“ELIZABETH.”
Elizabeth immediately stopped from her doing when she heard her husband’s voice. Naroon siya sa bandang likuran ng bahay kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Doon ay kasalukuyan niyang nililinis ang kotse.
She saw the furious look on Carson’s face when she looked at him. Nakasuot pa ito ng pang-opisinang damit at mukhang kakarating lang mula sa biyahe. After looking at his appearance, her eyes flew to the papers that he was holding tightly. Malinaw na mababanaag sa anyo ng kanyang asawa ang galit. Dahil naman doon ay unti-unting bumangon ang kaba sa kanyang dibdib.
“Hon—” kaagad na naputol ang mga sasabihin ni Elizabeth nang iabot nito sa kanya ang mga hawak ng asawa na papel.
But to her surprise, it was a picture and she became uneasy when she saw who was in the picture. It was her with Jarren and they are so close to each other. Halos nakayakap na siya sa lalaki. Kinunan ang litrato mula sa labas ng building ng pad nito and they were about to get inside. Bahagya namang nakatalikod sa litrato si Jarren kaya hindi kita ang mukha nito samantalang siya ay malinaw.
“Make sure that you have a better explanation about that, woman.”
Mula sa kinatatayuan ni Elizabeth ay ramdam niya ang malamig na hanging dumadampi sa kanya subalit siya naman ay pinagpapawisan.
How could she tell about their coming baby when this sh*t came first to Carson?
“C-Carson—”
“Sumagot ka, Beth!”
Halos mapalundag siya mula sa kinatatayuan nang bigla na lamang siyang sigawan ni Carson. Mukhang napakatagal na nitong kinikimkim ang galit and obviously, he is about to burst if she stepped on the wrong step.
“Sino ang lalaking ’yan at bakit ka niya hinahawakan sa ganyang paraan?” This time, Carson’s voice is almost growling from anger.
Paano pa ba niya dedepensahan ang sarili? Malinaw na naman sa litratong iyon na may ginawa siyang mali.
Sinubukan niyang lapitan ang asawa upang hawakan sa mga kamay. Nang mahawakan naman niya ang mga kamay ng asawa ay damang-dama ni Elizabeth ang panginginig nito. Doon na rin nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha.
“Believe me, hon. W-wala kaming relasyon. Hi-hindi ko—”
Lalong nagsalubong ang mga kilay nito kasunod ng pagsaklot nnag mariin sa kanyang braso na halos ikapilipit niya.
“What? Sasabihin mo sa ’king wala kayong relasyon? Oh, c’mon, Elizabeth. Don’t make me a fool this time. Heto na ang ibedensya, oh.” Idinuro nito ang mga litratong kanina ay kanyang nabitiwan nang lapitan ang asawa.
Wala nang nasabi pa si Elizabeth kundi ang umiyak na lamang. Paano niya ipaliliwanag na hindi niya ginusto iyon?
“All this time I was busy, you were here, just fooling me around.” Initsa siya nito na halos ikabuwal niya sa sahig. “Ugh... Why I don’t realize it earlier? Kaya pala sa tuwing aayain kitang sumama sa akin ay tumatanggi ka.” He smiled bitterly.
“Carson, hindi totoo ’yan. Ayaw ko lang talaga sumama dahil alam kong makakaabala lang ako sa ’yo kapag sumama ako.”
“Then, give me a f*cking good explanation what were you doing there while hugging him?!” Sa sobrang frustration ay naihilamos nito ang dalawang palad sa mukha. “You were f*ucking goddamn drunk there.”
Nagpalakad-lakad ito saka huminto sa kanyang harapan habang siya ay patuloy lamang sa pag-iyak.
“I trusted you so much, Beth. Alam kong nagsasaya ka paminsan-minsan lalo na kung iniiwan kitang mag-isa but I wasn’t aware that you were already putting a sh*t on my head.”
“Carson, I’m sorry. Pero maniwala ka, wala kaming relasyon. I just bumped him in the bar and—”
“And now you were saying that you’ve just met him and you let him f*uck you?”
