Nang makauwi sila ay dumiretso na si Caroline sa veranda sa kwarto niya saka niya iyun inilock para hindi siya masundan ni Caleb. Nang mapag-isa na siya ay ibinuhos niya na ang lahat ng luhang kanina pa niya pinipigilan na hindi bumagsak.
Alam naman ni Caleb na umiiyak na si Caroline dahil kanina pa niya nakikita ang nagtutubig na mga mata ni Caroline. Hinayaan niya naman ito at binigyan ng oras na mapag-isa. Habang nasa veranda si Caroline ay tinawagan naman ni Caleb ang secretary niya para utusan ito na ibilhan ng kwintas si Marianna Adams for birthday gift.
Alam niyang wala sa sarili noon si Caroline nang alukin siya ng kasal pero dahil sa kagustuhan niya ring matakasan ang pangungulit sa kaniya ng kaniyang ina, mabilis siyang pumayag. Alam niyang may kasalanan din siya, kung hindi dahil sa kaniya hindi mararanasan ni Caroline ang lahat ng nangyayari ngayon sa buhay niya. Nakakatanggap lang naman ng panghuhusga at panlalait si Caroline ng dahil sa kaniya, sa pag-aakala nilang wala siyang kahit anong kayamanan.
Nang matapos niyang kausapin ang secretary niya ay pinuntahan niya na si Caroline sa veranda. Kalmado naman na si Caroline at nakatingin na lang siya sa kawalan.
“Are you okay?” tanong ni Caleb sa kaniya, tipid lang namang ngumiti si Caroline. Lumipas pa ang ilang minuto bago muling nagsalita si Caroline.
“Alam kong kasalanan ko ang lahat, hindi kita pwedeng sisihin dahil ako ang nagpumilit sayo na pakasalan ako. Hindi ako nag-iisip sa mga desisyon ko, nagbitiw ako ng desisyon dahil nasaktan ako.” Wika ni Caroline. Natahimik lang naman si Caleb.
“Gusto mo bang magfile tayo ng divorce?” ani ni Caleb, umiling lang naman si Caroline.
“Sa pamilyang kinabibilangan ko, kinamumuhian nila ang divorce. Kahit anong mangyari, kahit nasasaktan ka na at kahit hindi ka na masaya sa marriage life mo, huwag na huwag kang magfafile ng divorce dahil para sa kanila isa iyung malaking kahihiyan. At kahit pa magfile tayo ng divorce, aabutin pa rin ng maraming taon bago yun aprobahan lalo na at wala naman tayong valid reason.”
Hindi naman na sumagot si Caleb, pareho na silang tumingin sa kawalan at dahil hindi sila nakakain kanina pareho na nilang naririnig ang pagkulo ng mga tiyan nila.
“Gusto mo bang kumain? May alam kong masarap na kainan sa labas.” Pag-aaya ni Caleb. Hindi pa naman inaantok si Caroline at nagugutom na rin siya kaya sumama na siya kay Caleb. Pinuntahan nila ang lugar na sinasabi ni Caleb pero hindi inaasahan ni Caroline na kakain sila sa isang maliit na stall sa tabi ng daan.
“Are you sure na dito tayo kakain?” tanong ni Caroline, hindi siya sigurado kung malinis ba ang pagkain ng maliit na stall.
“Don’t worry, malinis ang pagkain dito at sigurado akong magugustuhan mo rin ang pagkain nila.” Nakangiting wika ni Caleb, napapailing na lang siya sa sarili niya. Bumaba na siya ng sasakyan at ganun din si Caroline. Hinila na ni Caleb si Caroline saka sila lumapit sa maliit na stall na nagtitinda ng street foods. Naupo na si Caroline sa plastic chair at maliit na lamesa habang si Caleb ay umoorder ng pagkain nila.
“I swear, you will like their food.” Kindat na wika ni Caleb. Tipid na lang na ngumiti si Caroline saka niya inilibot ang paningin niya. Hindi naman marumi ang paligid kahit nasa tabi sila ng daan kaya okay na rin sa kaniya na kumain sila dito. Naiintindihan niya naman na walang pambayad si Caleb sa mga mamahaling restaurant.
Nang dumating ang order nila ay tinitigan lang yun ni Caroline. Hindi niya alam kung kaya niya ba iyung kainin pero nahihiya naman siya kay Caleb.
