LOGINBumalik ang dalawa sa mesa nila nang mapagod. Kapwa pa sila hinihingal sa nangyaring sayawan. “I’ll get us drinks,” paalam ni Cain. Tumango si Kalina at pinanood siyang maglakad patungo sa may counter. Habang naghihintay, may lalaking pumunta sa kanilang lamesa. Huminto ito sa harap ni Kalina at kinuha ang atensyon niya. “Hola, linda dama.” (Hello, pretty lady)Sinubukang ignorahin ni Kalina ang binata, tinuon niya ang atensyon sa stage. Kaya lang, makulit ang isang ‘to. Humarang itong muli sa tapat niya para bumalik ulit ang tingin sa kaniya.“Would you like to jam with us? My group will love to welcome you.” Tinuro nito ang lamesa sa kabilang gilid kung saan may tatlo pang lalaki ang nakapwesto. Nagsikawayan ang mga ito. “That friend in blue likes you.”“I’m not interested,” direkta niyang tanggi.“Give us a chance. You have caught our attention since you walked into this bar. You dance well, by the way.”“No is a no.” Hindi nagpatinag si Kalina. Hindi talaga siya interesado. Idag
Tinitigan ni Kalina ang repleksyon niya sa salamin. Sinubukan niyang ngumiti. Napakamot at napatabingi ang ulo. “Ano bang mali sa ngiti ko?”“Don’t smile like that. Just don’t.”Bumalik na naman sa isipan ni Kalina ang tagpong iyon. Mabilis niyang iwinaksi ang nasa isip. Tinapos niya na lang ang pag-aasikaso sa sarili. Pangalawang araw ngayon ng pamamasyal nila.Hinayaan niyang nakabuhaghag ang buhok niya at simple lang kolorete sa mukha. Naka-black fitted sleeveless top siya paired with high-waisted beige tailored trousers na nagdadagdag ng kaniyang clean and elegance look. Nagsuot din siya ng brown na sinturon at ini-style ang patterned silk scarf sa pamamagitan ng pagtali upang ipatong sa mga balikat niya. Outfit perfect para sa city stroll. Naghihintay sa sala si Cain. “Finally,” wika nito nang makitang lumabas na siya sa banyo.Napatitig siya sa lalaki. Para silang nag-usap sa suot nila. Naka-dark brown long-sleeve button-down ito, slightly unbuttoned. Ang attractive niyang
Nasilaw ang mga mata ni Kalina sa sunod-sunod na liwanag. Sinundan iyon ng tunog ng pag-click. Pagdilat niya, napapikit agad siya dulot ng flash. Pupungay-pungay siyang bumangon at umayos ng upo sa sofa.“Patas na tayo. You have my picture, I have yours.” Boses ni Cain. “Huh, teka lang. That’s unfair. Maayos ang picture ko sa ‘yo, nakangiti ka pa. Sa akin tulog?” Inayos niya ang buhok at kinapa ang mukha, baka mamaya may muta at tuyong laway pa siya. “At inamin mo rin na ako nga ang kinuhaan mo.”Opps…“Mag-ayos ka na. Don’t forget to bring your camera.” Para kay Mr. Valvares pala ang camera, kailangan nilang may mapakita sa matanda. Evidence ng pagiging mag-asawa at mapakitang nag-enjoy silang magkasama.Gaya ng napag-usapan nila kahapon, aalis sila ngayong umaga. Pang-apat na araw ng stay nila at sawakas, makakalabas na rin si Kalina! Tatlong araw pa ang natitira, siguraduhin niyang masulit ang natitirang oras. LUMIKO si Kalina at pumasok sa isang eskinita. Naglakad siya nang m
Tahimik ang buong flight. Inisip na lang ni Kalina na mag-isa siyang nagta-travel dahil gano’n din naman. Parang wala siyang kasama dahil sa katabi niyang walang imik. Parang siyang batang curious kalilingon sa bintana ng eroplano. Panay butingting din siya sa mga travel magazines at brochure. Kapag may hinahain na pagkain, kakain. Iyon ang pinagkaabalan niya lalo na dahil ‘di rin naman siya makatulog.Sinisiguro niyang kalmado at tahimik siyang kumikilos kahit pa hindi mapirme ang loob niya. Nakakahiya sa boss niya. Baka magulat ito kapag pinakita niya ang ganoong ugali. Busy si Cain na mukhang nagtatrabaho pa rin sa laptop niya habang may sariling mundo si Kalina.Halos isang araw ang oras ng buong flight nila. Sa pagitan ay may layover. Gayun pa man, walang sandaling naburyo si Kalina. Kahit matagal ang byahe, hindi ito alintana ng babae.At heto na nga ang pinakahihintay niya. “Ladies and gentlemen, welcome to Madrid, Spain. The local time is 5:00 a.m., where the weather is co
