Ang kasal ay isang sagradong seremonya. Halos lahat ng kababaihan ay pinapangarap itong maranasan… ang maikasal sa lalaking mahal nila, magkasamang bumuo ng pamilya, at mamuhay ng masaya.
Subalit hindi naman lahat ng babae ito ang gusto. May iba na mas gustong mag-isang tumanda. Mayroong mga ayaw mag-asawa. Dito kabilang si Kalina. Masaya na siya kahit mag-isa. Simpleng buhay lang ang gusto niya. Basta’t nakakasurvive siya, ayos na. Kung mangangarap man siya, ‘yon ay hindi ang maikasal kundi tungkol sa kaniyang promotion sa trabaho. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kalina. Kanina pa siya ‘di komportable habang lulan ng kotse na magdadala sa kaniya sa simbahan. Mahigpit at hapit sa katawan ang suot niyang puting gown. Mahaba ito, malaki, at makati sa pakiramdam. Namamawis na ang kamay niya kaya nasa hita niya muna nakapatong ang isang bouquet. Maganda itong tignan dahil sa iba’t ibang uri ng bulaklak na pinagsama-sama. Matabang siyang napangiti. Sa kasal din naman pala ang hantong niya. “Miss Kalina, ayos ka lang ho ba?” Si Manong Sandro ang nagtanong, ang family driver nila. Tila nag-aalala ito habang naka sulyap sa salamin ng sasakyan. Bahagya siyang tumango. “Ayos lang po.” Nakita niya ang sarili sa rearview mirror. Makapal ang make up niya na bumagay naman sa kaniya. Ang buhok niya ay naka-bun ang style na may ilang hiblang nakakawala sa gilid ng kaniyang mukha. Samantalang magardo namang nakakabit sa likod ng kaniyang ulo ang veil. Panibagong buntong hininga ang pinakawalan ni Kalina. Talagang ikakasal na nga siya ngayong araw. “Normal lang ‘yang kabahan,” tawa ni Manong Sandro. “Oh, oo nga pala kanina may nag-abot sa akin nito. Ang sabi regalo raw sa ‘yo.” Tinanggap ni Kalina ang puting envelope na inabot nito. “Kanino po galing?” “Hindi ko kilala kung sino eh,” sagot ni Manong Sandro habang nasa daan ang atensyon. Tumango si Kalina at napatitig sa hawak. Sino kaya ang nagbigay ng sobreng ito? Mamaya pagkatapos ng kasalan susundan ito ng reception at pwede namang doon personal na iabot sa kaniya ang regalo. Bakit ngayon agad gayong hindi pa nga natatapos man lang ang seremonya? Dahil curious si Kalina sa laman ng puting envelope, agad niya rin itong binuksan. “A-Anong…” Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. “Totoo ba ‘to?” Larawan ang nasa loob ng sobre. Hindi lang basta pictures kundi pictures ng mapapangasawa niya kasama ang kaniyang half sister! “D-Dave at… si N-Natasha?” hindi siya makapaniwala. Base sa pictures, nagtatago sa malayo ang kumuha nito at walang kaalam-alam ang dalawa. Hindi ‘to kinuhaan ng iisang araw lang dahil magkakaiba ang itsura ng dalawa kada litrato. Marami ang pictures, iba-iba ang anggulo. Mayroong magkasama kumakain ang dalawa. Namamasyal. Magkayakap, magkahawak ang mga kamay, may naghahalikan pa. At ang pinakamalala sa lahat, magkatabing natutulog sa iisang kama habang walang saplot. Mabusisi niyang pinagmasdan ang mga larawan. Malalim ang kunot ng noo niya. Hindi siya nagkakamali, sila nga ‘to. Ilang buwan pa lang nang ma-engage si Kalina at Dave. Arrange marriage ito sa pagitan ng kanilang pamilya. Minadali masyado ang kasal nila. Walang gaanong bisita at malalapit lang na kapamilya at kakilala ang imbitado. Hindi personal na magkakilala si Kalina at si Dave. Nagkakilala lang sila dahil sa kasunduang kasal. Sigurado si Kalina na gano’n din si Dave at Natasha… siya ang dahilan kung bakit nagkakilala ang dalawa. Ibig sabihin ba nito ay pinagtataksilan siya ng dalawa sa mga panahong naghahanda sila sa kasal? “Nandito na tayo.” Malalim at mabilis ang paghinga ni Kalina. Sinilip niya ang simbahan sa labas ng bintana. Hindi niya ginusto ang kasal na ‘to. Mas lalong ‘di niya mahal si Dave na noong kailan niya pa lang nakilala. At si Natasha… paano niya