MasukChapter 12 Five Months Later MAIINGAY NA TAWANAN, masasayang kuwentuhan ang tanging maririnig sa buong hardin sa mansiyon ng mg Tajarda. Ngunit may isang taong, nangungulila. Tanging karamay lang niya ang alak. "Ilang pangarap na ang buo mo, Kuya?" mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Mapait siyang napangiti ng makita ang kapatid. Umupo ito sa tabi niya. "Bakit ka nandito? Baka hanapin ka ni Miranda!" sa halip ay wika niya at muling itinuon sa boteng hawak ang tingin. "Nag paalam ako sa kanya. Ikaw, bakit ka nandito? kanina ka pa tinatanong ni Nanay sa akin, hinanap ka din ni Tatay.." Umiling siya at tinungga ang alak. Masaya naman siya at magaling na ang kanyang ama. Tuluyan na itong gumaling pero hindi niya maiwasang malungkot dahil may kulang sa kanya. Hindi kayang pawiin ng alak ang lungkot at pangulilang nararamdaman niya para sa asawa. Limang buwan na mula nang umalis ito at hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Ilang beses na rin siyang pabalik-balik s
Chapter 11 MARAHAS NIYANG NAHIGIT ang kanyang hininga nang muling maramdaman ang maiinit na labi ng asawa sa leeg niya. Ngumiti siya at bahagyang napaungol nang kagat-kagatin nito ang leeg niya. "Zach.." Aniya nang maglikot muli ang palad nito sa katawan niya. Kakatapos lang nilang magsalo sa mainit na pagnanaig at heto, iisa pa yata ang asawa. Magkasalo sila sa kumot habang magkayakap ang hubad nilang katawan. "Zach, pupuntahan ko pa sila, Mama!" nakalabi niyang saad nang akmang idadagan nito ang katawan sa kanya. Nagpakawala ito ng isang buntong-hininga at inilibing ang mukha nito sa pagitan ng leeg at balikat niya. "Mamaya na puwede?" ngumuso siya at kinurot ito. Hindi na niya mabilang kung nakailang mamaya na ito, tila ayaw siya nitong ipahirap sa mga magulang niya. "Hindi puwede! kanina pa nag iingay iyong cellphone ko kaya, hala! Bangon na at mauna ka ng maligo!" tinapik niya ito sa pisngi at tinulak ito. "Mauna ka na, tatawagan ko lang si Mama.." Ngumiti siya dito at buma
Chapter 10 MAIINIT NA HALIK ang gumising sa kanya kinabukasan. Gustuhin pa man niyang matulog ay napilitan na rin siyang magmulat ng mga mata. "Zach, inaantok pa ako.." Mahinang usal niya nang mabungaran ang nakangiting asawa. Kumilos siya at tumagilid ng higa. "Hey!" pero mabilis siya nitong nahila. Iniyakap nito ang braso sa baywang niya habang masuyo nitong hinahaplos ang buhok niya. "Zach.." Parang biglang nawala ang antok niya sa pamamaraan ng pagtitig nito sa kanya. Ngumiti ito sa kanya. Bumaba ang mukha nito at inabot ng mga labi nito ang labi niya at isang masuyong halik ang ipinagkaloob sa kanya. "Good Morning.." Anito nang pakawalan nito ang labi niya. Natatawang tinampal niya ito sa braso. Mahina niya itong itinulak at bumangon sa pagkakahiga. Bumaba na rin ito sa kama. "Aalis ka?" tanong niya nang mapansing nakapang-alis ito. "Oo, pupuntahan ko lang si Zion sa hotel. May pag uusapan lang kami." Anito nang hindi man lang tumitingin sa kanya. "Hindi ba ako puwedeng
Chapter 9 "ZACH.." Mahinang tawag niya rito. Tahimik itong nakatayo habang nakasilip sa salaming bintana ng ICU kung saan naroon ang ama nito. Dalawang araw na mula nang magbalik siya sa maynila. Agad niya itong pinuntahan. Mismong si Anton pa ang naghatid sa kanya. Nagulat pa ito nang makita nitong kasama niya si Anton. Hindi na nito nagawang magtanong pa nang sugurin niya ito ng yakap. Ganoon nalang ang iyak niya nang makitang maayos ang asawa at ligtas ito. Samantalang ang ama nito ay nasa Coma. Sa daming balang tumama rito ay napaka-imposibleng mabuhay ito pero, nakikipaglaban parin ito sa kamatayan. Marahan niyang hinawakn ang kamay nito at pinisil upang iparating na naroon siya sa tabi nito. Malungkot itong sumulyap sa kanya. "Hindi niya kami iiwan, diba?" mahinang tanong nito sa kanya. Tumango siya rito at muling tumingin sa bintana. "Sabi nga ng mga Doktor, napaka-imposibleng makaligtas siya. Pero, lumalaban parin siya kasi, alam niyang naghihintay kayo!" tumango ito sa k
Chapter 8 "ZACH, Bitaw!" mahinang usal niya habang pilit itong itinutulak ngunit sadyang mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Ayoko!" mariing wika nito at mas lalong pa siyang hinapit. "Zach, ano ba?!" nauubasan na siya ng pasensiya sa asawa. Ginamit na niya ang lahat ng lakas niya para itinulak ito palayo pero mahina talaga siya. Pagdating talaga dito napakahina niya. "Umuwi na tayo.." Anito. Paulit-ulit nalang, kanina pa sila. Parang hindi ito napapagod sa kakaiyak, samantalang siya, pagod na pagod na sa kakaiyak at kakatulak dito. "Zach.." Mahinang tawag niya at noon lang ito tumingin sa kanya. Tumaas ang dalawang palad nito at hinawakan siya magkabilaang pisngi. Pagkakataon na niyang itulak ito palayo sa kanya pero habang nakatitig sa luhaan nitong mukha ay nawalan siya ng lakas para gawin iyon. Nakatitig lang siya dito. "Ang Gago ko, Patricia! Alam ko iyon, pero huwag mo itong gawin sa akin! Hindi ko kaya!" impit siyang napaiyak sa sinabi nito. "Noong umuwi ako sa bah
Chapter 7 INGAY na nagmumula sa tunog ng alarm ang clock gumising sa natutulog niyang diwa. Hirap man ay pinilit niyang inimulat ang kanyang mata. Naghikab siya at bumangon sa pagkakahiga. Inaatok pa siya, matagal siyang nakatulog kagabi pero kailangan niyang gumising ng maaga at may pangako siya kay Tucker. Nangako siya rito na ipagluluto niya ito ng Pan cakes at kailangang tuparin niya ang pangako niya sa bata. Nang maalala ito ay wala sa oras na napangiti siya. Ewan niya ba, pero natutuwa talaga siya dito. Siguro dahil sa napakabibo at napakabait nitong bata. Sa tuwing sinasabi nitong gusto siyang maging Mommy nito ay tila may kung anong humahaplos sa puso niya. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Anak na pinagkait sa kanya ni Zach at mas piniling magkaanak sa ibang babae. Muli, hindi niya maiwasang malungkot ng maalala na naman ang magaling niyang asawa. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na. Naabutan niya si Manang Yolly na abala sa pag aayos sa sala. "Goo