“Titimplahan ko lang para mas lalong sumarap.” Ani ni Caleb saka niya nilagyan ng paminta, patis at dahon ng sibuyas ang pagkain ni Caroline.
“Anong tawag sa pagkain na ‘to?” kuryosong tanong ni Caroline.
“Tinatawag nila ‘yang pares, karne yan ng baka na may sabaw.” Sagot ni Caleb, hindi pamilyar si Caroline sa pagkain pero kinain niya na rin ito. Tinikman na lang muna niya pero nang magustuhan niya ang lasa ay napatango-tango na lang siya saka niya nginitian si Caleb.
“You’re right, masarap ang pagkain nila.” Ani ni Caroline na ikinangiti ni Caleb. Palihim na lang na napapailing si Caleb sa sarili niya. Kilala siyang walang galang, walang kinatatakutan, hindi ngumingiti kahit kanino pero ngayong nakasama niya si Caroline para bang nakakalimutan niya kung sino ba talaga siya.
Masaya silang kumain na dalawa at nakadalawang kanin si Caroline at nakadalawa ring sabaw. Tiningnan ni Caroline si Caleb at napangiti na lang siya dahil sa loob ng maraming taon nagkaroon siya ng kasama sa malungkot niyang buhay. Hindi rin inaasahan ni Caroline na sasaluhin ni Caleb ang sampal na dapat ay para sa kaniya dahil hindi yun nagawa ni Isaac sa kaniya. Takot si Isaac sa pamilya ni Caroline at ayaw niyang sumali sa gulo ng pamilya nito.
“Do you feel better now?” tanong ni Caleb dahil nakangiti na si Caroline. Mabilis na ibinalik ni Caroline ang paningin niya sa pagkain.
“Yeah, thanks.” Tanging sagot niya.
“Okay, next time, dadalhin kita rito para makalimutan mo panandalian ang mga iniisip mo. If it is okay with you?”
“Sure, no problem.” Sagot naman ni Caroline. Nang matapos silang kumain ay naglakad-lakad pa sila sa seaside ng MOA. Yumayakap na sa kanila ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. Inalis ni Caleb ang suot niyang suit saka niya iyun isinuot kay Caroline dahil manipis lang ang suot ni Caroline.
“Thanks,” ani ni Caroline saka siya naupo. Hindi niya akalain na mas masaya pala at mas nakakagaan ng pakiramdam kapag nasa labas ka at naglalakad-lakad. Sa tuwing napapagalitan kasi siya ng pamilya ng Daddy niya, palagi niyang ikinukulong ang sarili niya sa kwarto niya.
“Okay lang ba kung magtatanong ako sayo?” wika ni Caleb.
“What is it?” sagot naman ni Caroline habang nasa malawak na karagatan ang paningin niya.
“Where’s your Mom?” kuryoso niyang tanong. Hindi kaagad sumagot si Caroline, humugot pa siya ng malalim na buntong hininga saka siya tumingala.
“Namatay siya sa sakit na cancer when I was five years old at dahil si lola Elsie na lang ang naiwan para sa akin, kinuha na ako ng Daddy ko at iniuwi sa pamilya niya. Isinama niya rin si Lola Elsie para may mag-alaga sa akin at hindi ako malungkot sa bahay nina Daddy.” Sagot niya, napatango na lang si Caleb. Ngayon mas naiintindihan na ni Caleb kung bakit ayaw na ayaw nila kay Caroline. Napapaisip tuloy si Caleb kung ano bang naging buhay ni Caroline sa loob ng maraming taon. Hindi niya makita sa mga mata ni Caroline ang saya para bang ang mga mata nito ay nababalot ng kalungkutan.
“Iniisip mo na sigurong deserve ko ang lahat ng mga nararanasan ko ngayon dahil isang home wrecker ang Mommy ko. Ang alam ko sa kwento nila ni Daddy ay hindi alam ni Mommy na may pamilya na si Daddy pero nang malaman ni Mommy na may pamilya na si Daddy, lumayo na siya. Pero minsan hindi ko maiwasan na hindi isipin, paano kung ako ang kabayaran sa kasalanan ni Mommy? Sa mata ng batas siya pa rin ang nagkamali dahil kabit siya ni Daddy.” Aniya saka siya natawa. Ngayon lang siya nagsabi ng problema niya.
