FAZER LOGINNa-inggit ang lahat kung paano siya magmukhang isang 'phoenix' na biglang umangat mula walang-wala at naging isa sa pamilyang La Victoria.
Pero siya lang ang nakakaalam na ang tanging dahilan kung bakit tinanggap siya ni Rufus La Victoria ay para putulin ang relasyon nila ni Gavin sa pamamagitan ng pagpapanggap na magkapatid sila. Sa katunayan, gusto na sana niyang makipaghiwalay pagbalik nila sa mansyon. Pero ayaw pumayag ni Gavin. Sa halip, gabi-gabi niya itong pinipilit na makasama at nagkakaroon sila ng lihim na ugnayan. Hanggang sa huling taon niya sa kolehiyo, inanunsyo ang engagement ni Gavin at Sheena. Pinunit niya ang engagement dress na ipinagawa pa ni Gavin sa isang sikat na designer mula Milan para sa katunggali niya. Matapos siyang sampalin ni Gavin sa harap ng maraming tao, doon tuluyang nagwakas ang kanilang bawal na relasyon... Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang sunog noong engagement party. Ang nakita niyang paghakbang ni Gavin sa balikat niya para lang mailabas at mailigtas si Sheena sa bintana... Sa huling sandali ng buhay niya noon, doon lang niya naintindihan na si Sheena lang talaga ang minahal ni Gavin mula sa simula. At siya, isang bingi, pipi, at matabang babae na nakipagrelasyon sa kanya, ay naging isang malaking kahihiyan at mantsa na hinding-hindi na mabubura sa buhay nito. Hindi rin niya makalimutan ang party noong gabi bago ang engagement. Akala ng lahat ay hindi siya nakakarinig at hindi nakakapagsalita, kaya walang preno ang kanilang mga sinasabi sa harap niya. "Gavin, magpapakasal ka na kay Sheena, bakit hindi mo pa hiwalayan si Aurora?" "Tama nga naman, kahit maganda ang mukha, ang taba-taba naman ng katawan... parang nakikipagsiksikan ka sa baboy kapag kasama mo siya, hindi ba nakakadiri?" Inaasahan niya na gaya ng dati, ipagtatanggol siya ni Gavin at parurusahan ang mga nang-iinsulto. Ngunit ang sumalubong sa kanya ay ang mga salitang tumimo sa puso niya matapos ang mahabang katahimikan. “Nasaksihan ni Aurora ang dalawang taon na naging bulag ako. Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang pinakamahirap at pinakamahiyang bahagi ng nakaraan ko... nakakadiri. "Pero nandiyan siya noong mga panahong kailangan ko siya, kaya ituturing ko siyang kapatid at hinding-hindi ko siya iiwan. Pero... "Hinding-hindi ko pakakasalan ang isang bingi at pipi para maging Mrs. La Victoria." Sa sandaling iyon, bawat salitang binibitawan niya ay parang latigo na may tinik na humahampas sa dibdib niya. Sobrang sakit na halos hindi na siya makahinga. Pero hindi alam ni Gavin... na naririnig at naiintindihan niya ang bawat salita. Dahil simula pa lang, hindi naman talaga siya bingi at hindi pipi. Noon, nag-aral siya ng sign language at batas. Dahil karamihan sa mga kaklase at kaibigan niya ay may kapansanan sa pandinig, at dahil mahiyain siya at ayaw makihalubilo, nasanay siyang gumamit na lang ng senyas sa pakikipag-usap. Noong panahong iyon, bulag si Gavin at pabago-bago ang ugali; may mga pagkakataong gusto na lang niyang mawalan ng buhay. Ayaw niyang makita itong lugmok at nawawalan ng pag-asa, kaya nagpanggap siyang bingi at pipi. Araw-araw siyang nagsusulat sa palad nito para makipag-usap. Marahil ay naisip nitong pareho silang may kapansanan at naawa o nakaramdam