Share

Chapter 23

last update Last Updated: 2025-09-22 23:59:15
Halos magkandaduling-duling si Kalina sa pagtingala sa mukha ni Cain. Sa lapit nito, kaunti na lang ay magkakapalit na ang mga mukha nila.

Nahigit ang hinga niya hanggang sa masinok siya.

Ngumisi si Cain.

Lumayo si Kalina sa kaniya at umatras. Mabilis at sunod-sunod ang naging pag-iling niya. “H-Hindi ko na pala gustong malaman… Hik!” Tinakpan niya ang bibig habang patuloy pa rin sa pagsinok.

“You sure?” nakangising tanong ni Cain, tumaas pa ang isang kilay.

Ilang ulit siyang tumango, ang mga kamay ay nakatakip pa rin sa bibig. Susuray-suray siyang lumayo saka lang huminto nang masigurong ilang metro na ang pagitan nilang dalawa. “Huwag kang lumapit! Baka—hik—may makakita sa atin.”

“May nakikita ka bang hindi ko nakikita?”

Nilibot ni Kalina ang paningin sa paligid. Wala na palang tao maliban sa kanila. Tahimik ang kalsada at may iilan lamang dumadaan na sasakyan. Pakiramdam niya umiikot ang paligid kaya muntik na siyang matumba, mabuti at nakaawak agad siya sa poste sa gilid
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 23

    Halos magkandaduling-duling si Kalina sa pagtingala sa mukha ni Cain. Sa lapit nito, kaunti na lang ay magkakapalit na ang mga mukha nila. Nahigit ang hinga niya hanggang sa masinok siya. Ngumisi si Cain. Lumayo si Kalina sa kaniya at umatras. Mabilis at sunod-sunod ang naging pag-iling niya. “H-Hindi ko na pala gustong malaman… Hik!” Tinakpan niya ang bibig habang patuloy pa rin sa pagsinok. “You sure?” nakangising tanong ni Cain, tumaas pa ang isang kilay. Ilang ulit siyang tumango, ang mga kamay ay nakatakip pa rin sa bibig. Susuray-suray siyang lumayo saka lang huminto nang masigurong ilang metro na ang pagitan nilang dalawa. “Huwag kang lumapit! Baka—hik—may makakita sa atin.” “May nakikita ka bang hindi ko nakikita?” Nilibot ni Kalina ang paningin sa paligid. Wala na palang tao maliban sa kanila. Tahimik ang kalsada at may iilan lamang dumadaan na sasakyan. Pakiramdam niya umiikot ang paligid kaya muntik na siyang matumba, mabuti at nakaawak agad siya sa poste sa gilid

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 22

    “Miss Kalina? Akala ko po hindi ka iinom?” “Akala ko rin.”“Ano po ulit? ‘Di ko masyadong narinig.” “Wala, Marie. Pakiabot ng bote, please.”Bagamat nagtataka, sumunod si Marie. Binigay niya kay Kalina ang panibagong bote ng wine sa tabi niya.“Magda-drive ka pa pauwi. ‘Wag kang magpakalasing,” nag-aalalang paalala ni Julius.Nagpapakalasing… siya? Bakit nga ba siya nagpapakalasing?Nagsalin siya sa glass niya. “Ikaw na nga ang nagsabi, Julius. Sometimes I need to enjoy myself. ‘Di ba?” Napakamot sa ulo ang lalaki. “Iyon nga ang sinabi ko. Pero wala akong sinabing uminom ka ng marami. Nakaubos ka na ng tatlong bote oh. Ngayon umiinom ka na naman ng isa pa.”Nilagok ni Kalina ang wine at ninamnam ang lasa. Napapikit siya at ngumiti ng malawak pagkatapos. “Ah. This tastes good.” Muli niyang pinuno ng wine ang baso niya. “Bakit pinapanood n’yo lang ako? Drink with me! Masarap. Bilis, tikman n’yo!”Nagkatinginan si Julius at Marie. Lasing na si Kalina. Confirmed.Mamula-mula na ang pis

