Prologue"AYAN! nakatunganga ka na naman diyan, habang tila nanaginip ng gising!" saglit niyang inalis ang tingin kay Zach na naglalaro ng basketball kasama ang mga kaibigan nito. Nilingon niya ang nagsalita."Ahm! Hindi naman, no? ang sarap niya lang kasing titigan!" wala sa sariling naiwika niya at muling ibalik sa binatilyo ang atensyon. Wala sa sariling biglang napangiti ang dalagita at nakabangumbaba habang tinatanaw ito.Hay! Zachary Jack! matitigan lang kita, ang lakas na ng kabog ng puso ko! "Oy! Zach, kakaiba ka talaga! bilib na ako sayo pagdating sa mga babae!" bigla siyang natauhan ng biglang may nagsalita isa sa mga kaibigan ng binatilyo. Napalakas ang kabog ng puso niya nang saktong magtama ang kanilang mga paningin. "Hoy! Anna, ano naman iyang iniisip mo, habang nakatingin sa akin?" biglang tanong nito sa kanya. Hindi siya agad nakasagot. Napangisi na lamang ito. "Siguro, iniisip mo namang nakasuot ka ng traje de boda at kasama ako doon, syempre!" pagyayabang pa nito.
Last Updated : 2025-11-30 Read more