ng simpatya, kaya unti-unti itong nagbukas sa kanya. Nang lumaon at gumaling na ang mata nito, gusto na sana niyang aminin ang sekreto at sorpresahin ito. Pero sa halip, bumalik na si Gavin sa pamilya at inayos na ang kasal nila ng pamilyang Tan. Wala na ring saysay na sabihin pa niya ang totoo... At ngayon— Sina Gavin at Sheena, ang tunay na nagmamahalan, ay tuluyan nang nagpakasal. Mabuti na lang din. Para bang bumalik lang ang lahat sa simula. Parang hindi naman dumaan o naging bahagi si Aurora sa buhay ni Gavin. Katulad na lang ngayon ni Ophelia, kung magkikita man sila ulit, magiging estranghero na ang turingan nila sa isa't isa. Pinunasan niya ang mga luhang di namalayang tumulo na pala sa kanyang mukha, at nang tumalikod siya ay aksidente siyang nabangga ang isang matigas at mainit na dibdib. Naramdaman niya ang pamilyar at preskong amoy na parang damo at kahoy. Natigilan si Ophelia. Nang mag-angat siya ng tingin, nagtama ang kanilang mga mata—madilim at malalalim. Si Gavin... Sa sandaling iyon, sobrang lapit nila sa isa't isa. Halos dumikit na ang dibdib niya sa malapad at matigas na dibdib nito. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan at ang banayad na paghinga nito. "Bitawan mo ako." Nang magising siya sa malalim na pag-iisip, narinig niya ang malamig na boses ni Gavin. Napansin niyang mahigpit pala ang hawak niya sa manggas ng damit nito. "P-pasensya na..." Mabilis siyang umatras ng dalawang hakbang. Labis ang kaba niya sa diddib dahilan para mautal siya. Hindi mapigilan ni Gavin ang muling pagsulyap sa kanya. Nahagip ng tingin niya ang mga matang luhaan at puno ng emosyon, at bahagyang kumunot ang noo nito. Pero mabilis din itong umiwas ng tingin. Akala ng pulis ay umiiyak lang siya dahil sa takot na managot, kaya inalo siya nito. "Huwag po kayong matakot, Miss. Pumayag na po si Mr. La Victoria na ayusin na lang ito. Halina po tayo sa mediation room." ... Mediation Room Matalim ang tingin ni Rafael kay Ophelia na nakayuko lang at tahimik. "Ikaw babae ka! Sinadya mong sirain ang bar ko! Ilang daang libo ang nawala sa akin sa isang gabi lang, kaya mo bang bayaran 'yan ha?!" Dahan-dahang inangat ni Ophelia ang tingin. Hindi niya pinansin si Rafael na halos mautal na sa galit, sa halip ay tumingin siya kay Gavin. Nakayuko lang ang lalaki at hindi siya tinatapunan ng tingin. Dahan-dahan lang nitong hinahaplos ang pulseras na gawa sa tali na kulay pula sa pulso nito—isang bagay na tila hindi bagay sa kanyang estado. "Ayon sa Artikulo 154, Revised Penal Code, pinaparusahan ang pagpapakalat ng mga maling balita o ulat na nagdudulot ng kaguluhan, takot, o pinsala sa kaayusan ng bayan. Ang parusa ay multa o pagkakakulong."Napabuntong-hininga nang malalim si San Dieago, at nang subukan niyang abutin ito, mabilis ngunit malamig na umiwas si Ophelia.Itinaas ni San Dieago ang kanyang kilay. “Ophelia, huwag nating kalimutan na may ugnayan pa rin tayo bilang guro at mag-aaral. Tunay kong inaalagaan ang iyong kapakanan.”“Salamat. Wala na po akong ibang sasabihin, aalis na ako.”Pagkasabi nito, agad siyang tumalikod at umalis nang hindi na naghihintay ng anumang tugon.Isinara ni San Dieago ang pinto ng kanyang tanggapan, mabilis na kinuha ang kanyang telepono, at tumawag.“President Willam, dumating ngayon si Atty. Mendoza sa opisina. Inihanda pa niya ang halagang 600,000 pesos bilang kabayaran kung sakaling labagin niya ang kasunduan. Sa palagay mo ba ay dapat pa nating ipagpaliban ang pagproseso ng kanyang pagbibitiw?”“Kahibangan! Si Ophelia ay taong kinagigiliwan ni Mr. La Victoria. Kung hahayaang umalis si Ophelia, hindi natin matiyak kung maaari pa nating maibago ang ating kasunduan sa La Victoria Gro