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 21

    Kumpleto na ang mga empleyado sa loob. Ilang mahahabang lamesa rin ang nandoon. Malaki ang private room na ito, parang isang buong restaurant na kung tutuusin. Lugar talaga para sa mga gatherings katulad nito. “Kalina! Dito!”Nilibot ni Kalina ang paningin niya hanggang sa makita si Cain na nakaupo na sa gitnang lamesa. Kasama sa lamesang 'yon sina Julius na agad siyang pinaypayan para lumapit.“Sakto ang pagdating mo, kararating lang ni Sir,” ngiting bulong ni Julius. “Tinabi kita ng upuan.”Tahimik na umupo si Kalina, ang upuan niya ay pinagigitnaan nina Julius at Marie.Sa lamesa rin nila nakapwesto sila Suzy na pagpasok pa lang ni Kalina sinusundan na nila ng masamang tingin.Si Theo rin nandoon, nakaupo siya sa tabi ni Cain. Pasimple itong ngumiti at tumango sa kaniya. Pagkatapos, tumayo ito saka tinawag ang atensyon ng lahat.“Okay, everyone! I think we are complete,” panimula ni Theo. “Ngayong gabi, as we celebrate, let us enjoy ourselves! Alisin muna sa isip ang mga related s

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 20

    May benefit din pala ang kadaldalan ni Theo. Naging madali ang paghanap ni Kalina sa pantry ng kanilang floor. Doon siya gumawa ng kape na inutos sa kaniya. Wala tao sa loob kaya mabilis siyang natapos.Maingat pero dali-dali niya ‘yong dinala sa office.“Here’s your coffee.”“Just put it down here.” Nagsalita si Cain habang may pinipirmahang mga dokumento.Sa paglapag ni Kalina ng tasa, tumingin ito sa kaniya.“Nasaan na ang mga papel na inutos ko?”Napakunot ang noo ni Kalina. Agad-agad? Wala pa man lang kalahating oras simula noong lumabas siya. Minuto pa lang! Ano siya, may powers? Dalawa lang kamay niya ‘no.“Gagawin ko pa lang…”“Tss.” Bumalik ito sa ginagawa.Yumuko naman si Kalina saka lumabas. Binalikan niya ang iniwan sa pantry at buong lakas na binuhat ‘yon. “Saan nga ulit nakalagay ‘yong printer…” inalala niya ang mga sinabi ni Theo hanggang sa makita niya, “ayon!” Pinagpipindot niya ang printer pero hindi gumana. Tinignan niya pa dahil baka ‘di lang na on or baka nakahu

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 19

    “Akin na ‘yang dala mo, tulungan kita,” presenta ni Theo.Iniwas ni Kalina ng kahong hawak niya. “Ayos lang, kaya ko na. Magaan lang naman.”“Sure ka?” paninigurado nito.Tumango si Kalina.“Okay, sige. Sabi mo ‘yan, ah!” Hindi na nagpumilit si Theo dahil nakita naman niyang kayang-kaya ni Kalina ang buhat. “Ako muna ang magiging tour guide mo. Sinabihan ako ni Boss Cain na asikasuhin kita, may ginagawa pa kasi siya at abala na ang lahat ngayon.”Dumaan sila sa pangkalahatang opisina ng mga regular employees under the executives. Binabati sila—o mas maiging sabihing si Theo lang—ng bawat isang madadaanan nila.Mukhang sikat ang lalaking ‘to. Kilala niya at kinakausap lahat.Pagkatapos nilang daanan ang mga tao, siya naman ang dinaldal ni Theo. Literal na naging tour guide ang lalaki, lahat ng bagay pinapakita sa kaniya.“Nandito sa 20th floor halos lahat ng executive leadership team,” paliwanag nito. “Katulad ng ibang offices sa other floors, may sarili rin tayong pantry. Kung gusto m

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 18

    Natapos ang meeting at lumabas na ng hall si Kalina. Aasikasuhin niya na ang mga gamit niya para sa paglipat sa Executive Department.Pagkapasok niya sa marketing office, bumungad agad sa kaniya ang grupo ni Suzy na mukhang kanina pa siya inaabangan.“Excuse me,” kalmadong ani Kalina. “Nakaharang kayo sa daan, papasok ako.”“Paano kung ayoko?” nang-aasar na sabi ni Suzy. Ngumisi ang dalawang alipores nito na nasa magkabilang gilid niya.“I don’t have time for immature banter like this, Miss Suzy.” Seryoso ang mukha ni Kalina.Nanggalaiti si Suzy sa narinig. Parang umusok ang ilong niya. Sabihan ba naman siyang immature?! Sa paningin niya, mas mataas siya kay Kalina kahit pa ang iba ay nirerespeto talaga si Kalina sa opisina. “You!” dinuro niya ang kaharap. “How dare you call me immature?!”Bumuntong hininga si Kalina, sinusubukang habaan ang pasensya. Sa ginagawang iyon ni Suzy, mas pinapatunayan niya lang sa sariling i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status