LOGIN
Gaile Enriquez POV
Natigilan ako sa paglalakad nang matanaw ang sobrang pamilyar na pigura ng isang lalaki sa 'di kalayuan. Pinagsingkit ko pa ang mga mata ko, pilit inaaninaw kung tama ang hinala. Matangkad ito at nakasuot ng itim na coat. At kahit nakatalikod ito, hindi ako maaaring magkamali.
Awtomatikong gumihit ang ngiti sa aking labi, ako mismo ang namalantsa kanina ng coat na iyon kaya sigurado akong si Kaiden ang natatanaw ko ngayon... ang asawa ko.
Nandito ba siya para sunduin ako?
"Kaid–"
Naputol ang sana'y pagsigaw ko nang biglang lumapit sa kaniya ang isang magandang babae...
Pinulupot nito ang kamay sa bisig ni Kaiden. Kasabay ng paglaho ng ngiti ko ang pagguhit naman ng ngiti mga labi nila. Inayos niya ang puting fur coat na suot ng babae, tila ayaw madapuan kahit kaunting lamig. Ang sinumang makakakita sa kanila ngayon ay masasabing magkasintahan silang dalawa.
Hindi sinasadyang humigpit ang hawak ko sa resulta ng pregnancy test. Bumaling sila sa gawi ko dahilan para magtagpo ang tingin namin ni Kaiden. Ni hindi man lang siya nagulat na makita ako. Ni katiting na hiya, ay wala. Samantalang tila naestatwa ako sa kinatatayuan, hindi pa rin makapaniwala. Malamig ang loob ng ospital ngunit mas malamig tingin na pinupukol niya sa akin.
Imbes na lapitan ako para magpaliwanag sa pagkakahuli ko sa kanila, tumaas lang ang kilay niya sabay bukas sa pintuan ng kaniyang kotse para sa babae. Inalalayan niya pa ito papasok sa kotse na para bang isang porselanang manika na ayaw niyang mabasag.
Umawang ang labi ko sa sakit at pagkamangha. Hindi ko alam na kaya niya rin pa lang umamo ng ganito.
Mukhang napansin ako nung babae kaya natigilan ito at nagtatakang tumingin kay Kaiden.
"Why is that aunt staring at you? Kilala mo ba siya, Kaiden?"
Humahampas sa tenga ko ang malamig na hangin. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi ng babae pero nahinuha ko ang salitang “aunt” mula sa galaw ng labi niya.
Aunt?
Hindi ko na mabilang kung pang-ilan na siya sa nagsabi nun.
Napangiti ako nang mapait sa sarili habang ramdam ang namumuong luha sa gilid ng aking mata.
Twenty-four pa lang ako. Ngunit maraming nagsasabi na mukha na akong nasa tatlumpu o apatnapu. Bukod din kasi na namamaga ang katawan ko dahil sa huling yugto ng pagbubuntis, pangkaraniwan lang ang hitsura ko, may eyebags pa dala ng puyat at pagod, malayong malayo sa batang babae na kasama ngayon ng asawa ko.
Umiling lang si Kaiden sa babae at may sinabi bago sila tuluyang umalis sakay ng kotse.
Ako ang asawa at ina ng anak niya pero ako ang naabandona. Akala ko pumunta siya para sa akin...
Gusto kong magalit. Pero anong karapatan ko? Nakasal lang naman kami dahil pinagbubuntis ko ang anak niya. Isang mantsa sa buhay niya ang sapilitang kasal namin.
Kinamumuhian niya ako habang walong taon ko na siyang minamahal nang palihim. Alam kong hindi ako sapat para sa kanya kaya nag-aral ako nang mabuti at tinatak sa aking isipan na susundan ko ang kanyang yapak.
Natupad ko naman ang pangarap ko, naging assistant niya ako kaya nagawa kong tumayo sa tabi niya.
Ngunit isang gabi ang wumasak sa aming dalawa. Isang gabi lang iyon na pinagsaluhan namin ngunit panghabambuhay na pagkasira ng dignidad at reputasyon ko sa pangin niya ang naging kapalit.