naatim na makipagrelasyon sa lalaking ipapakasal sa ate niya?! Mabibigat ang kaniyang hakbang papalapit sa nakasaradong pinto papasok sa pagdarausan ng kasal. Ang magiging kinabukasan niya ang naghihintay sa likod malaking pintong iyon. Matatali siya sa isang lalaki pang habang buhay. At ang lalaking ‘yon pati ang kapatid niya ay niloloko siya. Sa loob ng simbahan, maririnig ang karaniwang tunog na ginagamit sa kasalan. Humigpit ang kapit niya sa bouquet nang tuluyan siyang makalapit sa tarangkahan. Mariin siyang napapikit at ilang sandali bago ito tuluyang bumukas, nakapagdesisyon siya. “Hindi ito ang buhay na gusto ko…” bulong niya sa sarili kasabay ng pagtakbo palayo. Narinig niya pang tinawag siya ni Manong Sandro pero hindi niya ito pinansin. Tuluyang bumukas ang pinto, lahat ng tao sa loob ay nag-aabang kay Kalina na pumasok, ngunit ang tangi nilang naabutan ay ang bouquet na naiwan sa sahig. Tumakbo nang tumakbo si Kalina. Sinundan niya ang path papunta sa main road. Wala na siyang pake kung ano ang itsura niya ngayon. Basta kailangan niyang umalis! Napasigaw siya at nadapa sa kalsada. Dahil sa biglaan niyang pagtawid, muntik na siyang masagasaan. Mabilis nakahinto ang sasakyan bago pa ito tuluyang mabundol si Kalina. Nagmamadaling lumabas ang driver nito. “Hey. Are you okay? Kailangan mo bang dalhin sa ospital—” “Kalina?” Napaangat siya ng tingin sa pamilyar na boses ng lalaki. “Sir Cain…” Napakurap-kurap si Kalina. Ito nga ang Boss niya. “Pumunta ka? Anong ginagawa mo rito?” Wala sa sariling niyang naisambit. “Inimbitahan mo ako, ‘di ba?” Oo nga’t siya ang nag-imbita. Pero hindi niya inaasahang pupunta talaga ang masungit na boss niya. “Ikaw ang anong ginagawa rito.” Tumingin siya sa relong suot. “Kasal mo. Bakit ka nandito?” Napatayo si Kalina. Humawak siya sa braso ni Cain. “Tulungan mo akong makaalis!” Hinahanap na siya ngayon panigurado. Kung wala pa siyang gagawin, makikita siya. “What?” “Nakikiusap ako. Parang awa mo na. Kailangan kong lumayo rito,” pagsusumamo niya. Litong nakatingin sa kaniya ang lalaki. “Please…” Sawakas, tumango ito. Inalalayan niya si Kalina papasok sa passenger seat ng kaniyang kotse. “Dadalhin kita sa ospital.” Nagpapasalamat si Kalina sa isip niya dahil nanatili itong tahimik habang nagmamaneho. Nang makalayo na sila sa simbahan saka lang muli nakahinga ng tuwid si Kalina. Naramdaman niya ang sunod-sunod na pag vibrate ng cellphone niya sa bulsa ng gown. 18 missed calls. 27 unread messages. Nag-ring ulit ang cellphone. Tumatawag ang kaniyang ama. Kagat labi niya itong sinagot. Pagtapat niya pa lang sa tainga, halos mabingi na siya sa sigaw na bungad nito. “Nasaan ka, Kalina?! Anong nangyari?!” Nanatili siyang tahimik, ‘di alam ang isasagot. Hindi niya alam kung anong paliwanag ang gagawin. Ano na lang sasabihin niya—na tumakas siya sa sariling kasal matapos matuklasan na niloloko siya ng fiance niya at kapatid? Maniniwala ba ang Papa niya? “Naghihintay lahat ng tao dito!” Halata sa boses ng kaniyang ama ang galit. Tumahimik sa kabilang linya, pagkatapos ng ilang segundo, nagsalita ulit ito sa mas mahinahong boses, “Saan ka nagpunta? Sabi ni Sandro umalis ka na lang bigla. Bumalik ka na rito.” “Ayoko po.” Buo ang boses ni Kalina nang sabihin iyon. “Anak? Anong ibig mong sabihin?” “Hindi po ako babalik dyan. Hindi ako magpapakasal.” “Kalina! Napag-usapan na natin ‘to. Ano bang nangyayari sa ‘yo? Pumayag ka na sa kasal, ngayon ka pa aatras?” “Ayokong magpakasal sa manlo—” nauglot ang sasabihin niya nang may magsalita sa kabilang linya. “Ate! Bakit mo ba ginagawa ‘to?! Kawawa si Dave, mag-isa sa altar. Mapapahiya siya kung hindi ka darating.” Si Natasha. Humigpit ang kapit niya sa cellphone. ‘Ang kapal ng mukha mo. Manloloko kayong dalawa! Mga cheater!’ Pinigilan ni Kalina ang sariling masabi ang laman ng isip niya. Nagsimulang magluha ang mga mata niya—hindi dahil sa lungkot bagkus sa frustration. “Ganyan ka ba talaga, Ate? Wala ka man lang bang konsensya? Iiwan mo lang sa ere si Dave?” Nagpantig ang tainga niya. That’s it. Naubos nang tuluyan ang pasensya niya. “Talaga? Ako pa ngayon ang walang konsensya? Oh, shut up.” Tumawa siya kahit patuloy sa pagluha ang mga mata. “Kung gusto mo, edi ikaw ang magpakasal sa kaniya!” “A-Ano?” Tila paiyak na ang boses ni Natasha. “Ate, nag-aalala lang naman ako…” Boses ng Stepmom niya ang sunod niyang narinig. “Wala ka talagang utang na loob ‘no? Dapat nga matuwa ka pa dahil ipapakasal ka sa mayamang pamilya ng tatay mo kahit nilayasan mo kami. Pati ang kapatid mong genuine lang ang hangad, ganito ang ginagawa mong pagtrato!” Genuine? Ha! Pinababa niya ang tawag. Sunod-sunod tumulo ang mga luha ni Kalina. Nagagalit siya. Naiinis. Kumukulo ang dugo niya. Nababanas siya sa sarili kung bakit niya ba kasi tinanggap ang kasal na ‘to. Napahagulgol siya sa kaniyang mga palad dahil rami ng emosyong nararamdaman. “Here. Tissue.” Natauhan siya. Katabi niya nga pala ang Boss niya. Mabuti hindi naka loudspeaker ang tawag at siya lang ang nakarinig no’ng mga sinabi sa kabilang linya. Iwas tingin niyang tinanggap ang binigay nitong box ng tissue at tinuyo ang mga mata. “Salamat.” “Hmm,” tanging tugon nito. Sandali itong tumingin sa kaniya saka bumalik ang tingin sa harap. Parang may malalim na iniisip. “I have an offer,” kalaunan ay dagdag ng lalaki. “Gusto mo bang tulungan kita?” Natigilan si Kalina at napatingin kay Cain. “Paano?” “Marry me instead.”“Boss Cain! Dito na ‘ko. Ba’t mo ba ako pinapapunta? ‘Wag mong sabihing mag-iinuman na naman tayo? Aba, ayoko na! May hang over pa nga ako. Saka saan mo gagamitin ‘yong mga requirements para sa marriage license na pinapahanda mo? Ano, ikakasal ka ba—what the heck?!”Natigil ang maingay na bunganga ng lalaking kararating lang nang sawakas ay tumingin ito sa kinaroroonan nina Cain at Kalina. Wala siyang tigil kasasalita nang hindi man lang napapansin ang dalawa. Ngayon, hindi ito magkandaugaga. Palipat-lipat ang tingin kay Cain at Kalina na pareho pa ring nakaupo sa sofa.“Boss… bakit gan’yan suot mo?” Tinuro niya si Cain pagkatapos ay si Kalina naman. “May babae… naka-gown. Ikakasal ka nga?! Totoo ba ‘tong nakikita ko? Lasing pa ba ‘ko?”“You are not hallucinating, Theo,” pangungumpirma ni Cain. “This is Kalina. She’s working in my company. And, well, I think you know her.”“Syempre! Kilala ko si Kalina.” Lumapit siya kay Kalina at nakipagkamay. “I know you. Marami akong naririnig sa
BUMALIK sa ulirat si Kalina nang huminto ang sasakyan. ‘Di niya namalayang nakarating na sila. Kanina pa nasa malayo ang isip niya, binabalikan ang mga nangyari noong mga nakalipas na buwan. Ang bilis ng mga naging kaganapan. Ang daming nangyari.Parang no’ng nakaraan lang, normal pa ang buhay niya. Tapos bigla siyang napilitang bumalik sa dati niyang pamilya at pinagkasundong ikasal sa isang lalaki. Suddenly, she learned that her supposed husband and her half sister were cheating on her. And now… she’s here. With her boss.“Nasaan tayo?”Bumababa sila sa parking lot ng mataas na gusali.“My space.”“Akala ko sa ospital mo ako dadalhin?”“Mukhang hindi naman kita napuruhan. Wala kang sugat o gasgas na natamo.” Tumigil maglakad ang lalaki at hinarap siya. “Ayos ka lang, 'di ba?”“O-Oo, ayos lang naman,” alanganing sagot ni Kalina na sinabayan ng tango.Nagpatuloy maglakad si Cain. Nakasunod lang si Kalina sa likod niya. Seryoso ba ang boss niya sa alok nitong magpakasal?No choice la
