LOGINHindi ako lumingon. Hindi rin siya nagsalita, pero dama ko ang bigat ng kanyang titig sa akin.
“Linggo bukas,” dugtong ko, pilit pinatatatag ang boses na muntik nang mabasag. “May oras ka ba sa hapon?”
Mahina akong huminga, sapat lang para hindi ako manginig. “Kung gusto mo… puwede na nating asikasuhin nang mas maaga.”
Hindi ko alam kung hormones lang ba ito o pagod na pagod na ang puso ko. Pero sa sandaling iyon, iisa lang ang malinaw sa isip ko, ayoko nang maghintay. Ayoko nang umasa. Gusto ko na lang tapusin ang lahat bago pa tuluyang maubos ang natitira sa akin.
Walang divorce sa Pilipinas, annulment lang. Pero dahil dual citizen si Kaiden, Filipino at Spanish, may karapatan siyang mag-file ng divorce bilang isang dayuhan. Kapag isinampa niya iyon pagkatapos kong manganak, kailangan pa naming dumaan sa isang buwang cooling-off period. Pero kung sisimulan namin ngayon, magiging opisyal na ang divorce sa mismong oras na ipanganak ko ang anak namin.
Hindi pa rin siya kumikibo.
Kumurap-kurap ako, pilit ibinabalik ang luha na nagbabantang tumulo sa gilid ng mata ko, bago ko siya tuluyang nilingon, walang emosyon, walang pagsusumamo.
Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Ang mga mata niya ay puno ng pagtataka na may halong pagdududa, na parang ako pa ang may ginagawang kasalanan.
“And now you’re suddenly in a hurry?” malamig niyang tanong.
Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya sa isang mapanuyang ngiti. “What is it this time? What are you trying to set up behind my back?”
Nag-igting ang panga niya at madilim na tinignan ang kalsada sa harap.
“Don’t worry. I’ll take care of it myself right away. Whatever time I say, that’s the time. So you don’t get to dictate to me.”
Umiwas na ulit ako ng tingin at hindi na nagsalita pa. Wala nang saysay ang magpaliwanag. Kahit ano pa ang sabihin ko, hindi na rin magbabago ang tingin niya sa akin.
Ang isang oras na biyahe ay naging parang kalahating minuto lang sa bilis ng pagpapatakbo niya at bawat pagpreno ay kumikirot ang tiyan ko. Ni hindi man lang niya inisip na may buntis siyang kasama.
Kaagad kaming sinalubong ni Senyora Leticia sa pintuan ng mansion.
Sa ilang buwang pamamalagi ko sa puder ng mga Montelvar, kabisado ko na ang kasaysayan ng kanilang pamilya. Isang angkang pinamumunuan ng Yang, malalakas, dominante, at walang puwang para sa kahinaan, habang ang Yin ay laging nasa anino.
May dalawang anak na lalaki si Senyora Leticia. Ang panganay ay si Leo Montelvar, at ang bunso ay si Levi Montelvar. Si Leo ay may dalawang anak na lalaki rin. Ang panganay, si Chiro Montelvar, ay nagpakasal ilang taon na ang nakalipas at ngayon ay may kambal na lalaking limang taong gulang na. Ang pangalawa ay si Christan Montelvar, kaedad ko at wala pang asawa. Samantalang si Levi Montelvar naman ay may iisang anak lamang, si Kaiden.
Dahil dito, alam kong labis ang kagalakan nina Senyora Leticia at Senyor Dominic nang malaman nilang buntis ako at babae pa ang dinadala ko.
Pagktapos yakapin ang apo, bumaling sa akin ang senyora.
“Good afternoon, hija! We’re really happy to hear the news,” masigla niyang sabi habang hinahawakan ang kamay ko at ginagabayan papasok ng sala.
Nahihiyang napangiti na lang ako at sinundan ng tingin si Kaiden na paakyat na sa ikalawang palapag.
"Sit here, hija. I have a gift for you!"
Tahimik akong umupo at pinanood siyang ilabas ang isang kulay pulang kahon. Halatang good mood siya ngayon.
"This jade costs a fifty million pesos," aniya. “It’s not just for fashion, it protects you and brings luck, especially for someone carrying new life."
Napakurap ako sa gulat. Ang mahal!
"Nako, Senyora… Hindi ko po yata kayang tanggapin ang ganiyang kamahal na-"
Pinutol niya agad ako.
“It’s just a trifle,” mariin niyang giit. “Besides, it’s for the luck of my first girl great-grandchild.”
Sa seryoso niyang tingin, alam kong wala akong pagpipilian. Napalunok ako at hinayaan na lang siyang isuot sa aking pulso ang kumikinang na jade bracelet.
