siya na papahiramin ko siya ng pera.” Sabi ni Loid.

“Oh! Seryoso ka ba?! Hindi mo pa siya lubusang kilala pero ganoon na lamang ang tiwala mo sa kanya para pahiramin siya ng pera. Paano kung hindi totoo ang mga sinabi niya sa phone?” sabi ni Pia na may pagduda.

“Hindi naman siguro siya nagsisinungaling kasi mukha naman siyang mabait.”

“Ikaw bahala! May sarili ka namang pera, CEO ka ng kompanya di ba? Ah! Siyanga pala alam ba niya ang pagkatao mo?”

“Hindi ko sinabi sa kanya na CEO ako ng isang kompanya. Pero hindi naman basehan iyon.” Sagot ni Loid.

“Cousin, ano kaya kung alukin mo siya na maging girlfriend mo para may maipakilala ka sa mga magulang mo. Di ba matagal ka ng na stress about sa issue na iyan.” Suhestiyon ni Pia.

Biglang natahimik si Loid, napaisip siyang tama naman si Pia. Ano kaya kung mag offer nalang siya kay Carina. Pero nalilito siya baka hindi iyon tatanggapin ni Carina. Ayaw naman niyang pilitin ang babae para lang sa sarili niyang intensiyon. 

Dumating naman si Patrick galing sa bakasyon niya sa Paris.

“Oh! Cousin, kumusta? Mabuti at nakapag bakasyon ka dito sa amin.”

“Oo nga Patrick eh! Kararating mo lang ba galing Paris?”

“Oo, ang saya ng bakasyon ko. Nag eenjoy ako na makakita ng mga chicks haha!”

“Hay naku! Ayan ka na naman oh! Napaka babaero mo talaga kaya hanggang ngayon ang dami mong nasayang na babae wala man lang ni isa na pinakilala mo sa amin ng sister Pia mo.” Sabi ni Loid.

“Ay! Nagsalita ang bachelor oh! Ikaw nga din wala ka pang nahanap. Sina auntie at uncle nag aantay na nang maging apo nila at taga pagmana haha!” bwelta naman ni Patrick.

“Tama na iyan, kumain muna tayo ng tanghalian nakapag handa na si Yaya.” Awat ni Pia, para matapos ang asaran nila.

Tumahimik na lamang silang dalawa. Nagsabay sabay silang kumain. Wala doon ang mga magulang nina Pia at Patrick dahil nasa Pilipinas ito nagbakasyon.

Si Patrick at Pia ay magkambal, kaya naman hawig na hawig ang mga mukha nila. Si Pia ay isang masipag na businesswoman na sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang habang si Patrick naman ay easy go lucky, spoiled at kahit anong gusto niya ay nakukuha niya. Wala siyang pakialam sa mga perang winawaldas niya kasi nga nasa mayamang angkan sila.

~~~~~

Nakauwi na ng apartment si Dina galing sa restaurant. Nakita niya si Carina naka upo sa may balkonahe nakatingin sa langit.

“Carina! Okay ka lang ba? Ano bang nangyari sa iyo kanina?”

“Ah! Wala iyon, naging emosyonal lang ako.”

“Ano ka ba, nararamdaman kung may kakaiba eh, nagsisinungaling ka sa akin. Sabihin muna ang totoong nangyari.” Insist ni Dina.

Tumahimik si Carina. Ayaw niyang sabihin kay Dina ang nangyari sa loob ng opisina ng manager nila. Ayaw niya kasing lumaki pa ang isyu pero matagal na silang magkaibigan ni Dina kaya may tiwala na rin siya dito.

Kaya nagsimulang magkwento si Carina kay Dina. Habang nakikinig si Dina ay nakikita ni Carina na naiinis ito sa manager nila.

“Ano?! Iyon ang ginawa ng hayop na manager na iyon. Akala ko pa naman mabait si sir Leo may tinatago pala. Mabuti na lamang at agad kang nakaalis doon.” Naiinis na sabi ni Dina.

“Oo nga eh! Takot na takot kaya ako, masydong manyak ang manager na iyon. Kaya nga bukas after work, magsimula na akong mag apply sa ibang restaurant total may experience na naman ako baka may mahanap ako.” Sagot ni Carina.

“Mabuti pa nga friend. Ano na nga pala balita sa kapatid mo sa Pilipinas? Tumawag na ba ang ina mo?”

“Hindi pa tumawag si mom eh! Sana makapagpadala na rin ako within this week.” 

“Ganoon ba! Nakahanap ka na ba nang pera?”

“Actually, last night! Nagkamali ako ng kausap na tao. May tumawag kasi sa akin, akala ko si mom kasi nga litong-lito ako kaya agad kung sinagot. Tapos ngsalita ako ng salita napansin kung hindi siya sumasagot pagtingin ko sa phone ang pangalan ni sir Loid ang nag appear. Nahihiya na ako kasi madami akong nasabi.” Paliwanag ni Carina.

“Oh! Talaga?! Baka blessings in disguise iyon friend. Nag offer ba siya sa iyo na pautangin ka niya?”

“Ha?! Ah, parang ganoon na nga.”

“Tanggapin muna, huwag ka nang magdalawang isip, kesa naman sa manager natin na manyak.” Sagot ni Dina.

“Pero nahihiya ako sa kanya Dina. Stranger siya, nagkakilala lang kami sa restaurant at loyal customer natin siya.” 

“Ay! Gusto mo batukan na kita, napaka stubborn mo. Grab muna ang opportunity na iyan. Babayaran mo naman siya di ba!”

“Oo naman, kasi utang nga di ba. Iba ang bigay sa utang.”

“Ayon naman pala eh! Ano pa ba ang iniisip mo diyan. Para maibsan ang mga problema mo.”

Napagtanto ni Carina ang mga sinabi ni Dina sa kanya. Kaya naman napabuntong hininga na lamang siya.

Makakapagpadala na kaya ng pera si Carina sa pamilya niya sa Pilipinas?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status