PAANO ba humantong sa ganito ang lahat? Apat na buwan bago maganap ang kasal…
Napaigtad si Kalina sa gulat. Malakas na binagsak ni Sir Cain sa lamesa ang folder na inabot niya. Napakagat siya ng labi at napayuko. Tsk. Mali na naman ba? “What’s this? A trash?” pang-iinsulto ng Boss niya. “Ang tagal mo nang ginagawa ang trabahong ‘to hanggang ngayon mali-mali ka pa rin. And you are my best employee? Really? Kahit baguhang intern kaya ‘tong gawin. Pinapatunayan mo lang na hindi bagay sa ‘yo ang parangal na nakuha mo.” “Sinunod ko lang naman po ang instruction ninyo.” “Sumasagot ka pa?” “Sorry, sir.” Tinikom niya ang bibig at hindi na nagreklamo. “Uulitin ko na lang po.” “As you should. Kailangan ko ‘yan ngayong araw.” “Yes, sir.” Tumango si Kalina sabay kuha pabalik ng pinasa niyang dokumento. Kailangan niya na namang mag-overtime sa trabaho. Kahit dismayado, taas noo siyang lumabas sa opisina ng kanilang COO. Maayos ang kaniyang tindig at napaka presentable niyang tignan sa suot na puting long sleeve blouse, black pencil skirt, at pinarisan ng itim ding heels. Habang ang kaniyang mahabang wavy hair ay maayos na nakabuhaghag. Siya ang best employee sa kumpanya, titulong matagal na niyang inaalagaan. Magaling si Kalina at malinis kung magtrabaho. Ang mga katrabaho niya ay tinitingala siya. Pero sa hindi malamang dahilan, iba si Cain Valvares. Ito ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Valvares Cuisine. Sa ngayon, siya ang COO habang nasa posisyon pa ng CEO ang ama nito. Sa maraming taon ni Kalina na nagtatrabaho sa corporate headquarters ng Valvares Cuisine, puro pagmamalupit ang naranasan niya sa lalaki. Lahat naman ata. Sobrang seryoso kasi ni Cain sa trabaho, allergic siya sa kamalian. Laging walang emosyon ang mukha, kung meron man, galit naman. Lahat ng empleyado natatakot sa kaniya. Si Kalina? Hindi siya takot. Eh kaso sa lalaking ‘yon nakasalalay ang magiging promotion niya. Wala siyang choice kundi sumunod sa ipag-uutos nito. Habang nagtitipa sa computer, umilaw ang kaniyang cellphone. May nagtext. Hindi niya ‘yon pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Mabilis tumakbo ang oras. Patuloy sa pag-revise ng kaniyang gawa si Kalina samantalang ang mga katrabaho niya ay isa-isa nang nagsiuwian. Katulad ng inaasahan, lagpas out time niya na nang matapos niya ang gawain. Iniwan niya na lang ito sa lamesa ni Sir Cain dahil maski ito ay tila umuwi na rin. Nagliligpit siya ng mga gamit sa sarili niyang lamesa at naalala ang mensaheng natanggap kanina. Binasa niya ‘yon habang naglalakad palabas ng gusali. Pero nang makitang galing iyon sa Papa niya, napahinto siya. [Are you busy tonight? Pumunta ka sa mansyon. Dito ka na magdinner. May mahalaga tayong pag-uusapan.] Madalas naman siyang kumustahin ng ama sa pamamagitan ng telepono pero hindi pa rin niya maiwasang magulat minsan. Hindi sila close mag-ama. Bata pa lang siya, mga nasa limang taong gulang, noong pumanaw ang kaniyang ina. Mabilis nag-asawa ng bago ang Papa niya. Wala pang isang taon, may bago na itong babae at nagkaroon ng bagong anak. Pagkatungtong ni Kalina sa tamang edad, umalis na siya sa puder nito at namuhay mag-isa. Natutunan niyang maging independent at hindi umasa sa kahit sino, kahit pa