Share

Chapter 4

last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-08 13:48:02

“Anong gusto mong flavor ng cake? They have chocolate, caramel, or you can say and request anything you prefer.”

“Ikaw na lang mamili. Hindi ako kumakain ng cake.”

Araw ng linggo. Walang pasok sa trabaho si Kalina. Magkasama sila ngayon ni Dave dahil may appointment sila para mamili ng mga putaheng ihahanda sa kanilang reception.

Tumango si Dave sa naging sagot ni Kalina. Katulad ng nasabi, ang lalaki na nga ang nagdesisyon kung ano ang pipiliing mga handa. Mula main dishes, desserts, drinks, at iba pa ay siya na rin ang nagdesisyon. Minsan nagsu-suggest si Kalina kapag nagtatanong si Dave.

“Nasubukan mo nang kumain o pumunta sa restaurants namin?” tanong ni Dave habang nagmamaneho. Tapos na sila sa kanilang schedule. Maglu-lunch naman sila.

Umiling si Kalina. Ang mga Gomez, katunggali sila ng mga Valvares. Kapwa kilala ang dalawang apelyido sa kanilang ipinagmamalaking five star restaurants. Masyadong loyal si Kalina para sumubok ng ibang produkto at serbisyo ng kalabang negosyo.

“Then today will be your first time. With me.”

Ngumiti si Dave kay Kalina na siyang pilit ngumiti sa kaniya pabalik.

Dumating sila at agad pinagsilbihan ng mga staff.

Nilibot ni Kalina ang paningin sa paligid. Modern and classy interior. Not bad but not very great as well, in her opinion. But—oh, well. Probably she’s just being biased. “Valvares Cuisine is still better,” bulong niya sa sarili.

“Ano ‘yon? Sorry, were you talking to me?” tanong ni Dave na nasa harap niya. Hindi nito narinig ang kaniyang inusal. Buti na lang.

“Ah. No. I’m talking about the place. Sabi ko maganda. Masarap din ang mga pagkain dito, for sure.”

“Glad you like it,” sagot nito at inabot ang menu sa waitress. “I ordered our famous and best dishes here. Alam kong magugustuhan mo iyon.”

Sumang-ayon si Kalina. Umiwas siya ng tingin at pasimpleng napakagat sa ibabang labi. Pakiramdam niya ang sama niya. Ang peke niya masyado at ang tipid makitungo sa lalaki. Samantalang ito, talagang nagbibigay effort para mapalapit sila.

“Teka, kapatid mo ‘yon ‘di ba? What’s her name again?”

Natasha?

Lumingon si Kalina sa tinitignan ni Dave.

Si Natasha nga!

Nagtama ang paningin nila. Ngumiti sa kaniya si Natasha at nagsimulang maglakad papunta sa pwesto nila.

“Oh, my gosh! What a coincidence.”

Tumayo si Dave at nilahad ang kamay para makipag-shake hands. “Hi, I’m Dave Gomez. Fiance ng ate mo.”

“Of course I remember! I am Natasha De Vera. Nagkita na tayo sa family gathering noong nakaraan.” Matamis ang ngiti ni Natasha nang tanggapin ang kamay ni Dave. Tumagal ng ilang segundo na magkahawak ang kamay nila bago kumalas sa isa’t isa.

Nanatiling nakaupo si Kalina, mabusising pinagmamasdan ang kilos ni Natasha. Nagdududa siya sa biglang pagsulpot nito. “Why are you here?”

“H-Ha?” Hindi inasahan ni Natasha ang naging tanong niya.

Mabilis nitong nabawi ang pustura. “Gusto ko lang kumain sa labas. I heard this restaurant is the best in this area so I have to try.”

“Mag-isa ka lang? You can join us,” alok ni Dave.

“Really? I’d love to!”

“Okay lang ba sa ‘yo, Kalina?” paghingi ng permiso ng lalaki.

Alam niyang siya ang magmumukhang masama kung hindi siya papayag.

“Sure.”