Ni hindi ko makakalimutan ang pagkasuklam sa mga mata niya nung tumingin siya sa akin, na para bang nakahawak siya sa isang marumi at kasuklam-suklam na bagay.
Tuluyang lumandas ang mainit na luha sa pisngi ko. Tila sunod-sunod na punyal ang tinarak sa aking puso nang matanto ang katotohanang nambabae ang asawa ko. Sinundan 'yon ng matinding pagkirot sa ilalim ng tiyan ko. Agad kong sinuportahan ang aking tiyan at humawak sa kalapit na pader upang suportahan ang aking balanse.
Gumapang ang panic sa sistema ko at pag-aalala sa batang dindadala sa sinapupunan pero sa sobrang sakit tanging pagdaing lang ang nagawa ko. Mabuti na lang at may nars na dumaan, dali-dali itong tumulong at dinala ako sa examination room.
Muntik na akong makunan... Dahil daw iyon a sobrang stress at maselan ang pagbubuntis ko kaya pinayuhan ako na umiwas sa mga bagay na makapagpapa-trigger nun.
Hindi ko kakayanin kung mawawala ang baby ko kaya nagpasya akong huwag ng isipin ang nangyari kanina. Kung kailangan kong magbulag-bulagan para protektahan ang baby, gagawin ko…
Tanghali nang makauwi ako sa villa. Naabutan ko pang nakaupo sa sofa ang dalawang kasambahay na in-assign ni Senyora Leticia na mag-aalaga sa akin. Kumakain sila at nagkwekwentuhan sa sala, animo'y sila ang may-ari ng villa.
Tila narinig nila ang yabag ng ng paa ko. Dali-dali silang tumayo. Tumalikod ako, nagkunwaring walang nakita kagaya ng palagi kong ginagawa.
"Kamusta ang resulta ng pregnancy test?" aroganteng tanong ng isa habang lumalapit sa akin.
Tungkulin nilang alagaan ako pero kabaliktaran nun ang ginagawa nila. Isang hamak na “sampid” ng bahay ang turing nila sa akin na dapat bantayan.
Imbes na sumagot, tumitig lang ako nang malamig sa kaniya at hindi siya pinansin. Nagpunta ako sa ospital kanina para sa ultrasound. Matatanggap naman ni Senyora ang abiso mula sa ospital kaya hindi ko na kailangang pang ibalita iyon sa kanila. Pagod na rin ako at gusto ko na mapahinga. Diretso akong naglakad patungo sa hagdan.
"Tinatatanong kita!" sigaw pa nito, halatang naiinis, ngunit hindi ko pa rin siya pinansin.
"Mukha siyang baboy sa taba niya. Talaga bang iniisip niyang asawa siya ni senyorito? Napaka kapal ng mukha naman." Dinig ko pang anas nito habang pinapanood ang pag-akyat ko.
Walang gana akong naupo sa kama. Ramdam ko ang pagbalot sa akin ng kalungkutan.
Ni isa sa bahay na ito o sa pamilyang Montelvar, walang may gustong maging parte ako ng pamilya nila. Kahit si Senyora Leticia na mismong nagparehistro ng kasal namin ni Kaiden ay tutol din noong una.
Nagkataon lang talagang may malubhang karamdaman ang Senyor Dominic noong nagpunta ako sa bahay nila at sinabing dindadala ko ang anak ni Kaiden at may paniniwala silang may dalang swerte ang buntis kaya pumayag sila agad at inayos ang kasal namin.
Hindi ko alam kung dala nga ba talaga ng swerte o nagkataon lang pero gumaling nga ang Senyor pagkatapos ng kasal kaya mula sa malamig na pakikitungo, bumait si Senyora Leticia sa akin.
Ngunit ang ibang miyembro ng pamilya, ay nanatiling mababa ang tingin sa akin.
Napabalik ako sa ulirat nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng bag ko. Nilabas ko ang cellphone at nakita ang caller ID. Ang dating advisor ko ang tumatawag.