sa Papa niya na mayaman. CEO ng De Vera Corporation o mas kilalang DV Corp. ang kaniyang ama. Isa itong kilalang kumpanya dahil sa kanilang bigating mga hotels at resorts. Sa kabila ng bigating pangalan ng kaniyang ama, gayon din ng kaniyang stepmother at half sister, nagmistulang anino lamang siya ng mga ito. Siya ang panganay pero hindi siya kilala ng publiko. Ang alam lang nila, may unang anak si Alfred De Vera sa yumao nitong asawa. Iyon lang. Wala na silang alam sa itsura niya o pangalan. Pabor naman ito sa kaniya kaya hinayaan niya na lang magpatuloy. Si Kalina na rin mismo ang humiling no’n kay Mr. Alfred. Bago siya umalis sa kanila, kinausap niya ang kaniyang ama. Pinatago niya ang anumang background niya na may kinalaman sa pamilya para malaya siyang makapaghanap ng trabaho sa ibang kumpanya. Naging working student siya. Pinagsabay niya ang pagkukulehiyo at paghahanap-buhay. Sa kaniyang tyaga at determinasyon, napagtapos niya ang sarili. At maswerte na siya dahil tumagal siya sa Valvares Cuisine. Kaya nga mahal na mahal niya ang trabahong mayroon siya ngayon—dahil ito ang tumanggap at bumuhay sa kaniya noong mga panahong nangangailangan siya. Nakapagpundar siya ng sariling bahay na kahit maliit ay pwede na sapagkat mag-isa lang siyang tumitira. May kotse na rin siya at kahit papaano ay kaunting ipon. Simula noon, hindi na siya pumupunta sa dating bahay maliban na lang kung may mahalagang dahilan… “Pupunta ba ‘ko?” Pinakatitigan niya ang text message ng ama. Ano naman kaya ang sasabihin ng Papa niya? Sa huli, natagpuan niya ang sarili na nagmamaneho sa pamilyar na daan. Halos isang oras na byahe ang kaniyang nilulan bago makarating sa tapat ng malaking gate. Kusa itong bumukas, nagpatuloy siyang magmaneho hanggang sa tapat ng mansion. Bumaba siya pagka-park ng kotse saka pinagmasdan ang bahay na minsan na niyang tinirhan. Traditional house ang style nito. Magarbo at kalidad ang bawat disenyo. Tatlong palapag, malawak, at malaki. Puti at natural na mga kulay ang nangingibabaw. Mas lalong gumanda tignan dahil gabi na at nakabukas ang mga ilaw. “Ang tagal na nang huling punta ko rito. Wala masyadong nagbago,” ngiti ni Kalina sa sarili. Pagdating niya sa pintuan, pinagbuksan siya ng mga katulong. Nakahelera ang mga itong binati siya. “Maligayang pagbabalik, Miss Kalina.” Tumango siya at naglakad sa entrada. Ang ilan ay pamilyar pa ang mukha, karamihan ay hindi na. “Nasa hapagkainan na po ang inyong ama,” sambit ng isa. “Hinihintay na po kayo.” Sinundan niya ito hanggang makarating sa dining area. Nandoon nga ang kaniyang ama. Nakaupo sa gitna ng lamesa. Samantalang sa kanan nito magkatabi si Selena na stepmom niya, at anak nitong si Natasha. “Kalina. Buti nakarating ka,” malugod na bati ni Mr. Alfred sa anak. Maliwanag ang mukha niya, masaya na makita ulit si Kalina makalipas ang matagal na panahon. “Seat down.” Bahagyang yumuko si Kalina bilang pagbati sa ama. Lumapit siya sa lamesa, ngunit imbis na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Natasha o di kaya’y sa kaliwa ng kaniyang ama, sa gitna katapat ng ama niya napiling umupo. Nakita niya ang matalim na tingin sa kaniya ni Selena dahil doon. Palihim naman ang pag-irap ni Natasha. Ikinangiti niya ‘yon. Ito