FAZER LOGINNa guilty si Kalina nang dumating sila sa hotel. Lahat pala ay naghahanap sa kaniya.Kinakausap ni Cain ang mga staff at securities. “It was settled. Please tell everyone she's here, I found her already. Thank you for helping.”Pagkatapos ay bumalik ito sa kotse kung nasaan siya at saka pinagbuksan siya ng pinto. Walang oras para umangal si Kalina dahil mabilis siyang binuhat muli ng lalaki. They were like that until they reached their suit. Maayos siyang binaba sa upuan sa veranda. Hinila ni Cain ang upuan sa tabi niya, ipinuwesto iyon sa harap niya. May pag-aalala ang mukha nito habang binubutingting ang first aid kit na hiningi sa baba kanina.“This will hurt a bit. Tell me if it hurts.” Dahan-dahan niyang dinampi ang bulak.Bahagya siyang napadaing.“Sorry.” Nanindig ata ang mga balahibo ni Kalina sa paghipan nito sa siko niya. Para siyang nakukuryente sa paghawak ni Cain sa braso niya.Nag-angat ng tingin si Cain, bumuntong hininga, at binalik ang buong atensyon sa ginagawang p
Nagsasaya lang sila kanina. For the first time, pakiramdam nila ay naging close sila. Wala ang pagiging CEO at secretary. Walang marriage contract na involve. Just the two of them enjoying being with each other. At ngayon humantong sila sa ganitong punto…“You think that was me being possessive?” tanong ni Cain.“What else would you call it?” sagot ni Kalina.Nagbatuhan sila ng mga salitang iyon nang hindi pinuputol ang titigan. Bahagyang kumalma si Cain kumpara kanina ngunit nandodoon pa rin ang madilim nitong ekspresyon. Hindi natakot si Kalina. Hinarap niya ng matapang na tingin ang mga mata ng boss. Lumapit ito.Hindi siya umatras.“Protection,” sabi niya.Kumunot ang noo ni Kalina sa narinig na dahilan. “Proteksyon para saan?”“You don’t know how dangerous the world is—especially men.”“You are men.”Humugot ng malalim na hininga si Cain. “Hindi kita sasaktan. Wala akong rason para gawin ‘yon. Pero ang mga kalaban ko, hindi magdadalawang isip. That’s how power and money works. D
Bumalik ang dalawa sa mesa nila nang mapagod. Kapwa pa sila hinihingal sa nangyaring sayawan. “I’ll get us drinks,” paalam ni Cain. Tumango si Kalina at pinanood siyang maglakad patungo sa may counter. Habang naghihintay, may lalaking pumunta sa kanilang lamesa. Huminto ito sa harap ni Kalina at kinuha ang atensyon niya. “Hola, linda dama.” (Hello, pretty lady)Sinubukang ignorahin ni Kalina ang binata, tinuon niya ang atensyon sa stage. Kaya lang, makulit ang isang ‘to. Humarang itong muli sa tapat niya para bumalik ulit ang tingin sa kaniya.“Would you like to jam with us? My group will love to welcome you.” Tinuro nito ang lamesa sa kabilang gilid kung saan may tatlo pang lalaki ang nakapwesto. Nagsikawayan ang mga ito. “That friend in blue likes you.”“I’m not interested,” direkta niyang tanggi.“Give us a chance. You have caught our attention since you walked into this bar. You dance well, by the way.”“No is a no.” Hindi nagpatinag si Kalina. Hindi talaga siya interesado. Idag
Tinitigan ni Kalina ang repleksyon niya sa salamin. Sinubukan niyang ngumiti. Napakamot at napatabingi ang ulo. “Ano bang mali sa ngiti ko?” “Don’t smile like that. Just don’t.” Bumalik na naman sa isipan ni Kalina ang tagpong iyon. Mabilis niyang iwinaksi ang nasa isip. Tinapos niya na lang ang pag-aasikaso sa sarili. Pangalawang araw ngayon ng pamamasyal nila. Hinayaan niyang nakabuhaghag ang buhok niya at simple lang kolorete sa mukha. Naka-black fitted sleeveless top siya paired with high-waisted beige tailored trousers na nagdadagdag ng kaniyang clean and elegance look. Nagsuot din siya ng brown na sinturon at ini-style ang patterned silk scarf sa pamamagitan ng pagtali upang ipatong sa mga balikat niya. Outfit perfect para sa city stroll. Naghihintay sa sala si Cain. “Finally,” wika nito nang makitang lumabas na siya sa banyo. Napatitig siya sa lalaki. Para silang nag-usap sa suot nila. Naka-dark brown long-sleeve button-down ito, slightly unbuttoned. Ang attracti