"Take good care of yourself during pregnancy and have a healthy baby," dagdag pa niya.
Ngumiti ako at nagpasalamat ngunit sa loob-loob ko, alam kong ang kabaitan ng senyora ay hindi dahil sa akin… kundi para sa magiging apo niya. Si Maverick lang din naman kasi talaga ang tunay na mabait sa akin sa pamilyang ito…
Ginugol ko ang buong hapon sa mansion kasama ang ginang. Si Kaiden, tulad ng dati, ay nanatili sa itaas, abala sa sarili niyang mundo. Gusto pa nga ni Senyora na dito kami matulog kahit isang gabi lang, ngunit tumanggi si Kaiden, sinasabing marami siyang pending works, kaya kailangan naming umuwi.
Pagdating ng hapunan, inakyat ko siya para tawagin, ngunit naabutan ko siyang nasa balkonahe, may kausap sa cellphone. Halos abot tenga ang ngiti niya, at kitang-kita ang lambing sa kausap, malayo sa malamig at tila bato na Kaiden kapag ako ang kausap.
Kung siguro ang babaeng mahal niya ang pinakasalan niya, tiyak na magiging mabuting asawa siya.
"Okay, I'll be right there."
Pinatay niya ang tawag at huli na bago ako makapagtago. Nagtagpo ang mata namin. Malamig na naman siya. Napalunok ako at pinilit kumalma kahit ramdam ko ang pagtigil ng tibok ng puso ko sa kaba at kirot.
"Kakain na at pinapatawag ka ni Senyora sa study niya."
Hindi siya nagsalita at nilagpasan lang ako... parang hangin.
Naramdaman ko na naman ang paninikip ng aking dibdib.
“Kai, I know that you don’t like Gaile but the baby is coming. Gaile is a very outstanding person, a top student from a prestigious university, and she is also gentle. What you need in your marriage is stability, and she is the most suitable person to be a good wife and mother.”
Pababa na ako nang hindi sadyang narinig ko 'yun. Dala ng kuryosidad, sinilip ko ang loob ng study. Nakaupo sa swivel chair si Senyor Dominic habang nakatayo naman si Senyora at kaharap si Kaiden.
Hindi sumagot si Kaiden pero sa pagtaas ng kilay niya, halatang hindi niya gusto ang tinutumbok ng matanda.
Paniguradong iniisip ni Kaiden ngayon kung paanong hindi pinapansin ni Senyora ang mga negatibongng katangian ko.
"Your marriage should not be changed at the moment. If you really don't like her, as long as she doesn't do anything too outrageous, you can leave it for another year or two," Si Senyor na bahagyang inubo.
"Tama ang lolo mo, many eyes are on you now, waiting to make a fuss about you. It's not too late to leave her after she has raised the child well."
Hindi ko na gustong marinig ang sagot ni Kaiden kaya bumaba na lang ako at piniling huwag makinig sa usapan nila. Masunurin si Kaiden sa pamilya niya, alam kong kapag ginusto ng Senyor at Senyora, susundin niya. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa na kampi sa akin ang Senyor at Senyora.
Hindi namin nakasabay si Kaiden sa dinner. May biglaan daw itong meeting sa kumpanya kaya umalis na agad, Kung hindi ko lang nakitang may katawagan si Kaiden kanina, baka naniwala pa ako pero alam ko na ngayong babae ang pupuntahan niya.
Pinahatid ako ni Senyora ng gabi ring iyon sa villa. Pinaalalahanan niya pa ako bago umalis.
"Even though you're pregnant, you still need to exercise more and take care of yourself. When your mother-in-law and the others were pregnant, they not only had to accompany their husbands to events, but also had to manage the household chores. Some things come easily, but it's not easy to hold onto them forever."
Nauunawaan ko agad ang gusto niyang iparating. Being a daughter-in-law in the Montelvar family isn't easy. Para ma-secure ang posisyon ko, kailangan kong baguhin ang sarili.
Sinubukan ko namang gawin 'yon. Nag-ehersisyo at yoga ako para magpapapayat, ngunit hindi ko magawang ipagpatuloy sa stress, kaya't mas lalo lang akong tumaba.
Naghahanda na ako sa pagtulog nang umuwi si Kaiden. Taliwas iyon sa nakasanayan kong umuuwi siya nang tulog na ako. Ito ang unang beses na umuwi siya nang maaga simula ng kinasal kami.
"Make me a bowl of hangover soup and bring it to my study," walang emosyong utos nito at dumiretso na agd sa taas nang salubungin ko sa pintuan.
