Share

Chapter 6: Thinking of Her

Matapos ihatid ni Dave si Josephine sa bahay nito ay kaagad naman na syang umalis para imeet up ang kanyang kleyente,

Pagdating nya nga sa isang mamahaling Restaurant ay saka sya naupo sa may last part ng table seat at nag hintay na lamang sa kanyang Client

Ilang minuto pa nga ay dumating na ang kanyang ka business meeting kaya naman kaagad syang tumayo at nag bigay galang rito

"Good Morning Mr. Johnson"

"Good Morning Mr. C.E.O have a sit"

Naupo naman na ang dalawa at saka nag order ng makakain si Dave para sa kanilang dalawa

"Ahm by the way Mr. Johnson while waiting for our food i just want to give you this Renewal contract"

Kaagad namang kinuha ni Dave ang kanyang envelope at ibinigay ang nasabing Documents

"Oh thank you siguro hindi ko na to kailangang basahin noh haha kasi nakapag signed naman na ako dati sainyong Contract and beside i am very satisfied naman talaga sainyo especially kay Ellaine"

Malumanay na sambit ni Johnson ng mabanggit ang pangalan ni Ellaine

Kaya't bahagya namang nalungkot si Dave at naaala na naman ang kanyang Fiancee

"Oo nga eh dahil sa kanya kaya lumago ang negosyo namin at nang dahil rin sa kanya kaya't nakapag close kami ng maraming deal at isa na kayo dun"

"Sayang naman at namatay sya nang hindi man lang nabibigyan ng katarungan"

"Oo nga, Pero umaasa pa rin kami na baka isang araw eh malutas rin ang kaso nya"

"Sana nga mahuli na yung salarin na yun para naman pagbayaran nya na ang nagawa nyang kasalanan sobrang bait pa naman ni Ms Ellaine tapos ganon lang yung ginawa nya"

"Magbabayad rin sya at kapag oras na nahuli na sya sisiguraduhin kong mabubulok sya sa kulungan"

Napagugom na lang ng kamay si Dave habang inaalala ang lalaking sumungab kay Ellaine nung araw na namatay si Ellaine

"Maiba nga pala Mr C.E.O sino nga pala yung babaeng kasa-kasama mo lagi sa Mall?

Sya ba yung bagong girlfriend mo ngayon?"

Biglang nawala ang inis ni Dave at natawa na lamang sa sinabi ni Mr Johnson mula sa kanya

"Hahaha naku hindi noh pinsan yun ni Ellaine"

"Ay ganon ba haha sorry ha no offend sana Mr Dave pero parang mag jowa kasi kayo kapag magkasama"

"Hahaha ganon ba sobrang close lang kasi namin nun kasi alam mo naman pinsan sya ni Ellaine kaya ganon na lang siguro yung Closure namin sa isat isa"

"Pero seriously bagay naman kayo ha bakit hindi na lang sya yung ipalit mo kay Ms Ellaine and beside it's been 1 year na din naman simula nung namatay sya"

"Ano ka ba hindi noh we're friend and i respected Ellaine so much ano na lang yung iisipin nya kapag naging kami ng pinsan nya di ba sobrang awkward pag ganon"

"Sabagay pero alam nyo wala namang masama na ibukas mo ulit yung puso mo to open with a new relationship alam naman natin na maiintindihan yun ni Ms Ellaine lalo na at wala na rin naman sya sa mundong to nakakalungkot nga lang pero ito yung reality na kailangan nating harapin"

Bahagyang napaisip rin si Dave sa mga oras na yun at alam kong labis syang nasasaktan dahil sa mga nangyari

"Hindi ko pa yan kayang sagutin sa ngayon and maybe there has a perfect time for grant a new relationship with someone else but for now i just want to focus on what we made of Ellaine and i admitted that I'm still loving her"

"Sabagay hindi naman talaga madaling mag move on at kalimutan yung mga memories na nabuo nyo pero sana mag heal na yung mga sugat na natamo mo and sana maging happy ka na"

"Thank you Mr Johnson" ngiti naman ni Dave mula rito

Bigla namang ang Server ng pagkain kaya naman natawa na lang ang dalawa

"Actually mag sa- signed na talaga ako ng Contract at this moment haha kakaluto lang ba ng mga inorder namin?"

Pang aasar naman ni Mr Johnson sa Waiter kaya naman napakamot na lamang ito ng ulo nang mailatag nya na ang mga pagkain

"Hayaan mo na I'll pay na lang para naman hindi ito makaltas sa sasahurin mo"

Natawa na lang din ang Waiter at saka humingi ng pasensya bago tuluyang bumalik sa kanyang Counter

"Here is the Contract"

Matapos ngang pirmahan ni Mr. Johnson ang Kontrata ay kaagad nya naman itong ibinigay kay Dave

"Thank you so much Mr. Johnson its a pleasure to work with you again"

"Thank you din"

Nag kwentuhan pa nga sila at maya maya ay umalis na rin sila parehas upang maka uwi na

Pag dating ni Dave sa bahay nila ay kaagad syang tumungo sa kanyang kwarto upang makapag pahinga, Kaagad nyang inalis ang suot nyang sapatos at nahiga sa kanyang kama

"Hayss.. nakakapagod ang maghapon pero sulit naman yung pagod"

Natigilan sya saglit nang maalala si Ellaine kaya naman napatingin sya sa table na nasa side nang kanyang kama at kinuha nya mula roon ang isang picture frame kung saan kasama nya si Ellaine

"Ang ganda ganda mo talaga Ellaine I hope na sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon may you rest and peace"

Hinalikan nya muna ang frame bago nya ito niyakap hanggang sa hindi nya na nga napansin na nakatulog na pala sya

Kinaumagahan ay nagising na lamang sya dahil sa malambot na kamoy na humahaplos sa kanyang mukha kaya naman napabalikwas kaagad sya ng bangon at bahagya nya pang naitulak ang taong nasa harapan nya kaya naman kaagad na bumungad sa kanya ang boses nang isang babae

"Aray ko naman Dave ito naman parang tingin sakin kaaway"

"Josephine? Teka anong ginagawa mo rito at paano ka ba nakapasok sa kwarto ko?"

"Hayss.. ano ba yan kailangan ko pa ba yang sagutin kaibigan mo kaya ako kaya alam ko yung Password ng kwarto mo at kung tatanungin mo naman kung paano ako naka pasok sa bahay nyo eh wala yung mga katulong mo andun busy sa Garden kaya naman pumasok na ako"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status