Share

Chapter 10

“RICHARD, pasok ka,” saad ni Elysse sa kaibigan at executive assistant ni Carson.

Nang makaupo si Richard sa sala ay agad niya itong binigyan ng maiinom.

Si Richard ang matalik na kaibigan ni Carson mula pa noong nasa high school pa lamang sila. Ito ang tumawag kanina sa cellphone ni Carson na siya ang nakasagot.

“Kumusta si Carson? Tumatawag ako sa kanya para kumustahin pero hindi siya sumasagot.”

Bago si Elysse magsalita ay napasulyap muna siya sa pinto ng silid ni Carson. “Ganoon pa rin siya. Hindi lumalabas ng kuwarto at nagluluksa pa rin. Halos ayaw ding kumain. Panay ang paglalasing.”

Nakita niya ang pag-iling ng lalaki. Maging ito man ay sobrang nag-aalala sa kaibigan.

“Can I see him?”

Mabilis siyang tumango. “Oo naman.”

Makalipas ang isang oras ay nagbalik na si Richard. Bumuntong hininga ito. “Tama ka nga. Naabutan ko siyang naglalasing na naman.”

Hindi na siya kumibo.

“He loves Elizabeth that much. Hindi ko inaasahang mararanasan nang maaga ni Carson ito. Ang maging isang b
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status