Nag-echo kay Kalina ang mga narinig niya. Plane tickets… Spain… One week…Dala ng excitement, hinablot niya sa kamay ni Cain ang papel at nakumpirmang totoo nga! Mas lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa tuwa.“Isipin ninyong dagdag regalo ko ‘yan,” malugod na ani Mr. Valvares.Napakagalante naman pala nito! Una, bahay—mansyon pa nga. Tapos ngayon, international trip. Iba talaga ang mayayaman.Huminga ng malalim si Kalina para pakalmahin ang sarili. Marahan niyang binaba ang sobre. Binigay ito ng ama ni Cain dahil ang buong akala nito, tunay silang mag-asawa. Kahit sobrang gusto niyang tanggapin ang bigay na ito, hindi ito tama. “Maraming salamat po pero hindi ko po ‘to matatanggap. Pasensya na po. May trabaho pa po akong maiiwan.” Pinasadahan niya ng tingin ang ticket. Nakakalungkot naman. Nasa harap na niya ang pangarap niya… Sa loob-loob niya, kinakausap na niya ang sarili niya. ‘Ayos lang ‘yan, Kalina. May sus
“Oh…” bahagyang nagulat si Mr. Valvares sa nadatnan pero lumiwanag kaagad ang mukha. Si Cain ang nabukas sa ama niya, si Kalina nasa gilid niya. Maliit lang ang uwang ng pinto, sakto lamang para makita ni Mr. Valvares ang kalagayan ng dalawa. Gulo ang itsura nila. Kung hindi mo alam ang nangyari kagabi ay iisipin mong iba nga ang nangyari. “Babalik na lang siguro ako sa susunod.”“Mr. Valvares!” Mas binuksan ni Kalina ang pinto nang akmang aalis na ang matanda.“H-Hindo po. Mali po ang iniisip ninyo.” “Did I unintentionally interrupt something?”Tumingin si Mr. Valvares sa anak niyang si Cain pagkatapos ay kay Kalina naman.Humakbang si Cain sa pagitan ni Kalina at ng kaniyang ama. Natago sa likod ng malaki niyang katawan ang babae.Bahagyang sumilip si Kalina at umiling. “Wala po! I swear, Mr. Valvares. Mali po kayo ng iniisip.”Naningkit ang mga mata ng matanda sa sinabi niya. “Ano bang maling iniisip ko hija?” umiling si Mr. Valvares at sumilay ang nanunuksong ngiti. “You’re m
Nakatingin si Kalina sa hagdan kung saan umakyat ang ginang.Bumuntong hinga si Mr. Valvares na siyang nagpabalik sa atensyon niya.“Pagpasensyahan mo na hija ang naging asal ng asawa ko. Cain is our only son so she’s protective. Malamang hindi pa niya lubos maisip na kasal na a
Nanlaki ang mga mata ng ginang. “Y-Your what?”“My wife, mom,” pag-uulit niya. “Kasal na kami. Siya ang asawa ko.” Tinaas ni Cain ang kamay nilang magkaholding hands para ipakita ang wedding ring na suot nila.“You got married?! K-Kailan pa? At bakit hindi mo ipinaalam sa amin?!
KINABUKASAN. Maagang nagising si Kalina ngunit hindi agad siya lumabas sa guest room kung saan siya natulog. Guest room lang ba talaga ‘to? Kasing laki na yata ito ng sarili niyang kwarto sa bahay niya. Malawak at may sariling banyo pa ang room. Hindi naman sa nagrereklamo siya. Maayos at kumport
Pumasok sila sa jewelry shop at binati naman agad sila ng mga tauhan sa loob. Nang marating nila ang tapat ng counter, may nilabas na maliit na red box ang babae. Isang ring box. Binuksan ‘yon ni Cain saka tumambad sa kanila ang magkapares na wedding ring. Simple lang tignan ang disenyo subalit







