Isa-isang dumating ang mga pagkain. Lahat iyon ay mga paboritong putahe ni Kalina.
Tanging tunog ng kanilang mga kubyertos ang namumutawi sa pagitan nilang apat. Hanggang sa basagin muli ni Mr. Alfred ang katahimikan. “How are you doing lately?” tanong para kay Kalina. Nilunok muna ng huli ang pagkaing nasa bibig bago malumanay na sumagot. “Okay naman. Mas maayos kaysa noong nandito ako.” Nakatanggap iyon ng sarkastikong tawa mula sa ginang. “Good to hear that. We’re also fine without you. Much better if I could say,” she said. Nag-uuyam ang tono. Hindi man lang ito nagbago. Siyang siya pa rin ang stepmother ni Kalina na labis ang galit sa kaniya. Kahit nananahimik ang batang Kalina at walang ginagawang masama, lagi itong may napupuna. Laging hinahanapan ng kamalian si Kalina. Palibhasa alam niyang sa paningin ng kaniyang asawa, ang anak nitong si Kalina ang pinakamamahal nito. ‘Di hamak na higit kaysa sa pagmamahal nito sa kaniya o kaya sa anak nilang si Natasha. Tumikhim ang padre de pamilya. “Masyado ka atang busy sa trabaho. Mayroon ka bang boyfriend?” pag-iiba nito ng usapan. “Wala pa iyan sa isip ko.” “Bakit naman? You’re already 27 years old. Nasa tamang edad ka na para mag-asawa. Ano sa tingin mo?” Napakunot ng noo si Kalina. Hindi niya alam kung saan ang direksyon ng usapang ito. “Mas priority ko sa ngayon ang trabaho ko. Mag-aasawa ako kapag may kaya na akong patunayan sa sarili ko.” “That’s a good perspective.” Pinunasan ni Mr. Alfred ang bibig. Tapos na siyang kumain. “Actually, that’s the exact reason why I called you here. I want you to inherit our business.” Walang kung ano-ano’y napatigil si Kalina sa pagkain. Ano raw? Ipapamana sa kaniya ang kumpanya! Tama ba ang narinig niya? “W-Wait, Alfred. Anong sinasabi mo?” “D-Daddy?” Hindi makapaniwalang usal nang nananahimik na si Natasha. Naibaba niya na rin ang kubyertos. Maski ang mag-ina ay nagulat. Wala silang alam sa sinasabi nito. “Narinig n’yo ako. Hindi na ako pabata. Kailangan ko ng katuwang sa pag-aasikaso ng business natin. I want you, Kalina, to do that for me.” “Mommy…” ani Natasha, nanghihingi ng tulong sa ina. “How about Natasha? Ang a-anak natin…” lumingon si Selena sa kaniyang tabi, “si Natasha. Siya na lang! Matagal na tayong iniwan ni Kalina. Anong alam niya sa kumpanya?” Hinawakan ni Selena ang kamay ng kaniyang anak, inaalo ito. “Dapat si Natasha ang humalili sa ‘yo! Mas karapat-dapat siya. She even took a business course to help you manage the DV Corp.” “Yes, you’re right. Umalis siya—na siyang nagpalakas sa kaniya. Mas maraming kasanayan si Kalina. Nakuha niyang tumayo sa sariling mga paa na walang anumang tulong natin. That is why I need her. Our company needs her.” Mahinahon ang bawat salita ni Mr. Alfred. Desidido na ito. “Natasha still has a lot to learn. Bibigyan ko siya ng posisyon. Maaari niyang tulungan ang Ate niyang mamahala.” “Pero Daddy hindi naman iyon ang gusto ko—” “Huwag kang mag-alala, Natasha. ‘Di ko aagawin ang pwesto mo.” Nagsalita si Kalina, nakabawi na siya sa pagkagulat. “Hindi ako interesado.” “Hindi mo pwedeng basta ayawan ang alok ko, Kalina. Pinag-isipan ko ito ng mabuti. Ito ang hiling ng iyong pumanaw na ina. Magkasama naming itinayo ang De Vera Corporation. Minsan na niyang