SUMINGHAP si Alexa bago tuluyan iminulat ang basa sa luhang mga mata. Ilang saglit pang kumisap-kisap ang mga mata niya dahil sa pagkasilaw sa puting-puting silid.Huminga siya ng malalim at ipinako ang mga mata sa puting kisame— pinag-adjust ang paningin. Mula sa kisame ay unti-unting bumaba ang tingin niya sa kulay puting pader na lalo pang pinakinang ng puting ilaw.Marahan niyang inikot ang paningin, napagtanto niyang nasa pribadong ICU siya. May kalakihan ang silid na may salamin na pintuan. Sa paligid ng kama na hinihigaan niya ay ilang aparato ang nakapwesto.Iginalaw niya ang kamay; may kabigatan ito marahil dahil medya namamaga na ito sa swero.Gaano kaya siya katagal walang malay?Sa totoo lang, nang mawalan siya ng malay sa yate, inisip niyang hindi na siya magigising. Na mamamatay na siya. Bahagya siyang nakadama ng lungkot sa isipin na kung sakaling namatay siya ng oras na iyon, malamang malulungkot ang kaluluwa niya dahil bangungot ang gabi na iyon sa kaniya. Yong mga al
WARNING: This chapter contains violence and foul language. These scenes are crucial to the story, so they really need to be included, but I will understand if you want to skip this chapter. Thanks, Sunshines 💛 * NILINGON ni Sebastian ang dumapong palad sa balikat niya. Ngumuso siya pagkakita sa Lola Antoinette niya. “Hijo, please kumain ka na muna at matulog. Kami na muna ang bahala kay Alexa, hmm.” Tiningnan ni Sebastian ang Lola, pero hindi siya nagsalita; bagkus, marahan niyang tinanggal ang kamay nito sa balikat niya. Tapos muling bumalik sa pagpupunas ng basang bimpo sa braso ng asawa. Nagbuntonghininga si Madam Antoinette. Bakas na bakas nilang lahat ang puyat, pagod, at pagkabalisa sa nangingitim na mga mata at magulong buhok ni Sebastian. Malayo sa dating gawi ay lukot-lukot ang damit niya na natatakpan lang ng disposable hospital gown. Magtatatlong araw nang comatose si Alexa; magtatatlong araw na rin hindi natutulog at kumakain ng maayos si Sebastian. Personal ni
WARNING: This chapter contains violence, swearing, and foul language. These scenes are crucial to the story, so they really need to be included, but I will understand if you want to skip this chapter. Thanks, Sunshines 💛 * “ARRGH! SEB, PLEASE! I’M SORRY!” Katelyn choked between sobs. Nagpumiglas ito habang pilit kumakawala sa pagkakahigit ni Sebastian. Kanina, nang mahimasmasan si Sebastian ay hindi niya naiwasan magalit at magwala. Inihagis niya ang lahat ng maihahagis sa loob ng maliit na cabin habang sige ang pagsabunot sa sarili. Balot siya ng guilty feelings dahil sa nangyari. Pero kung meron man nanalo sa sistema niya ngayon, iyon ay ang takot sa magiging reaksyon ng asawang si Alexa pag nalaman nito ang nagawa niya. Pinangibabawan siya ng takot, kaya napagdesisyonan niya na ano man ang mangyari ay hindi niya hahayaan malaman ng asawa ang nagawa niya. Kung kinakailangan na maglumuhod siya kay Katelyn, ay gagawin niya masiguro lang na hindi ito magsasalita— which he
WARNING: This chapter contains violence, swearing, and foul language. These scenes are crucial to the story, so they really need to be included, but I will understand if you want to skip this chapter. Thanks, Sunshines 💛 * “AHHH!!” Mula sa likuran ay hinablot si Alexa ng malalakas na mga braso. Nabitawan niya ang cellphone na kaagad dumausdos sa makinang na oakwood na sahig. “Bitawan mo ko!! Saklolo!!” Sa kabila ng takot at panghihina ay buong lakas na nagpumiglas habang nagsisigaw si Alexa. Ikinuyom niya ang maliit na kamao, pinagsusuntok at pinagkakalumot ang lalaki na may hablot-hablot sa kaniya. “Bwisit! Palaban kang maliit kang babae ka, huh!” Galit na sigaw ng lalaki. Habang sige naman ang halakhak ng dalawang kasama nito. “Arrgh!!” Biglang umikot ang paningin ni Alexa nang marahas ihagis ng lalaki sa kama. Sa bulak na lambot ng kama ay tumalbog ang katawan niya at hindi siya kaagad nakabangon. Bago pa siya makaalis ng kama ay sinunggaban na siya ng sampal n
“YOU’VE BEEN DRUGGED!” Napatda si Alexa sa narinig. Nagmulagat ang naniningkit at nanlalabo na niyang mga mata kasabay ang pagsinghap niya. “What?! D-Drugged?! How?” Sunod-sunod na tanong niya. Rinig na rinig sa tinig niya ang pagkalito. Paano? Gayon, bantay sarado siya ni Gavin? Unless . . . Tumigas ang tingin niya kay Gavin. Ayaw man tunguhin ng isipan niya, sa huli ay ito pa rin ang tinungo nito. “G-Gavin, d-did you do this?” Batid niyang balot ng panghuhusga ang tanong niya pero ipinagsawalang bahala niya ito. Kitang-kita na nagulat si Gavin. Mabilis nitong idinistansya ang sarili sa kaniya. Tumayo ito at tinungo ang glass coffee table sa harapan ng white loveseat. “Gusto mo ba ayusin ko yong tanong ko?! Gavin, inutusan ka ba ni Katelyn na i-drugs ako?!” Tila bato sa tigas ang tinig niya. How could he?! He said he is her person, but he betrayed her?! Naghihimutok ang puso at isip niya. Kahit nanghihina ay pinilit niyang umupo. Nang makaupo ay bumati sa kaniya ang na
“KAHIT ANO’NG ORAS, maganda talaga ang malokong paa na to ni Katelyn,” bulong sa isip ni Sebastian habang minasahe ang mapulang sakong ni Katelyn. Indeed, this past year, she did this numerous times, and he never called on her. But this time it was different . . . Kinagat niya ang ibabang labi, iginalaw ang ulo, at tiningnan ito. Nagtama ang mga mata nila. Mayamaya nakita niya na may namuong luha sa mga mata nito. Luha na tumulo sa magkabilang pisngi nito. Kumunot ang noo niya. Mabilis naman nitong ipiniksi ang ulo at pinunasan ng mga palad ang luha sa magkabilang pisngi. Kate is his friend. Yes, he felt disgusted when she admitted she loved him even before he and Candice fell for each other. Because he felt betrayed. Yes, he met her first, but he always saw her as his junior. Also, she is the one who introduced Candice, his first love, to him. She is always a friend, nothing else. If only he didn’t give in that night . . . Now he is a bad man, and he will always be to Kately