Lalong napaluha si Elizabeth. Lahat kasi ng sabihin niya ay hindi nakakatulong. Sa halip ay mas lalo pa nga niyang napapalala ang sitwasyon. Lalo lamang niyang naididiin ang sarili sa asawa.
“H-hon, I know— I know na kahit anong paliwanag ang gawin ko,” aniya sa pagitan ng paghikbi. “Hindi ko na mababawi ang nangyari. Pero totoong mahal na mahal kita at hindi ko sinasadyang may mangyari sa amin.”
She saw the disgusting expression on her husband’s face when she said she loves him.
“I don’t know, Beth. I don’t if I would ever believe you. You cheated on me and that’s clear enough for me that you don’t love me.”
Pagkasabi niyon ay malalaki ang mga hakbang na nilisan siya ng asawa. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito na kulang na lang ay isumpa siya.
Sa pakiramdam ni Elizabeth ay tila siya isang kandilang nauupos at malapit nang mawalan ng lakas kaya naman ay napakapit siya sa hood ng kotse.
Nagpatuloy lamang siya sa pag-iyak habang tila kinakapos na ng hangin. Bahagya lamang iyon nahinto nang maramdaman niya mula sa bulsa ang pag-vibrate ng cellphone.
Panandalian siyang nagtaka at nag-isip kung sino ang nagmamay-ari ng numerong nakarehistro sa screen ng kanyang cellphone. Wala rin siyang maalalang pinagbigyan niya ng kanyang numero.
She hesitantly answered the call. “H-hello?” Her voice was rough.
“How are you, Beth? Oh, did you cry?” tanong ng tinig ng isang lalaki mula sa kabilang linya.
Her eyebrows knitted. “Sino ’to?”
“Kahapon lang tayo magkasama pero nakalimutan mo na ako agad?”
“Jarren?” bahagyang tumaas ang timbre ng kanyang boses.
Narinig naman ni Elizabeth ang mahinang pagtawa nito. “Inaway ka ba ng asawa mo dahil sa mga pinadala kong pictures?”
Awtomatikong umahon ang galit sa dibdib ni Elizabeth nang marinig ang itinuran nito.
“Hayop ka! Ano bang kailangan mo sa ’kin? Talaga bang hindi mo ako titigilan?”
“Oh, relax. Na-miss lang kita. Kailan ba tayo ulit puwedeng magkita?”
She gritted her teeth and then she took a deep breath. “Look, Jarren. Can you please stop this? Can we just move on and part ways? Please, nakikiusap ako sa ’yo. I don’t want my marriage to be ruined.”
“But that’s what I want, Beth. I want your marriage to be ruined.”
Napapikit siya upang pakalmahin ang sarili. Pakiramdam kasi niya ay mababaliw na siya sa mga nangyayari.
“Beth, I’ll give you two options. Hihiwalayan mo ang asawa mo o malalaman niyang bukod sa may iba kang lalaking ka-sex, isa ka ring drug user ka.”
“MANANG Selma, ang ate po? May dala akong oranges, paborito niya,” sabi ni Elysse sa punong mayordoma ng pamamahay ng mag-asawang Guillermo.Tanghali na nang mga oras na iyon at naisipan niyang bisitahin at kumustahin ang nakatatandang kapatid na si Elizabeth. Matagal na ang huling beses na nakasama at naka-bonding ang kapatid mula nang magpakasal ito kay Carson Guillermo— the most handsome, powerful and eligible bachelor of their batch during their college days na ngayon ay isa nang doktor sa isa mga pinakamalaking hospital dito sa Pilipinas. Katunayan nga niyan ay high school pa lamang siya nang makilala mula sa malayo ang lalaki. Noong isang araw ay biglang nagpakita ang kanyang kapatid ngunit mabilis lamang. “Hindi pa rin po nakakauwi, Maʼam, eh.”Buhat sa sinabi nitoʼy nahinto siya sa paglalagay ng mga prutas sa loob ng refrigerator. “Bakit, saan siya nagpunta?”“H-hindi ko po alam. Basta maaga po siyang umalis kaninang umaga.”Mabilis siyang dumukot sa bulsa upang ilabas ang p