sinabi na gusto niyang ikaw ang magmana nito sa tamang panahon. At nakikita kong ngayon na ang oras na ‘yon,” mahabang paliwanag ng ama. Naka-focus ang atensyon nito kay Kalina at tila multo ang mag-ina sa paningin niya. Doon nagdalawang isip si Kalina… kung gano’n, ito ang huling hiling ng Mama niya. “Sa totoo lang, nahihirapan akong mag-isang pamahalaan ang kumpanya. Simula nakaraang taon, pababa ng pababa ang profit natin.” Nakahawak sa sintido si Mr. Alfred. Mas dumami ang puting buhok nito kaysa sa huli silang nagkita. Pati ang mga balat ng kaniyang ama, kakikitaan na ng pagkulubot. Tanda ng stress at pagtanda. “Ang tanging nakikita kong solusyon ay makisosyo sa mga Gomez. Restaurants ang negosyo nila. Nakalinya ito sa ating hotels at resorts, siguradong magbubunga ng maganda ang partnership na ito.” “Anong kailangan kong gawin?” pagsuko ni Kalina. “Pakasalan mo ang panganay ng mga Gomez.” PABAGSAK na umupo si Kalina sa sofa. Kakauwi niya lang lang mula sa mansyon ng mga De Vera. Pinatong niya ang bag at susi ng kaniyang kotse sa coffee table na nasa harap niya. “This is stressing me out.” Pinatong niya ang ulo sa sandalan ng sofa at blankong tumingala sa kisame. “Masaya ka ba sa langit ma? Ito ba ang gusto mong gawin ko?” Pumayag siya sa kasal… Ikakasal na siya. Isinaalang-alang niya ang kaniyang ina sa pagdedesisyon. Wala siyang masyadong alaala noong pumanaw ang kaniyang ina. Ang mga masasayang memories lang nilang dalawa ang natira sa isip niya. Mabait ang Mama niya, mapagpasensya, at mahal na mahal siya. Sobrang mahal din ni Kalina ang Mama niya. Ganoon ang pagmamahal niya sa kaniyang ina—handa siyang gawin ang lahat para lang masunod ang kahilingan nito. Kahit kapalit pa nito ay ang kalayaang matagal niyang inasam… at ang trabahong labis niyang pinaghirapan. Sabi ni Mr. Alfred, pagkatapos ikasal ni Kalina, ipapakilala na siya bilang opisyal na tagapagmana ng DV Corp. Ibig sabihin, aalis na siya sa trabaho niya ngayon… sa Valvares Cuisine… para mapanindigan ang pamamahala niya sa kumpanya ng kanilang pamilya. Ang tagal niyang binuno ang mayroon siya ngayon. Tapos sa isang iglap, parang mapupunta ito sa wala. Ano pang saysay nang pagbukod niya noon kung sa mga kamay ng De Vera pa rin ang bagsak niya? Nagpakawala si Kalina ng malalim na hininga. “Sana tama itong gagawin ko.” Sa paglipas ng mga araw, naging abala si Kalina sa trabaho. Patuloy ang pagpasok niya sa opisina. Kung masigasig siya sa trabaho bago malamang magpapakasal na siya, dumoble pa ang sipag niya. Ayaw niyang umalis nang basta-basta. Susulitin niya ang natitirang oras na malaya pa siya. Lumipas ang ilang linggo at nakilala na niya ang lalaking magiging asawa niya—si Dave Gomez. Ang panganay sa tatlong magkakapatid na Gomez. Matangkad, pilyo pero maganda kung ngumiti, at malakas ang karisma. Sa madaling salita, gwapo ito. Walang mapupuna si Kalina sa itsura niya. Sa ugali naman… hindi niya pa alam. Sa ilang beses nilang pagkikita, maayos naman itong makitungo sa kaniya. Hatid-sundo siya, pinakbubuksan ng pinto, inaalalayan sa pag-upo. Mabait si Dave, ito na ang makakatuwang niya sa buhay kaya gusto niya pa itong makilala. Nakilala na rin niya ang pamilya nito. They seem happy about the wedding. Naririnig-rinig