FAZER LOGINEpilogue KANINA pa siya nakamasid sa kanyang mag ama. Natutuwa siyang pagmasdan ang asawa habang itinaas-taas nito sa ere ang kanilang anak. Tila tuwang-tuwa naman ito sa ginagawa ng ama nito. Kanina niya pa siya nakamasid pero ayaw niya pang lapitan ang dalawa at gusto niya ang nakikita niya. Malaki na ang pinagbago ni Zach. Mula nang magkaayos sila ay wala itong iba ginawa kundi ang iparamdam sa kanya kung gaano siya nito kamahal. Naging mabuting asawa at ama ito. At hindi niya akalain na may ganoong side ang asawa. Iba talaga ang nagagawa ng anak. Minsan naisip niya kung paano kaya kung hindi niya pinatawad ang asawa noon? Ano kayang magiging buhay niya ngayon? Magiging ganito kaya siya kasaya? Mabuti nalang at mas nangibabaw ang pagmamahal niya kesa galit. Hindi siya nagsisi sa naging desisyon na tanggapin ito muli sa kanyang buhay dahil ngayon, walang kapantay ang kaligayahang binibigay ng kanyang mag ama sa kanya. Nang magsawa sa pagtanaw sa dalawa ay masaya siyang lumap
Chapter 15KASALUKUYAN niyang sinusuklay ang basa niyang buhok nang makarinig siya ng mga katok. Nagtatakang napatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader. Kakaalis lang ni Manang Yolly, nagpaalam itong uuwi sa balibago. Kung may nakalimutan man ito ay may sariling susi ang matanda. Natigil siya sa ginagawang pagsuklay sa buhok at tulalang napatingin sa salamin. Kumunot ang noo niya nang lalong lumalakas ang mga katok na tila nagmamadali. Bigla niyang naisip na baka si Anton ang kanyang panauhin at nakalimutan lang nitong itawag sa kanya ang pagpunta nito. Huminga siya ng malalim bago tumayo at nagmamadaling tinahak ang pinto sa pag aakalang ang lalaki ang kumakatok ngunit, ganoon nalang ang kaba at gulat niya nang makikilala ang bisita. "Zach!" naiusal niya at bigla siyang napahawak sa kalakihan niyang tiyan. Bigla siyang napalunok nang makita ang pagkagulat nito nang mapako sa kanyang tiyan ang tingin nito. "Good to see you again, My Wife!" sa sinabi nito ay biglang nanubig a
Chapter 14 "AND WHEN YOU cry, I feel as though the tears are falling from my eyes, Why do we do this to each other?" naniningkit ang mga habang nakatingin sa kapatid na kanina pa kumakanta-kanta kahit wala naman sa tuno. "Ano?" painosenteng tanong nito nang mapansing nakatingin siya rito. Narito na naman ito ngayon sa opisina niya at nangungulit mali, nag aasar pala. Napailing nalang siya at isinandal ang katawan sa swevil chair at piniling ipinikit ang mga mata. Nakakapagod ang mga araw na nag daan. Hindi na siya gaanong nakakatulong, hindi siya makakain ng maayos. Abala lagi ang isip niya sa asawa. Nang nakaraang araw ay napagalitan siya ng kanya ama, wala raw sa trabaho ang utak niya. Natural, paano siya makapagtrabaho ng maayos kung hanggang ngayon ay hindi niya alam kung nasaan ang asawa niya. Kahit balita man lang na maayos ito ay wala. Kaya nag aalala na siya. "Why do we always hurt the ones we love, why?" mabilis siyang napadilat nang muling bumirit ang kapatid. Naiinis niy
Chapter 13 "ANTON, SALAMAT!" hindi niya alam kung nakailang pasalamat na siya dito. Laging ngiti lang ito sa tuwing sinasabi niya iyon. Kumuha siya ulit ng mansanas at agad iyong sinubo. Habang ngumunguya ay nakatingin siya sa kaharap. "Ayan na naman tayo, Patricia.." Anitong napapailing ngunit nakangiti sa kanya. Ngunit ang ngiting iyon tila hindi sapat. Nagkibit balikat nalang siya. 'Kasi naman, hindi mo naman ako obligasyon pero nandito ka at tinutulungan ako. At ngayon nga, heto ka na naman. Baka naman napabayaan mo na ang trabaho mo?" sa totoong lang nahihiya na siya dito. Iyong pinatira siya sa resthouse nito ay malaking bagay na iyon para sa kanya. Ngunit iyong magpupunta dito, nagdadala ng kung anu-ano. Inaalam nito kung okey siya. Sobra-sobra na iyon. Kinuha nito ang kamay niya. Tumingin ito sa kanya ng tuwid. "Patricia, hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa. Pero masaya ako na kahit papaano ay natulungan kita. Kahit ito lang, masaya na ako." Nakagat niya ang kan
Chapter 12 Five Months Later MAIINGAY NA TAWANAN, masasayang kuwentuhan ang tanging maririnig sa buong hardin sa mansiyon ng mg Tajarda. Ngunit may isang taong, nangungulila. Tanging karamay lang niya ang alak. "Ilang pangarap na ang buo mo, Kuya?" mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Mapait siyang napangiti ng makita ang kapatid. Umupo ito sa tabi niya. "Bakit ka nandito? Baka hanapin ka ni Miranda!" sa halip ay wika niya at muling itinuon sa boteng hawak ang tingin. "Nag paalam ako sa kanya. Ikaw, bakit ka nandito? kanina ka pa tinatanong ni Nanay sa akin, hinanap ka din ni Tatay.." Umiling siya at tinungga ang alak. Masaya naman siya at magaling na ang kanyang ama. Tuluyan na itong gumaling pero hindi niya maiwasang malungkot dahil may kulang sa kanya. Hindi kayang pawiin ng alak ang lungkot at pangulilang nararamdaman niya para sa asawa. Limang buwan na mula nang umalis ito at hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Ilang beses na rin siyang pabalik-balik s
Chapter 11 MARAHAS NIYANG NAHIGIT ang kanyang hininga nang muling maramdaman ang maiinit na labi ng asawa sa leeg niya. Ngumiti siya at bahagyang napaungol nang kagat-kagatin nito ang leeg niya. "Zach.." Aniya nang maglikot muli ang palad nito sa katawan niya. Kakatapos lang nilang magsalo sa mainit na pagnanaig at heto, iisa pa yata ang asawa. Magkasalo sila sa kumot habang magkayakap ang hubad nilang katawan. "Zach, pupuntahan ko pa sila, Mama!" nakalabi niyang saad nang akmang idadagan nito ang katawan sa kanya. Nagpakawala ito ng isang buntong-hininga at inilibing ang mukha nito sa pagitan ng leeg at balikat niya. "Mamaya na puwede?" ngumuso siya at kinurot ito. Hindi na niya mabilang kung nakailang mamaya na ito, tila ayaw siya nitong ipahirap sa mga magulang niya. "Hindi puwede! kanina pa nag iingay iyong cellphone ko kaya, hala! Bangon na at mauna ka ng maligo!" tinapik niya ito sa pisngi at tinulak ito. "Mauna ka na, tatawagan ko lang si Mama.." Ngumiti siya dito at buma