Bigla akong napaisip kung may nangyari ba... Ilang segundo akong tila natigilan bago kumilos at sinunod ang utos niya.
Pagkatapos magluto, dinala ko na agad sa study niya ang soup. Abala siya sa pagbabasa ng mga dokumento kaya pagkalapag ng soup ay umalis na rin ako at hindi na siya ginambala. Kahit naman kasi umuwi siya ng maaga, magkahiwalay kami ng kwarto. Sa taas siya natutulog habang sa guest room ako sa first floor.
Kinabukasan, hindi ako bumangon kaagad sa kama. Nakasanayan ko ang paggising ng maagang maaga para magluto ng breakfast ni Kaiden pero ngayong araw ay hindi ko 'yon ginawa. Hindi ko rin siya pinagplantsa ng damit. Sigurado naman kasi akong ipagluluto siya ng dalawang kasambahay ng marangyang almusal.
Pero hindi pa rin ako nakatiis. Lumabas ako para silipin kung ano ang hinanda nilang pagkain para kay Kaiden na sana ay hindi ko na lang pala ginawa.
"Where is she?" kunot-noong tanong ni Kaiden halatang pangit ang mood ngayong umaga.
Umiling ang isang kasambahay. "Tinatawag ko siya kaninang umaga, pero ayaw pa ring bumangon. Kailangan pa naming dalhin ang pagkain sa kwarto niya araw-araw. Hindi siya nakikinig at hindi nagsasalita kapag tinatanong namin kung ano ang gusto niyang kainin. Hindi naman kami mga manghuhula. Buntis lang naman siya. Nang buntis si Madam sa iyo, young master, napaka-masigasig niya para kay Chairman. Pero siya, parang talagang nag-eenjoy lang."
Napaawang ang labi ko sa narinig.
What? Kanina pa ako gising, hinihintay ko lang talaga munang makaalis si Kaiden, at kahit isang tawag, wala akong natanggap. At kahit kailan ay hindi ako kumain sa kwarto kahit masama ang pakiramdam ko. Naramdaman ko ang pa-akyat ng galit sa didbdib ko. Matanda na ang kasambahay pero napakagaling gumawa ng kwento.
Nagdugtong ang kilay ni Kaiden. "Go and wake her up."
"Opo, senyorito."
Bago pa man ako makita, pumasok na muli ako sa kwarto at hinintay ang pagpasok ng ginang.
Nakatangis ang aking bagang nang harapin ito. Nakangisi pa ito at nandidiring nakatigin sa akin.
"Talagang hindi ka pa lumabas? Akala mo ba talaga ikaw ang reyna dito?"
Umismid ako pilit kinakalma ang sarili.
"Bakit? Sino ho ba ang dapat na reyna, ikaw?"
Nalaglag ang panga niya sa gulat. Sa nakaraang ilang buwan, pinipilit ko ang manahimik lang kaya hindi niya inaasahan ang biglaan kong pagsagot.
"Kung magpapatuloy ka sa kawalan ng respeto sa akin, huwag mo akong sisihin kung isusumbong ko sa senyora ang lahat ng ginagawa mo, na gumagawa ka ng mga kwento laban sa akin, na tinatrato mo akong parang basura, at na nag-aastang amo ka kapag walang ibang nakakakita.”
Bakit ko pa kailangang magtiis sa hindi makataong pagtrato nila sa akin sa loob ng natitirang dalawang buwan? Tutal naman ay maghihiwalay na kami ni Kaiden, wala na akong dapat ipangamba.
Nanlalaki ng sobra ang mata ng ginang. Gulat na gulat. Ngumisi ako at iniwan na siya roon sa kwarto. Hindi pa rin humuhupa ang galit ko kaya hindi ko napansin kusa akong dinala ng paa ko sa lamesa kung saan kumakain si Kaiden.
Umangat ang walang emosyong mata nito sa akin at pinasadahan ako ng tingin. Napalitan ng hiya ang kaninang galit na nararamdaman ko. Isang puting shirt lang ang suot ko, kupas at batak na batak ang tela dahil sa laki ng katawan ko. Sa laki ng tiyan ko, para bang nagdadalang-tao ako ng higit sa isa.
Nasa kabisera si Kaiden kaya umupo ako sa kanang bahagi ng dulo ng kabisera, malayo sa kanya.
“Matatanda na sina Manang Ana. You can't expect them to accommodate you in everything," Si Kaiden sa malamig na boses. “Buntis ka lang, hindi ka naman baldado o hindi makagalaw.”
Buntis lang?