na niya ang mga Gomez noon pero hindi niya sila kilala on the personal level. Magkaibigan ang kanilang ama at talagang magkasundo. Everything is going well. Kahit papaano nakakapag-adjust na siya. Subalit sa loob-loob ni Kalina, sa hindi malamang dahilan, may pangamba siyang nararamdaman. “Bakit tahimik ang mag-inang Selena at Natasha? Hindi ako sanay. Sa ugali nila, dapat may ginagawa na sila ngayon. ‘Di kaya… may pinaplano sila?” Umiling si Kalina sa sarili. Masyado siyang judgemental. “Sana mali lang ang kutob ko.”“Boss Cain! Dito na ‘ko. Ba’t mo ba ako pinapapunta? ‘Wag mong sabihing mag-iinuman na naman tayo? Aba, ayoko na! May hang over pa nga ako. Saka saan mo gagamitin ‘yong mga requirements para sa marriage license na pinapahanda mo? Ano, ikakasal ka ba—what the heck?!”Natigil ang maingay na bunganga ng lalaking kararating lang nang sawakas ay tumingin ito sa kinaroroonan nina Cain at Kalina. Wala siyang tigil kasasalita nang hindi man lang napapansin ang dalawa. Ngayon, hindi ito magkandaugaga. Palipat-lipat ang tingin kay Cain at Kalina na pareho pa ring nakaupo sa sofa.“Boss… bakit gan’yan suot mo?” Tinuro niya si Cain pagkatapos ay si Kalina naman. “May babae… naka-gown. Ikakasal ka nga?! Totoo ba ‘tong nakikita ko? Lasing pa ba ‘ko?”“You are not hallucinating, Theo,” pangungumpirma ni Cain. “This is Kalina. She’s working in my company. And, well, I think you know her.”“Syempre! Kilala ko si Kalina.” Lumapit siya kay Kalina at nakipagkamay. “I know you. Marami akong naririnig sa
BUMALIK sa ulirat si Kalina nang huminto ang sasakyan. ‘Di niya namalayang nakarating na sila. Kanina pa nasa malayo ang isip niya, binabalikan ang mga nangyari noong mga nakalipas na buwan. Ang bilis ng mga naging kaganapan. Ang daming nangyari.Parang no’ng nakaraan lang, normal pa ang buhay niya. Tapos bigla siyang napilitang bumalik sa dati niyang pamilya at pinagkasundong ikasal sa isang lalaki. Suddenly, she learned that her supposed husband and her half sister were cheating on her. And now… she’s here. With her boss.“Nasaan tayo?”Bumababa sila sa parking lot ng mataas na gusali.“My space.”“Akala ko sa ospital mo ako dadalhin?”“Mukhang hindi naman kita napuruhan. Wala kang sugat o gasgas na natamo.” Tumigil maglakad ang lalaki at hinarap siya. “Ayos ka lang, 'di ba?”“O-Oo, ayos lang naman,” alanganing sagot ni Kalina na sinabayan ng tango.Nagpatuloy maglakad si Cain. Nakasunod lang si Kalina sa likod niya. Seryoso ba ang boss niya sa alok nitong magpakasal?No choice la
“Anong gusto mong flavor ng cake? They have chocolate, caramel, or you can say and request anything you prefer.”“Ikaw na lang mamili. Hindi ako kumakain ng cake.”Araw ng linggo. Walang pasok sa trabaho si Kalina. Magkasama sila ngayon ni Dave dahil may appointment sila para mamili ng mga putaheng ihahanda sa kanilang reception.Tumango si Dave sa naging sagot ni Kalina. Katulad ng nasabi, ang lalaki na nga ang nagdesisyon kung ano ang pipiliing mga handa. Mula main dishes, desserts, drinks, at iba pa ay siya na rin ang nagdesisyon. Minsan nagsu-suggest si Kalina kapag nagtatanong si Dave.“Nasubukan mo nang kumain o pumunta sa restaurants namin?” tanong ni Dave habang nagmamaneho. Tapos na sila sa kanilang schedule. Maglu-lunch naman sila.Umiling si Kalina. Ang mga Gomez, katunggali sila ng mga Valvares. Kapwa kilala ang dalawang apelyido sa kanilang ipinagmamalaking five star restaurants. Masyadong loyal si Kalina para sumubok ng ibang produkto at serbisyo ng kalabang negosyo.“Th