Bahagya akong natigilan bago sinagot ang tawag. "Hello, Prof. Laurence?"
"Hey, how are you, Gaile? I just call to inform you that there's a spot available for you to pursue a PhD at Primo University. Would you like to give it a try?"
Napatulala ako sa sinabi niya. Hindi agad ako nakasagot dahilan para muli siyang magsalita.
"I hope na pag-isipan mo muna bago ka tumanggi. Para sa'yo rin ito," pangungumbinsi niya pa.
Kung normal na araw ito, hindi ako magdadalawang isip na tanggihan iyon.
Pero ngayon...
"Sure, Prof. I'll go," sagot ko nang buong pasya.
Siya naman ngayon ang natigilan sa kabilang linya. Alam na alam niya kung gaano ako nagsikap, kung gaano ako nagpakapagod, para lamang maging karapat-dapat na makatayo sa tabi ni Kaiden. At ngayong natupad ko na ang matagal na hangarin, kasal at buntis pa sa anak ni Kaiden, akala niya siguro ay hindi ako basta-basta papayag. Siguradong nagtataka siya ngayon.
Ilang segundo pa siyang hindi nagsalita bago bumuntong hininga na tila natuwa sa narinig.
"That's good to hear. Come to my office at ten o'clock tomorrow morning."
"Copy, Prof."
Hindi na niya dinugtungan pa ang tawag at binaba na.
Huminga ako nang malalim, at biglang nakaramdam ng lungkot, parang muli kong nasilayan ang maliwanag na buwan matapos maghiwa-hiwalay ang maiitim na ulap.
Dapat ay magising na ako sa katotohanan.
Katotohanang, hindi ako kailanman lilingunin ni Kaiden kaya kailangan ko ng umahon sa nararamdaman ko para sa kaniya. Kailangan ko ng tumayo sa sarili kong mga paa.
Abala ako sa pag-iisip nang muling tumunog ang telepono. Si Senyora Leticia iyon. Nantanggap na nila ang resulta kaya hinihiling niya na bumisita ako ngayon sa ancestral mansion ng pamilyang Montelvar.
Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina kaya dumiretso muna ako sa banyo upang maligo.
Hindi ko maiwasang pagmasadan ang sarili sa salamin nang matapos akong maligo. Bilog at namamaga ang mukha ko sa katabaan, may maitim na eyebags, malalim na hukot sa ilalim ng mga mata, at mga pekas sa pisngi.
Sino nga ba ang hindi masusuklam sa ganitong itsura?
Paano magiging karapat-dapat ang isang tulad ko na tumayo sa tabi ng isang henyo na tulad ni Kaiden?
Bago pa man ako lamunin ng panlulumo, pinilit ko na lang waksiin ang iniisip. Hindi maganda para sa baby ko kung malulungkot lang ako.
Plano kong mag-commute na lang sana mag-isa papunta sa mansyon pero bago pa man ako tuluyang makalabas, tumawag si Kaiden.
"Come out now. I hate waiting," kasing lamig ng yelo ang baritonong boses niya.
Hindi niya na ako hinintay sumagot at pinutol na ang tawag. Marahil ay inutusan siya ng senyora na ihatid ako.
Nagmadali akong bumaba kahit hirap na hirap sa pagbubuhat ng bag ko.
Ayaw niyang pinaghihintay nang matagal.
Naabutan kong naghihintay ang Rolls-Royce niya sa entrada at muli kong naramdaman ang pait. Kanina lang ibang babae ang sinakay niya rito at hindi katulad kanina, hindi man lang siyang nag-abalang pagbuksan ako ngayon ng pintuan.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang pumasok. Naamoy ko agad ang pambabaeng amoy na kumapit sa loob. Vanilla scent. Napansin ko pa ang isang scrunchie sa pulso ni Kaiden na marahil ay pagmamay-ari ng kaniyang babae.
Mukhang talagang gusto niya ang babaeng iyon...
