Tahimik namang nakikinig si Aubrey sa kanilang dalawa. Hindi kilala ni Aubrey si Mabel. Ramdam ni Caroline ang pang-iinit ng pisngi niya dahil sa sampal ni Mabel. Nakayuko lang si Caroline. Iniisip niya kung iniisip ba ng pamilya ni Brianna na inagaw niya nga si Caleb mula kay Brianna.
“Itinuring kang kaibigan ng anak ko tapos ganito ang gagawin mo sa kaniya? Aagawin mo ang fiance niya? Ang kapal talaga ng mukha niyong mga Adams. Pagkatapos kaming pagnakawan ng daddy mo, nanakawin mo rin ang fiance ng anak ko?” galit na wika ni Mabel. Salubong na ang mga kilay ni Aubrey dahil sa pagtataka. Kilala ni Mabel ang pamilya nila? Nanatiling tahimik si Aubrey para mapakinggan ang lahat.
“Hindi ko inagaw sa kaniya si Caleb tita, please believe me po. High school kami nang umalis po kayo ng bansa at mawalan na ako ng balita kay Brianna. Hindi ko alam kung ano na pong nangya
Habang naghihintay si Caroline sa asawa niya ay nakatambay siya sa balcony ng kwarto nila. Seryoso siyang nakatingin sa ibinigay ng secretary niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya saka siya humugot ng malalim na buntong hininga.“Ikaw ba talaga ang may gawa nito Brianna? Ikaw ba talaga ang kumausap sa mga supplier namin para itigil ang pagsusupply sa amin? Alam mong pangarap kong maging isang sikat na designer katulad ng pangarap mong maging model. Natupad mo na ang pangarap mo pero bakit kailangan mong sirain ang pangarap kong nagsisimula pa lang?” mahina niyang saad. Ayaw niya sanang maniwala na si Brianna ang dahilan kung bakit ayaw nang magsupply sa kanila ng mga supplier nila pero ano pa bang ebidensya ang kailangan niya?Kailangan na naman ba niyang kausapin si Brianna? Pero hindi na bata si Brianna para gawin pa ang mga ganitong bagay. Hinilot ni Carolin
Pauwi na sana si Caleb nang maisipan niyang puntahan si Winston.“Idiretso mo sa Adams residence. May kailangan lang akong tanungin sa kaniya.” Seryosong wika ni Caleb na sinunod naman ng driver niya. Tahimik nilang tinahak ang daan patungong Adams residence. Salubong ang mga kilay ni Caleb. Hindi niya talaga kayang mawala sa isip niya ang mga taong muntik pumatay sa asawa niya. Hindi niya talaga alam ang gagawin niya kung sakaling may nangyari kay Caroline.Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin sila sa subdivision kung saan nakatira ang pamilya ng mga Adams. Mabilis lang siyang nakapasok dahil kilala siya bilang isang Thompson. Nang makarating sila sa tapat ng bahay ng mga Adams ay bumaba na siya. Hinarang naman siya kaagad ng isang security.“Sino po ang kailangan nila?” tanong nito.
Hinilot ni Caleb ang sintido niya habang nakatingin siya sa laptop niya. Kanina pa siya nakaharap sa laptop niya pero wala pa rin siyang nagagawa dahil naglalayag ang isip niya. Hindi pa rin nawawala sa isip niya kung sino ang taong nasa likod ng mga taong nagtangkang pumatay sa asawa niya. Tiningnan niya si Jasper na nasa sofa na kausap ang detective. Base sa naririnig niyang pinag-uusapan ng mga ito wala pa ring usad ang imbestigasyon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Iniisip niya kung mas mabuti ba talagang ilayo na muna ang asawa niya sa bansang ito lalo na at buntis pa ito.Bumalik sa wisyo si Caleb nang umalis na ang detective. Hindi niya na alam kung anong pinag-usapan nila ni Jasper. Nakamasid lang si Caleb kay Jasper hanggang sa makalabas na ang detective. Nang makalabas na ang detective ay hinarap na ni Jasper si Caleb.“Hindi ka nakikinig diba
Samantala naman gusto nang umalis ni Brianna sa condo niya. Babalik na lang siya ng New York para ipagpatuloy ang career niya. Palabas na sana siya ng condo niya dala-dala ang malete nang biglang pumasok ang kaniyang ina. Napataas ang kilay ni Mabel ng makita niya ang maletang dala ng anak niya.“Saan ka pupunta? Tatakas ka?” tanong nito.“Napagdesiyunan kong bumalik na lang sa New York mommy para ipagpatuloy ang career ko. Dapat una pa lang pinakinggan na kita. Hindi tamang bumalik pa ako rito.” Sagot ni Brianna. Hilaw namang tumawa si Mabel saka kinuha ang maleta ni Brianna. Kunot noon naman siyang tiningnan ni Brianna.“What are you doing mom? Hindi ba at ito naman ang gusto mo? Ang bumalik ako ng New York at ipagpatuloy ang career ko?” aniya.“Noong una yun, ito na ang pinili mo kaya ipagpatuloy mo na. Pwede mo namang ipagpatuloy ang career mo kahit nandito ka. Ganiyan ka na lang ba habang buhay? Hahayaang maging talunan sa pag-ibig? Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Kier, ba
Kinabukasan habang kumakain sila ng umagahan ay malalim ang iniisip ni Caroline. Wala na siyang balita kay Aubrey simula nang idala nila ito sa hospital. Gusto niya sanang bisitahin ito para malaman niya at makita niya sa personal na okay na ang ate niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka siya muling sumubog ng pagkain. Kanina pa naman nakamasid sa kaniya ang lola niya at ang asawa niya habang tahimik lang si Kirsten na tila malayo rin ang isip.“Ayos ka lang ba apo? Kanina ko pa napapansin na para bang may iniisip ka.” Agaw atensyong wika ni Elsie. Natauhan naman si Caroline saka tiningnan ang lola niyang katapat niya sa lamesa.“Wala lang po lola,” tanging sagot niya. Nakatingin din sa kaniya si Caleb kanina pa rin iniisip kung ano bang iniisip ni Caroline.“May gusto ka bang sabihin? Nababagot ka na ba dito sa loob ng bahay? Tell me.” Ani rin ni Caleb kaya nilingon ni Caroline ang asawa niya. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga.“Iniisip k
Ilang araw na ang lumipas simula ng may mangyari kay Aubrey pero hindi na siya nabisita ni Caroline. Gustuhin man ni Caroline pero hindi siya pinapayagan ni Caleb na lumabas ng hindi siya kasama. Natatakot silang mahanap si Caroline ng mga taong humahabol sa kaniyang ama. Paano kung magawa nga nilang saktan si Caroline? Nagawa na nila kay Aubrey kaya hindi imposibleng saktan din si Caroline.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caroline habang nakatingin siya sa kawalan. Ilang araw ng nasa loob lang siya ng bahay.“Caroline, apo, magmeryenda ka na muna.” wika ni Elsie habang may dala-dalang tray. Malalim naman ang iniisip ni Caroline. Kailan ba matatahimik ang buhay niya? Kailangan ba talagang masabit pa ang pangalan niya sa problema ng pamilya niya?“Lola hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Gulong gulo na po yung isip ko lola.” Wika ni Caroline sa lola niya. Hindi niya na alam kung sino ang dapat pag