Isa-isang dumating ang mga pagkain. Lahat iyon ay mga paboritong putahe ni Kalina. Tanging tunog ng kanilang mga kubyertos ang namumutawi sa pagitan nilang apat. Hanggang sa basagin muli ni Mr. Alfred ang katahimikan.“How are you doing lately?” tanong para kay Kalina.Nilunok muna ng huli ang pagkaing nasa bibig bago malumanay na sumagot. “Okay naman. Mas maayos kaysa noong nandito ako.” Nakatanggap iyon ng sarkastikong tawa mula sa ginang. “Good to hear that. We’re also fine without you. Much better if I could say,” she said. Nag-uuyam ang tono.Hindi man lang ito nagbago. Siyang siya pa rin ang stepmother ni Kalina na labis ang galit sa kaniya. Kahit nananahimik ang batang Kalina at walang ginagawang masama, lagi itong may napupuna. Laging hinahanapan ng kamalian si Kalina. Palibhasa alam niyang sa paningin ng kaniyang asawa, ang anak nitong si Kalina ang pinakamamahal nito. ‘Di hamak na higit kaysa sa pagmamahal nito sa kaniya o kaya sa anak nilang si Natasha.Tumikhim ang padre
PAANO ba humantong sa ganito ang lahat? Apat na buwan bago maganap ang kasal… Napaigtad si Kalina sa gulat. Malakas na binagsak ni Sir Cain sa lamesa ang folder na inabot niya. Napakagat siya ng labi at napayuko. Tsk. Mali na naman ba? “What’s this? A trash?” pang-iinsulto ng Boss niya. “Ang tagal mo nang ginagawa ang trabahong ‘to hanggang ngayon mali-mali ka pa rin. And you are my best employee? Really? Kahit baguhang intern kaya ‘tong gawin. Pinapatunayan mo lang na hindi bagay sa ‘yo ang parangal na nakuha mo.” “Sinunod ko lang naman po ang instruction ninyo.” “Sumasagot ka pa?” “Sorry, sir.” Tinikom niya ang bibig at hindi na nagreklamo. “Uulitin ko na lang po.” “As you should. Kailangan ko ‘yan ngayong araw.” “Yes, sir.” Tumango si Kalina sabay kuha pabalik ng pinasa niyang dokumento. Kailangan niya na namang mag-overtime sa trabaho. Kahit dismayado, taas noo siyang lumabas sa opisina ng kanilang COO. Maayos ang kaniyang tindig at napaka presentable niyang tignan sa
Ang kasal ay isang sagradong seremonya. Halos lahat ng kababaihan ay pinapangarap itong maranasan… ang maikasal sa lalaking mahal nila, magkasamang bumuo ng pamilya, at mamuhay ng masaya. Subalit hindi naman lahat ng babae ito ang gusto. May iba na mas gustong mag-isang tumanda. Mayroong mga ayaw mag-asawa. Dito kabilang si Kalina. Masaya na siya kahit mag-isa.Simpleng buhay lang ang gusto niya. Basta’t nakakasurvive siya, ayos na. Kung mangangarap man siya, ‘yon ay hindi ang maikasal kundi tungkol sa kaniyang promotion sa trabaho. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kalina. Kanina pa siya ‘di komportable habang lulan ng kotse na magdadala sa kaniya sa simbahan.Mahigpit at hapit sa katawan ang suot niyang puting gown. Mahaba ito, malaki, at makati sa pakiramdam. Namamawis na ang kamay niya kaya nasa hita niya muna nakapatong ang isang bouquet. Maganda itong tignan dahil sa iba’t ibang uri ng bulaklak na pinagsama-sama. Matabang siyang napangiti. Sa kasal din naman pala