Share

Chapter 14

PAGKATAPOS ng matagal at mapusok na halik na pinagsaluhan nila ni Carlo ay inilayo na rin ni Celestine ang sarili mula rito.

Maarteng hinampas ni Celestine ang dibdib ng binata. “Hindi mo dapat ginagawa iyon,” tukoy niya sa biglang paghalik nito sa kanya aa sariling opisina.

“Bakit? Tayong dalawa lang naman ang nandito, ah. Malabong may makaalam nito. Isa pa ay nag-iisa lang ang opisinang ito at malayo sa mga tauhan. Anoʼng inaalala mo?” Muli nitong pinatakan ng halik ang kanyang labi na ikinahagikgik niya. “Napakaganda talaga ng Celestine ko.”

“Hmp! Bola na naman, Carlo,” natatawang turan niya rito.

Lumayo na siya rito upang maawat na ito sa kahahalik sa kanya saka bumalik sa kinauupuan niya. Nagsasawa na siya sa mga ganoong gawain nila, sa totoo lang.

Nagtungo naman ito sa kanyang harapan at umupo sa isa sa mga upuang naroon.

“Ano naʼng plano mo ngayong nadespatsa mo na ang manugang mo?”

Napangiti siya nang maalala ang pagpapakamatay ni Elizabeth. “Tama ang ginawa niya. Tamang siya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status