Iyon nga ang nangyari. Tatlo silang sabay kumain. Magkatabi si Dave at Natasha sa harap niya. Mukhang close na agad sila. Masayang nakikipag-usap si Natasha kay Dave at tumutugon naman ang huli. Para silang may sariling mundo at nakalimutan siyang tahimik lang kumakain, kasama pa nila.

Noong matapos silang kumain, nagpresenta si Dave na ihatid ang kapatid niya pero tumanggi si Natasha.

“Nag-enjoy ako today. Thank you so much, Dave. Nice meeting you.”

Nakita niya kung paano paglandasin ni Natasha ang kamay nito sa braso ni Dave bago umalis. Hindi man lang nakuhang magpaalam sa kaniya.

ISANG buwan bago ang kasal. Patuloy ang pagkikita ni Kalina at Dave sa nagdaang buwan pero ngayon ay madalang na lang. Pareho silang busy sa pag-aasikaso sa kanilang nalalapit na kasal.

Private wedding ang naging plano. Limitado lang ang iimbitahang mga guest. Pabor ‘to kay Kalina. Ayaw niya ng sobrang daming tao at engradeng selebrasyon.

Bukod pa ro’n, abala rin siya sa pag-aasikaso sa kaniyang trabaho.

“Grabe ka, Kalina. Goal mo ba na maging employee of the month? Na naman?” Biro ng officemate niyang si Julius. “Talagang mapo-promote ka na niyan.”

Promote? Baka kamo magre-resign.

“Nga pala, nag-email sa akin si Sir Cain tungkol sa proposal na pinagawa niya. Hinihingi na. Nabigay mo ba? Baka uminit ang ulo kapag pinaghintay.”

“Yes. Don’t worry. Nabigay ko na kanina—huh?” Nasa lamesa niya pa ang proposal! Paanong—ano ang naibigay niya kanina?

Hinalughog niya ang iba pang papeles sa ibabaw ng desk niya at isa lang ang nawawala. Napatampal siya sa noo. Aksidente niyang napagpalit ang proposal na gawa niya at mga papel na tungkol sa kasal. Iyon ang binigay niya kay Cain!

“Oh, bakit—”

“Nagkamali ako.” Dinampot ni Kalina ang tamang dokumento at tumayo sa upuan.

“Lagot…” nag-aalala siyang tinignan ng katrabaho. “Good luck!”

Tatlong beses siyang kumatok sa opisina ng kaniyang boss. Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot.

“Come in.”

“Sir.”

“What brought you here?”

“Tungkol po sa marketing proposal…” maingat na ini-slide ni Kalina ang itim na folder sa lamesa ni Cain. “Ito po ‘yon.”

Nag-angat ng tingin ang lalaki mula sa binabasang mga papeles saka kinuha ang folder. Saglit niyang binuklat ang mga pahina bago itabi sa gilid kasama ang iba. May kinuha ito sa drawer na inabot niya kay Kalina.

Nakakunot ang noo ng lalaki. “You gave me the wrong documents earlier. Paano kung iyon ang na present ko sa mga investor? Sa susunod, siguraduhin mo muna.”

“Understood. Hindi na mauulit.” Niyakap ni Kalina ang folder.

Iyon na ‘yon? Himala ata hindi sobrang nagalit. Maganda ang gising?

At hindi ba nito nabasa ang laman ng folder? ‘Di siguro. Wala naman itong sinabi. Kung nabasa niya… eh ano naman.

“Mauna na po ako.”

Nakatalikod na si Kalina nang tawagin muli siya ni Cain.

“Is someone—I mean, are you… you’re getting married?”

Nabasa niya.

Nakita niya ang loob ng folder. Nandoon kasi ang mga gowns na pinagpipilian niya. Pati decorations, designs, wedding venues, at iba pang essential sa kasal.

Humarap muli si Kalina sa kaniyang boss at tipid na ngumiti. “Opo,” pag-amin niya. Itatanggi niya pa ba kung nakita na lahat ng ebidensya.

Ayaw niya sanang ipaalam sa kahit sino sa opisina. Wala siyang inimbita ni isa rito… pero ngayong nalaman na ng boss niya, nakakahiya naman kung hindi niya ito sasabihang pumunta.