Nagsalita siya na parang tiyak na tiyak na tatanggapin nito ang pagtatrabaho sa kumpanya. Ang tono ay parang amo na nakikipag-usap sa tauhan. Walang pasabi, ipinatong niya ang telepono sa kamay nito."Lumabas ka na. Si Luke ang aasikaso sa iyong pagpasok."Pagkasabi nito, tumalikod na ang lalaki at bumalik sa kanyang mesa.Nanginginig ang mga daliri ni Ophelia habang mahigpit na nakakapit sa kahon halos matusok na ito sa lakas ng hawak.Wala pa ring pinagbago. Ganoon pa rin ang paraan nito. matapang at mapag-utos. Sanay na yata sa mataas na katayuan at inaakalang kapag nagbigay ng pabor, ay dapat na labis na magpasalamat ang sinumang tatanggap nito.Ngumiti na lamang si Ophelia. Dahan-dahang lumuwag ang kanyang kapit. Bumagsak ang kahon ng telepono sa sahig nang may malakas na kalampag.Sa narinig na tunog, lumingon si Gavin. Ang nakita na lamang niya ay ang payat nitong likuran habang naglalaho sa pintuan. Nang makita ang kahon sa sahig, nagdilim nang husto ang kanyang mukha tila mai
Sa pagkarinig ng mga salitang iyon, lalong nagdilim ang damdaming matagal nang kinikimkim ni Gavin.Bakit pa ba aalis si Ophelia sa kumpanya?Malamig at mariin ang kanyang tinig, halatang hindi ito natutuwa. Kahit inaasahan na ni Sheena ang kanyang galit, nagpatuloy pa rin ito."Mula nang dumating si Ophelia sa pamilyang La Victoria, sunod-sunod na ang mga pangyayari at lahat ay may kinalaman sa kanya. Gavin, natatakot ako na baka ilayo ka niya sa akin... higit pa rito, kinatatakutan kong baka ituring mo siyang parang isa na namang Aria."Dagdag pa ni Sheena bilang paalala, "Gavin, patay na si Aria. Alam kong nakakaramdam ka ng pagsisisi at paninisi sa sarili, ngunit hindi siya si Ophelia. Higit pa sa simpleng selos, ang ayaw kong makita ay ang hindi mo paglimot sa nakaraan."Mga salitang galing sa kanyang puso. Ngunit matapos itong marinig, lalong nanlamig ang tingin ni Gavin at sumimangot nang mariin."Wala siyang ginawang masama. Wala akong dahilan upang paalisin siya sa La Victori
Pagsapit ng hapon, dumating mismo si Luke sa bahay at naglatag ng mga dokumento sa harap ni Gavin."Mr. La Victoria, ang dahilan kung bakit hindi ito nakita noon ay dahil ang rehistro ng mga bata ni Atty. Mendoza ay wala sa kanyang pangalan.""Kung gayon, kaninong pangalan nakarehistro?""Sa pangalan ng namumuno sa ampunan kung saan lumaki si Ophelia sa Bulacan."Nakakunot ang noo ni Gavin. "Hindi sa tunay na ina nakarehistro kundi sa ibang tao? Ang pagtatangka nilang itago ito ay lalo lamang nagpapalinaw ng katotohanan!"Pinatay niya ang sigarilyo sa lalagyan. Matagal bago niya ipinakita kay Luke ang litrato nina Azure at Aurelious na kinuha niya noong araw na iyon."Tingnan mo hindi ba sila kahawig ko?"Kinuha ni Luke ang telepono at tiningnang mabuti; bigla siyang namangha. "Ito ba ang mga anak ni Atty. Mendoza? Talagang may pagkakahawig po sa inyo."Nang mapagtanto ang ibig sabihin nito, nagtanong siya, "Mr. La Victoria... hindi po ba kayo naghihinala na may kaugnayan sa inyo ang