Pinilit kong lunukin ang pait sa aking dibdib, umayos ako ng upo, at ikinabit na ang seatbelt. Walag salita, pinaharurot na niya ang kotse na para bang nagmamadali dahil hindi kayang matiis na makasama ako nang matagal. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana, at hindi na lang kumibo.
Noon, tuwing may pagkakataon ako na mapag-isa kasama siya pinipilit kong mapalapit sa kaniya. Kahit pa halatang hindi niya ako gusto, tinitiis ko at gagawa ng mga topic para lamang may mapag-usapan kami. Iniisip ko dati na mag-asawa na kami, may anak, at may mahabang kinabukasan sa hinaharap. Akala ko basta maging mabuting asawa at mabuting ina ako, baka balang araw ay lumingon din siya sa akin.
Ngunit sa huli, niloloko ko lang pala ang sarili ko.
Ilang minuto pang tanging makina lang ang lumilikha ng ingay sa pagitan naming dalawa nang magtanong si Kaiden.
"What's the baby's sex?"
Hindi ko siya nilingon.
"A girl," simpleng sagot ko.
Saglit siyang natahimik.
"When the child is born, this fvcking marriage is over. We’ll divorce."
Kalmado niya 'yon sinabi pero tila nabingi ako sa narinig. Nakuyom ko ang kamao kasabay ng pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Parang may tanikalang sumakal sa puso ko dahilan para mahirapan akong huminga.
Alam kong hindi kailanman magtatagal ang kasal namin. At kahit inaasahan ko ng hihingi siya ng divorce anumang oras, masakit pa rin pala talagang marinig mismo mula sa kanya.
Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang pagluha. Mabuti na lang din talaga at nakatalikod ako kaya hindi niya kita ang mukha ko.
Pilit kong nilunok ang bukol na bumara sa lalamunan ko bago nagsalita.
“Sige...”
Bahagyang bumagal ang takbo ng kotse. At sa gilid ng paningin ko, nakita kong napalingon si Kaiden, tila nagulat sa bilis ng pagsang-ayon ko.
Nanlalaki ang mga mata ni Ven habang namumula sa galit."Ang kapal mo!" Imbes na bigyang-pansin, tumalikod na ako at iniwan na siya. Pangit lang ako pero alam kong mahusay ako kumpara sa kaniya. Hindi ko hahayaan na maliitin nila ako mula ngayon.Pagbalik ko sa puwesto ko, kumuha ako ng maliit na salamin at tiningnan ang bahagyang bakas ng dugo sa isang gilid ng aking pisngi. Hindi naman malalim ang sugat, kaya pinunasan ko na lang ito ng wet wipes. Hindi ko na rin ginamot sa pag-iisip na sa ganitong mukha, ano pa ba ang halaga ng isa pang pilat? Hindi ko na rin pinasa pa ang panibagong kopya ng files ng report ko.Bigla kong naalala ang histsura nung Gelly. Hindi ko alam kung bakit mukha siyang pamilyar...Nang halos patapos na ang trabaho, nakatanggap ako mg tawag mula kay Papa at sinabing nakabalik na ang Kuya Miguel ko."Akala ko sa akinse pa dating niya?" gulat na tanong ko."Nagulat din kami, eh, maaga raw natapos ang trabaho niya," sagot ni Papa."Sige po, uwi po ako diyan sa
"Financial statement analysis for del Vedas should be completed before the end of the workday at noon," utos ni Ven pagkabalik na pagkabalik ko palang sa workstation ko. Kahit nalipat na ako sa mababang posisyon, sa akin pa rin niya binabato halos lahat ng mga gawaing mahihirap na hindi naman na sakop ng responsibilidad ko. At kahit ayaw ko, hindi ako tumututol. Akala ko kasi na kapag nagpatuloy ako sa pagsisikap sa trabaho ko ay bibigyan na ko ni Kaiden ng kahit kaonting pansin. Pero, niloloko ko lang pala ang sarili ko dahil kahit isang sulyap wala akong natanggap mula sa kaniya. Halos isang oras lang ginugol ko upang tapusin ang analysis report. Pilit pang tinatago ni Ven ang pagkamangha sa bilis ko nang iniabot ko sa kaniya ang flashdrive for the soft copies and the paper versions. Oras na ng tanghalian at wala na akong gagawin kaya umorder na lang ako ng vegetables salad at cheese maraconi sa isang food app delivery. May cafeteria naman sa loob ng kumpanya pero laging crowde