Lumapit siya para magsulat sa sticky note na nakita niya. Doon niya sinulat ang date, address, at ilang importanteng detalye ng kasal. Muli siyang tumayo ng tuwid pagkatapos. “Sorry po, wala akong dalang invitation at this moment. But if you have time please feel free to come.”

“Congratulations on your upcoming wedding.”

“Thank you.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 23

    Halos magkandaduling-duling si Kalina sa pagtingala sa mukha ni Cain. Sa lapit nito, kaunti na lang ay magkakapalit na ang mga mukha nila. Nahigit ang hinga niya hanggang sa masinok siya. Ngumisi si Cain. Lumayo si Kalina sa kaniya at umatras. Mabilis at sunod-sunod ang naging pag-iling niya. “H-Hindi ko na pala gustong malaman… Hik!” Tinakpan niya ang bibig habang patuloy pa rin sa pagsinok. “You sure?” nakangising tanong ni Cain, tumaas pa ang isang kilay. Ilang ulit siyang tumango, ang mga kamay ay nakatakip pa rin sa bibig. Susuray-suray siyang lumayo saka lang huminto nang masigurong ilang metro na ang pagitan nilang dalawa. “Huwag kang lumapit! Baka—hik—may makakita sa atin.” “May nakikita ka bang hindi ko nakikita?” Nilibot ni Kalina ang paningin sa paligid. Wala na palang tao maliban sa kanila. Tahimik ang kalsada at may iilan lamang dumadaan na sasakyan. Pakiramdam niya umiikot ang paligid kaya muntik na siyang matumba, mabuti at nakaawak agad siya sa poste sa gilid

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 22

    “Miss Kalina? Akala ko po hindi ka iinom?” “Akala ko rin.”“Ano po ulit? ‘Di ko masyadong narinig.” “Wala, Marie. Pakiabot ng bote, please.”Bagamat nagtataka, sumunod si Marie. Binigay niya kay Kalina ang panibagong bote ng wine sa tabi niya.“Magda-drive ka pa pauwi. ‘Wag kang magpakalasing,” nag-aalalang paalala ni Julius.Nagpapakalasing… siya? Bakit nga ba siya nagpapakalasing?Nagsalin siya sa glass niya. “Ikaw na nga ang nagsabi, Julius. Sometimes I need to enjoy myself. ‘Di ba?” Napakamot sa ulo ang lalaki. “Iyon nga ang sinabi ko. Pero wala akong sinabing uminom ka ng marami. Nakaubos ka na ng tatlong bote oh. Ngayon umiinom ka na naman ng isa pa.”Nilagok ni Kalina ang wine at ninamnam ang lasa. Napapikit siya at ngumiti ng malawak pagkatapos. “Ah. This tastes good.” Muli niyang pinuno ng wine ang baso niya. “Bakit pinapanood n’yo lang ako? Drink with me! Masarap. Bilis, tikman n’yo!”Nagkatinginan si Julius at Marie. Lasing na si Kalina. Confirmed.Mamula-mula na ang pis

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 21

    Kumpleto na ang mga empleyado sa loob. Ilang mahahabang lamesa rin ang nandoon. Malaki ang private room na ito, parang isang buong restaurant na kung tutuusin. Lugar talaga para sa mga gatherings katulad nito. “Kalina! Dito!”Nilibot ni Kalina ang paningin niya hanggang sa makita si Cain na nakaupo na sa gitnang lamesa. Kasama sa lamesang 'yon sina Julius na agad siyang pinaypayan para lumapit.“Sakto ang pagdating mo, kararating lang ni Sir,” ngiting bulong ni Julius. “Tinabi kita ng upuan.”Tahimik na umupo si Kalina, ang upuan niya ay pinagigitnaan nina Julius at Marie.Sa lamesa rin nila nakapwesto sila Suzy na pagpasok pa lang ni Kalina sinusundan na nila ng masamang tingin.Si Theo rin nandoon, nakaupo siya sa tabi ni Cain. Pasimple itong ngumiti at tumango sa kaniya. Pagkatapos, tumayo ito saka tinawag ang atensyon ng lahat.“Okay, everyone! I think we are complete,” panimula ni Theo. “Ngayong gabi, as we celebrate, let us enjoy ourselves! Alisin muna sa isip ang mga related s