Ang dalawang salitang iyon ay parang kutsilyong bumaon sa dibdib ko. Sa bagay hindi niya naman alam kung gaano kahirap magbuntis. Ni wala siyang pake sa nararamdaman ko kaya wala siyang alam. Para sa kanya, buntis lang ako. Ngunit para sa akin, bawat araw ay isang pakikibaka. Maaaring sa kaniya, walang halaga ang anak namin, pero sa akin, siya ang kayamanan ko.
"Kung ayaw naman pala nila akong intindihin at pagbigyan, bakit hindi na lang natin sila pauwiin sa mansion? Kaya ko namang alagaan ang sarili ko."
Kalmadong aniko habang inaabot ang sinangag na nasa hapag. Ako naman kasi talaga ang nagluluto pa sa sarili ko, nilalaban ko ang mga damit ko at ako rin ang naglilinis ng kwarto ko. Nagpapanggap lang naman ang dalawang kasambahay tuwing nandiyan siya.
Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakakunot ang noo ni Kaiden, senyales na hindi siya natuwa sa pagsagot ko. Whether at work or in life, he is a very assertive person who does not tolerate any rebuttal. Ito rin ang unang beses kong sumagot kaya alam kong nagulat siya.
"I'm reminding you, not asking you to give your opinion."
Dumilim ang mukha niya habang tinititigan ang halos walang buhay na anyo ko. Ramdam kong malapit ng maubos ang pagtitimpi niya kaya hindi na ako nakipagtalo pa at inabala na lang ang sarili sa pagkain.
"Manang Ana, Manang Lela!" tawag niya sa dalawa na agad lumapit. "From now on, let her do her own things, you didn't need to serve her."
Sa sandaling iyon, hindi ko namalayang humigpit ang kapit ko sa kutsara. Nanlalamig ang mga daliri ko, hindi dahil sa inutos niya, kundi dahil sa sakit na pilit kong nilulunok.
Sa unang pagkakataon tumayo ako kaagad kahit hindi pa ubos ang kinakain at iniwan siyang mag-isa sa mesa. Natanaw ko pa ang hindi naitagong gulat sa dalawang ginang at ang pagkatgil ni Kaiden. Walang lingon-lingon, dumiretso ako sa kwarto ko kahit ramdam ko ang mga mata nila.
Nang masigurong nakaalis na si Kaiden, umalis na rin ako para pumunta sa Primo University kung saan kami magkikita ni Prof Laurence. Nang makarating doon, dumiretso na agad ako sa opisina niya.
Tatlong katok ang pinakawalan ko bago tuluyang tinulak ang pintuan. Tumambad sa aking paningin ang prenteng nakaupo na si Prof Laurence. Nakasuot siya ng maayos na suit at may suot na salaming walang frame na nakakapit sa sa matangos niyang ilong. Sumisigaw ng awtoridad at propesyonalismo ang awra niya.
Sa edad na dalawampu’t siyam, nahirang na siyang pinakabatang ganap na propesor sa departamento ng pananalapi ng Primo University. Kilala rin siya bilang isang henyo sa financial circle.
Nanlalaki ang mga mata ni Ven habang namumula sa galit."Ang kapal mo!" Imbes na bigyang-pansin, tumalikod na ako at iniwan na siya. Pangit lang ako pero alam kong mahusay ako kumpara sa kaniya. Hindi ko hahayaan na maliitin nila ako mula ngayon.Pagbalik ko sa puwesto ko, kumuha ako ng maliit na salamin at tiningnan ang bahagyang bakas ng dugo sa isang gilid ng aking pisngi. Hindi naman malalim ang sugat, kaya pinunasan ko na lang ito ng wet wipes. Hindi ko na rin ginamot sa pag-iisip na sa ganitong mukha, ano pa ba ang halaga ng isa pang pilat? Hindi ko na rin pinasa pa ang panibagong kopya ng files ng report ko.Bigla kong naalala ang histsura nung Gelly. Hindi ko alam kung bakit mukha siyang pamilyar...Nang halos patapos na ang trabaho, nakatanggap ako mg tawag mula kay Papa at sinabing nakabalik na ang Kuya Miguel ko."Akala ko sa akinse pa dating niya?" gulat na tanong ko."Nagulat din kami, eh, maaga raw natapos ang trabaho niya," sagot ni Papa."Sige po, uwi po ako diyan sa