ISANG buwan ang lumipas, nananatiling madilim pa rin ang daan para kay Elysse. Hindi pa rin niya makapa ang mga bagay na dapat gawin gayong hindi pa rin natatagpuan ang kanyang kapatid. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin natatagpuan si Elizabeth. Ang sabi pa ng mga rescuers ay maaaring nilapa na ng mga mababangis na hayop ang katawan ng kanyang kapatid kung kayaʼy wala silang matagpuang katawan. O kaya naman ay maaaring nahulog sa ilog ang katawan nito at humantong sa dagat. Sa dulo kasi ng masukal na kagubatan ay ang ilog na may malakas na agos ng tubig at nagdudugtong sa malawak na karagatan. Ang pangyayaring iyon kay Elizabeth ay kaagad na pumutok sa mga balita. Kahit sa social media ay trending ang balitang namatay na ito bagay na hindi na ipinagtataka ni Elysse. Asawa ito ng isang business tycoon kaya natural lamang iyon subalit, siya ay nananatiling tikom ang bibig sa pangyayari.Hindi siya naniwala sa mga sinasabi ng mga awtoridad patungkol sa labi ng kanyang ate. Hindi pa
PAGBABA niya ng kotse ay agad siyang sinalubong ng police officer na siya ring tumawag sa kanya.“Nasaan po siya?” tukoy niya sa bangkay.“Sumunod po kayo sa akin,” saad nito kasabay ng pagpapatiuna sa paglalakad.Humantong sila sa isang silid at nasa gitna ang isang mesang siguradong kinalalagyan ng bangkay. Natatakpan iyon ng puting kumot. Doon sila huminto at hinayaan siya ng pulis na iangat ang kumot upang tingnan ang nasabing bangkay.Sa nanginginig na kamay ay dahan-dahan niyang hinila ang kumot na tumatabon sa mukha nito.She suddenly took a step backward when she finally saw the face of the corpse. Nabubulok na iyon at hindi na makilala. Mayroon na rin itong hindi nakakaayang amoy. Dahil sa hindi niya matagalan ang pagmasdan ang mukha ng bangkay ay napilitan siyang ibalik muli ang takip sa mukha nito. Still, she couldnʼt take away her eyes off that corpse. Hindi matanggap ng kalooban ni Elysse na iyon nga ang kanyang kapatid.Mayamaya pa ay bigla na lamang dumating si Carson a
“MULA nang mawala si Elizabeth, palagi na lamang ganyan si Carson. He always gets drunk. Hindi rin siya kumakain. And every time I tried to reach him, he would just ignore me,” puno ng pag-aalalang lahad ni Celestine kay Elysse. “Mahal na mahal niya ang ate mo.” Sinulyapan niya ang bahagyang nakapinid na pinto ng kuwarto ni Carson mula sa ibaba. Nakatulog na ang lalaki nang siya ay lumabas. Marahil, dala na rin ng alak at pagod ay nakatulog ito. Ngayon, nasa sala na sila ng ginang at nag-uusap. “Hija, thank you for helping Carson this time. Alam ko, nagluluksa ka pa rin pero hetoʼt inaalala mo pa ang iba. Pasensya—” “No, Tita. Itʼs fine. Mabuti nga po at tinawagan niyo agad ako. Carson is like a brother to me.” “Ngayon ako nagsisisi kung bakit nag-iisang anak lang si Carson. I mean, sana hinayaan kong mabuntis pa ako ulit para naman may kapatid pa siyang matatakbuhan at mapagsasabihan ng mga problema. You know Carson well, very secretive. He didnʼt wants to share his feeling even
PAGDATING sa bahay ni Carson ay kaagad nang isinalang ni Elysse ang dalang ulam sa microwave oven upang initin. Pagkatapos, ang mesa naman ang kanyang inasikaso. Ngunit kaagad rin siyang tumigil sa ginagawa. Sa tingin ba ng dalaga ay mapapalabas niya ng silid ang lalaki at dudulog sa hapag nang ganoon ang sitwasyon nito? Bumuntong hininga siya. Hindi niya gaya si Carson na bahagya nang nakakaahon mula sa lungkot. Inayos na lamang niya ang pagkain upang dalhin iyon sa kuwarto ng lalaki. Binilinan muna niya si Andres na abala namang naglalaro sa sala. “Baby, bibigyan ko lang ng food ang Tito Carson mo, okay?” “Mom, is he sick?” “Ah, parang ganoʼn na nga. Hintayin mo ako dʼyan. Pagbalik ko, tayo naman ang kakain, ha?” “Opo.” Pagkatapos, tinungo na niya ang silid ni Carson. Inabutan niyang nakabukas ang pinto ng silid nito kaya pumasok na siya. “Carson?” Walang nakuhang sagot si Elysse kaya dumiretso na siya ng pasok. Kagaya ng una ay malungkot ang awra sa kuwarto ng lalaki. Madi