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 20

    May benefit din pala ang kadaldalan ni Theo. Naging madali ang paghanap ni Kalina sa pantry ng kanilang floor. Doon siya gumawa ng kape na inutos sa kaniya. Wala tao sa loob kaya mabilis siyang natapos.Maingat pero dali-dali niya ‘yong dinala sa office.“Here’s your coffee.”“Just put it down here.” Nagsalita si Cain habang may pinipirmahang mga dokumento.Sa paglapag ni Kalina ng tasa, tumingin ito sa kaniya.“Nasaan na ang mga papel na inutos ko?”Napakunot ang noo ni Kalina. Agad-agad? Wala pa man lang kalahating oras simula noong lumabas siya. Minuto pa lang! Ano siya, may powers? Dalawa lang kamay niya ‘no.“Gagawin ko pa lang…”“Tss.” Bumalik ito sa ginagawa.Yumuko naman si Kalina saka lumabas. Binalikan niya ang iniwan sa pantry at buong lakas na binuhat ‘yon. “Saan nga ulit nakalagay ‘yong printer…” inalala niya ang mga sinabi ni Theo hanggang sa makita niya, “ayon!” Pinagpipindot niya ang printer pero hindi gumana. Tinignan niya pa dahil baka ‘di lang na on or baka nakahu

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 19

    “Akin na ‘yang dala mo, tulungan kita,” presenta ni Theo.Iniwas ni Kalina ng kahong hawak niya. “Ayos lang, kaya ko na. Magaan lang naman.”“Sure ka?” paninigurado nito.Tumango si Kalina.“Okay, sige. Sabi mo ‘yan, ah!” Hindi na nagpumilit si Theo dahil nakita naman niyang kayang-kaya ni Kalina ang buhat. “Ako muna ang magiging tour guide mo. Sinabihan ako ni Boss Cain na asikasuhin kita, may ginagawa pa kasi siya at abala na ang lahat ngayon.”Dumaan sila sa pangkalahatang opisina ng mga regular employees under the executives. Binabati sila—o mas maiging sabihing si Theo lang—ng bawat isang madadaanan nila.Mukhang sikat ang lalaking ‘to. Kilala niya at kinakausap lahat.Pagkatapos nilang daanan ang mga tao, siya naman ang dinaldal ni Theo. Literal na naging tour guide ang lalaki, lahat ng bagay pinapakita sa kaniya.“Nandito sa 20th floor halos lahat ng executive leadership team,” paliwanag nito. “Katulad ng ibang offices sa other floors, may sarili rin tayong pantry. Kung gusto m

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 18

    Natapos ang meeting at lumabas na ng hall si Kalina. Aasikasuhin niya na ang mga gamit niya para sa paglipat sa Executive Department.Pagkapasok niya sa marketing office, bumungad agad sa kaniya ang grupo ni Suzy na mukhang kanina pa siya inaabangan.“Excuse me,” kalmadong ani Kalina. “Nakaharang kayo sa daan, papasok ako.”“Paano kung ayoko?” nang-aasar na sabi ni Suzy. Ngumisi ang dalawang alipores nito na nasa magkabilang gilid niya.“I don’t have time for immature banter like this, Miss Suzy.” Seryoso ang mukha ni Kalina.Nanggalaiti si Suzy sa narinig. Parang umusok ang ilong niya. Sabihan ba naman siyang immature?! Sa paningin niya, mas mataas siya kay Kalina kahit pa ang iba ay nirerespeto talaga si Kalina sa opisina. “You!” dinuro niya ang kaharap. “How dare you call me immature?!”Bumuntong hininga si Kalina, sinusubukang habaan ang pasensya. Sa ginagawang iyon ni Suzy, mas pinapatunayan niya lang sa sariling i

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status