nga ang mansyon na iniwanan niya. “Ang sabi mo ay may mahalaga tayong pag-uusapan. Tungkol saan ba ito?” Walang paligoy-ligoy na tanong niya. “Wala ka talagang galang bata ka!” pang gagalaiti ng stepmother niya. “Ni hindi mo man lang kamustahin ang lagay ng Papa mo! Wala kang respeto!” “Selena, nasa hapag tayo,” sita ni Mr. Alfred at bumaling kay Kalina. “Sasabihin ko sa ‘yo. Sa ngayon, kumain na muna tayo. Hindi ka pa naghahapunan, tama ba?” Tinawag niya pagkatapos ang kasambahay at ipinahain ang mga pagkain.“Boss Cain! Dito na ‘ko. Ba’t mo ba ako pinapapunta? ‘Wag mong sabihing mag-iinuman na naman tayo? Aba, ayoko na! May hang over pa nga ako. Saka saan mo gagamitin ‘yong mga requirements para sa marriage license na pinapahanda mo? Ano, ikakasal ka ba—what the heck?!”Natigil ang maingay na bunganga ng lalaking kararating lang nang sawakas ay tumingin ito sa kinaroroonan nina Cain at Kalina. Wala siyang tigil kasasalita nang hindi man lang napapansin ang dalawa. Ngayon, hindi ito magkandaugaga. Palipat-lipat ang tingin kay Cain at Kalina na pareho pa ring nakaupo sa sofa.“Boss… bakit gan’yan suot mo?” Tinuro niya si Cain pagkatapos ay si Kalina naman. “May babae… naka-gown. Ikakasal ka nga?! Totoo ba ‘tong nakikita ko? Lasing pa ba ‘ko?”“You are not hallucinating, Theo,” pangungumpirma ni Cain. “This is Kalina. She’s working in my company. And, well, I think you know her.”“Syempre! Kilala ko si Kalina.” Lumapit siya kay Kalina at nakipagkamay. “I know you. Marami akong naririnig sa
BUMALIK sa ulirat si Kalina nang huminto ang sasakyan. ‘Di niya namalayang nakarating na sila. Kanina pa nasa malayo ang isip niya, binabalikan ang mga nangyari noong mga nakalipas na buwan. Ang bilis ng mga naging kaganapan. Ang daming nangyari.Parang no’ng nakaraan lang, normal pa ang buhay niya. Tapos bigla siyang napilitang bumalik sa dati niyang pamilya at pinagkasundong ikasal sa isang lalaki. Suddenly, she learned that her supposed husband and her half sister were cheating on her. And now… she’s here. With her boss.“Nasaan tayo?”Bumababa sila sa parking lot ng mataas na gusali.“My space.”“Akala ko sa ospital mo ako dadalhin?”“Mukhang hindi naman kita napuruhan. Wala kang sugat o gasgas na natamo.” Tumigil maglakad ang lalaki at hinarap siya. “Ayos ka lang, 'di ba?”“O-Oo, ayos lang naman,” alanganing sagot ni Kalina na sinabayan ng tango.Nagpatuloy maglakad si Cain. Nakasunod lang si Kalina sa likod niya. Seryoso ba ang boss niya sa alok nitong magpakasal?No choice la
“Anong gusto mong flavor ng cake? They have chocolate, caramel, or you can say and request anything you prefer.”“Ikaw na lang mamili. Hindi ako kumakain ng cake.”Araw ng linggo. Walang pasok sa trabaho si Kalina. Magkasama sila ngayon ni Dave dahil may appointment sila para mamili ng mga putaheng ihahanda sa kanilang reception.Tumango si Dave sa naging sagot ni Kalina. Katulad ng nasabi, ang lalaki na nga ang nagdesisyon kung ano ang pipiliing mga handa. Mula main dishes, desserts, drinks, at iba pa ay siya na rin ang nagdesisyon. Minsan nagsu-suggest si Kalina kapag nagtatanong si Dave.“Nasubukan mo nang kumain o pumunta sa restaurants namin?” tanong ni Dave habang nagmamaneho. Tapos na sila sa kanilang schedule. Maglu-lunch naman sila.Umiling si Kalina. Ang mga Gomez, katunggali sila ng mga Valvares. Kapwa kilala ang dalawang apelyido sa kanilang ipinagmamalaking five star restaurants. Masyadong loyal si Kalina para sumubok ng ibang produkto at serbisyo ng kalabang negosyo.“Th