Itinulak ni Ophelia ang kamay nito. "Sobra na naman ang iniisip mo.""Talaga ba?"Bahagyang nanliit ang maitim nitong mga mata. "Nasaan ang ama ng mga bata?"Nakayuko lang sana si Ophelia nang itama niya ang tingin, malamig na tumingin dito, at sumagot, "Patay na siya.""Sinungaling."Tumawa nang mapang-asar si Gavin. "Nabalitaan ko mula sa mga bata na buhay pa raw ang ama nila, pero mayroon na itong ibang pamilya...""Anong pinagkaiba noon sa pagiging patay?"Malamig na pinutol ni Ophelia ang sasabihin pa nito at inulit, "Para sa akin, patay na-patay na siya sa puso ko."Nang marinig ito, nakaramdam ng kakaibang kaba at di-kaginhawaan si Gavin.Hindi pa siya nakakaramdam noon ng ganitong matinding kagustuhang malaman ang lahat tungkol sa buhay ni Ophelia.Palagi niyang nadarama na marami itong itinatagong lihim.Sino ba talaga ang ama ng mga bata?Nakakunot ang noo ni Ophelia. "Mr. Gavin, pribado ito. Wala akong obligasyong sabihin sa inyo."Nagsindi ng sigarilyo si Gavin, humithit n
Lumingon at naglakad si Gavin patungo sa pinto, at doon lamang napansin ni Ophelia na suot pala nito ang kanyang tsinelas.Ang pino at kulay-rosas na sapatos na iyon, na suot ng matangkad at marangal na lalaki, ay tila kakaiba at nakakatawang tingnan.Yumuko ito upang isuot ang kanyang sariling sapatos na balat, maingat na ibinalik ang tsinelas sa lagayan, at naunang lumabas ng bahay.“Nanay, ayaw niyo po ba kay Tito Gavin?”Nang mapansing malungkot ang mukha ng kanyang ina, hinila ni Azure ang laylayan ng kanyang damit at nagtanong. Si Aurelious naman ay tumingala rin at naghintay ng sagot.Yumuko si Ophelia, tinapik ang ulo ng dalawa, at nagtanong.“Gusto niyo ba si Tito Gavin?”“Opo, gusto namin.”Sabay na sagot ng magkapatid.Lalong gumulo ang damdamin ni Ophelia. Kalahating araw pa lamang silang magkakasama, ngunit hindi niya alam kung paano nagawa ni Gavin na magustuhan siya agad ng mga bata.“Bakit niyo naman siya gusto?” tanong niya nang may pagtataka.Sagot ni Azure.“Mayaman p
Maaaring sumunod muna siya sa kanya sa ngayon, ngunit paano naman sa susunod?Habang lalo siyang nag-iisip, lalo lang siyang nalilito.Hindi nagtagal, hindi niya namalayan at nakatulog na pala siya sa mga bisig nito.Mahimbing ang kanyang tulog.Hindi naman makatulog si Gavin. Nang makita niyang tu
Nagtagpo ang kanilang mga labi at dila, na parang nais siang lamunin ng lalaki nang buo.Naiipit si Ophelia sa ilalim niya at nakatali ang kanyang mga kamay. Ang tanging nagagawa niya lang ay umikot at kumilos, ngunit ang mabigat at matipunong katawan ng lalaki ay idiniin sa kanya, na parang dinudu
Nag-isip-isip sandali si Ophelia, pagkatapos ay ipinikit ang kanyang mga mata, niyakap ang leeg nito gamit ang kanyang maliliit na braso, at idinikit ang kanyang mukha sa dibdib nito.Sa susunod na sandali, binuhat siya ng lalaki nang mabilisan.Dahil bigla siang naibaba sa hangin, nagulat si Ophel
Sa wakas, ibinaba niya ang kanyang ulo at nagsimulang umiyak nang malakas.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinakita niya nang hayagan ang kanyang nararamdaman at umiyak sa harap niya."Gavin, niyo...niyo ba talagang gusto kong kumain ng cake?"Sa puntong ito, wala na siyang naiisip pa. Dahil