"Financial statement analysis for del Vedas should be completed before the end of the workday at noon," utos ni Ven pagkabalik na pagkabalik ko palang sa workstation ko. Kahit nalipat na ako sa mababang posisyon, sa akin pa rin niya binabato halos lahat ng mga gawaing mahihirap na hindi naman na sakop ng responsibilidad ko. At kahit ayaw ko, hindi ako tumututol. Akala ko kasi na kapag nagpatuloy ako sa pagsisikap sa trabaho ko ay bibigyan na ko ni Kaiden ng kahit kaonting pansin. Pero, niloloko ko lang pala ang sarili ko dahil kahit isang sulyap wala akong natanggap mula sa kaniya. Halos isang oras lang ginugol ko upang tapusin ang analysis report. Pilit pang tinatago ni Ven ang pagkamangha sa bilis ko nang iniabot ko sa kaniya ang flashdrive for the soft copies and the paper versions. Oras na ng tanghalian at wala na akong gagawin kaya umorder na lang ako ng vegetables salad at cheese maraconi sa isang food app delivery. May cafeteria naman sa loob ng kumpanya pero laging crowde
Sandaling namangha at hindi pa yata ako nakilala nang itinaas ni Prof Laurence ang tingin sa akin. “Good morning, Professor Laurence,” bati ko at doon niya lang ako tuluyang nakilala.Namilog ang labi nito at kaagad na inayos ang sarili sa upuan. “You really arrived." Parang hindi pa rin makapaniwala na nakikita ako ngayon sa harapan niya. Nahihiya akong napangiti. “Ang tagal din nating hindi nagkita, Prof.”Matamis siyang ngumiti. "Yeah. Long time no see, I almost didn't recognize you."Nakagat ko ang labi ng maramdaman ang panliliit.“Nahihiya nga akong pumunta sa harap mo ng ganito ang anyo ko.”Kaagad na kumuot ang noo niya. Tumayo ay nilahad ang upuan sa akin. “Normal lang naman na magbago ang katawan mo habang nagdadalang-tao. Ayos lang ‘yan pagkatapos mong manganak. Please sit down."Para akong nakahinga sa sinabi niya at naupo na sa sofa habang nagsasalin ito ng tubig sa baso. "Here. Warm yourself up."Kaagad ko itong tinanggap. "Thank you, Prof.""Drop the formalities.
Hindi ako lumingon. Hindi rin siya nagsalita, pero dama ko ang bigat ng kanyang titig sa akin.“Linggo bukas,” dugtong ko, pilit pinatatatag ang boses na muntik nang mabasag. “May oras ka ba sa hapon?”Mahina akong huminga, sapat lang para hindi ako manginig. “Kung gusto mo… puwede na nating asikasuhin nang mas maaga.”Hindi ko alam kung hormones lang ba ito o pagod na pagod na ang puso ko. Pero sa sandaling iyon, iisa lang ang malinaw sa isip ko, ayoko nang maghintay. Ayoko nang umasa. Gusto ko na lang tapusin ang lahat bago pa tuluyang maubos ang natitira sa akin.Walang divorce sa Pilipinas, annulment lang. Pero dahil dual citizen si Kaiden, Filipino at Spanish, may karapatan siyang mag-file ng divorce bilang isang dayuhan. Kapag isinampa niya iyon pagkatapos kong manganak, kailangan pa naming dumaan sa isang buwang cooling-off period. Pero kung sisimulan namin ngayon, magiging opisyal na ang divorce sa mismong oras na ipanganak ko ang anak namin.Hindi pa rin siya kumikibo.Kumura
Gaile Enriquez POVNatigilan ako sa paglalakad nang matanaw ang sobrang pamilyar na pigura ng isang lalaki sa 'di kalayuan. Pinagsingkit ko pa ang mga mata ko, pilit inaaninaw kung tama ang hinala. Matangkad ito at nakasuot ng itim na coat. At kahit nakatalikod ito, hindi ako maaaring magkamali.Awtomatikong gumihit ang ngiti sa aking labi, ako mismo ang namalantsa kanina ng coat na iyon kaya sigurado akong si Kaiden ang natatanaw ko ngayon... ang asawa ko.Nandito ba siya para sunduin ako?"Kaid–"Naputol ang sana'y pagsigaw ko nang biglang lumapit sa kaniya ang isang magandang babae... Pinulupot nito ang kamay sa bisig ni Kaiden. Kasabay ng paglaho ng ngiti ko ang pagguhit naman ng ngiti mga labi nila. Inayos niya ang puting fur coat na suot ng babae, tila ayaw madapuan kahit kaunting lamig. Ang sinumang makakakita sa kanila ngayon ay masasabing magkasintahan silang dalawa.Hindi sinasadyang humigpit ang hawak ko sa resulta ng pregnancy test. Bumaling sila sa gawi ko dahilan para m