“Anong gusto mong flavor ng cake? They have chocolate, caramel, or you can say and request anything you prefer.”“Ikaw na lang mamili. Hindi ako kumakain ng cake.”Araw ng linggo. Walang pasok sa trabaho si Kalina. Magkasama sila ngayon ni Dave dahil may appointment sila para mamili ng mga putaheng ihahanda sa kanilang reception.Tumango si Dave sa naging sagot ni Kalina. Katulad ng nasabi, ang lalaki na nga ang nagdesisyon kung ano ang pipiliing mga handa. Mula main dishes, desserts, drinks, at iba pa ay siya na rin ang nagdesisyon. Minsan nagsu-suggest si Kalina kapag nagtatanong si Dave.“Nasubukan mo nang kumain o pumunta sa restaurants namin?” tanong ni Dave habang nagmamaneho. Tapos na sila sa kanilang schedule. Maglu-lunch naman sila.Umiling si Kalina. Ang mga Gomez, katunggali sila ng mga Valvares. Kapwa kilala ang dalawang apelyido sa kanilang ipinagmamalaking five star restaurants. Masyadong loyal si Kalina para sumubok ng ibang produkto at serbisyo ng kalabang negosyo.“Th
Isa-isang dumating ang mga pagkain. Lahat iyon ay mga paboritong putahe ni Kalina. Tanging tunog ng kanilang mga kubyertos ang namumutawi sa pagitan nilang apat. Hanggang sa basagin muli ni Mr. Alfred ang katahimikan.“How are you doing lately?” tanong para kay Kalina.Nilunok muna ng huli ang pagkaing nasa bibig bago malumanay na sumagot. “Okay naman. Mas maayos kaysa noong nandito ako.” Nakatanggap iyon ng sarkastikong tawa mula sa ginang. “Good to hear that. We’re also fine without you. Much better if I could say,” she said. Nag-uuyam ang tono.Hindi man lang ito nagbago. Siyang siya pa rin ang stepmother ni Kalina na labis ang galit sa kaniya. Kahit nananahimik ang batang Kalina at walang ginagawang masama, lagi itong may napupuna. Laging hinahanapan ng kamalian si Kalina. Palibhasa alam niyang sa paningin ng kaniyang asawa, ang anak nitong si Kalina ang pinakamamahal nito. ‘Di hamak na higit kaysa sa pagmamahal nito sa kaniya o kaya sa anak nilang si Natasha.Tumikhim ang padre
PAANO ba humantong sa ganito ang lahat? Apat na buwan bago maganap ang kasal… Napaigtad si Kalina sa gulat. Malakas na binagsak ni Sir Cain sa lamesa ang folder na inabot niya. Napakagat siya ng labi at napayuko. Tsk. Mali na naman ba? “What’s this? A trash?” pang-iinsulto ng Boss niya. “Ang tagal mo nang ginagawa ang trabahong ‘to hanggang ngayon mali-mali ka pa rin. And you are my best employee? Really? Kahit baguhang intern kaya ‘tong gawin. Pinapatunayan mo lang na hindi bagay sa ‘yo ang parangal na nakuha mo.” “Sinunod ko lang naman po ang instruction ninyo.” “Sumasagot ka pa?” “Sorry, sir.” Tinikom niya ang bibig at hindi na nagreklamo. “Uulitin ko na lang po.” “As you should. Kailangan ko ‘yan ngayong araw.” “Yes, sir.” Tumango si Kalina sabay kuha pabalik ng pinasa niyang dokumento. Kailangan niya na namang mag-overtime sa trabaho. Kahit dismayado, taas noo siyang lumabas sa opisina ng kanilang COO. Maayos ang kaniyang tindig at napaka presentable niyang tignan sa
Ang kasal ay isang sagradong seremonya. Halos lahat ng kababaihan ay pinapangarap itong maranasan… ang maikasal sa lalaking mahal nila, magkasamang bumuo ng pamilya, at mamuhay ng masaya. Subalit hindi naman lahat ng babae ito ang gusto. May iba na mas gustong mag-isang tumanda. Mayroong mga ayaw mag-asawa. Dito kabilang si Kalina. Masaya na siya kahit mag-isa.Simpleng buhay lang ang gusto niya. Basta’t nakakasurvive siya, ayos na. Kung mangangarap man siya, ‘yon ay hindi ang maikasal kundi tungkol sa kaniyang promotion sa trabaho. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kalina. Kanina pa siya ‘di komportable habang lulan ng kotse na magdadala sa kaniya sa simbahan.Mahigpit at hapit sa katawan ang suot niyang puting gown. Mahaba ito, malaki, at makati sa pakiramdam. Namamawis na ang kamay niya kaya nasa hita niya muna nakapatong ang isang bouquet. Maganda itong tignan dahil sa iba’t ibang uri ng bulaklak na pinagsama-sama. Matabang siyang napangiti. Sa kasal din naman pala