“Hindi mo kasalanan ang kasalanang nagawa ng magulang mo. Kung hindi ka man kayang tanggapin ng pamilya ng Daddy mo, tandaan mong maraming tao ang tatanggap sayo. Minsan, mas masaya pa ang ibang tao sa achievement mo kesa sa sarili mong pamilya. Minsan, mas may pakialam pa sayo ang hindi mo kilala kesa sa pamilya mo. Just know your worth. Kung hindi ka pinapahalagahan sa isang lugar then find another place hanggang sa mahanap mo ang value mo.” Seryosong wika ni Caleb kaya napatingin sa kaniya si Caroline.
Napangiti na lang siya, hindi niya akalain na mapapagaan ni Caleb ang nararamdaman niya.
“Hindi pa ba tayo uuwi? Malamig na dito sa labas baka magkasipon at ubo ka pa.” ani ni Caleb. Tiningnan ni Caroline ang relo niya at malapit ng maghating gabi. Hindi niya namalayan ang bilis ng oras. Umuwi na silang dalawa ni Caleb. Dumiretso na sila sa kwarto nila saka kinuha ni Caleb ang mga gagamitin niya sa pagtulog para makalipat na siya sa veranda.
“Are you sure, you’re okay there?” tanong ni Caroline.
“Don’t worry, I’m fine here. Gusto ko rin na makatulog ka ng mahimbing. Huwag mong kalimutang ilock para mas safe ka.” Sagot ni Caleb, napatango na lang si Caroline saka niya isinarado ang sliding door ng veranda. Nagi-guilty man siya na patulugin sa veranda si Caleb, ayaw naman pumasok ni Caleb dahil hindi komportable si Caroline.
Bago nahiga si Caroline ay tiningnan pa niya si Caleb na nakahiga na rin sa sofa sa veranda. Ilang araw pa lang niyang nakakasama at nakikilala si Caleb pero tila ba ang gaan na ng loob niya rito bagay na hindi nagawa ni Isaac noong sila pa. Hindi naman maiwasang hindi maisip ni Caroline si Isaac, talaga bang hindi na ipinaglaban ni Isaac ang relasyon nila? Hindi man lang siya nagpaliwanag kung bakit magkasama sila ni Aubrey.
Kung sabagay, ano pa bang dapat ipaliwanag ni Isaac gayong kitang kita ni Caroline ang pagsesex nilang dalawa. Ipinilig na lang ni Caroline ang ulo niya saka niya ipinikit ang mga mata niya. Masakit pa rin hanggang ngayon ang panloloko ni Isaac pero kahit anong gawin niya hindi na nila yun maaayos pa dahil kasal na siya kay Caleb.
Umiling si Caroline, naikuyom naman na ni Kirsten ang kamao niya. Ang pinakaayaw pa naman ni Kirsten sa lahat ay yung cheater. Nasaktan ang kapatid niya dahil cheater ang naging girlfriend nito, nasaktan siya dahil cheater din ang ex-boyfriend niya. Humugot ng malalim na buntong hininga si Kirsten. Nag-iingat pa rin siya na hindi masaktan at masigawan si Caroline.“Tell me what happened, tell me about your pregnancy, tell me about the real father of your baby, I’ll listen.” Wika ni Kirsten saka iniwas ang paningin kay Caroline. Makikinig siya pero hindi niya maipapangako na mapapatawad niya si Caroline.“Hindi ko alam kung sino ang ama ng baby ko.” Tipid na wika ni Caroline. Nagsalubong ang mga kilay ni Kirsten sa sinabi nito saka niya ito tiningnan.“Pwede bang sabihin mo na sa akin lahat lahat. Ayaw ko ng bi
Samantala naman, binisita ni Kirsten si Caroline dahil wala naman siyang gagawin sa kompanya. Maaga niyang natapos ang mga trabahong binigay sa kaniya ng kaniyang ama. May mga dala-dala na siyang pagkain para sa kanila ni Caroline. Aayain niya sana itong magmeryenda sa labas ng kompanya pero naalala niyang buntis nga pala ito. Ayaw niya namang may mangyari ulit sa hipag niya at sa magiging pamangkin.Paglabas niya ng elevator ay dumiretso na siya sa office ni Caroline pero habang naglalakad siya ay may nakasalubong siya. Iiwasan pa sana niya ito pero masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi niya na nagawang umiwas pa kaya tumapon sa babaeng kasalubong niya ang binili niyang smoothie na para kay Caroline.“What the hell?!” galit na sigaw ng babaeng nabuhusan ng smoothie.“I’m sorry, bigla ka kasing sumulpot kaya hindi kita