Nasilaw ang mga mata ni Kalina sa sunod-sunod na liwanag. Sinundan iyon ng tunog ng pag-click. Pagdilat niya, napapikit agad siya dulot ng flash. Pupungay-pungay siyang bumangon at umayos ng upo sa sofa.“Patas na tayo. You have my picture, I have yours.” Boses ni Cain. “Huh, teka lang. That’s unfair. Maayos ang picture ko sa ‘yo, nakangiti ka pa. Sa akin tulog?” Inayos niya ang buhok at kinapa ang mukha, baka mamaya may muta at tuyong laway pa siya. “At inamin mo rin na ako nga ang kinuhaan mo.”Opps…“Mag-ayos ka na. Don’t forget to bring your camera.” Para kay Mr. Valvares pala ang camera, kailangan nilang may mapakita sa matanda. Evidence ng pagiging mag-asawa at mapakitang nag-enjoy silang magkasama.Gaya ng napag-usapan nila kahapon, aalis sila ngayong umaga. Pang-apat na araw ng stay nila at sawakas, makakalabas na rin si Kalina! Tatlong araw pa ang natitira, siguraduhin niyang masulit ang natitirang oras. LUMIKO si Kalina at pumasok sa isang eskinita. Naglakad siya nang m
Tahimik ang buong flight. Inisip na lang ni Kalina na mag-isa siyang nagta-travel dahil gano’n din naman. Parang wala siyang kasama dahil sa katabi niyang walang imik. Parang siyang batang curious kalilingon sa bintana ng eroplano. Panay butingting din siya sa mga travel magazines at brochure. Kapag may hinahain na pagkain, kakain. Iyon ang pinagkaabalan niya lalo na dahil ‘di rin naman siya makatulog.Sinisiguro niyang kalmado at tahimik siyang kumikilos kahit pa hindi mapirme ang loob niya. Nakakahiya sa boss niya. Baka magulat ito kapag pinakita niya ang ganoong ugali. Busy si Cain na mukhang nagtatrabaho pa rin sa laptop niya habang may sariling mundo si Kalina.Halos isang araw ang oras ng buong flight nila. Sa pagitan ay may layover. Gayun pa man, walang sandaling naburyo si Kalina. Kahit matagal ang byahe, hindi ito alintana ng babae.At heto na nga ang pinakahihintay niya. “Ladies and gentlemen, welcome to Madrid, Spain. The local time is 5:00 a.m., where the weather is co
“Miss Kalina? Akala ko po hindi ka iinom?” “Akala ko rin.” “Ano po ulit? ‘Di ko masyadong narinig.” “Wala, Marie. Pakiabot ng bote, please.” Bagamat nagtataka, sumunod si Marie. Binigay niya kay Kalina ang panibagong bote ng wine sa tabi niya. “Magda-drive ka pa pauwi. ‘Wag kang magpakal
Kumpleto na ang mga empleyado sa loob. Ilang mahahabang lamesa rin ang nandoon. Malaki ang private room na ito, parang isang buong restaurant na kung tutuusin. Lugar talaga para sa mga gatherings katulad nito. “Kalina! Dito!”Nilibot ni Kalina ang paningin niya hanggang sa makita si Cain na nakaup
May benefit din pala ang kadaldalan ni Theo. Naging madali ang paghanap ni Kalina sa pantry ng kanilang floor. Doon siya gumawa ng kape na inutos sa kaniya. Wala tao sa loob kaya mabilis siyang natapos. Maingat pero dali-dali niya ‘yong dinala sa office. “Here’s your coffee.” “Just put it down
“Akin na ‘yang dala mo, tulungan kita,” presenta ni Theo. Iniwas ni Kalina ng kahong hawak niya. “Ayos lang, kaya ko na. Magaan lang naman.” “Sure ka?” paninigurado nito. Tumango si Kalina. “Okay, sige. Sabi mo ‘yan, ah!” Hindi na nagpumilit si Theo dahil nakita naman niyang kayang-kaya ni K