Isa-isang dumating ang mga pagkain. Lahat iyon ay mga paboritong putahe ni Kalina. Tanging tunog ng kanilang mga kubyertos ang namumutawi sa pagitan nilang apat. Hanggang sa basagin muli ni Mr. Alfred ang katahimikan.“How are you doing lately?” tanong para kay Kalina.Nilunok muna ng huli ang pagkaing nasa bibig bago malumanay na sumagot. “Okay naman. Mas maayos kaysa noong nandito ako.” Nakatanggap iyon ng sarkastikong tawa mula sa ginang. “Good to hear that. We’re also fine without you. Much better if I could say,” she said. Nag-uuyam ang tono.Hindi man lang ito nagbago. Siyang siya pa rin ang stepmother ni Kalina na labis ang galit sa kaniya. Kahit nananahimik ang batang Kalina at walang ginagawang masama, lagi itong may napupuna. Laging hinahanapan ng kamalian si Kalina. Palibhasa alam niyang sa paningin ng kaniyang asawa, ang anak nitong si Kalina ang pinakamamahal nito. ‘Di hamak na higit kaysa sa pagmamahal nito sa kaniya o kaya sa anak nilang si Natasha.Tumikhim ang padre
PAANO ba humantong sa ganito ang lahat? Apat na buwan bago maganap ang kasal… Napaigtad si Kalina sa gulat. Malakas na binagsak ni Sir Cain sa lamesa ang folder na inabot niya. Napakagat siya ng labi at napayuko. Tsk. Mali na naman ba? “What’s this? A trash?” pang-iinsulto ng Boss niya. “Ang tagal mo nang ginagawa ang trabahong ‘to hanggang ngayon mali-mali ka pa rin. And you are my best employee? Really? Kahit baguhang intern kaya ‘tong gawin. Pinapatunayan mo lang na hindi bagay sa ‘yo ang parangal na nakuha mo.” “Sinunod ko lang naman po ang instruction ninyo.” “Sumasagot ka pa?” “Sorry, sir.” Tinikom niya ang bibig at hindi na nagreklamo. “Uulitin ko na lang po.” “As you should. Kailangan ko ‘yan ngayong araw.” “Yes, sir.” Tumango si Kalina sabay kuha pabalik ng pinasa niyang dokumento. Kailangan niya na namang mag-overtime sa trabaho. Kahit dismayado, taas noo siyang lumabas sa opisina ng kanilang COO. Maayos ang kaniyang tindig at napaka presentable niyang tignan sa
Ang kasal ay isang sagradong seremonya. Halos lahat ng kababaihan ay pinapangarap itong maranasan… ang maikasal sa lalaking mahal nila, magkasamang bumuo ng pamilya, at mamuhay ng masaya. Subalit hindi naman lahat ng babae ito ang gusto. May iba na mas gustong mag-isang tumanda. Mayroong mga ayaw mag-asawa. Dito kabilang si Kalina. Masaya na siya kahit mag-isa.Simpleng buhay lang ang gusto niya. Basta’t nakakasurvive siya, ayos na. Kung mangangarap man siya, ‘yon ay hindi ang maikasal kundi tungkol sa kaniyang promotion sa trabaho. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kalina. Kanina pa siya ‘di komportable habang lulan ng kotse na magdadala sa kaniya sa simbahan.Mahigpit at hapit sa katawan ang suot niyang puting gown. Mahaba ito, malaki, at makati sa pakiramdam. Namamawis na ang kamay niya kaya nasa hita niya muna nakapatong ang isang bouquet. Maganda itong tignan dahil sa iba’t ibang uri ng bulaklak na pinagsama-sama. Matabang siyang napangiti. Sa kasal din naman pala