Napahilamos si Caleb sa mukha niya at panandaliang natahimik. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya. Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Gulat pa ang buong pagkatao niya. Nasa loob pa rin ng kwarto ni Brianna si Caleb. Malakas ang kabog ng puso niya dahil sa sinabi ni Jasper. Humugot siya ng malalim na buntong hininga.“Ulitin mo nga yung sinabi mo. Anong pangalan ang binanggit mo? Siguraduhin mong hindi ka nagbibiro Jasper dahil mapapatay kita oras na mali ang hinala mo.” May diin niyang wika. Nagbabanta ang tinig niya. Confident naman si Jasper sa nalaman niya.“Tama ang narinig mo at alam kong totoo ang nalaman ko. Nandito pa ako ngayon sa hospital dahil bumalik ako nang iwan ko kayo ni Brianna sa office mo. Nurse lang ang nakausap ko at sinabi niya sa akin kung sino ang aksidenteng na-inseminate ng mga doctor. Hindi pa man sigurado pero kaila
Samantala naman ay hinahanap ni Jasper ang babaeng na-inseminate ng mga doctor. Hindi niya ito sinasabi kay Caleb dahil gusto niya lang na makilala ang babaeng pinagbubuntis ang anak ni Caleb para kung sakali mang magbago ang isip ni Caleb at ipahanap nito ang anak niya, alam ni Jasper kaagad ang isasagot niya.Pinuntahan ni Jasper si Doc Jerrimy pero wala na ito sa hospital kung saan siya nagtatrabaho. Bumalik si Jasper sa sasakyan niya. Napapahilot na lang siya sa sintido niya. Wala siyang ibang nakausap kundi si Doc Jerrimy at Doc Katie pero pareho ng wala ang mga ito sa hospital. Alam niya naman kung anong dahilan, alam niyang takot ang mga ito kay Caleb dahil sa pagkakamaling nagawa nila.“Kailangan ko pa ba siyang hanapin?” usal ni Jasper sa sarili niya. Napabuntong hininga si Jasper saka siya tumango sa sarili niya. “I need to find her,” ani ni Jasper
Sa paglipas ng mga araw ay mas itinuon ni Caleb ang atensyon at oras niya sa asawa niya. Sa pag-aalagang ginagawa ni Caleb kay Caroline ay natutuwa ang puso ni Caroline. Tila ba biglang nawala lahat ng gumugulo sa isip niya lalo na ngayong tanggap na ni Caleb ang baby niya.Habang nasa balcony sila ng kwarto nila ay nagkwekwentuhan sila. Nakaupo sila sa mahabang sofa, nakasandal si Caleb sa kamay ng sofa habang nakasandal din si Caroline sa kaniya. Yakap-yakap ni Caleb mula sa likod si Caroline habang pinapanuod nila ang pag-aagaw ng dilim at liwanag.“Gusto mo ba magshopping na tayo ngayong sabado ng mga gamit ni baby?” wika ni Caleb.“Hindi ba parang masyadong maaga pa? Hindi pa natin alam ang gender niya.”“Oo nga pala,” ani ni Caleb saka siya natawa. “Excited lang
Pinuntahan kaagad ni Caleb si Caroline sa hospital ng malaman niyang idinala ito sa hospital dahil sa pananakit ng puson niya. Pagdating niya ng hospital ay tinanong niya kaagad sa nurse station kung saan dinala si Caroline. Sinabi naman kaagad ng mga ito kung saang kwarto dinala si Caroline.Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay nakahiga na sa kama si Caroline habang nasa gilid ng kama si Kirsten na siyang nagdala kay Caroline sa hospital.“Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa niya hinihintay.” Saad ni Kirsten.“Naipit lang ako sa traffic. Kumusta siya?” nag-aalala niyang tanong saka siya naupo sa upuan na nasa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ni Caroline.“Ang sabi ng doctor masyado siyang stress kaya siya dinugo. Hindi pa makapit ang kapit ng baby niyo kaya kailangan bed rest m