Sandaling namangha at hindi pa yata ako nakilala nang itinaas ni Prof Laurence ang tingin sa akin. “Good morning, Professor Laurence,” bati ko at doon niya lang ako tuluyang nakilala.Namilog ang labi nito at kaagad na inayos ang sarili sa upuan. “You really arrived." Parang hindi pa rin makapaniwala na nakikita ako ngayon sa harapan niya. Nahihiya akong napangiti. “Ang tagal din nating hindi nagkita, Prof.”Matamis siyang ngumiti. "Yeah. Long time no see, I almost didn't recognize you."Nakagat ko ang labi ng maramdaman ang panliliit.“Nahihiya nga akong pumunta sa harap mo ng ganito ang anyo ko.”Kaagad na kumuot ang noo niya. Tumayo ay nilahad ang upuan sa akin. “Normal lang naman na magbago ang katawan mo habang nagdadalang-tao. Ayos lang ‘yan pagkatapos mong manganak. Please sit down."Para akong nakahinga sa sinabi niya at naupo na sa sofa habang nagsasalin ito ng tubig sa baso. "Here. Warm yourself up."Kaagad ko itong tinanggap. "Thank you, Prof.""Drop the formalities.
Hindi ako lumingon. Hindi rin siya nagsalita, pero dama ko ang bigat ng kanyang titig sa akin.“Linggo bukas,” dugtong ko, pilit pinatatatag ang boses na muntik nang mabasag. “May oras ka ba sa hapon?”Mahina akong huminga, sapat lang para hindi ako manginig. “Kung gusto mo… puwede na nating asikasuhin nang mas maaga.”Hindi ko alam kung hormones lang ba ito o pagod na pagod na ang puso ko. Pero sa sandaling iyon, iisa lang ang malinaw sa isip ko, ayoko nang maghintay. Ayoko nang umasa. Gusto ko na lang tapusin ang lahat bago pa tuluyang maubos ang natitira sa akin.Walang divorce sa Pilipinas, annulment lang. Pero dahil dual citizen si Kaiden, Filipino at Spanish, may karapatan siyang mag-file ng divorce bilang isang dayuhan. Kapag isinampa niya iyon pagkatapos kong manganak, kailangan pa naming dumaan sa isang buwang cooling-off period. Pero kung sisimulan namin ngayon, magiging opisyal na ang divorce sa mismong oras na ipanganak ko ang anak namin.Hindi pa rin siya kumikibo.Kumura
Gaile Enriquez POVNatigilan ako sa paglalakad nang matanaw ang sobrang pamilyar na pigura ng isang lalaki sa 'di kalayuan. Pinagsingkit ko pa ang mga mata ko, pilit inaaninaw kung tama ang hinala. Matangkad ito at nakasuot ng itim na coat. At kahit nakatalikod ito, hindi ako maaaring magkamali.Awtomatikong gumihit ang ngiti sa aking labi, ako mismo ang namalantsa kanina ng coat na iyon kaya sigurado akong si Kaiden ang natatanaw ko ngayon... ang asawa ko.Nandito ba siya para sunduin ako?"Kaid–"Naputol ang sana'y pagsigaw ko nang biglang lumapit sa kaniya ang isang magandang babae... Pinulupot nito ang kamay sa bisig ni Kaiden. Kasabay ng paglaho ng ngiti ko ang pagguhit naman ng ngiti mga labi nila. Inayos niya ang puting fur coat na suot ng babae, tila ayaw madapuan kahit kaunting lamig. Ang sinumang makakakita sa kanila ngayon ay masasabing magkasintahan silang dalawa.Hindi sinasadyang humigpit ang hawak ko sa resulta ng pregnancy test. Bumaling sila sa gawi ko dahilan para m