“RICHARD, pasok ka,” saad ni Elysse sa kaibigan at executive assistant ni Carson.Nang makaupo si Richard sa sala ay agad niya itong binigyan ng maiinom.Si Richard ang matalik na kaibigan ni Carson mula pa noong nasa high school pa lamang sila. Ito ang tumawag kanina sa cellphone ni Carson na siya ang nakasagot.“Kumusta si Carson? Tumatawag ako sa kanya para kumustahin pero hindi siya sumasagot.”Bago si Elysse magsalita ay napasulyap muna siya sa pinto ng silid ni Carson. “Ganoon pa rin siya. Hindi lumalabas ng kuwarto at nagluluksa pa rin. Halos ayaw ding kumain. Panay ang paglalasing.”Nakita niya ang pag-iling ng lalaki. Maging ito man ay sobrang nag-aalala sa kaibigan.“Can I see him?”Mabilis siyang tumango. “Oo naman.”Makalipas ang isang oras ay nagbalik na si Richard. Bumuntong hininga ito. “Tama ka nga. Naabutan ko siyang naglalasing na naman.”Hindi na siya kumibo. “He loves Elizabeth that much. Hindi ko inaasahang mararanasan nang maaga ni Carson ito. Ang maging isang b
MALAKAS na katok ang nagpabangon kay Elysse mula sa malalim na pagkakatulog. Sumunod niyang tiningnan ay ang anak na mahimbing pa ring natutulog. Nang kanya namang sulyapan ang oras ay hatinggabi na iyon.Hindi pa man siya nakakatayo mula sa kama ay muli na namang kumatok nang napakalakas ang sinumang nasa labas. Kaagad siyang kumilos upang magsuot ng sapin sa paa. Dahil kung hindi siya magmamadali ay baka masira na nito ang pinto at baka magising din si Andres.Tila alam na rin ni Elysse kung sinuman ang nasa labas kaya inihanda na niya ang sarili bago pa man niya buksan ang pinto. And when she opened the door, she saw Carson. He was so frantic. Nakita niya ang mariing paghawak nito sa frame a sign that he was trying to suppress his anger.“Bakit wala na’ng alak sa storage room? What the f*ck did you do to them?” paangil nitong tanong sa kanya.She was worried that they might wake up Andres so she stepped outside the room. She slowly closes the door and then faces him. Elysse knew t
KUMILOS si Elysse para isalang sa laptop ang microchip.Nang mabuksan niya nang tuluyan ang nilalaman ng chip, hindi na napigilan ng dalaga ang maluha nang marinig ang masaya at masiglang boses ng kapatid. Hindi niya nakikita kung ano ang nagaganap dahil nakatutok ang camera sa labas ng kotse. Tanging ang tinig lamang nito na kausap siya sa cellphone ang kanyang naririnig.Nang wala na siyang marinig o makita tungkol sa kapatid ay pinindot na niya ang fast forward. Ilang sandaling ganoʼn nang isang bagay ang umagaw ng kanyang atensyon. Si Carson at ang kanyang Ate Elizabeth. Nasa labas ang mga ito na nakatayo sa tapat ng bump car ng kotse ng kapatid.Pinahinto niya ang fast forward at muling ibinalik ang video kung saan niya nakitang nagsimulang nakatayo ang dalawa saka muling pinindot ang play.Pinagmasdan niyang maigi kung ano ang nagaganap. May hawak na mga papel si Carson. Sa una, mukhang nag-uusap lamang ang mga ito at hindi rin niya marinig nang malinaw kung ano ang pinag-uusapa