Share

Chapter 12

KUMILOS si Elysse para isalang sa laptop ang microchip.

Nang mabuksan niya nang tuluyan ang nilalaman ng chip, hindi na napigilan ng dalaga ang maluha nang marinig ang masaya at masiglang boses ng kapatid. Hindi niya nakikita kung ano ang nagaganap dahil nakatutok ang camera sa labas ng kotse. Tanging ang tinig lamang nito na kausap siya sa cellphone ang kanyang naririnig.

Nang wala na siyang marinig o makita tungkol sa kapatid ay pinindot na niya ang fast forward. Ilang sandaling ganoʼn nang isang bagay ang umagaw ng kanyang atensyon. Si Carson at ang kanyang Ate Elizabeth. Nasa labas ang mga ito na nakatayo sa tapat ng bump car ng kotse ng kapatid.

Pinahinto niya ang fast forward at muling ibinalik ang video kung saan niya nakitang nagsimulang nakatayo ang dalawa saka muling pinindot ang play.

Pinagmasdan niyang maigi kung ano ang nagaganap. May hawak na mga papel si Carson. Sa una, mukhang nag-uusap lamang ang mga ito at hindi rin niya marinig nang malinaw kung ano ang pinag-uusapa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status